Madison's POV;
Nandito kami ngayon sa grocery ni chloe dahil mamimili kami ng pagkain na dadalin kay angel.. Si keila ay nauna na sa bahay nila angel kaya kaming dalawa na lang ni chloe ang namimili
"Grabe ba talaga magutom ang buntis? Grabe pang isang taong pagkain ko na yata to ah!" sabi ni chloe habang binabasa ang listahan at tinutulak ang push cart
"Dragon yata dinadala nya hindi bata e.. Tapos nakakadiri pa minsan yung mini-mix nyang pagkain" sabi ko at rinig ko ang pagngisi si chloe
"Mukang pinag lilihian nga ako.. Panay ang kurot sa pisngi ko" daing nya kaya natawa ako
"Ayy nako te! Mas okay nang sayo nya ipag lihi yun wag lang dun sa ama ng bata.. Baka ipag lihi nya yun sa sama ng loob" pag bibiro ko at inabot ang biscuit tyaka inilagay sa push cart
"Kelan nya kaya balak ipaalam kay andrew.. Kailangan malaman na ng parents ni angel yun" sabi nya kaya napa buntong hininga ako
"Masyado kasing nag papadala sa bugso ng damdamin e! Ayan! Nag bunga grabe nauna pa sa kasal nila" sabi ko at napailing
"Ikaw wala ka bang balak mag asawa?" tanong nya kaya kunyari akong nasamid kaya natawa sya
"Kilabutan ka chloe! Eh ikaw wala kang balak mag asawa?" tanong ko pero mukang napasama yata ang pag tatanong ko dahil unti unting nawawala ang ngiti nya
"Kung ako tatanungin papakasalan ko talaga yun.. Kaso ang labo e.. " sabi nya at napailing
"Nakwento sa'kin ni keila na nag sinungaling ka sa kakambal mo about sainyo ni damon.. " sabi ko at napatingin naman sya sa'kin
"Paano nya nalaman?" takang tanong nya kaya napangisi ako
"Hindi mo alam? Inaya ni clyde si keila, nag date sila nung nakaraan lang" sabi ko at parang nagulat pa sya
"Parang bago sa pandinig ko yun ah.. Kahit kelan wala pa akong nabalitaan na nakipag date sya at sya pa talaga ang umaya" hindi makapaniwalang sabi nya kaya napangiti ako
"Nakakainggit nga e! Ang gwapo gwapo kaya ng kakambal mo" sabi ko at parang nandiri pa sya kuno
"Yun gwapo? Asa! Hahaha.. Mukang shokoy nga lang yun sa paningin ko e" natatawang sabi nya kaya mahina ko syang pinalo
"Gaga! Ilang taon mo na kasi nakakasama si clyde kaya ganyan ang tingin mo.. Paano naman kami? Jusko napaka cute pang ngingiti ng kakambal mo, malayong malayo sayo. Ikaw kasi parang walang pakialam sa mundo" pag bibiro ko kaya napangisi sya "Teka teka! Lumalayo ang usapan bakit ka nga ba nag sinungaling sa kakambal mo?" tanong ko kaya napabuga sya ng hangin at inabot ang prutas at nilagay sa cart
"Ayokong masira ang pangalan ni damon sa pamilya ko.." sabi nya at ramdam ang lungkot sa boses nya
"Paano kapag nalaman nila yung totoong pag trato sayo ni damon?"
"Sobrang magagalit sila.. Lalo na si daddy at clyde"
"Hindi ko sinasabing sumuko ka.. Pero chloe hindi na tama yung pag trato nya sayo.. Napaka layo na ng ugali nya noon" sabi ko at napangisi sya
"Kasalanan ko rin naman yun.. Siguro tiis tiis na lang talaga, malay mo sinusubukan lang nya ako" sabi nya at tinignan ako "Hindi kasi ako yung tipo na madaling sumuko.. " sabi nya at kinindatan ako tyaka sya naunang mag lakad
"So sinasabi mong madali akong sumuko ganon?" sarkastikong tanong ko at rinig ko ang pag tawa nya
"Wala akong sinasabi.. Ikaw lang nag sasabi nyan" sabi nya kaya napasinghal ako
"Sinong hindi mapapasuko sa ginawa nya ha?" singhal ko at nginisihan nya ako
"Bakit alam mo na ba ang puno't dulo sa nangyari na yon?" tanong nya at tinaasan ako ng kilay kaya napatigil ako
'Oo nga no.. Pero che! Pisting yawa to'
"Kaibigan ba talaga kita? Mygodd! You're getting in to my nerves!" maarteng sabi ko at natawa sya
"Suss.. Bakit hindi mo na ba mahal?" tanong nya kaya nginiwian ko sya
"Kaloka! chloe anong dextrose mo sa ospital kape? Kaloka kilabutan ka nga" singhal ko pero ngunisihan nya ako
"Oo o hindi lang isasagot mo ang dami mo pang sinasabi.. " sabi nya at nilagpasan na naman ako kaya inis na lang akong sumunod
Halos maikot na namin ang buong grocery sa dami ng pinamili namin.. Si angel lahat ang nag lista ng bibilhin namin kaya ganito kadami.. Masyado na daw kasi syang nag ke-crave sa kung ano ano kaya kami na ni chloe ang nag prisintang bumili. Nabayaran na namin ang mga pinamili at agad na dumeretsyo sa parking lot pero bago pa kami tuluyang makarating sa sasakyan na dala ni chloe ay nakasalubong namin ang ayoko talagang makikita
"Madison.. " usal ni zeke at akmang lalapit sa'kin kaya pumunta ako sa likod ni chloe "Madison kausapin mo naman ako.. " ramdam ko sa boses nya ang lungkot
"Tara na dre.. Ayaw ka naman kausap nag pupumilit kapa" rinig kong usal ni damon kaya napairap ako sa kawalan
'Epal talaga kahit kelan tsk!'
"Zeke wag muna siguro ngayon.." rinig kong sabi ni chloe
"Mads mag iintay ako.." sabi naman ni zeke kaya napa kapit ako sa damit ni chloe
"Let's go.. " bulong sa'kin ni chloe kaya nag lakad na kami palayo
Napasulyap ako kay zeke na hinahabol kami ng tingin at halata sa mata nya ang lungkot habang si damon naman ay nag patuloy na sa pag lalakad at iniwan si zeke.
"Bakit ba kasi hindi kayo mag usap ng maayos.. " sabi ni chloe habang inilalagay ang pinamili sa likod ng sasakyan
"Paulit ulit lang din naman yung pinag uusapan namin.. Mas mabuti na lang sigurong umiwas ako kesa may masabi pa akong masama" sabi ko at nauna nang pumasok sa loob at maya maya lang ay sumunod na din si chloe
"Kanino nga pala tong sasakyan na'to? Bago sa paningin ko" tanong ko habang nasa daan ang tingin
"Kay clyde to hineram ko lang.. " usal nya habang nasa daan din ang tingin
"Asan yung sasakyan mo?" tanong ko
"Sira na.. Pinaulanan ba naman ng bala e" matawa tawang sabi nya
"Grabe ang tibay mo.. Kung ano yun baka natrauma na ako" iiling iling na sabi ko "May kinatatakutan kapa ba?" matawa tawang tanong ko at tumingin sakanya pero nakita ang unti unting pag kawala ng ngiti nya
"Hindi ako takot mamatay.." usal nya at bumuntong hininga "Mas takot akong mawala ang mga mahal ko sa buhay.. " sabi nya kaya napatingin ako sa bintana at nakaramdam ng awa
"Matanong kita.. Bakit mo nagagawang ngumiti kahit masakit na?" tanong ko at ramdam ko ang pag sulyap nya sa'kin pero hindi ako tumingin
Ilang minuto pa syang natahimik hanggang sa narinig ko ang pag buntong hininga nya
"Mas madaling ngumiti kesa mag paliwanag kung gaano kasakit.." mahinang sabi nya at biglang ngumisi "Wag na nga natin pag usapan yun" dagdag pa nya
Ilang minuto lang ay nakarating na din kami agad sa bahay nila angel at agad na pumasok.. Wala ang parents ni angel dahil may trabaho kaya nag day off si angel para makapag pahinga
"Ang tagal nyo naman!" sabi ni angel kaya tumaas ang kilay ko
"Nakakaloka ka naman! Ikaw kaya paikutin ko sa buong grocery para bilhin yang listahan mo!" singhal ko at inirapan nya ako, mag sasalita pa sana ako nang pigilan na lang ako nila chloe
"Wag mo ng patulan.. Hayaan mo na buntis e" bulong sa'kin ni keila
'Pag uuntugin ko pa sila ni andrew e!'
"Kelan mo balak ipaalam sa family mo ang tungkol jan?" agad na tanong ni chloe nang makaupo kami sa sala
"Hindi pa nga alam ni andrew e.. " sabi ni angel sabay kain
"E kelan mo nga balak ipaalam kay andrew? Hindi pwedeng patagalin yan baka mamaya manganganak kana tyaka mo ipapaalam" sabi ko at nakita kong napa simangot sya
"Paano kung hindi nya ako panindigan?" malungkot na tanong nya at nagawi ang tingin namin kay chloe na pabalang na ibinagsak ang baso na hawak nya
"Subukan lang nya.. Bubugbugin ko talaga sya kapag nag kataon" seryosong sabi ni chloe "Ipaalam mo agad sakanya yan para malaman na nang magulang mo.." dagdag pa ni chloe
"Hayss.. Hindi ko na nga sinasagot ang message at tawag nya simula nung nakumprima kong buntis ako" sabi ni angel habang pinag papatuloy ang pag kain nya
"Mas mahihirapan ka kapag tinago mo pa.. Bago ka mag pa ultrasound kailangan alam na ni andrew.. " sabi naman ni keila
"Promise.. Next week sasabihin ko na kay andrew" walang ganang sagot nya habang pinag papatuloy ang pag kain nya
'Nakakabaliw tong babaeng to!'
Nag tagal kami don ng ilang oras pa dahil kailangan ni angel na may kasama.. Sa kilos at pag uugali pa lang nya ay mahahalata mo talagang buntis sya, at ang loka loka na yan ay mas sumungit at umarte.. Hindi pa namin alam kung ilang araw o linggo na ang nasa sinapupunan nya dahil hindi pa sya nakakapag pacheck up o ultrasound man lang.. Nasa kalagitnaan kami ng pag kukwentuhan nang may biglang nag ring
*Cringggg!! Cringgg!! *
"Chloe tumutunog yata yung phone mo.. " sabi ni keila kaya tinignan nya ang phone nya at tumingin samin
"Hindi sa'kin yun.. " sabi nya kaya pare parehas kaming nag labas ng phone at nag taka ako kung bakit may tumatawag sa'kin na ibang no.
"Sa'kin yung nag ri-ring.. Pero number lang yung nakalagay.. " sabi ko at agad na sinagot ang tawag
"Hel--" hindi ko na natapos anf sasabihin ko nang may marinig akong malakas na tugtog at hiyawan ng tao
"Hello madison!" isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya napatingin ako kay keila
"Anong problema mo?" tanong ko at rinig ko ang pag uuntig untog ng bote at mukang nasa bar sya
"Pwede bang pumunta ka dito sa bar!" sabi ni lucas kaya ni loud speak ko ang phone para marinig nila
"Ano bang kailangan mo at ako pa talaga ang tinawagan mo?" mataray kong tanong at rinig sa kabilang linya ang isang napaka pamilyar na boses at halatang lasing na
"Si zeke ayaw paawat, hindi daw sya aalis dito hanggat hindi ka pumupunta!" sabi ni lucas at parang nagulat pa si keila ng marinig ang boses nya
"Si lucas?" mahinang tanong ni keila kaya tumango ako
"Edi wag syang umalis! Hindi ko na problema yun" singhal ko at rinig ko ang pag buntong hininga nya
"Please mads.. Kahit ngayon lang, lasing na din kasi sila damon kaya hindi ko alam kung sino ang uunahin ko.. " pag mamakaawa ni lucas at humihina na ang ingay sa kabilang linya, napatingin ako kay chloe na tumayo at kinuha ang susi tyaka nya inagaw ang phone sa'kin
"Papunta na kami! Saang bar yan?" tanong ni chloe
"Sax night club.." sabi ni lucas, pag ka rinig ni chloe non ay agad nyang pinatay ang tawag at inabot sa'kin
"Mga bugok talaga.. Ang dami daming pupuntahan sa sax night club pa!" singhal ni chloe at tinungga ng deretsyo ang iniinom nya
"Bakit anong meron sa club na yun?" inosenteng tanong ni angel kaya napasulyap sakanya si chloe
"Wala.. Maingay lang dun, tara na mads baka nilalapa na ng pirana yung mga yun" sabi ni chloe at nauna nang mag lakad palabas kaya kinuha ko ang bag ko tyaka sumunod
"Babalik paba kayo?" sigaw ni keila
"Oo babalik kami!" sigaw ko pabalik at sumakay na sa sasakyan ni chloe tyaka yun pinaandar
"Anong sinasabi mong pirana?" tanong ko at napangisi sya
"Baka ma-stress yung buntis kapag sinabi kong puro babae'ng kinulang sa saplot ang nandoon" sabi ni chloe kaya pasimple akong umiwas ng tingin at nanlaki ang mata
'Humanda ka sa'kin Zeke! Maabutan lang talaga kita!'
Ilang minuto lang ang naging byahe namin dahil halatang binilisan talaga ni chloe ang pag papatakbo ng sasakyan.. Bumaba kami sa tapat ng isang club at pag pasok pa lang namin ay sumalubong na ang iba't ibang amoy ng alak at sigarilyo, nakita ko pang nag takip ng ilong si chloe kaya ginaya ko na lang din. Sa hindi kalayuan naaninag ko si lucas na prenteng nakaupo habang nakatingin sa phone nya
"Ayun sila.. Tara!" aya ni chloe at medyo pasigaw yun dahil sa ingay ng tugtog
"Lucas!" tawag ni chloe at nabaling ang atensyon nya sa'min
"Chloe?" parang gulat na tanong ni lucas
Napatingin namab ako agad kay zeke na nakasandal na sa sofa at halatang lango'ng lango sa alak dahil namumula na ang muka at tenga nya, si andrew at damon naman at patuloy sa pag iinom kahit mukang lasing na rin sila
"Bakit pinabayaan mong mag paka lasing yang mga yan?!" inis na tanong ko kay lucas
"Nasa trabaho ako kanina, tinawagan lang nila ako nung lasing na sila! Halos kakarating ko lang din!" malakas na sabi ni lucas pero naagaw ng pansin ko si chloe na lumapit kay damon at inagaw ang bote na dapat iinumin nya
"Ano ba?!" sigaw ni damon at pipikit pikit na tumingin kay chloe, agad na nag salubong ang kilay nya
"Iuuwi na kita! Bakit ba nag papakalasing ka" mahinahon na sabi ni chloe pero tumayo si damon kaya medyo napatingala sya
"Ano bang pakialam mo?! Tyaka bakit kaba nandito, hindi naman ikaw yung tinawagan ko ah!" sigaw ni damon, nakita kong napabuntong hininga si chloe at akmang aakayin si damon pero pabalang nyang inagaw ang kamay nya kay chloe
"Iuuwi na kita! Lasing kana!" sigaw ni chloe
"Hindi mo ako kailangan ihatid sa bahay ko! Dahil hindi ikaw ang kailangan kong mag hatid sa'kin!" sigaw ni damon at sa pag kakataon na yun ay tinulak nya si chloe at medyo napa atras ito kaya ramdam ko ang pag pipigil nya
"Kailangan mo nang umuwi.. " parang nauubusan na ng pasensyang usal ni chloe pero nginisihan lang sya ni damon
"Bakit sino ka ba?" sarkastikong tanong ni damon at akmang lalapit kay chloe nang pigilan sya ni lucas
"Dre tama na.. Umupo kana jan" sabi ni lucas at agad na pina upo si damon
Napasulyap ako kay chloe at sinenyasan nya akong lumapit kay zeke kaya wala na akong nagawa. Hahawakan ko pa lang ang braso nya nang biglang dumilat ang mapungay nyang mata
"M--madison.. " halos mamaos na usal nya kaya inis ko syang pinalo sa braso "Aray!" daing nya
"Ang lakas ng loob mong pumunta sa club na'to! Bakit dahil maraming babae dito! Tsk! Manigas ka! " sigaw ko at akmang tatalikod nang hawakan nya ang kamay ko kahit na nakaupo sya kaya napasulyap ako sakanya na parang hinang hina
"Don't go.." usal nya habang pipikit pikit ang mata nya, agad syang tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Naamoy ko ang alak sa katawan nya at akmang kakalas sa pag kakayakap nya nang mas higpitan nya
"Bitawan mo nga ako!" singhal ko at naramdaman ko ang pag baon nya ng muka nya sa leeg ko
"Don't go please.. I'm begging you"bulong nya at sa pag kakataon na yun ay naramdaman kong nabasa ang leeg ko kaya napapikit ako dahil sa namuong luha sa mata ko
Medyo madilim ang paligid at ang tanging disco lights ang nag sisilbing ilaw sa buong club pero hindi ko na yun inintindi dahil mas lumakas ang hikbi ni zeke
"Bunny please come back to me.. Hindi ko na kaya please.. " pag mamakaawa nya kaya tumulo ang luha ko pero agad ko din yong pinunasan at pinilit na iniharap si zeke
"Let's go.. Iuuwi na kita sainyo, baka nag aalala na sila tita" sabi ko at ako na ang nag punas ng luha sa pisngi nya
"Mad--" hindi ko na sya pinatapos dahil hinampas ko ulit ang braso nya "Aray naman!" daing nya
"Akin na yang susi mo! Tigas tigas ng ulo mo! Basagin ko kaya yung bote jan sa bungo mo!" singhal ko at nasilayan ko ang simpleng ngiti sa labi nya na parang nag pasaya sa pakiramdam ko. May kinuha sya sa bulsa nya at agad na inabot sa'kin ang susi
"I miss you.." usal nya pero inirapan ko lang sya at humarap kay chloe
"Mauna na ako?" tanong ko at tumango sya pero bago pa kami makapag lakad ni zeke ay nakitang tumatakbo papalapit kay damon yung babae na veronica ata ang pangalan nun
"Damon! Omygoshh! Bakit ka nag pakalasing ng ganyan?!" gulat na tanong nya at parang hindi napansin si chloe
"Veronica!" sigaw ni damon at ngumiti, tumayo sya at agad na niyakap yung veronica kaya napasulyap ako kay chloe na dahan dahang napaalis ang tingin sakanila
"Mauna na ako mads.. Kaya mo na ba yan?" tanong nya kaya tumango ako
"Ako ng bahala dito, bumalik kana kila angel at kapag hindi ako nakabalik ikaw ng bahala mag paliwanag sakanila" sabi ko at tumango sya, mabilis syang nag lakad paalis at napasulyap pa ako kay damon na hinabol ng tingin si chloe pero ngayon ay seryoso na ang muka nya, hindi ko na sya inintindi at hinatak na si zeke palabas ng club. Hinanap ko ang sasakyan nya tyaka ko sya ipinasok sa loob, umikot ako para sumakay at pinaandar ang sasakyan
Marunong ako mag drive pero mabagal dahil hindi ako katulad ni chloe na sanay na sanay na sa daan.. Habang nasa daan ay napasulyap pa ako kay zeke na ngayon ay payapang natutulog habang naka sandal ang ulo sa binatana
'Hayst! Hindi ko dapat ginagawa to e! Ayokong maging marupok katulad ni buntis nako po!'
"B--bunny.. " rinig kong ungot ni zeke pero hindi ko sya pinansin dahil nakatutok ako sa daan
Pero halos maipreno ko na ang sasakyan nang maramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko
"Ano ba?! Ginugulat mo ako!" sigaw ko at agad na binawi ang kamay ko tyaka pinaandar ulit ang sasakyan
"Namiss ko yan.. " parang malambing na usal nya kaya kumunot ang noo ko
"Ano bang pinag sasasabi mo jan?! Matulog ka na nga lang! Payapa pa buhay ko!" inis na singhal ko at rinig ko ang pag ngisi nya
"Namiss ko yung amazona kong bunny.. " pag ka sabi nya nun ay literal na naipreno ko ang sasakyan at halos magulat ako nang makitang nauntog si zeke sa dash board
"Arghhh!!" daing nya habang nakahawak sa noo nya kaya pinaharap ko sya sa'kin
"Ikaw kasi eh! Kung ano anong sinasabi mo! Ayan nag kasugat tuloy!" singhal ko at kinuha ang panyo sa bag ko tyaka itinakip sa sugat nya sa bandang noo
"Hawakan mo itong panyo! Gagamutin ko yan pag dating natin sainyo!" sabi ko kaya hinawaka na nya yun at agad kong pinaandar ang kotse nya
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na din kami agad sa bahay nila, pinag buksan kami ng guard ng gate tyaka ko idineretsyo sa garage ang kotse nya at nauna na akong bumaba, umikot ako at saktong nakababa na sya kaya inalalayan kong makapasok sa loob. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang biglang bumukas yun at bumungad ang mommy ni zeke
"Zeke anak! Anong nangyari sayo?" pag aalala ni tita at tinulungan akong akayin si zeie hanggang sa sala tyaka namin yun pinaupo
"Sinundo ko po sya sa club tita.. Lasing na lasing po kasi, tapos nauntog pa sa dash board tang--" naitikom ko ang bibig ko dahil muntik ko nang masabi yun..
"Thank you madison.. Buti ay sinundo mo sya nag aalala na kasi ako, halos araw araw yata lasing yan at ang laging dahilan nya ikaw" sabi ni tita kaya pasimple akong tumingin ng masama kay zeke na ngayo'y tinatanggal na ang polo na soot nya
'Gunggong na'to! Ako pa dinahilan sa inang reyna mo! Babatukan kita eh!'
"Naiintindihan kita madison.. Alam kong masakit para sayo ang nangyari sainyo noon pero sana bigyan mo pa ng chance ang anak ko.. " mahinahon na sabi ni tita kaya napabuntong hininga ako
"Kailangan ko pa po sigurong mag isip isip tita.." sabi ko at tumango tango sya, hinawakan nya ang dalawang kamay ko at sabay pa kaming napalingon kay zeke na naka tanggal na ang polo nya at ang tanging manipis na white tshirt ang nasa pang itaas nya. Nakahiga na sya sa sofa at parang tulog na yata
"Simula nung nag break kayo.. Hindi na sya yung palangiti at pala biro.. Siguro ay malaking epekto ka nga talaga para sakanya, at sana kung may natitira ka pang pag mamahal sa anak ko.. Wag kang mag dalawang isip na balikan sya dahil alam ko at alam mo na mahal ka rin nya.." sabi nya tita at sinikap kong ngumiti ng pilit dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko
Tinulungan na nila akong dalin s kwarto si zeke at dinalan na din ng first aid kit para magamot ko ang sugat ni zeke sa noo nya dahil sa pag kakauntog nya sa dash board
'Tsk! Tatanga tanga kasi!'
Sinimulan kong gamutin ang sugat nya habang tulog sya.. Paminsan minsan ay nakikita kong napapabaling sya dahil siguro sa hapdi ng sugat nya.. Natapos ko syang gamutin kaya kumuha ako ng bagong damit nya. Pag balik ko ay nakita kong naka topless na sya kaya napaiwas ako ng tingin at kunwaring pinapaypayan ang sarili
"Ano ba naman to.. Bakit ba ang init sa kwarto ng unggoy nato.. " bulong ko sa sarili ko at napailing na lang na lumapit sakanya
Pinunasan ko muna ang katawan nya, paminsan minsan ay napapatigil ako sa pag pupunas dahil nahihinto sa umbok umbok na abs nya, pero nabalik ako sa wisyo nang bigla nyang hawakan ang kamay ko kaya nagulat ako
"Ay! Pandesal!" gulat na sigaw ko kaya napangisi sya "Siraulo ka ah! Papatayin mo ba ako sa gulat?" inis na tanong ko at binawi ang kamay kong hinawakan nya
"Pinag papantasyahan mo na naman ang abs ko.. " mapang asar na sabi nya kaya inirapan ko sya
"Sino may sabi sayo? Tsk! Kapal ng muka.. " sabi ko at rinig ko ang pag ngisi nya
"Eh! Bakit nung nagulat ka dinamay mo pa pati yung pandesal?" mapanuksong tanong nya kaya tinaasan ko sya ng kilay
"Bakit anong akala mo yang abs mo ang pandesal?! Kapal mo naman!" singhal ko kaya tatawa tawa syang umupo at tinitigan ako kaya napaiwas ako ng tingin
"Bakit hindi ka makatingin?" pang aasar nya kaya inis akong tumingin sakanya pero agad nya akong ninakawan ng halik kaya nanlaki ang mata ko at pinalo ang braso nya "Aray! Nakakailan kana ah!' singhal nya pero hahampasan ko pa ulit sana sya nang masapo nya ang kamay ko at mabilis na itulak papahiga sa kama kaya nanlaki ang mata ko
"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko pero ngumisi sya
"Paano kung ayaw ko may magagawa ka ba?" ngising tanong nya
"Meron!" sigaw ko pero nginisihan nya lang ako kaya huminga ako ng malalim "Waaaahhh!!! r**e! Ni re-r**e mo ako tulong!! Tita!" sigaw ko at agad na nanlaki ang mata nya
"Huy! Anong r**e? Nababaliw kana ba?" gulat na tanong nya kaya ako naman ang ngumisi
"Kung hindi r**e to anong tawag mo dito harassment?" sarkastikong tanong ko at ngumisi naman sya
"Hindi.. Early honeymoon.." sabi nya kaya nanlaki ulit ang mata ko at akmang sisigaw ulit nang takpan nya ang bibig ko kaya pilit akong kumakawala "Isa pang sigaw mo.. May anak na tayo bukas" sabi nya at dahab dahang tinanggal ang kamay nya sa bibig ko
Nasa ibabaw ko sya kaya hindi ko mapigilang kabahan sa kung anong pwedeng gawin nya kaya naman mabilis akong sumigaw
"Titaaaa!!" sigaw ko at nanlaki na naman ang mata ni zeke pero sa pag kakataon na yun ay bigla nang bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin ni zeke doon at halos manlaki ang mata nya nang makita kami
"Omygoshh anak I'm sorry!" gulat na sabi ni tita kaya mabilis na umalis sa ibabaw ko si zeke at agad kaming umupo
"Mali po kayo nang iniisip tita!" mabilis na sabi ko pero umiling lang sya
"Wag ka mag alala madison napag daanan ko na rin yan.. Sige na maiwan ko na kayo.. Sa susunod kasi mag lo-lock kayo nang hindi ako nabibigla" sabi ni tita kaya napasapul ako sa noo ko
'Mag nanay nga sila grabe.. '
"Enjoy.. Mag luluto lang ako ng dinner na'tin.. Dito kana kumain madison ha!" sabi ni tita at agad na sinara ang pinto kahit na hindi pa ako nakakapag salita
Napabuga ako ng hangin at sarkastikong napangisi, tumingin ako nang masama kay zeke pero parang baliwala lang sakanya.. Pero nabigla ako nang ilapit nya ang muka nya sa muka ko
"A--ano na naman gagawin mo?" inis na singhal ko kaya ngumisi sya at agad na lumayo, itinaas pa nya ang kinuha nyang damit sa likod ko
"Giniginaw na ako.. Masyado kang nag eexpect na hahalikan kita" sabi nya kaya tumaas ang kilay ko
"Ang kapal mo! Nag eexpect.. Manyak ka lang talaga!" sabi ko at mabilis syang tumingin sa'kin
"Ako manyak?" sarkastikong tanong nya at itinuturo pa ang sarili
"Bakit? May iba pa bang zeke dito?" sarkastikong tanong ko din
"Nag papamanyak ka naman.. " sabi nya kaya nanlaki ang mata ko at hinarap nya
"Eh! Kung sakalin kaya kita?" inis na sabi ko pero imbis na asarin din nya ako ay ngumiti sya ng napaka tamis at hinawi ang buhok ko at inilit sa tenga ko kaya medyo nagulat ako sa inasta nya
"I really miss you.." sabi nya kaya natigilan ako at pinag masdan ang itchura nya "Isang katerbang alak na ang nainom ko pero kahit ganon ikaw pa rin yung hinahanap hanap ko.." sabi nya at kita ko ang lungkot sa mga mata nya
"Zek--" hindi ako nakapag salita nang harangin nya ang hintuturo nya sa labi ko
"Shshsh.. Pakinggan mo muna ako" sabi nya kaya natahimik ako "Next month mag iisang taon na simula nung nakilag break ako.. Hindi ko man maipaliwag sayo ng malinaw ang dahil pero sana maintindihan mo.. Yung sa picture na natanggap mo hindi na kita pipiliting maniwala sa'kin, pero wala talagang nangyari nung gabing yun at alam na alam ko yun.. Hindi ko kayang gawin sayo yun mads, kahit kelan hindi pumasok sa isip ko yun, alam kong hindi sapat ang salitang mahal kita para mapatunayan sayo kung gaano kita mahal.." sabi nya at nakita ko na naman ang pamumuo ng luha nya kaya umiwas na ako ng tingin pero agad nyang hinawakan ang kamay ko
"Zeke please.." usal ko at mas humigpit ang pag kakahawak nya sa kamay ko
"I'm really really sorry.. Hindi na kita pipilitin na bumalik sa'kin.. " pag ka sabi nya nun ay mabilis akong napatingin kay zeke na tumulo na ang luha kaya namuo na din ang luha sa mga mata ko "Pero hindi ibig sabihin non susuko na ako.. Tama siguro yung sinabi ni mommy.. Na hayaan muna kitang makapag isip isip dahil nasaktan kita at hindi ganun kadaling mag patawad.. Katulad ng sinabi ko.. Mag iintay ako... Mag iintay ako hanggang sa bumalik ka sa'kin" pag ka sabi nya nun ay agad na tumulo ang luha ko at hindi ko alam ang kailangan kong sabihin o gawin kaya tanging luha ko lang ang nararamdaman ko na tumutulo..
'Bakit parang ang gulo.. Ang g**o g**o'