CHAPTER 47 Nagising na lang ako na nasa loob na ng isang kwarto. Maaga akong umalis kanina, at ngayon ay gabi na. Ilang oras akong tulog? Kwarto naming dalawa ni Walter. Ang huling naalala ko, yakap- yakap ko ng mahigpit ang anak ko para hindi nila iyon makuha sa akin. Ngunit tinakpan nila ng panyo ang ilong ko. Iyon lang ang huli kong naaalala. Kahit ang mukha nila ay hindi ko nakita dahil may takip. Mga kidnapper ba sila? Kinuha ba nila sa akin ang anak ko? Buong buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko. I was not able to protect her. Paano ako napunta sa kwarto? Ako lang ang nandito? Nasaan ang anak ko? Napabalikwas ako ng bangon. “Ang anak ko!” wala siya doon sa crib bumaba ako ng kama. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na magawa pang magsuot ng ts

