MAAGANG gumising si Patrice at ang nanay niya. Maaga itong umalis dahil kailangan nitong asikasuhin ang mga tauhan nito dahil marami daw order ngayon na pastillas dito. Alam niyang simula iyon ng magagandang bagay sa kanilang mag-ina kaya naman sulit ang sakripisyo niya. Lagi niyang ipinapaalala sa ina na parte ito ng kurso niya para di siya nito alalahanin. Bitbit ang mug ng cereal drink ay pumunta siya sa monitoring room para i-review kung anong nangyari noong nagdaang gabi at kumuha rin ng instruction sa kung ano ang mangyayari sa buong araw na iyon. “Congratulations!” Sinalubong siya ng yakap ni Kara. “For a pilot episode, we got high ratings. Everyone is saying that you are better than that starlet. You are fresh, unassuming and very pretty. The executives of the are impressed.” I

