NASISILAW na si Patrice sa tindi ng sikat ng ilaw na nakatutok sa kanya. Nakatayo siya sa fountain sa harap ng mansion katabi ang host na si Vhon. She was wearing pink sequined V-neck gown, her long hair was put in a bun and she felt like she was wearing tons on make up n her face. “Nervous?” tanong ng guwapong host sa kanya. Matangkad ito at bakas sa maamo nitong mukha na bata pa ito. Ang alam niya ay nasa mid-twenties lang ito. Ba “Yes,” aniya at bumuga ng hangin. Mabuti na lang at in-between takes sila habang hinihintay ang mga paparating na “suitors” niya. Kapag nasobrahan siya ng kaba ay baka mag-walkout na lang siya. “Just be natural. Isipin mo na walang camera na nakatutok sa iyo.” Umaga pa lang ay nasa mansion na siya at ginagawang pamilyar ang sarili sa paligid. Sa isang man

