CHAPTER 16 Nanlaki ang aking mga mata. Mahal ko si Walter. Kahit mahal na mahal ko siya. Pero hinding- hindi ko kayang ibaba ang sarili ko ng ganoon. Ayaw kong itulad niya ako sa mga babae niya. Iba ako. I will not be this low to myself. May natitira pa rin naman akong dignidad sa sarili ko. Mahal ko si Walter. Pero sa pinapakita nito sa akin, mas pipiliin ko ang sarili ko. Umiling ako. “Excuse me po, sir. Wala na po ba kayong iuutos sa akin po?” magalang na tanong ko. I braced myself, na hindi ako umiyak sa harapan nila. “Go out,” malamig na sambit nito. Nang tumalikod na ako sa kanila ay doon na sunod- sunod na tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Sunod- sunod iyon hanggang makalabas ako ng kwarto ni Walter. I did not expect that he was this cold-hearted. How can he be

