CHAPTER 15 Muntik konng mabitawan ang hose na hawak ko. Lalo pa nung huminto sila at hinalikan ni Walter ang babae sa mga labi nito. Nasasaktan ako ng sobra sa aking nakikita. Harap- harapan na ito. Hindi lang isa, dalawa pa, Jacey. Hindi ko alam kung nakita ba nila ako. Ang isang babae ay humawak sa tiyan ni Walter, hinaplos niya iyon pababa sa p*********i nito. Kitang- kita ng dalawang mata ko kung paano niya haplusin ang pagkalal4ki ni Walter. Ang isang babae ay enjoy na enjoy sa mga halik ni Walter. Dalawang babae, ganyan ka ba katigang, Walter? Pagkatapos nun ay bumalik sila sa paglalakad at pumasok na sa loob. Pinatay ko ang hose at nagmadali akong maglakad upang sundan sila. Gusto ko pa talagang saktan ang sarili ko. Sisilipin ko pa talaga kung ano ang gagawin nila sa taas.

