CHAPTER 11: Complicated

2828 Words
Someone's POV; "Buhay papo ang babaeng dragon master.. " nakayukong sabi nya kaya agad na gumalaw ang pangako at kinuha ang baso sa lamesa nya ko hinagis yun at nabasag "Napaka tatanga nyo! Nalusutan na naman tayo ng babaeng yun! Mga inutil!" gigil na sabi ko at mga nakayuko lang sila Lumapit ako sa bintana at huminga ng malalim tyaka ako nag salin ng alak at agad na ininom "Mag hintay lang sya.. Dahil uunahin ko ang mga pinaka mamahal nya sa buhay.. " sabi ko sabay ngisi at ininom ang alak 'Mag hintay ka lang.. Mag hintay lang kayo' Chloe's POV; Unti unti kong naidilat ang mata ko sa ingay na naririnig ko.. Alam kong nasa ospital ako dahil ramdam ko ang nakatusok sa katawan ko at ang sugat na kumikirot.. Luminga ako sa gilid ko at nakita ko sa sofa sila madison, angel at keila kasama ang mga pinsan ko at si eunwoo "Chloe.." usal ni clyde kaya napunta sa'kin ang atensyon nila "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni kuya inigo nang makalapit sila "Medyo masakit pa yung sugat ko.." sabi ko at akmang uupo kaya tinulungan nila ako "Nakakaloka ka naman kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko kahapon nabaril kana.. " sabi ni angel kaya nginitian ko na lang sya ng peke "We need to go.. Babalik na lang kami mamaya, may kailangan pa kaming asikasuhin" sabi ni ate snow kaya napa tango na lang ako "Babalitaan ka na lang namin mamaya.. Ipahinga mo yang katawan mo" sabi naman ni marcus at pinindot ang bandang labi ko kaya napangiwi ako "Pumapayag ka ng may bumangas sa muka mo tsk!" sabi nya kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin "Hindi naman ganun kalalim ang tama ng bala sayo pero mas mabuting mag pahinga ka buong araw.. Sasalinan ka pa daw ng dugo mamaya" usal ni irene kaya napa buntong hininga na lang ako "Mag iingat kayo.. " tanging usal ko at tuluyan na silang lumabas Natira lang ay si eun woo at ang tatlo kong kaibigan.. Umupo sa tabi ko si madison habang nag babalat ng orange.. Napatingin ako kay eun woo na may mangilan ngilan na band aid sa muka at katawan pero nang maalala ko si baby liza ay napaupo ako ng maayos "Eun woo.. " tawag ko at tumingin sya sa'kin "Kamusta si baby liza?" "Nasa pangatlong kwarto sya.. Ginagamot pa ng nurse ang sugat nya" sabi nya kaya nakaramdam ako ng pag aalala "Kawawa naman si baby.. Siguro iyak ng iyak yun nung nasa daan kayo" sabi ni keila kaya nag taka ako "Alam nyo yung nangyari?" tanong ko at sabay sabay silang tatlong napatingin kay eun woo pero nag peace sign na lang sya "Napaka daldal mo talaga kahit kelan no?" sarkastikong sabi ko pero nginitian nya ako "Maiwan ko muna kayo.. Bibili pa ako ng kailangan ni baby liza, bibili na rin ako ng kakainin natin" sabi ni eun woo kaya tumango tango na lang ako tyaka sya lumabas ng tuluyan "Oh.. " abot ni mads kaya kinuha ko ang orange at agad na kinain.. "Wala ba kayong trabaho ngayon?" tanong ko "Umabsent kami sa trabaho nung nalaman namin na naospital ka" sabi ni mads at tumingin ng deretsyo sa mata ko "Napaka delikado ng buhay mo.. Pero bakit parang easy lang sayo?"pag aalalang tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin "Ito yung sinasabi ko sainyo dati.. Kaya ayokong gampanan ang posisyon ko dahil mapapaaga ang buhay ko.. " sabi ko at napangisi ng peke "Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na'to e.." dagdag ko pa "Kapag nakikita kitang ganyan parang ako yung nahihirapan sa sitwasyon mo.. Hayss! Dagdag mo pa yung gunggong mong ex" inis na sabi ni angel kaya nabaling ang atensyon ko sakanya "OA te? Napapansin ko nagiging masungit kana ah! May dalaw ba?" tanong ni mads at parang natigilan si angel at tinignan kami isa isa "Ang lakas mo na rin kumain.. Hindi ka naman ganyan dati" sabi naman ni keila at nagulat kami ng biglang nangilid ang luha nya "May gusto akong sabihin sainyo.. " sabi nya at doon na pumatak ang luha nya kaya lumapit si mads sakanya. Inabot ko pa ang tubig at uminom bago tumingin ulit sakanya "Nag kita kami last week ni andrew.. " panimula nya "Oh! Anong nangyari? Nakita mong kasama na naman nya yung bruha nyang ex?" galit na tanong ni mads pero umiling si angel habang nag pupunas ng luha "Ano bang nangyayari angel? Sinaktan ka ba nya?" nag aalalang tanong ni keila "Hindi.. Patapusin nyo muna kasi ako! " hikbing sabi nya "Sige.. Makikinig kami" sabi ko at uminom ulit ng tubig "Nasa restaurant kasi ako nun at kasama ko yung baklang office mate ko.. Then umamin sya sa'kin na gusto nya ako, bago pa ako makapag react sa sinabi nya biglang sumulpot si andrew at mukang narinig nya lahat.. " sabi nya at nag punas ulit ng luha "Hinila nya ako papunta sa kotse nya at dinala ako sa bahay nila.." pag ka sabi nya nun ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na parang hindi ko magugustuhan ang sasabihin nya "Omygosh.. " usal ni mads "Walang tao sa bahay nila nung araw na yun at tanging katulong lang.. Sinubukan kong umalis pero pinigilan nya ako hanggang sa makarating kami sa kwarto nya dahil kailangan daw namin mag usap.. " sabi nya at doon sya napahagulgol, hindi ko namalayang naubos ko ang tubig habang pinakikinggan sya "Angel.." usal ni keila "Sinabi nyang wala daw talagang nangyari sakanila ni akira.. Hindi ko alam kung bakit may part sa'kin na naniwala ako nung araw na yon kaya.. " pinutol nya ang sinabi nya at tinignan nya kami isa isa "May nangyari sa'min ni andrew.. " sabi nya kaya agad akong napapikit ng mariin at ang hawak kong plastic bottle ay nayupi ko "Omygoshh!! Bakit pumayag ka?" gulat na tanong ni madison "Nakakaloka ka angel ah!" "I'm sorry.. I'm really really sorry" usal nya kaya naidilat ko ang mata ko at pilit na kinakalma ang sarili "Angel naman.. Sana nag isip ka muna paano kung nabuntis ka non?" habang sinasabi ko yun ay pilit kong kinakalma ang sarili ko "Yun na nga yun gusto kong sabihin e.. " sabi nya kaya napakawalan ko ang mabigat na hininga ko "Angel naman! Wag mong sabihing buntis ka?!" gulat na tanong ni mads kaya napa hagulgol si angel at niyakap naman sya ni keila "1week na akong delayed.. Nag kakaroon na rin ako ng morning sickness pa minsan minsan.. " hikbing sabi nya "Nag PT kana ba?" tanong ko pero umiling sya at nag punas ng luha "Nag search ako about sa nangyayari sa'kin.. May ibang nakakaramdam ng morning sickness pero hindi naman buntis" sabi nya at naiyak na naman "Hindi pa ako gumagamit ng PT dahil natatakot ako.. " dagdag pa nya kaya tinanggal ko ang kumot ko at hinawakan ang stand kung saan naka sabit ang dextrose ko tyaka ako tumayo "Gumamit ka ng PT ngayon.." sabi ko at tumawag ng nurse, nag pakuha ako ng pt kaya wala na rin nagawa si angel "Natatakot ako.. " hikbing sabi nya "Nag uusap man lang ba kayo ni andrew?" tanong ko at dahan dahan syang tumango "Pero wala syang alam sa mga nangyayari sa'kin.. Dahil baka pag sinabi ko yun ay iwan nya ako" sabi nya kaya napa buga ako ng hangin at umupo sa harap nya "Ayos lang sana mag karoon kayo ng anak.. Pero hindi pa kayo kasal at may problema pa about sa mga ex nila" sabi ko kaya napaiyak na naman sya "I'm sorry.. Nag padala ako sa emosyon ko.. " sabi nya at kasabay non ang pag katok ng pinto at pag pasok ng nurse dala dala ang PT kaya inabot ko yun at lumabas na sya "Used this.. Kung ano man ang kalabasan kailangan nating tanggapin.. " sabi ko at iniabot sakanya ang PT kaya tumayo sya at nag lakad papunta sa cr, bago pa sya pumasok sa cr ay tumingin sya sa'min "I'm sorry.. " usal nya at tuluyan ng pumasok "Hayss.. Paano kung buntis nga si angel?" pag aalalang tanong ni keila "Aba! Kailangan panagutan ni andrew yon!" sarkastikong sabi ni mads "Kaya pala parang naninibago ako kay angel nung mga nakaraang araw" sabi ko at napailing "Ang sarap sapakin ni andrew.. " dagdag ko pa at parang nagulat sila "Kung may nabuo nga.. Wala na tayong magagawa.. " sabi ni keila kaya napa buntong hininga na lang kami Sa kalagitnaan ng pag hihintay namin ay bumukas ang pinto ng cr at nasilayan ko ang mugtong mata ni angel na may namumuong luha sa mata "Anong resulta?" aligagang tanong ni mads pero hindi sumagot si angel at tinignan kami isa isa hanggang sa nahinto ang paningin nya sa'kin "It's okay.. " sabi ko at tumango tango at agad na nasilayan ko ang pag tulo ng luha nya kasabay non ang pag lahad nya ng kamay nya kaya napatingin kami sa PT 'Owsh*t!' "Positive.. " usal nya at napaupo sa sahig kaya inalalayan sya nila madison at pinaupo sa kama ko "Omygoshh.. Angel" usal ni madison at napatakip pa ng bibig "I'm sorry.. I'm sorry.." hagulgol na sabi nya kaya agad akong lumapit at niyakap sya "Shshs.. Tahan na baka makasama pa sayo ang pag iyak ng sobra" pag papatahan ko at niyakap nya ako pabalik "Hindi ko alam ang gagawin ko.." sabi nya kaya hinagod hagod ko ang likod nya "Nandito lang kami.. Hindi ka namin iiwan" sabi ni keila at doon na kumawala sa yakap si angel at nag punas ng luha "Gaga ka talaga! Inunahan mo pa ako mag kaanak kaloka!" pag bibiro ni mads at nag punas ng luha "Pero anong gagawin ko.. Lagot ako kay mommy at daddy kapag nalaman nilang nabuntis ako nang hindi pa kami kinakasal.." sabi nya kaya napabuntong hininga ako "Kailangan nyong mag usap ni andrew.. " sabi ko at agad syang napa tingin sa'kin "P--pwede bang.. Wag muna nating sabihin sakanya? Hindi pa ako ready.. " sabi nya at pumatak na naman ang luha kaya pinunasan ko yun at tumango tango "Sige.. Pero wag mong patatagalin dahil kailangan kayong dalawa ang mag sabi sa parents mo.. At kailangan ka nyang panagutan" sabi ko kaya napa tango sya at nag punas ng luha "Pero may alam naba kayo kung sino ang may pakana ng nangyari kila andrew?" tanong ko at sabay sabay silang umiling "Last day nakita kong mag kasama si lucas at si athena.. Hindi ko alam kung mali ba yung nasa picture o totoo.. " malungkot na sabi ni keila "Si zeke naman.. Ayun panay ang suyo pero hindi ko pa talaga kaya e, kailangan ko muna sigurong malaman kung ano talaga ang totoong nangyari" sabi naman ni madison "Wag kayong mag alala.. Kapag may nalaman ako ipapaalam ko agad sainyo" sabi ko kaya nginitian nila ako, hinawakan ko ang stand ng dextrose ko at tumingin sakanila "Pupunta muna ako kay baby liza.. Pag dating ni eun woo sabihin nyo sumaglit lang ako dun sa bata" sabi ko at bumaling kay angel "Mag pahinga ka muna jan.. Kapag nakalabas ako dito sa ospital sasamahan ka namin makapag pa check up" sabi ko at tumango tango sabay ngiti Lumabas na ako habang hatak hatak ang stand ng dextrose.. Nag lakad ako papunta sa sinasabi ni eun woo na kwarto ni baby liza at nang makarating ako sa pangatlong kwarto ay nag taka ako kung bakit ang tanging janitor lang ang nasa loob "Excuse me po.. Nasaan yung pasyente dito?" tanong ko at agad syang napatingin sa'kin "Ay nakaalis napo.. Dala dala nung lola daw po nung bata" sabi ng janitor kaya nag taka ako pero bago pa ulit ako mag tanong ay may lumapit sa'king nurse "Ahmm.. Miss kayo po ba si Chloe Scott?" tanong ng nurse kaya tumango ako "Ako nga.. Bakit?" tanong ko at may iniabot na papel kaya nag tataka akong kinuha yun "Pinabibigay po nung lola ni baby.." sabi nya kaya napatingin ako sa papel "Kanina paba nakaalis?" tanong ko "Kani-kanina lang po.. Nakakapag taka nga po dahil parang nag mamadali sya masyado" sabi ng nurse kaya tumango tango na lang ako at umalis na sya, binuklat ko ang papel at agad na binasa "Lubos akong nag papasalamat sa pag aalaga nyo sa apo ko.. Ngunit kailangan ko na syang kunin dahil mas magiging delikado ang buhay mo kapag nakasama mo pa ang apo.. Sana ay mag iingat ka hija sana'y mag kita uli tayo.. " Napatulala ako nang mabasa ang sulat at may kung ano ano na namang gumugulo sa utak ko kaya wala ako sa sariling nag lakad.. Pero sa kalagitnaan ng pag lalakad ko ay mag naka bangga ako at napangiwi nang masagi ang sugat ko kaya napahawak ako don "Ano ba! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?!" inis na tanong nya kaya napatingin ako at laking gulat nang makita sya 'Damon?' "Chloe?" napatingin ako kay zeke na gulat nang makita ako "Anong nangyari sayo?" tanong ni andrew at biglang kumunot ang noo ko nang mapatingin ako sakanya "Tsk! Baka may ginawa na namang kalokohan.. " usal ni damon kaya napatingin ako sakanya pero agad na sumakit ang sugat ko kaya napangiwi ako ng sobra You're bleeding!" rinig kong usal ni lucas at inalalayan ako, rinig ko pang tumawag ng doctor si zeke at inalalayan na nila akong makarating sa kwarto ko Pag pasok ko ay gulat na gulat na napatingin sila mads at agad na nilapitan ako, inakay pa ako ni zeke at andrew hanggang sa makahiga ako "Jusko! Ano bang ginawa mo? Akala ko ba pupunta ka lang kay baby liza?!" pag aalalang tanong ni mads pero hindi ko na nakuhang sumagot dahil kumirot ng sobra ang sugat ko Lumayo ng konti sila lucas at lumapit ang doctor sa'kin.. Medyo tinaas nya ang damit ko at tinanggal ang gasa sa tagiliran ko kaya napapikit ako sa sobrang sakit "Arghh!!" daing ko at napa kagat sa pang ibabang labi ko "Mukang nagalaw mo ang sugat mo at dumugo ng ganyan.. Sariwa pa ang sugat mo kaya masama pang magalaw o masagi man lang yan" sabi ng doctor habang nililinis nya ang sugat ko "Saan ka ba kasi tumama chloe?" pag aalala ni angel kaya napatingin ako sa gilid ko at nakita kong napakaseryoso ng tingin ni damon, unti unting bumaba ang tingin ko sa bag nya kaya tinuro ko yun "T--tumama ako sa bag nya" usal ko at napatingin sila sa bag ni damon "Tsk! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" singhal ni damon "Dre! Ano ba" saway ni andrew kaya napatingin ako kay angel na nakatingin sa lapag "Arghh!! M--matagal paba yan d--doc?" daing ko "Malapit na hija tiisin mo lang.. " usal ng doctor at ramdam ko na ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko "Chloe?!" nabaling ang atensyon ko kay eun woo na kakarating lang kaya agad syang lumapit sa'kin "Anong nangyari sayo?" pag aalalang tanong nya "May nabangga lang ako at saktong tumama sa sugat ko.. " sabi ko pero napatingin sya kila damon na nakatayo sa likod ng doctor "Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo.. Hindi ka naman siguro bulag" usal ni damon kaya nakita kong sumama ang tingin ni eun woo "Dre.. Stop" awat ni zeke "Kung wala kayong magandang maidudulot dito pwede umalis na kayo?" sarkastikong tanong ni mads "Tsk! Let's go nasasayang ang oras ko" sabi ni damon kaya napangisi su eun woo kaya hinawakan ko sya sa kamay at umiling pero hindi nya ako pinansin "Tama yan.. Umalis kana! At wag ka ng babalik" seryosong sabi ni eun woo at ngumisi naman si damon "Tsk! Sinong may sabing babalik ako? Asa!" sabi ni damon at tuluyan ng lumabas kaya napa buntong hininga na lang ako "I'm sorry.. Aalis na kami" sabi ni lucas kaya tinanguan ko na lang sya at umalis na sila "Tapos na.. Sa susunod ay mag iingat ka hija delikadong mag dugo yan.. Masyadong masakit kapag nag kataon" sabi ni doc at umalis na rin kaya nag taka pa ako sa sinabi nya 'Weird' "Ano ba kasing ginawa mo at dumugo yang sugat mo?" tanong ni eun woo "Nabangga ko yung bag ni damon at tumama yung sugat ko.. Galing ako sa kwarto ni baby liza pero wala sya don.. Pero may inabot na sulat sa'kin yung nurse" sabi ko at inabot sakanya ang sulat na nakuha ko "Hala! Bakit wala si baby don?" tanong ni mads "Kinuha na sya ng lola nya.. Nakakapag taka dahil hindi man lang sya nag pakita" sabi ko pa "Napaka misteryo nung babae.. Pero mas napaka misteryo nung bata" sabi ni eun woo nang mabasa ang sulat kaya kinuha yun nila mads at binasa din "Parang may mali e.." usal ko "Hindi kaya sila ang dahilan kung bakit ka natunton ng horizon?" tanong ni eun woo kaya kumunot ang noo ko "Hindi ko alam.. Pero bakit kailangan nyang sabihin sa sulat na mas delikado ako kapag nakasama ko pa ang bata?" nag tatakang tanong ko at napabuntong hininga na lang 'Bakit ba nagiging komplikado na ang lahat?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD