CHAPTER 12: Double Date

3286 Words
Keila's POV; "Sabado ngayon.. Diba dapat nag papahinga ka na lang sainyo" sabi ni bea nang makaupo ako "Wala akong gagawin sa bahay.. Mag iisip lang ako ng kung ano ano don" sabi ko at umupo naman sya sa tabi ko "Hayy nako keila.. Hanggang kelan kaba magiging ganyan?" tanong nya at uminom ng kape kaya napa busangot na lang ako "Bakit hindi mo i-try humanap ng iba?" dagdag pa nya kaya napa tingin ako sakanya "Ayoko non.. Baka ako pa makasakit" sabi ko kaya napailing sya "Eh! Anong gusto mong mangyari? Babalikan mo yung ugok mong ex?" sarkastikong tanong nya kaya napairap na lang ako "Hay nako bea! Ang dami mong sinasabi" sabi ko at tumayo dahil narinig ko ang pinto na bumukas "Goodmorning sir ano pong order nyo?" tanong ko sabay tingin sa costumer at medyo nagulat pa ako nang makita sya "Clyde right?" paniniguro ko kaya ngumiti sya at tumango "Keila right?" tanong nya kaya ngumiti din ako at tumango "Ah.. Kunin ko na yung order mo" sabi ko kaya tumingala sya para makita ang menu "Isang dripp coffee.." sabi nya at bumalik ang tingin sa'kin "Anong size?" "Grande.. "sabi habang nakangiti pa rin kaya pasimple akong kumagat ng labi dahil hindi ko maikakaila na napaka gwapo nya "250pesos.. " sabi ko at inabot nya sa'kin ang 500 "Keep the change.." sabi nya kaya tumango tango ako tyaka sya nag hanap ng mauupuan at agad na umupo Pinag masdan ko pa ang muka nya at dahil kambal nga sya ni chloe ay hindi nag lalayo ang itchura nila.. Dahan dahan akong tumalikod para gawin ang coffee nya at hindi ko maiwasang mapangiti habang ginagawa yun "Uyy girl.. Baka naman sumagad sa tamis yan at mag ka diabetes ang gwapo mong costumer.." napa tingin ako kay bea na nakatingin sa'kin at halatang nang aasar sya "Anong bang sinasabi mo jan.. " sabi ko at pilit na tinatago ang ngiti "Asuss.. Pahumble ang ate mo! Aminin mo.. Type mo yun no? Tsk! Hindi malabo, jusko napaka gwapo ng nilalang na yun at mukang mabait pa" ani mo'y kinikilig na sabi ni bea kaya hindi ko na napigilang mapangiti ng sobra "Type? E kakambal yun ng kaibigan ko ano bang pinag sasabi mo jan.. " sabi ko at tinakpan na ang kape ni clyde pero kiniliti pa ako kuno ni bea "Ayun naman pala e! Chance mo na yan malay mo sya talaga ang.. One true love mo" sabi nya kaya hindi ko napigilang mapatawa "Masyadong malawak ang imagination mo hahaha.. Kakapanood mo ng mga fairytale yan" sabi ko at kinuha na ang coffee para iserve kay clyde "Chuserang to!" rinig ko pang sabi ni bea kaya napailing na lang ako Nag lakad ako papunta sa pwesto ni clyde at agad na inilapag ang coffee na inorder nya kaya napatingin sya sa'kin at agad na ngumiti "Thank you.. " sabi nya kaya hindi ko na napigilan ang ngiti ko "Welcome hihi.. " sabi ko at agad na ininom nya ang kape at tumango tango pa sya "Anong lasa?" tanong ko at sumulyap sya sa'kin "Hmm.. Masarap, ikaw gumawa? " tanong nya kaya tumango ako at tumango na lang din sya Babalik na sana ako nang maaninag ko si bea na umiiling iling at sumesenyas na umupo ako sa harap ni clyde kaya napasulyap ako kay clyde na iniinom na ang kape kaya huminga ako ng malalim at agad na umupo sa harap ni clyde "Ahmm.. K--kelan madi-discharge sa ospital si chloe?" tanong ko at napakagat sa pang ibabang labi "Sabi ng doctor sa'kin pwede na daw iuwi bukas si chloe.. Pero kilala mo naman siguro ang kapatid ko.. Makulit kaya ang gusto nya sunduin ko na sya mamaya" sabi nya kaya tumango tango ako May namuong katahimikan sa pagitan namin kaya naramdaman ko na agad ang awkward na pakiramdam kaya tatayo na sana ako nang mag salita sya "Free kaba ngayon?" tanong nya kaya gulat akong napatingin sakanya "H--ha?" gulat kong tanong pero agad din akong naka recover "A--ahh oo.. Wala naman masyadong costumer, bakit mo natanong?" tanong ko kaya ngumiti sya 'Kung nakakamatay lang ang ngiti kanina pa ako dedo dito!' "Ahm.. Aayain sana kitang kumain sa labas or manood ng cine" sabi nya kaya wala ako sa sarili napa kurot sa kamay para mapigilan ang matinding kilig na nararamdaman ko "If okay lang sayo.. " dagdag pa nya kaya ngumiti ako "S--sure.. Ngayon naba?" tanong ko at bago sya sumagot ay uminom pa muna sya ng kape "Kung wala ka ng gagawin.. Then let's go" sabi nya kaya tumango ako at tumayo "Kunin ko lang yung bag ko.. " sabi ko kaya tumango sya Mabilis akong nag lakad papunta kay bea at bago pa sya makapag tanong ay agad ko syang hinila papasok sa kwarto at doon ko pinakawalan ang matinding kilig na kanina ko pa tinitiis "Omygosh! Tignan mo nag papakipot kapa kinikilig ka naman" sabi ni bea at parang natatawa pa kaya huminga ako ng malalim at humarap kay bea "I need to go.. " usal ko habang may malaking ngiti "Omo! Wag mong sabihing.. " usal nya kaya tumango tango ako "Inaya nya akong kumain sa labas or cinr daw!" kilig na sabi ko at napa takip ng bibig si bea kaya humarap ako sa salamin at inayos ang sarili ko "Balitaan mo ako mamaya ah! Yieee!! Kinikilig ako para sayo" sabi nya at parehas kaming natatawa sa pinag sasasabi namin. Kinuha ko ang bag ko at tumingin kay bea "Okay lang ba sayong umalis ako?" tanong ko at tumango sya "Ano kaba wala naman masyadong costumer wag ka mag alala.. Mag enjoy lang kayo sa date nyo" sabi nya at sabay kaming napa bungisngis Lumabas na ako at naabutan kong nag aantay si clyde kaya pinag masdan ko sya, naka paloob ang dalawang kamay nya sa bulsa nya habang naka tingin ng malayo kaya naman dahan dahan akong lumapit sakanya "Let's go?" sabi ko at napa tingin sya sa'kin "Let's go.. " sabi nya at pinag buksan ako ng pinto pero bago pa ako makalabas ay sumulyap pa muna ako kay bea na kilig na kilig Pag labas namin ay agad kaming pumunta sa kotse nya.. At katulad nga ng inaasahan ko ay pinag buksan nya pa ako ng pinto at agad na umikot, pinaandar na nya ang sasakyan papunta sa kung saan "Kelan nyo pa nalaman yung about sa family namin?" tanong ni clyde habang nasa daan pa rin ang tingin kaya inisip ko kung kelan nga ba namin nalaman yun.. "Ahm.. Senior high pa ata kami nun nung sinabi samin ni chloe yun" sabi ko "Hindi ba kayo natakot?" tanong nya pero umiling ako "Nung una nagulat kami pero hindi naman kami natakot.. Actually naawa pa kami nun kay chloe" sabi ko at rinig ko ang pag buntong hininga nya "Grabeng hirap na pala yung pinag daanan nya.. " dagdag ko pa "Naaawa na rin ako sakanya.. Pero wala akong magawa" usal nya at ramdam ko ang lungkot sa boses nya "Sa tuwing mag tatanong kami kung okay lang sya ang lagi nyang sinasagot 'Oo'kahit hindi naman talaga" dagdag pa nya kaya hindi ko naiwasang malungkot para kay chloe "Ganyan lang din yung laging sinasagot nya sa'min tapos sasabayan nya ng ngiti.. Hayss" usal ko at napasandal na lang "Kamusta nga pala sila ni damon? Sabi nya sa'kin okay naman daw sila.. Pero bakit hindi pa rin sila nag kakabalikan?" tanong nya kaya nagulat ako sa sinabi nya 'Bakit nag sinungaling si chloe kay clyde?' "A--ahh.. H--hindi ko alam e.. P--pero okay naman sila" pag sisinungaling ko at tumingin na lang sa bintana "Wag lang nyang sasaktan si chloe ayos na'ko don.. " sabi nya kaya parang naguilty ako sa pag sisinungaling ko pero alam kong wala ako sa posisyon para mag sabi non Maya maya pa ay nakarating kami sa mall kaya naman pag park ni clyde ay agad kaming pumasok sa loob.. Napag usapan naming kakain muna kami at manonood ng cine.. Pero sa kalagitnaan ng pag lalakad namin ay hindi ko inaasahan na makikita ko sila.. 'Lucas.. ' "What's wrong?" tanong ni clyde kaya napa sulyap ako sakanya "P--pwede bang sa ibang mall na lang tayo?" tanong ko at agad naman syang nag taka "Why? May problema ba?" tanong nya pero hindi ako sumagot at tumingin sa gawi nila lucas, laking gulat ko nang makitang nakatingin na sya sa gawi ko at nag lakad papunta sa dereksyon ko kaya agad akong napatingin kay clyde "Nandito yung ex ko.. " mahinang usal ko at kumunot naman ang noo nya "Nasaa--" hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang makarating agad si lucas "Keila.. " usal ni lucas kaya napapikit muna ako bago lumingon sakanya "Aalis na kami.. Enjoy" sabi ko at hinawakan ang kamay ni clyde at akmang hahatakin nang marinig kong mag salita si athena "Clyde?" usal ni athena kaya nag tataka akong lumingon sakanya "Athena?" sabi ni clyde kaya nag palipat lipat ang tingin ko sakanilang dalawa "It's been awhile.." sabi ni athena at humawak sa braso ni lucas kaya napaiwas ako ng tingin "Ahh.. Keila si athena batch mate ko sa US.. Athena si keila" sabi ni clyde kaya napapikit ako saglit at tumingin sakanila "Kilala ko sya.. " sabi ko kay clyde at kumunot ang noo nya "Ahm.. Girlfriend mo clyde?" tanong ni athena at medyo nabigla pa ako don "Ahh no.. Kaibigan sya ng kapatid ko" sabi ni clyde at napatingin ako kay lucas na seryosong nakatingin sa'kin kaya iniwas ko ang tingin ko "Kung hindi kayo.. Bakit mag kahawak kayo ng kamay?" tanong ni athena at doon ko lang naalala na nakahawak pala ako sa kamay nya kaya agad ko yong binitawan "Oww i forgot.. Clyde si lucas, lucas si clyde" sabi nya kaya pasimple akong napa iling "Ikaw yung kaibigan ni damon diba?" tanong ni clyde "Yea.." tipid na sabi nya at tumingin ulit sa'kin "So.. Saan kayo papunta nyan?" tanong ni athena "Sa restau. pag tapos mag si-cine kami" sagot ni clyde "Ahh.. Ano kaya kung mag sama sama tayo? Double date?" tanong nya kaya gulat akong napatingin sakanya "It's okay for me.. Hindi ko lang alam sakanila" sabi ni clyde kaya sumulyap ako sakanya at ngumiti ng peke 'Pahamak din pala tong isang to.. ' "A--ahh.. Sige" sabi ko na lang at tumango na lang sila Hinatak na ni athena si lucas at nauna na silang mag lakad kaya inis akong lumingon kay clyde na chill lang na nakapaloob ang kamay sa bulsa "Bakit ka pumayag? Ex ko yung kasama ni athena.. " mahinang sabi ko at napangisi sya "I know.. " sabi nya kaya kumunot ang noo ko pero agad syang ngumiti at kinindatan ako "Akong bahala sayo.. Trust me" dagdag pa nya at naunang mag lakad kaya napasapul na lang ako sa noo ko Nang makarating kami sa restau ay sila na ang nag order at ano pa nga bang aasahan ko kundi ang napaka awkward na pakiramdam.. "Bakit nga pala kayo mag kasama?" tanong ni athena "Hmm.. Galing ako sa coffee shop nakita ko sya and inaya ko syang lumabas" deretsyong sabi ni clyde "Parang ngayon ko lang nabalitaan na ikaw na ang nag fi-first move sa girl" sabi pa ni athena kaya napatingin sa'kin si clyde "Wala naman sigurong masama dun diba? Wala ka namang boyfriend right?" tanong ni clyde kaya nabigla ako Dahan dahan pa akong napasulyap kay lucas na napaka seryoso ng tingin sa'kin at parang inaantay ang sagot ko kaya iniwas ko ang tingin ko at tumingin kay clyde "Ahmm.. Yeah.. " sabi ko at ngumiti "That's good.. Bagay kayong dalawa" usal ni athena at ngumiti sya sa'kin kaya nginitian ko sya ng pilit "Kayong dalawa?" tanong ni clyde at napatingin ako kay lucas na uminom ng tubig at tumingin sa'kin ng seryoso "She's not my girlfriend.." usal ni lucas kaya napa sulyap ako kay athena na napaiwas ng tingin at ngumiti na lang ng pilit Dumating na ang order namin at nag simula nang kumain.. Pero medyo nahirapan ako sa pag hiwa ng meet "Let me help you.." pag prisinta ni clyde at sya ang nag hiwa ng meet Pasimple akong napasulyap kay lucas na inis na umiwas sa ginagawa ni clyde at makikitang inis syang ngumunguya 'Hahaha! Seloso..' "Thank you.. " ngiting sabi ko kay clyde at agad na kumain Napasulyap naman ako kay athena na hawak hawak ang tinidor na may kung anong meet na nakatusok dun "Lucas.. Try this" sabi ni athena at isinubo kay lucas "Masarap?" tanong nya at tumango si lucas kaya inis akong pinag patuloy ang pag kain ko At napansin kong bumubungisngis si clyde kaya kinalabit ko sya pero nginitian nya ako na para bang nang aasar.. Lumapit sya sa tenga ko at bumulong "Jealous.." bulong nya kinunutan ko sya ng noo "Hindi kaya.. " mahinang usal ko at napangiti na lang sya kaya napailing ako Napasulyap pa ako kay lucas na nakatitig na naman sa'kin pero umiwas na lang ako ng tingin at pinag patuloy ang pag kain ko hanggang sa matapos kami. Napag desisyunan na naming duneretsyo sa cine at pinili talaga nila ang heart breaking movie kaya wala na akong nagawa.. Medyo nailang pa ako dahil pinagitnaan ako ni lucas at clyde pero hindi ko na lang yun inintindi at tumutok sa panonood "Ayos ka lang?" tanong ni clyde kaya napatingin ako sakanya "Medyo malamig lang.. " usal ko kaya agad nyang tinanggal ang coat na soot nya at isinoot sa'kin "Baka ikaw naman yung lamigin.. " sabi ko pero umiling sya "Mas kailangan mo yan.. Okay lang ako" sabi nya kaya nginitian ko sya at nanood ulit pero naagaw ng pansin ko si lucas na nag tanggal ng jacket at isinoot kay athena.. Nung una ay medyo nagulat pa sya pero nginitian nya din agad si lucas kaya napaiwas na lang ako ng tingin 'Bakit ba kailangan sa harap ko pa?' Nag patuloy lang ako sa panonood hanggang sa dumating na sa iyakan scene, naka relate ako sa movie kaya hindi ko naiwasang mapaluha kaya pasimple akong nag pahid ng luha pero naagaw ng pansin ko si clyde na nag abot ng panyo "Okay lang ako.. " sabi ko at tinanggihan ang panyo pero nagulat ako nang hawakan nya ang baba ko at agad na iniharap sakanya tyaka nya pinunasan ang luha ko "Iyakin ka pala.. " sabi nya at napangisi kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin at bumalik sa pinapanood pero sa kalagitnaan ng panonood ko narinig ko ang hikbi ni athena kaya napatingin ako Pero halos mas maiyak ako sa ginawa ni lucas kesa sa pinapanood namin dahil nakita kong pinunasan ni lucas ang luha ni athena at agad na sumandal sya kay lucas kaya napaiwas ako ng tingin at tumingin sa pinapanood.. Pero hindi ko malaman kung sa pinapanood ba namin ako naiiyak o sa ginawa ni lucas dahil naging sunod sunod ang pag tulo ng luha ko at parang walang balak na tumigil kaya hinablot ko ang panyo kay clyde at tumayo "Cr lang ako.. " sabi ko at nakita ko ang pag aalala ni clyde pero nag lakad na ako palayo.. Madilim ang paligid kaya medyo nahirapan akong hanapin ang cr pero bagonpa ako makarating don ay may humablot ng kamay ko at agad na hinatak kaya naman napa subsob ako sa dibdib nya at doon napaiyak ng todo "I'm sorry.. I'm really really sorry.." sabi nya at niyakap ako ng mahigpit pero umiling ako at pwersadong kumawala sa pag kakayap nya at tumingin sa mga mata nya "Tama na lucas.. Nahihirapan na ako e.. Unti unti mo ako pinapatay sa ginagawa mo" hikbing sabi ko at akmang pupunasan nya ang luha ko nang umiwas ako "Nilamon ako ng selos ko kanina kaya hindi ko napigilan.. I'm sorry" sabi nya at nakita ko ang butil ng luha sa mga mata nya kaya mas naiyak ako at pinipigilang mapa hagulgol "I'm sorry lucas.. Pero hindi ko kayang gawin yung ginawa mo sa'kin.. " usal ko kaya napatingala sya, kahit na madilim ang paligid ay hindi makakatakas sa'kin ang pag tulo ng luha nya "Ano pa bang kailangan kong gawin keila.. Bumalik ka lang sa'kin?" nag pipigil na hikbing sabi nya kaya nag punas ako ng luha "Hindi ko alam kung kaya ko pa.. Lucas alam kong hindi madali sayo to pero sana maintindihan mo ako na mahina ako e.." sabi ko at taksil na naman ang luha ko dahil tumulo na naman ng sunod sunod "Keila mag hihintay ako.. Hanggang sa mapatawad mo ako, keila hindi ko na kayang mag mahal ng iba dahil gusto ko ikaw na yung makasama ko habang buhay.. So please bumalik ka sa'kin kapag okay kana.. Keila aantayin kita.. " sabi nya kaya hindi ko napigilan ang emosyon ko at napayakap sakanya Ramdam kong nabigla pa sya pero yumakap din sya pabalik sa'kin at humigpit ang yakap na yon kaya napapikit ako at dinama ang mga bisig nya.. "Mahal kita lucas.. Mahal na mahal pero sana hayaan mo muna akong mag isa.. Hayaan mo muna akong mag hilom kasi masakit pa e.." sabi ko at kumawala sa pag kakayap sakanya, tumingin ako sa mga mata nya at pinagid ang luhang tumulo kaya napapikit sya at parang dinadama ang palad ko sa pisngi nya kaya patuloy pa rin sa pag tulo ang luha ko "Sana kapag mag kikita kayo ni athena.. Sana wag na kayo mag pakita sa'kin kasi hindi ko maipag kakailang nag seselos at nasasaktan ako.. " dagdag ko pa at dahan dahan syang tumango "This is gonna be the last time you see me with athena.." sabi kaya ngumiti ako at tinanggal ang kamay ko na nasa pisngi nya "Hindi kita pipigilan sa pakikipag kita kay athena ang gusto ko lang wag kayong mag papaki--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang ilapat nya ang labi nya sa labi ko kaya para akong bato na nanigas 'Napaka tagal na nung huling maramdaman ko ang labi nya..' Humiwalay sya sa pag kakahalik at agad na tumingin ng deretsyo sa mga mata ko "Bakit ko kikitain ang babaeng hindi ko naman gustong makita.. Mas gugustuhin ko na lang mag intay sa kung saan, bumalik ka lang" usal nya pero napaiwas ako nang tingin ng makita ko si clyde at athena na papunta sa gawi namin "Tapos na yung movie.." sabi ni athena kaya lumapit ako kay clyde at ibinalik sakanya ang coat at ngumiti ng pilit kay lucas at athena "Mauuna na kami ni clyde.. Ingat kayo" sabi ko at hinatak na palabas si clyde Tahimik lang kami hanggang sa makapasok sa loob ng sasakyan nya.. Itinuro ko kung saan ang bahay namin kaya naman hinatid na nya ako at nang makarating kami ay tumingin ako kay clyde "I'm sorry.. Dapat hindi na ako pumayag" sabi ni clyde pero nginitian ko sya at umiling "It's okay.. Thank you for today" sabi ko at ngumiti na din sya at doon ko naalala ang panyong hineram ko sakanya kaya kinuha ko yuj at inabot sakanya "Muntik ko nang makalimutan ibalik.. " sabi ko pa pero umiling sya "Sayo na yan.. Kapag umiyak ka ulit yan yung ipamunas mo para maalala mo ako.. " sabi nya at kinindatan nya ako kaya napailing ako at natawa "Tawagin mo ako kapag gusto mo ng kausap.." sabi nya kaya napakunot ang noo ko kaya natawa sya "Don't worry.. Wala akong intensyon" sabi nya kaya napangisi ako "Thank you ulit.. Ingat sa byahe, sunduin mo na din si chloe nag iintay na sayo yun" sabi ko kaya tumango tango sya Bumaba na ako ng sasakyan nya at tumayo sa harap ng gate namin.. Bumusina pa sya bago tuluyang umalis, napatingin ako sa panyo at wala sa sariling napangiti na lang at agad na pumasok sa loob.. 'Sana maging maayos na ang lahat.. '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD