CHAPTER 10: Black Horizon

3408 Words
Someone's POV; Bumukas ang pinto at pumasok ang pinag kakatiwalaan kong tauhan.. Yumuko muna sya bago nag salita "Nahanap napo namin kung saan nakatira ang babaeng pinapahanap nyo" sabi nya kaya unti unting gumuhit ang ngiti sa labi ko "Magaling.. Ayoko ng pumalpak ngayon dahil masyado ng maraming pag kakataon para mapatay sya pero dahil sa mga katangahan nyo hindi ko nagawa!" sigaw ko at napayuko naman silang lahat Tumayo ako at lumapit sa Digital Security Box tyaka ko tinype ang password at binuksan.. Napangisi ako at kinuha ang pinaka iningat ingatan ko nang napaka tagal na panahon "Mas mabuting unahin na natin ang babae.. Tyaka ko isusunod ang lalaking yun.. " sabi ko at inikot ikot ang dragon crown "Ayon po sa pag iimbestiga nila ay kasama din po nila ang anak ni luna.. " sabi nya kaya natigilan ako at ibinalik ang dragon crown sa box tyaka ko yun isinara "Magandang balita yan.." sabi ko at kinuha ang coat ko tyaka yon isinuot "Ayusin nyo na ang sasakyan.. At dalin nyo ako kung saan naninirahan ang matibay na babaeng yun" sabi ko at sumunod na sila, nag lakad na ako palabas at agad na ngumisi 'Sulitin mo na ang natitira mong oras bata.. ' Chloe's POV; "Mag dadatingan ang mga pinsan ko.. Anong sasabihin ko about kay baby liza?" nag aalalang tanong ko habang buhat buhat ang bata "Edi ipaliwanag mo sakanila yung totoo.. Dalawang linggo na sa'tin si baby liza hindi pa rin kinukuha" sabi ni eun woo habang inaayos ang necktie nya "Nag aalala ako.. " "Sa sasabihin ng nga pinsan mo? " "Hindi.. Nag aalala ako sa baby liza, mukang delikado sya" sabi ko at inilapag sya sa higaan "Mas magiging delikado sya kapag tumagal pa sya sayo.. Alam mo namang pinag hahanap kana ng horizon" sabi nya at isinuot ang coat "Ni hindi natin alam kung saan talaga nanggaling si baby.." dagdag pa nya "Eh may gustong pumatay sakanya diba?" tanong ko at ngumisi sya "May gusto ring pumatay sayo.." sabi nya kaya napailing ako, maya maya pa ay nag ring ang phone ko *Clyde's Calling* "Akala ko ba busy to?" tanong ko kay eun woo habang pinapakita ang phone ko pero nag kibit balikat lang sya, lumayo ako saglit tyaka ko sinagot "Hel--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko "Chloe makinig ka sa'kin! Umalis na kayo jan sa condo ngayon na!" sigaw ni clyde at parang nasa daan sya "Bakit anong meron?" aligagang tanong ko at biglang may narinig akong putok ng b***l sa labas kaya agad akong napatingin kay eun woo "Natunton kana ng horizon! Dalian nyo!" sigaw pa nya kaya agad kong pinatay ang tawag "Buhatin mo si baby liza! Kailangan na nating umalis dito.. Nandito na ang horizon!" sabi ko at gulat syang kinuha si baby liza Binuksan ko ang cabinet ko tyaka ko kinuha ang b***l para in case of emergency.. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nang masiguradong walang tao ay pinalabas ko na agad si eun woo.. Dadaan na sana kami papunta sa elevator ng makita ko ang tauhan ng horizon "Owsh*t! Dun.. Dun tayo sa hagdanan dumaan" sabi ko at patakbo kaming pumunta don, mabilis kaming nakababa "Ito na nga ba yung sinasabi ko e.." sabi ni eun woo at biglang may narinig kaming putok ng b***l sa loob at mga hiyawan ng tao.. Papunta na kami sa parking lot at nakita naming may dumadating ng pulis "Kailangan ko kayong dalin sa empire" sabi ko habang nag mamadaling mag lakad pero maya maya pa ay may narinig kaming putok ng b***l na nanggagaling dito sa parking lot kaya natigil kami "Naloko na.. " usal ni eun woo kaya inilinga ko ang paningin ko at agad na nakita ang kotse ko "Sumunod ka sa'kin.." usal ko at mabilis na pumunta sa sasakyan, pag pasok namin ay agad kong pinatakbo ang sasakyan pero bago pa kami makalayo ay nakita ko ang pamilyar na lalaki sa sasakyan at nanlaki ang mata ko nang may tumutok na b***l sa'min "Yuko!" sigaw ko at sabay kaming yumuko ni eun woo habang yakap yakap nya si baby liza na umiiyak na Tinamaan nila ang bintana sa tabi ni eun woo kaya naman nabasag yun, mabilis kong pinatakbo ang sasakyan at nakita ko sa side mirror na sinusundan nila kami kaya napahampas ako sa manibela "Takte naman! Paano tayo natunton nun?!" sigaw ko "Hindi malabong matunton tayo dahil masyadong open ang lugar!" sigaw nya habang palipat lipat ang tingin sa likod at kay baby liza na umiiyak "Shshsh.. Stop crying baby! Daddy's here" pag papatahan ni eun woo "Eun woo!" tawag ko "wae?!" "Tawagan mo si clyde ngayon na!" sigaw ko habang palipat lipat ang tingin sa side mirror at sa daan "Hello clyde!" sabi ni eun woo at ni-loud speak nya ang phone para sa ganun ay marinig namin parehaa "Hello!" sagot ni clyde "Where are you?! I'm on my way!" sabi ko "Malapit na ako sa bar ni tito chad dahil hinahabol pa din ako ng horizon! Kayo nasaan na kayo?!" tanong nya kaya napakapit ako ng mariin sa manibela "Sh*t! Papunta akong empire! Dadalin ko si eun woo at ang bata don!" sabi ko at napatingin ako sa gilid ko nang makatapat ko na ang sasakyan ng horizon, binaba nya ang bintana at inilabas ang b***l kaya naman mas binilisan ko ang pag papatakbo at nabaril nya ang bintana sa likod ng kotse ko "Hurry up!" sigaw nya at narinig ko ang putok ng b***l sa kabilang linya pero agad na namatay ang tawag kaya nakaramdam na ako ng kaba "Chloe!" sigaw ni eun woo kaya saglit akong napatingin sakanya at nakita kong dumudugo ang ulo ni baby liza kaya naman nanlaki ang mata ko pero nabalik ang tingin ko sa daan nang may humarang na sasakyan kaya naman naitigil ko ang sasakyan ko pero agad ko ding iniliko sa kabilang daan Sa sobrang bilis ng pag papatakbo ko ay pumapalo ang speedometer sa 140 kaya naman mas bumilis ang t***k ng puso ko. Narinig ko na ang grabeng iyak ni baby liza kaya parang nahihirapan akong itutok ang atensyon ko sa daan. Dumudugo na ang ulo nya at kita ko na rin ang mga sugat at dugo na dumadaloy kay eun woo. Narinig ko ang pag papakawala nila ng bala kaya napatingin ako sa side mirror at dalawang van ang nakasunod sa'kin pero medyo nakahinga ako ng maluwag nang may makasalubong akong tatlong van at agad na huminto yun, nag si babaan sila at pinaulanan ng bala ang van na sumusunod sa'min kaya tumigil sila at ang mga tao sa paligid ay halos mag sigawan na sa mga nangyayari.. Pero hindi ko na sila inintindi pa at agad na pumunta sa empire. Ilang minuto pa ay nakarating din kami agad kaya bumaba ako at inalalayan si eun woo na maka baba habang buhat buhat nya si baby liza. Papasok na sana kami nang maabutan ko si kuya inigo at marcus na kakalabas lang ng empire "Chloe!" sigaw nila at agad na lumapit sa'min "Sino ang pwedeng gumamot kay eun woo at sa bata?!" aligagang tanong ko "Si irene! Don't worry nag aaral ng nursing yun at alam kong may alam sya sa ganyan! Tara pumasok na kayo" sabi ni kuya inigo pero umiling ako "Unahin nyo na sila eun woo kailangan kong umalis!" sabi ko "Pero may sugat ka din! Tyaka saan ka pupunta?" tanong naman ni marcus kaya napatingin ako sa katawan ko at nakita kong dumudugo na rin pala ang braso ko "Wala tong sugat nato! Kailangan kong puntahan si clyde!" sabi ko at ilang segundo pa nila akong tinitigan "Sige! Susunod kami at ipapasunod ko na sayo ang ibang red dragon!" sabi ni kuya inigo kaya tinanguan ko sya at mabilis na bumalik sa sasakyan kong halos mabugbog na sa tama ng bala Agad kong pinatakbo ang sasakyan ko at hindi ko alam kung saan pupunta kaya sinubukan kong tawagan ang phone ni clyde pero ring lang to ng ring kaya inis kong binaba sa upuan ang phone ko at kinuha ang b***l sa likod ko. Habang nasa daan ay nilagyan ko yun ng bala at agad na kinasa.. Pero maya maya pa ay nag ring ang phone ko at nang makita kong si clyde yun ay agad kong sinagot "Where are you?!" sigaw ko pero walang sumasagot kaya napakunot na ang noo ko "Clyde!" sigaw ko at sa puntong yun ay narinig ko ang pag ngisi sa kabilang linya "Kamusta? Mukang kinakabahan kana.. " usal nya at napahigpit ang hawak ko sa manibela nang marinig ko ang napaka pamilyar na boses "Hayop ka! Nasan si clyde?!" sigaw ko at narinig ang pag tawa nya "Buhay pa naman ang kakambal mo.. Pero kung pag iintayin mo ako ng matagal ay baka hindi ako makapag pigil at mangati ang kamay ko" sarkastikong sabi nya kaya mabilis kong hininto sa gilid ang sasakyan ko "Wag na wag mong gagalawin ang kapatid ko.. Dahil kapag may nakita akong bangas sa muka nya mag kakapatayan tayo!" galit na sabi ko at ayun na naman ang mala demonyo nyang tawa "Para kang lolo mo.. Masyado kayong madaldal pero sa huli mamamatay din naman" sabi nya kaya napapikit ako ng mariin "Hindi pa ako nakakapatay ng tao.. Pero sisiguraduhin kong ikaw ang uunahin ko.. " seryosong sabi ko at rinig kong kinasa nya ang baril "Gusto ko ang tapang nyong dalawa para ipag laban ang sarili nyong grupo.. Pero nakakatawa lang dahil wala kayong kaalam alam na may mahalagang ugnayan kayo" natatawang sabi nya kaya napakunot ang noo ko "Pumunta ka sa lumang park, ipasusundo kita sa tauhan ko at wag mong tatangkaing mag dala ng alagad dahil isang kalabit ko lang dito sabog ang ulo ng kakambal mo" dagdag pa nya at nag taka ako nang hindi pa nya binababa ang tawag hanggang sa.. "gajima.." rinig kong boses ni clyde *Translate/Korean* 'Don't go.. ' "ani, nan neol guhaejwo!" halos mapaos na sigaw ko *Translate/Korean* 'No, i need to save you!' "geuleona geudeul-eun dangsin-eul jug-il geos-ibnida.." parang nanghihinang usal nya *Translate/Korean* 'But they will kill you.. ' "sang-gwan eobs-eo.." sabi ko at napayuko sa manibela *Translate/Korean* 'I don't care.. ' "mom josimhae.." paos na sabi nya kaya naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko *Translate/Korean* 'Take care.. ' "ye.. I will" usal ko at sa puntong yun ay namatay na ang tawag *Translate/Korean* 'Yes.. I will' Sandali ko pang pinakawalan ang luha ko at agad ding pinunasan tyaka ako huminga ng malalim. Pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan hanggang sa makarating ako sa lumang park, binuksan ko ang dash board at kinuha ang maliit na knife dun at inilagay sa loob ng sapatos ko.. Nakita ko pang nag ring ang phone ko at nakitang tumatawag si angel pero agad kong pinatay ang phone ko. Pag baba ko nang sasakyan ay agad akong tinutukan ng b***l at may dalawang lalaking lumapit sa'kin at kinapkapan ako. Kinuha nila ang b***l sa likod ko at agad na hinatak papasok sa loob ng van, lahat sila ay naka mask at nakatutok sa'kin ang dalawang b***l habang ang kamay ko ay tinalian nila. Ilang minuto ang naging byahe at huminto kami sa isang abandonadong school. Pinababa nila ako habang nakatutok pa rin ang b***l sa'kin, pag pasok namin ay medyo madilim ang loob at napaka dumi ng paligid pero nang makapasok kami ay may isang lalaki sa di kalayuan na nakaupo habang naninigarilyo "Dala napo namin ang babae!" sabi nang isa sa mga nakahawak sa'kin, nakita kong tumayo sya at kinuha sa lamesa ang baril "Masyado mo akong pinapahirapan.. " usal nya at sa pag harap nya ay nag tama ang paningin namin, halata ang katandaan nya pero nandun pa rin ang tikas ng katawan "Masyado kang mailap" dagdag pa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin "Nasaan ang kapatid ko?" seryosong tanong ko kaya ngumisi sya at nag simulang lumapit "Chill.. Natutulog pa ang kakambal mo" sabi nya at may kinuhang maliit na babasaging bote at nabasa kong sleeping pills yon kaya agad akong pumiglas at bago ko pa sya masipa ay nahawakan ulit ako 'Masama kay clyde na umiinom ng gamot na hindi naman nya kailangan' "Hayop ka talaga!" nang gagalaiting sigaw ko kaya ngumisi sya "Ang sabi mo ay ayaw mong makikitang may bangas ang kakambal mo kaya gumawa ako ng ibang way.. " sabi nya at nang makalapit sa'kin ay hinawi nya ang buhok ko gamit ang nguso ng b***l na hawak nya "Nasayo ang dragon crown.. Ano pa bang kailangan mo?! " sigaw ko at natawa sya "Akala ko pa naman matalino ka.." sarkastikong sabi nya at agad na tumingin ng seryoso sa mata ko "Kailangan kong ubusin kayong lahat.. Dahil kapag hindi ko nagawa yun ay parang hindi ko na rin ipinag higanti ang tatay ko" sabi nya at itinutok ang b***l sa sentido ko "I'll accept your early surrender.." sarkastikong sabi ko kaya nailayo nya ang b***l at natawa pero laking gulat ko nang bigla nya akong hampasin ng b***l at ramdam ko ang pag putok ng labi ko kaya naman napa dapa ako "Tama nga ang sabi sa'kin.. Isa ka rin pa lang hambog at walang kwenta! Hindi ko aakalaing mas matapang kapa sa nanay mo" sarkastikong sabi nya sabay hablot sa buhok ko kaya medyo napangiwi ako sa sakit "At hindi lang yun.. Mayabang ka din, pero gusto ko yan kaya ipag patuloy mo dahil kapag nakita kong naliligo kana sa sarili mong dugo ay tatawanan kita hanggang sa maiyak ako ng sobra" sabi nya kaya ngumisi ako "Ipag patuloy mo yang imagination mo at namnamin ng husto.. Dahil sa oras na makawala ako dito mag paalam kana sa mundong kinatatayuan mo" sabi ko kaya gigil syang hinawakan ang panga ko kaya napalunok ako ng ilang beses "Bilib din ako sayo dahil ilang beses ka nang muntik mamatay pero hindi ka pa rin natutuluyan.. " sabi nya at mas lalong diniin ang pag kakahawak sa pangako "Pero gusto kong maging memorable ang pag ka matay mo kaya pag bibigyan muna kitang makita ang kakambal mo" sabi nya at sumenyas sa tauhan nya "Mapatay mo man ako ngayon.. Sisiguraduhin kong nalagutan ka muna ng hininga" sabi ko kaya pabalang nyang binitawan ang panga ko at agad na tinutok ang b***l sa'kin "Nag bago ang isip ko.. Parang ngayon pa lang gusto na kitang tuluyan.. " sabi nya at mag sasalita na sana ako nang.. "Wag!!" rinig kong sigaw ni clyde kaya napatingin ako sakanya na nakagapos din ang kamay "Ako! Ako na lang ang patayin mo at pakawalan mo ang kapatid ko!" nya kaya pilit akong kumakawala sa mga nakahawak sa'kin "Aba! Matapang din pala ang isang to.." nakangising sabi nya at nilapitan si clyde "Wag na wag mong gagalawin si clyde.. " usal ko at tumawa sya "Gusto kong mag makaawa ka.. " nangising sabi nya at agad na itinutok ang b***l sa ulo ni clyde kaya napapikit ako at napayuko 'Papu.. Tulungan mo kami please.. ' "Chloe.. Chloe look at me" usal ni clyde kaya dahan dahan akong napatingin sakanya "geuldeul-eun yeogi.. " sabi nya at tatango tango pa *Translate/Korean* 'They are here.. ' "Tigilan nyo ang pag ko-korean!" sigaw nya kaya dahan dahan akong tumayo at ngumisi "dangsin-eun babo.." usal ko at nakita ko pang napangisi si clyde habang napapailing *Translate/Korean* 'You idiot.. ' Pero biglang sumama ang tingin nya sa'kin at agad na nilapitan tyaka ako sinunggaban ng suntok kaya bumagsak ako sa sahig pero agad akong tinayo ng tauhan nya, nalasahan ko ang dugo kaya naman dinura ko yun sa lapag "Masyado mo akong pinag lalaruan.. Kaya tatapusin na kita.." sabi nya at tinutok ang b***l at kita kong kakalabitin nya kaya agad kong sinipa ang kamay nya at agad na pumutok ang b***l sa kung saan "Chloe!" sigaw ni clyde at sa puntong yun nag si pasok na ang red dragon at umalingawngaw na ang putukan ng b***l kaya nakawala ako sa pag lakahawak ng horizon Nakita kong dadamputin na nya ang b***l na nabitawan nya kaya mabilis akong tumakbo at agad na sinipa yun sa malayo kaya napatingin sya sa'kin at ang mga tingin na yun at nakakatakot. Sinugod nya ako at agad nasinuntok ng pwersado sa tyan kaya naman napaarko ang likod ko at napaubo.. Halos hindi ako makahinga nang gawin nya kaya napaluhod ako "Master! Kailangan nyo na pong sumakay sa sasakyan dahil masyado po silang marami!" rinig kong sigaw ng tauhan nya kaya napatingin ako sakanya pero nabaling ang atensyon ko kay caleb na lumapit sakin "Are you okay? Let's go" aya nya at itinayo ako pero maya maya pa ay narinig ko ang sigaw ni kuya inigo at marcus "Clyde!!" sigaw nya kaya napatingin ako kay clyde na ngayon ay nakatingin sa kung saan kaya sinundan ko ang tingin nya at halos manlaki ang mata ko nang hawak hawak nya ang b***l at nakatutok na yun kay clyde, Kaya bago pa nya makalabit ang b***l ay mabilis akong tumakbo at agad na humarang kay clyde.. *BANGGGG!!* Isang putok ng b***l lang ang tanging narinig ko sa lahat ng mga ingay na bumabalot sa loob ng abandonadong lugar nato "Chloe!!" rinig kong sigaw ng mga pinsan ko at si clyde, agad na namuo ang luha ko at kasunod non ang pag hawak ko sa balikat ni clyde kaya agad nya akong inalalayan "Are you okay?" tanong ko at tumulo agad ang luha, nakita kong nangilid na rin ang luha ni clyde "Bakit mo ginawa yon!" mangiyak ngiyak nyang sigaw at naramdaman ko ang pag lapit ng mga pinsan ko pero sa puntonh yun nanlambot na ang tuhod ko kaya nawalan na ako ng lakas at buti na lang ay nasalo agad ako ni clyde "Chloe take a deep breath!" rinig kong sabi ni kuya inigo at ramdam kong tinakpan nya ang parte kung saan tumama ang bala "Dapat hindi mo ginawa yun chloe napaka delikado non!" sigaw ni clyde pero umiling ako "K--kung hindi ko g--ginawa yun.. Sayo tatama ang b--bala" halos mapaos na sabi ko at napangiwi nang maramdaman ko ang kirot ng dagiliran ko "Kailangan na natin syang dalin sa ospital.. Masyado ng maraming dugo ang nawawala sakanya" sabi ni kuya inigo at akmang bubuhatin nila ako nang dahan dahan akong tumayo "Kaya mo bang mag lakad?" tanong ni marcus kaya tumango tango ako "Malayo sa bitukan tsk!" sabi ko at napailing sila Nakita kong nilapitan kami ng horizon at sila ang umalalay sa'kin palabas "Tumakas ang horizon.. Pero kailangan na nating umalis agad dahil baka bumalik pa sila" sabi nung isa sa mga red dragon "Hindi muna kayo pwedeng bumalik sa condo mo chloe.. Napaka delikado na" sabi ni clyde kaya huminga ako ng malalim "Kamusta sila eun woo at ang bata?" tanong ko nang makapasok kami sa van, hawak hawak ko ang tagiliran ko habang nakasandal sa upuan "Nag karoon ng sugat sa ulo ang bata kaya dinala na sa ospital, si eun woo nag karoon din ng sugat kaya ginamot ni irene.." sabi ni kuya inigo kaya napatango tango ako at napapikit "U--uyy chloe? Chloe!" sigaw ni caleb kaya inis akong tumingin sakanya "Bakit ba?!" inis kong tanong "Akala ko patay kana e.. " sabi nya at kakamot kamot pa ng ulo "Kapag hindi ka tumigil ikaw papatayin ko" inis kong singhal at pumikit ulit, rinig ko ang pag ngisi nila "May nakabaon na bala sa katawan mo pero nakukuha mo pang mag biro at mag sungit tsk! Ibang klase ka" sarkastikong sabi ni clyde "Tsk! Sawang sawa na ako sa saksak at b***l lintek wala b--bang bago?" pag bibiro ko pero agad na sumakit ang sugat ko kaya napangiwi ako "Tsk! Tigas ng ulo mo kahit kelan.. I-chill mo muna yang sarili mo" sabi ni marcus "G--grabe.. Makukuha ko pa b--bang mag chill?" sarkastikong tanong ko at napatingin sa kamay ko na punong puno na ng dugo kaya napapikit na ako sa sakit "Kaya mo pa ba?" pag aalalang tanong ni clyde pero nanlalabo na ang paningin ko kaya napahawak ako sa kamay nya "N--nanlalabo na yung p--paningin ko" sabi ko at rinig ko ang pag mumura ni kuya inigo Ramdam ko ang mabilis na pag takbo ng sasakyan kaya napasandal na ako sa balikat ni clyde habang sya ay pinapaklma ako "Hold on.. " bulong ni clyde pero napapikit na ako at doon na nawalan ng malay 'Kelan ba matatapos to.. '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD