Chloe's POV;
Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong kamay sa muka ko kaya naman dahan dahan kong napadilat at nasilayan ko ang pag kalaki laking ngiti ni baby liza
"Hi baby.. " usal ko at pinisil pisil ang mataba nyang pisngi kaya naman napahagikgik sya pero nawala ang ngiti ko nang makita kong may hawak syang marker kaya napatingin ako sa braso kong punong puno na ng sulat
'Nalintikan na!'
"Eun Woo!!" sigaw ko at ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at nanlaki ang mata
"W--wae?" gulat nyang tanong kaya sinamaan ko sya ng tingin
*Translate/Korean*
'W--why?'
"jeongmal?! Wae geunyeoege makeoleul jwoss-eo?!" inis na sigaw ko sakanya kaya napakamot sya sa batok
*Translate/Korean*
'Really?! Why did you give her a marker?!'
" geunyeoneun ulgo iss-eossgi ttaemun-e naneun geunyeoga nol su issdolog makeoleul jueossda" kakamot kamot na sabi nya pinanlakihan ko sya ng mata
*Translate/Korean*
'she was crying so i gave her a marker so she could play'
"Mygod! Eun woo! There's so many stuff toys for her.. Ano akala mo sa'kin sketch pad?" sarkastiko kong tanong pero bumungisngis si baby
"Malapit na kitang pag kamalan na sketch pad" matawa tawa nyang sabi kaya inis akong tumayo at binuhat si baby liza para dalin kay eun woo
Pumasok ako sa loob ng cr at halos man laki ang mata ko nang makitang puro sulat ang muka ko.. Wala na akong nagawa kundi maligo at mag soot ng pormal na damit dahil ngayon ang birthday ni diane, pag labas ko ay naabutan ko si eun woo at si baby liza sa sala kaya tumabi ako sakanila
"Hindi mo ba isasama si baby liza?" tanong ni eun woo kaya umiling ako
"Halatang puro inuman ang magaganap dun dahil sa isang bar gaganapin ang birthday ni diane.. Hindi bagay kay baby liza ang ganung lugar" sabi ko at tumango tango naman sya
"Baka naman mag pakalasing kapa dun.. Hindi kita mapupuntahan" sabi nya kaya pinanliitan ko sya ng mata
"Parang minamaliit mo naman ako" sabi ko kaya nginisihan nya ako
"Parang ang lakas mo naman uminom.. Tsk! Nung uminom tayo ng soju sa korea nakaka tatlong shot ka palang yata lasing kana" pang aasar nya kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Pagod kasi ako non! Tsk!" singhal ko kaya natawa sya pero unti unti rin naging seryoso
"Siguradong nandun si damon.. " usal nya kaya napatitig ako sakanya "Alam mong masama sayo ang pag iyak ng sobra sobra.. Baka hindi kayanin nyan" sabi nya sabay turo kung saan nakalagay ang puso
"Sa bala at saksak nga nakakaya nyan.. Iyak pa kaya?" sarkastikong tanong ko at tumawa ng peke
"Pero aminin mong mas masakit ang ginagawa nya kesa sa tama ng bala at pag baon ng patalim sa katawan mo?" seryosong sabi nya kaya ngumiti ako ng peke
"Mas gusto ko pang mamatay dahil sa bala.. Wag lang dahil sakanya" sabi ko pero nginisihan nya ako
"Hindi na ikaw yung nakilala kong Chloe Jane Gonzales Scott na hindi kayang saktan ng kahit na sino.." usal nya kaya napatingin ako sa lapag "Hindi lang ako ang may ayaw na masaktan ka.. Kapag nalaman nila clyde at nila tito ang tinatrato sayo ni damon baka ngayon pa lang bugbog sarado na yun" dagdag pa nya
"Siguro naman hindi mo ipapaalam diba?" seryosong tanong ko at tumingin sakanya
"Hanggang kelan ka mag papaka tanga jane?" deretsyong tanong nya kaya napapikit ako saglit at dumilat din
"Ano bang sinasabi mo?" nakakunot na tanong ko
"Wag na tayong mag lokohan.. Alam mo sa sarili mo ang tinutukoy ko" sabi nya kaya naramdaman kong naiyukom ko ang kamao ko
"Hindi mo ako naiintindihan eun woo.."
"Chloe.. Parang hindi na kita kilala, akala mo ba hindi ko alam na parati kang pumupunta sa office ni damon para mag bigay ng coffee at letter? Pero anong ginagawa nya? Tinatapon nya lahat yun.. In short sinasayang nya ang effort mo dagdag mo pa yung mga binibitawan nyang salita sayo.. " prangkang sabi nya tinitigan ko sya ng seryoso habang pinipigilan ang galit ko
"Desisyon ko'to eun woo.. Kaya kung masaktan man ako edi masaktan! Alam mo kung gaano katagal kong tiniis ang pananabik na makita sya.. Kaya suportahan mo na lang ako" sabi ko pero nginisihan nya ko, inabot muna nya amg gatas ni baby liza at pinahiga tyaka binigay ang gatas kaya agad na ininom yun ni baby liza
"Sunu-suportahan kita sa lahat lahat at alam kong alam mo yan.. Pero yung ganitong bagay jane hindi ko maipapangakong susuportahan kita.." seryosong sabi nya habang nakatingin ng deretsyo sa mata ko "Kasi kahit kelan hindi kita sinuportahan sa bagay na ikasasakit mo.. " dagdag pa nya kaya natigilan ako
"Anong gusto mong gawin ko? Sumuko na? Eun Woo naiintindihan ko ang pag aalala mo sa'kin.. Pero hindi ko kaya.. Hindi ko kayang mawala si damon" pahina ng pahinang sabi ko kaya dahan dahang kumalma ang mga tingin nya at lumapit sa'kin
"Sige.. Hahayaan kita sa gusto mo kung yan ang ikagagaan ng loob mo, Pero ayokong makikitang malungkot at umiiyak ka ulit" seryosong sabi nya kaya hindi ko napigilang mapangiti
"Trust me.. I can do this" ngiting sabi ko kaya napangiti na din sya
"I'll trust your smile.. " sabi nya kaya tumango tango ako
*DINGDONG!! *DINGDONG!! *
Sabay kaming napatingin ni eun woo sa pinto dahil sa sunod sunod na doorbell.. Si eun woo na ang nag bukas ng pinto at bumungad si clyde na may dala dalang folder at agad na pumasok
"Why are you here?" tanong ko at umupo sya sa tapat ko, pinisil pisil pa nya ang pisngi ni baby liza bago inilabas ang laman ng folder
"Naka tanggap ako ng message galing sa mga red dragon.." sabi nya at isinalansan ang mga litrato na hindi ganun kalinaw "Masyado ng marami ang horizon kaya lalong naging delikado.. At palagay namin ay hinahanap kana nila" sabi nya kaya napatingin ako sa picture
Kung titignan sa picture ay parang mga tambay lang sila sa paligid pero sobrang dami nila at halatang may hinahanap sila
"At nakatanggap din ako ng message galing kay daddy.. " sabi nya kaya napatingin ako sakanya "Natunton sila ng horizon dun.. Pero nandon na ang mga red dragon at binabantayan sila.. Ang balak nila mom ay next next week ay uuwi sila dito" dagdag pa nya kaya napabuga ako ng hininga at naagaw ng pansin ko ang isa pang picture ng lalaki na naka mask kaya kinuha ko yun at sa puntong yun ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko at nabitawan ang picture
"What's wrong?" tanong nila kaya tinignan ko silang dalawa
"Natatandaan ko ang lalaking to.. " usal ko at tinignan naman nila ang picture
"Ito ang pinaka malinaw na picture na nakuhanan nila.. Pero saan mo sya nakita? " tanong ni clyde at biglang sumikip ang pag hinga ko kaya napa hawak ako sa dibdib ko
"Chloe!" rinig kong sabi nila at lumapit sa'kin
"Iniinom mo pa ba ang mga meds. mo?" tanong ni clyde pero umiling ako
"O--okay lang.. Hindi ko kailangan nun" sabi ko at umupo ng maayos, kinuha ko ulit ang picture at tinitigan ng maayos "Sya.. Sya yung lalaking bumaril sa'kin at inilaglag sa dagat mula sa helicopter" sabi ko at wala sa sariling nailukot ang picture
"Sa pag kakasabi nila sa'kin.. Sya ang namumuno sa buong horizon at sya ang gustong pumatay sayo.. " sabi nya at may kinuha ulit na picture at pinakita sa'kin
"Ano yan?" tanong ko dahil isa rin itong lalaki na naka mask at naka jacket na black
"Isa sya sa mga smithnix.. Wala pang malinaw na embestigasyon sakanila pero sa pag kakaalam ko ay nakuha na nila ang crown at natapos na din ang coronation" sabi pa nya kaya napahawak na lang ako sa sentido ko
"Paano ang ginagampanan mo sa military?" tanong ni eun woo
"Nag babalak na akong mag resign sa pwesto ko.. " sabi ko at nagulat pa sila
"Wae?" tanong ni clyde
'Tsk! Marunong na din mag korean amp!'
*Translate/Korean*
'Why?'
"Mapapaaga talaga buhay ko kapag nag kasabay yun.. Mas pipiliin ko pa ba ang pagiging army kung sa posisyon ko palang sa pagiging mafia napaka komplikado na" iiling iling na sabi ko at maya maya pa ay
*DINGDONG!!*DINGDONG!!*
Si clyde na ang tumayo at binuksan ang pinto.. Nakita ko si keila na napatitig sa kapatid ko pero agad din naman nabaling ang tingin nya nang tumayo ako
"Chloe hindi paba tayo aalis?" tanong ni mads nang makapasok sila
"Aalis na.. May pinag usapan lang kami" sabi ko at tumango sya at lumapit sila kay baby liza
"What's this?" tanong ni angel sabay turo sa mga picture na nakasalansan sa lamesa kaya napatingin agad ako kay clyde kaya mabilis syang lumapit sa lamesa para ligpitan ang picture
"Kalat lang ni clyde yan.." sabi ko at tumango tango sya
Hindi na rin kami nag tagal at agad na umalis.. Mag aala sais na ng gabi kaya naman tumungo na kami agad sa isang bar kung saan gaganapin ang birthday ni diane.. Nang makarating kami sa lugar na yun ay namangha ako sa ganda nun dahil hindi aakalaing bar sa sobrang ganda. Pinakita muna namin ang invitation tyaka kami pumasok.. Hindi sya katulad ng ibang bar na puro usok ang maaamoy at iba't ibang amoy ng alak dahil dito ay napaka presko at nakakamangha ang lugar. Marami rami na ang tao at sa hindi kalayuan ay nakita ko si diane na kausap ang bartender kaya lumapit kami
"Oww! Chloe! Buti ay nakapunta kayo akala ko hindi na kayo pupunta e" masayang sabi nya kaya ngumiti na lang ako
"Ang ganda naman dito ate diane.. Hindi ko aakalaing bar sa sobrang ganda" namamanghang sabi ni keila kaya natawa si diane
"Ito kasi yung gusto ng asawa ko.. Nung una ayoko dahil narinig ko ang salitang BAR dahil hindi pwede ang anak ko sa ganun pero nung pinakita nya ay okay naman.. Dito lang sa baba ang mga alak sa taas ay puro pagkain ang nandon.." sabi nya kaya nailibot ko ang paningin ko, medyo malakas ang tugtog sa stage at medyo marami na din ang umiinom
"Hon! Bakit hindi pa kayo umakyat?" napatingin ako sa kakadating na lalaki na lumapit kay diane
"Inaantay ko pa sila damon hon.. Ayy oo nga pala chloe, madison, angel, keila.. Si Edward asawa ko" pag papakilala nya kaya tinanguan ko na lang
"Nice to meet you.. But parang pamilyar ka sa'kin?" tanong nya sa'kin at doon ko lang naalala na nakita ko pala sya sa bahay nila damon noon
"Ahmm.. Sya yung girlfriend ni damon" awkward na sabi ni diane pero kumunot ang noo ni edward
"Girlfriend ka ni damon? Akala ko si veronica ang girlfriend nya.. " tatango tangong sabi nya at nahuli ko pang kinurot sya ni diane at tinignan ng masama
"I'm sorry chloe.. Masyadong madaldal to'ng asawa ko pag pasensyahan mo na" nahihiya pang sabi nya pero ngumiti ako
"It's okay.." sabi ko na lang
"Oh! Nandyan na pala sila damon!" sabi ni edward at tumingin sa likod namin kaya dahan dahan akong napatingin
"Sorry medyo natraffic kami!" sabi nya hanggang sa makalapit sila sa pwesto namin
Kasama nya sila zeke at yung veronica na girlfriend nya kaya naman napaiwas ako ng tingin
"Jusme nakalimutan kong dadating nga pala yung mga unggoy na'to.. " bulong sa'kin ni mads
"Happy Birthday diane!" bati ni zeke kaya nginitian sya ni diane
"Thank You! Tara na sa taas.. Chloe tara" aya ni diane sa'kin kaya napatingin sila sa gawi ko
Nag tama ang paningin namin ni damon pero ganun pa rin ang mga tingin nya, napaka lamig at parang ibang tao lang ako sakanya.. Nakita ko pang hinawakan nya sa kamay si veronica at nauna na silang umakyat
"Ahm.. Chloe--" hindi ko na pinatapos si diane
"It's okay.. Naiintindihan ko sya" sabi ko at ngumiti
Umakyat na kami at medyo madami ang taong kumakain, nadako ang paningin ko kay damon na may karga kargang batang lalaki at mukang yun ang anak ni diane
"Chloe.. " tawag ni angel kaya napatingin ako sakanya
"Okay ka lang ba?" tanong ni mads kaya tumango ako
Umupo kami at dinalan kami ng pagkain kaya nag simula na kaming kumain.. Naging busy si diane sa mga bisita kaya hindi na rin kami naasikaso at maya maya pa ay may nakaagaw ng pansin ko
"Happy Birthday ate!" bati nya at binigay ang regalo kay diane.. Saglit pang napasulyap sya kay damon pero ganun pa rin ang mga tinginan nilang dalawa
"Sya yung kapatid nila damon na bunso diba?" tanong ni mads kaya tumango ako
"Sya si daril.. " usal ko
"Infairness ang gwapo din ah.. Pero hindi sya katulad ni damon masyadong syang masiyahin kumpara sa kuya nya" sabi ni pa nya
"Angel.. Hinay hinay lang baka mabilaukan ka" suway ni keila kaya napatingin kami kay angel na ang lakas kumain
"Hays.. Hindi ko mapigilan yung gutom ko" sabi nya at nag patuloy sa pag kain pero nadako ang tingin ko kay andrew na nakatitig kay angel at pasimpleng napangiti kaya naman parang nag taka ako
"Chloe?" naagaw ng pansin ko ang nasa gilid ko at medyo nagulat pa ng makita si daril
"Daril.." usal ko at napangiti naman sya
"Ang tagal nating hindi nag kita ah!" masayang sabi nya kaya ngumiti ako na lang ako ng pilit "Gusto mo uminom?" tanong nya kaya napatingin ako sa mga kasama ko
"Susunod kami sa baba.. Aantayin lang namin matapos si angel" nakangiting sabi ni mads kaya tumango na lang ako at tumayo
"Let's go" sabi ko at bago pa kami makababa ay napasulyap ako kay damon na ngayon ay napaka seryosong tingin nya pero hindi ko na lang pinansin
Nang makababa kami ay sya na ang kumuha ng drink namin at pumwesto sa gilid kung saan malapit yun sa stage
"It's been awhile.. At lalo kang gumanda" nakangiting sabi nya sabay tungga ng beer kaya kinuha ko ang akin at uminom din "Saan ka nga pala nag punta?" tanong nya
'Tsk! Parang close na close naman kami.. '
"Sa California.. Kasama yung family ko" sabi ko at tumango tango sya
"Pero parang napansin kong medyo lumaki ang katawan mo.. I mean medyo payat ka kasi nung last na pag kikita natin"
"Nag military ako sa US.." sabi ko at parang nagulat pa sya
"Whooaaww.. Pero hindi na ako mag tataka kung bakit pumasa ka sa military.. Si bruce nga napataob mo e" sabi nya kaya natigilan ako "Oopss.. I'm sorry" sabi pa nya
"No.. It's okay"
"Ahmm.. Anong balita sainyong dalawa?" tanong nya at sasagot na sana ako ng may nakauna na
"Break na kami.. " mabilis na sabi ni damon habang may iniinom na alak at nagawi pa ang tingin ko kay veronica
"Oww!! So sad" sarkastikong sabi ni daril
"Tsk! Mukang masaya ka.. May malalandi ka na naman" sabi nya kaya kunot noo akong napatingin sakanya
"Landi agad ang tawag mo dun?" sarkastikong tanong nya kay damon "Wala naman sigurong masama kung ligawan ko si chloe.. Girlfriend mo naman na si veronica" sabi ni daril kaya napatingin ako kay veronica na nakatingin sa'kin ngayon
"Sabay! Matagal naman na kaming tapos.. Ano nga bang pakialam ko sainyo" sabi ni damon kaya napaiwas ako ng tingin kay veronica
"Damon let's go.. " rinig kong usal ni veronica
"Yun naman pala e!" sabi ni daril at nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko "From now on.. Liligawan na kita" sabi nya kaya napakunot ang noo ko
"Tsk! Hindi ko aakalaing kaya mong pag sabayin si eun woo at si daril" sarkastikong sabi ni damon kaya agad akong napatingin sakanya
"Anong sabi mo?" takang tanong ko kaya nginisihan nya ako
"Bakit hindi ba totoo? Ibang klase ka din pala.. " sabi nya kaya unti unting kumunot ang noo ko
"Ano bang pinag sasasabi mo?" hindi ko napigilang mainis sa sinabi nya
"Tsk! Ayos lang naman kung mag landian kayong dalawa dahil wala naman na sa'kin yun.." sarkastikong sabi nya kaya napatayo ako
"Landian? Bakit nakita mo ba akong nakipag landian? Mag dahan dahan ka sa sinasabi mo.. " sabi ko at nakita kong hinawakan sya ni veronica sa braso
"Damon tara na.. " usal sya
"No! Dito ka lang.. Hayaan mong makita nya na may girlfriend na ako para tumigil na sya sa pang gugulo sa'kin!" sigaw nya at hindi ko napigilang masaktan sa mga sinasabi nya ngayon
"Chloe!" napatingin ako kila madison na papunta sa dereksyon namin at nasalikod din nila sila zeke
"Dre! Anong nangyayari dito?" tanong ni zeke nang makalapit
"Chloe ayos ka lang?" tanong ni angel kaya tumango ako
"Ano bang problema mo damon?" mataray na tanong ni madison kaya napangisi si damon
"Problema ko? Yang kaibigan nyo!" sigaw nya at naramdaman kong dumiin ang pag kakahawak sa'kin ni daril kaya napatingin ako sakanya
"Akong bahala sayo.. " bulong nya
"Akala ko ba wala ka ng pakialam kay chloe? Bakit pinoproblema mo pa?" sarkastikong tanong ni daril kay damon kaya tiningan sya ng masama
"You're right! Wala nga akong pakialam sakanya.. " sabi nya at tumingin sa'kin "Ang gusto ko lang.. Tigilan mo na ang pang gugulo sa'kin dahil matagal na tayong tapos" habang sinasabi nya yun ay parang paulit ulit na sinasaksak ang puso ko
"Dre tama na!" awat ni andrew
"Tama na?! Hayaan mo sya! Nang marealize nya lahat lahat!" galit na sigaw nya at ramdam ko na ang tinginan ng mga tao
"Dre stop! Pinag titinginan na tayo ng bisita" usal ni lucas kaya napayuko ako at hindi ko napigilang mapa hawak din ng mahigpit kay daril
"Tumigil kana bruce!" natahimik sila nang mag salita si daril "Kung wala ka ng pakialam kay chloe tumigil kana.."
"Bakit ano bang alam mo? Ang makipag landian kung kani-kanino? Nakakabilib kayong dalawa" sabi nya kaya hindi ko na kinaya ang mga binibitawan nyang salita
"Mas nakakabilib ka alam mo ba yun?" sabi ko at tumingin ng deretsyo sa mata nya "Damon ano pa bang gusto mong gawin ko ha?! Ang lumuhod sa harap mo at mag makaawa yun ba! Yun ba ang gusto mo?! Napaka tigas ng puso mo!" sigaw ko at napasulyap kay veronica
"Kasalanan mo'to kung bakit ako nag kaganito--"
"Lintek naman damon!" inis na sigaw ko "Alam kong iniwan kita.. Alam kong nasaktan kita ng sobra.. Pero sana naman intindihin mo naman ako"
"Intindihin? T*ngina nag lolokohan na naman ba tayo? Ayoko na ng paulit ulit chloe.. Hindi kaba napapagod?" sa puntong yun ay nangilid na naman ang luha ko
"Hindi.. At kahit kelan hindi ako napagod sayo" sabi ko at ang kunot nyang noo ay unti unting nawala "Nangako ka sa'kin.. Na mamahalin mo ako hanggang dulo kaya pinanghawakan ko yun nung umalis ako.. Kahit isang beses hindi ka nawala sa isip ko.. Akala mo ba madali sa'kin yung ginawa ko? Damon.. Napaka hirap, Halos patayin ako araw araw nung mga oras na yun.. Damon gusto kong lumaban.. Kaya sana tulungan mo naman ako" sabi ko at nakita kong lumunok sya pero unti unti ulit na nadurog ang puso ko nang iniwas nya ang tingin sa'kin
"Itigil mo na.. Kung ikaw hindi pa napapagod ako pagod na pagod na.. Kaya nakikiusap ako sayo.. Tama na" sabi nya at agad akong tinalikuran
Habang pinag mamasdan ko ang likod nyang papalayo ay parang gusto ko na lang din sumuko pero may part sa'kin na 'Kaya ko pa.. Kakayanin ko pa' dahil iniisip ko pa lang na susuko na ako ay hindi ko na kaya..
"Chloe.. " usal ni daril kaya napatingin ako sakanya
"Uuwi na kami.. " usal ni mads at hinatak ako pero natigil si mads sa pag lalakad nang humarap si zeke
"Ihahatid na namin kayo.. " sabi ni zeke pero hinawi sya ni madison
"Hindi na kailangan.. Pag sabihan nyo yang si damon.. Wala na syang puso" sabi ni mads at nag patuloy na sa pag hila sa'kin
Nang makapasok kami sa sasakyan ay wala akong lakas ng katawan para i-start ang sasakyan kaya hinawakan ako sa kamay ni angel
"It's okay.. Ilabas mo" usal nya kaya huminga ako ng malalim at pinaadar agad ang sasakyan
Ilang saglit pa ay nakarating kami sa secret place na lagi naming pinupuntahan ni damon.. Tahimik ang lugar at ang tanging buwan ang ilaw dito, kita ang mga building at medyo malamig na ang simoy ng hangin. Nanghihina ang tuhod kong nag lalakad papunta sa duyan kung saan kami laging umuupo kaya nang makaupo ako kay pinakawalan ko ang napaka bigat na pakiramdam pero pinipigilan kong umiyak
"People cry, not because they're weak. It's because they've been strong for too long.. So let it out chloe.. " sabi ni mads at nakita kong umupo sila sa tabi ng puno habang nakatingin din sa mga buildings
"Minsan iniisip ko na sana.. Sana hindi na lang ako umalis para hindi naging ganito ang sitwasyon namin" sabi ko at nag simulang iugoy ng marahan ang duyan "Pero kailangan ko syang protektahan pati na rin kayo.. Hindi ko lang masabi sakanya lahat yan dahil baka hindi nya matanggap na ganun ang pamilya ko.." sabi ko at nag pakawala ulit ng hininga
Tumingin ako sa langit na pinapalibutan ng mga bituwin kaya naman napasandal na ako sa duyan at hinawakan ang gilid ko kung saan doon laging nakaupo si damon
"Sakit.. Napaka sakit, hindi ito yung inaasahan ko.. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito kasakit" sabi ko at nag simulang nangilid ang luha ko "Sa bawat bitaw nya ng masasakit na salita lahat yun.. Lahat yun tumatatak at paulit ulit kong naririnig.." sabi ko at doon na pumatak ng sunod sunod ang luha ko
Hindi sila sumasagot at nakikinig lang sa bawat sinasabi ko kaya umupo ako ng maayos at pumikit habang dinadama ang luhang tumutulo
"I love him.. I really really love him so I can't give up" sabi ko at dahan dahang napa yuko at doon na napahagulgol "Pagod na ako.. Pero hindi ibig sabihin nun ay pagod na ako sakanya.. Pagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.. " sabi ko at ramdam ko na ang pag hagod nila sa likod ko
"Ikaw ang pinaka matapang na taong nakilala ko chloe.. Alam kong kaya mo.. Alam naming kakayanin mo" rinig kong usal ni keila
'It's hard to wait around for something you know might never happen, but it's even harder to give up when it's everything you want'