CHAPTER: Reunion Day 1

3482 Words
Chloe's POV; "Sigurado ka bang hindi ka sa sama?" tanong ko kay eunwoo na dala dala ang bag ko "May trabaho din ako.. At kailangan ako ni baby liza" sabi nya kaya tumango ako "Pero kung kailangan mo ako don.. Dadating ako" dagdag pa nya kaya napangiti ako "Hayss.. Sana maging okay na lahat" sabi ko at nakita ko na naman ang pekeng ngiti ni eun woo "If you really love him.. Then fight for him" sabi nya kaya mas napangiti ako "I hope someday.. Mahanap mo yung para sayo" sabi ko pero napangisi lang sya "Tsk! Kelan pa yun.. " iiling iling na sabi nya kaya natawa na lang ako "Tara na.. Susunduin pa natin mga kaibigan mo" sabi nya kaya lumabas na kami ng condo at agad na sumakay sa sasakyan ni eun woo Hindi ako na ako pinag dala ni eunwoo ng sasakyan dahil mas gusto daw nyang maihatid at masunod nya ako dun kaya hindi na ako umangal pa.. Sinundo na namin sila Madison, keila at Angel at agad na hinatid kami ni eun woo kung saan gaganapin ang reunion.. Pag baba namin ay agad akong nag taka dahil hindi ganitong lugar ang inaasahan ko "Ito ba talaga yun? O baka namali lang tayo?" rinig kong tanong ni madison pero umiling ako "Ito yung address na nakalagay e.. " sabi ko at pinakita sakanila ang phone ko "Hayss.. Akala ko pa naman sobrang ganda" sabi ni angel 'Kahit ako ay nadismaya tsk!' "Paano tayo matutulog nyan ngayong gabi?" tanong ni keila at rinig ko ang pag sara ng pinto sa likod ng kotse kaya napalingon ako at nakita si eun woo na ibinaba ang gamit namin "Si chloe kahit walang tulugan kaya yan.. " sabi ni eun woo kaya sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya "Ito na yung mga gamit nyo.. Gusto nyo bang ihatid ko pa kayo sa loob?" tanong nya pero umiling ako "May trabaho kapa.. Kaya na namin kaya mauna kana" sabi ko kaya tumango sya "Thank You eun woo.. Hayss meron pa bang koreano'ng katulad mo? Makapunta na nga sa korea" pag bibiro ni madison kaya natawa si eun woo "Ayy nako te sa Pilipinas pa lang palpak na lovelife mo mag ko-korea ka pa ah.. " sabi ni angel kaya inirapan lang sya ni mads "Sige na mauna na ako, ingat kayo.. Chloe, tawagan mo ako kapag may kailangan ka ah.. Pupunta agad ako" sabi nya kaya tinanguan ko lang sya Bumusina muna sya bago tuluyang umalis.. Dahan dahan kaming lumapit sa gate at pinakita ang invitation sa phone ko kaya agad kaming pinapasok.. Inilibot ko ang paningin ko, malawak ito at maraming puno'ng pumapalibot sa isang malaking bahay na nakalagay sa bandang gitna ng paligid na ito.. Sa di kalayuan ay nakita na namin ang mga batch mates namin kaya naman lumapit na kami doon.. "Chloe?" gulat na tanong ni sunshine nang makita ako "Nice to see you again.." usal ko at binaba ang bag sa upuan "Kelan kapa umuwi?" tanong nya kaya kumunot ang noo ko "Nung nakaraan lang.. Bakit mo natanong?" tanong ko pero ngumiti sya "Then welcome back" sabi nya kaya hindi ko na sya pinansin.. Kokonti pa lang ang tao kaya umupo muna kami "I want to go home.. " sabi ni keila na malungkot ang tingin sa pool "Ano kaba nandito na tayo oh.. Aatras pa ba?" tanong ni angel "Hayss.. Kung sakaling dumating sila dedmahin na lang natin, nandito tayo para mag enjoy" sabi naman ni mads kaya may namuong awa sa loob ko para sakanila 'Hindi ko alam kung bakit nangyayari lahat ng to.. ' "Ikaw chloe.. Anong balak mo?" tanong ni mads pero napa buntong hininga ako "I don't know.. Pero gusto kong bumawi.. " sabi ko pa "Ano nga pa lang nangyari sainyo nun.. Nung nag usap kayo?" tanong pa nya kaya napangiti ako ng mapait "Ayun.. Katulad ng expect ko galit sya" sabi ko at pinag laruan ang daliri ko "Ano sinabi sayo?" tanong naman ni angel kaya nung naalala ko yung mga sinabi nya ay parang sinasaksak ako ng ilang ulit "Wala daw syang iba.. " sabi ko at tumingin sakanila isa isa "Pero hindi na ako.. " sabi ko at halatang nagulat sila "Ouch.. Ang sakit non bakit hindi mo agad kami sinabihan na ganun pala inasta nya sayo, edi sana nadamayan ka namin" sabi ni keila pero ngumiti ako sakanila "Alam kong may pinag dadaanan din kayo.. Kaya ayoko ng makadagdag" sabi ko pero umiling si mads "Kahit anong problema pa yan mag sabi ka.. Para saan pa yung pag kakaibigan natin kung ganun diba" sabi nya kaya tumango ako "Kayo ba.. Hindi nyo ba bibigyan ng second chance yung mga ex nyo?" tanong ko at naiba ang mga reaksyon nila "Humingi ng second chance sa'kin si zeke pero tinanggihan ko.. Ang hirap e.. Ang hirap basta basta mag desisyon lalo na't medyo fresh pa yung sakit" sabi naman ni mads "Mukang malabo na kami ni andrew.. Umayaw na ako kahit nanghihingi din sya ng second chance.. Binalik ko na din yung singsing na ibinigay nya" sabi ni angel at kita ko ang pangingilid ng luha nya "Nag paraya na ako kay athena.. Alam ko naman na sa ending ng storya namin ni lucas ako yung talo kasi ano nga bang laban ko sa mas nauna nyang minahal diba.." sabi naman ni keila kaya hindi ko maiwasang malungkot sa mga pinag dadaanan nila.. "Alam nyo na ba kung sino ang puno't dulo sa nangyari non?" tanong ko pero umiling sila "Eh! Sino nag bigay sainyo ng picture?" pag tataka ko "Hindi namin alam.. Basta may nag iwan na lang sa labas ng bahay namin" sabi ni mads kaya nag taka ako sa sinagot nila 'Teka.. Pare-pareho ang style ng picture at pare pareho din silang nakatanggap ng picture.. Hindi kaya.. ' "Hindi kaya may nag plano non para masira kayo ng tuluyan?" tanong ko at kumunot ang noo nila "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni angel kaya humarap ako sakanila ng maayos "Diba sabi nyo party yon.. Pero hindi nyo alam kung anong klaseng party yon at kung kaninong party.." sabi ko at nakita kong tutok na tutok sila sa sinasabi ko "Tapos pare-pareho silang nakahiga sa iisang kama kasama ang mga ex nila.. Tapos pare-pareho din kayong nakatanggap ng picture.. Hindi kaya na set up ang mga ex nyo?" tanong ko at nag katinginan silang tatlo "Kung ganon.. Paano namin malalaman kung sino ang may pakana non? " tanong ni mads "Hindi ko din alam.. Pero tutulungan ko kayo" sabi ko at tatango tango sila "Pero sa ngayon.. Wag muna kayong mag pakampante" dagdag ko pa "Buti na lang talaga bumalik ka chloe.. Hayss" sabi pa ni keila kaya nginitian ko sila "Chloe!" sigaw ng batch mate namin kaya napatingin ako sakanya "Nanjan na yung mga boyfriend nyo" sabi nya kaya nag taka ako.. Tumingin ako kung saan sila naka tingin kaya halos kumawala na naman ang puso ko sa sobrang bilis ng pag t***k ng makita ko si damon na papunta sa dereksyon namin "Ex na nila yan.." singit ni ivy at mataray na sumulyap sa'min "Hi damon!" bati ni sunshine kay damon pero kahit ngiti ay hindi sya binigyan nito kaya nung malapit na sya sa pwesto namin ay tumayo ako "d**o---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lagpasan nya ako at kahit tingin ay hindi nya ako tinapunan "Hi chloe.. Long time no see" bati ni lucas kaya tumango lang ako at sinulyapan pa nila zeke sila mads bago sumunod kay damon Napatingin ako kay sunshine na nakangising naka tingin sa'kin pero hindi ko na sya pinansin at umupo na lang ulit.. Napatingin ako kay madison na may pag aalalang tingin kaya nginitian ko sila "O--okay lang ako.. Don't worry" sabi ko kahit na sa loob loob ko ay pinapatay na ako ng ilang beses "Sigurado ka ba sa gagawin mo?" pag aalalang tanong ni mads kaya tumango ako habang naka ngiti "Eh.. Parang hangin ka lang na dumaan kanina ah" usal ni angel pero nakita kong siniko pa sya ni madison at keila kaya napatingin na lang ako sa malayo "Hindi ko sya masisisi sa inaasta nya sa'kin.. Deserve ko naman e.. Masyado ko syang nasaktan" sabi ko pero umiling si keila at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya "Hindi lang naman sya ang nasaktan pati rin naman ikaw.. Mas mahirap pa nga ang pinag daanan mo kesa sakanya e.. " sabi ni keila kaya ngumiti ako "Thank you sa pag aalala nyong lahat.. Pero kaya ko'to.. Kakayanin ko" sabi ko kaya ngumiti na lang sila ng pilit sa'kin "Malayo kana sa chloe na nakilala namin nung first day of class.. " matawa tawang sabi ni angel "Nung araw na yun halos wala kaming makitang emosyon sa muka mo pero ito ka ngayon.. Napaka layo sa chloe na nakilala ko noon" dagdag pa nya "Parang dati lang inii-snob mo pa kami.." sabi ni mads kaya kahit ako ay natawa "Akala ko nga.. Tomboy ka e.." sabi ni keila kaya napailing na lang ako "Lahat naman ata ng nakilala ko ang unang tingin sa'kin tomboy.. Hindi ba pwedeng boyish lang?" matawa tawang tanong ko "Pero alam mo chloe.. Gusto ko din maging magaya mo" sabi ni mads kaya tinignan ko sya ng may pagtataka "Kasi napaka cool at ang angas mo.. Parang lahat yata kaya mo.. Tapos ang ganda mo pa at malakas ang loob" sabi nya kaya napangiti na lang ako ng mapait 'Sana nga totoo yung malakas ang loob.. ' Ilang minuto pa ay nag si datingan na din ang iba kaya naman kumain na kami ng sabay sabay.. Hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nila damon na katabi ngayon si sunshine na sobra ang laki ng ngiti pero si damon ay seryoso lang kumakain kaya naman hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi ganung damon ang kinasanayan ko.. Nahuhuli ko pa sila zeke, lucas at andrew na sumusulyap sa mga kaibigan ko pero si madison ay masama ang tingin kay zeke dahil katabi nya ngayon si ivy pero maya maya pa ay tumayo si sunshine at ivy.. "Girls! Dito!" sigaw ni sunshine kaya napatingin ako kung saan sila nakatingin "Owsh*t.." rinig kong usal ni angel Ang natatandaan ko lang sa dalawang babae na nag lalakad sa dereksyon namin ay si athena.. Ang ex ni lucas "Hi! Buti nakarating kayo agad.. " sabi ni ivy at nakipag beso sila dun sa dalawang kakadating "Ahmm.. Guys pwede naman silang sumama sa reunion natin diba?" masayang tanong ni ivy "Tsk.. Mukang gusto ko na rin maging ka pamilya ni chloe para pwede akong makapatay ng tao.. " rinig kong usal ni angel "Parang hindi ko ata kayang makita si lucas na kasama si athena.." bulong naman ni keila "Oo naman! " "Ang gaganda naman nila!" "Pwedeng pwede!" "Welcome na welcome kayo!" Ilan sa mga sagot ng batch mates namin kaya naman masayang nag lakad sila papunta sa dereksyon nila damon at nag kanya kanya sila ng tabi kaya naman parang bumalik yung time na sila sila ang mag kakasama.. "Bakit parang nangyayari na yung kinatatakutan namin nung araw na nakita ko yung picture sa tambayan nila.. " sabi ni keila "Hayss.. Ayoko silang makita kumukulo yung dugo ko" sabi naman ni mads kaya napabuntong hininga ako "Sino yung katabi ni andrew?" tanong ko at napatingin sa'kin si angel "Ex nya yun.. Si akira mukang anghel no? Tsk! Sarap tusukin ng tinidor ah" inis na sabi ni angel sabay subo ng pag kain Pinag patuloy lang namin ang pagkain namin ng lunch at napag desisyunan na ipabilog ang upuan namin para magkaharap harap ang lahat.. Pero para sa'min ay masamang idea'ng yun dahil sa mga kaibigan ko pa lang ay hindi na okay yun.. "Ang bilis ng panahon no? Parang kelan lang ay senior high lang tayo na laging napapagalitan ng mga professor natin" sabi ng isa sa mga classmates namin "Ang sarap balikan ng high school life natin.." sabi pa ng iba 'Oo nga.. Ang sarap balikan yung araw na masaya pa ang lahat.. Yung araw na okay pa at walang iniintinding problema' Napasulyap ako kay damon na seryoso lang ang muka habang maangas na nakaupo.. Nagawi ang tingin ko kay sunshine na ang laki laki ng ngiti habang nakatingin kay damon pero nang mabalik ko ang tingin ko kay damon ay halos mahulog ako sa upuan nang makita kong nakatingin sya sa'kin pero sobrang lamig at seryoso ng mga tingin na yun.. "Pero maiba tayo.. Anong nangyari sa Love Teams natin nung high school?" tanong ng batch mate namin at doon ko lang na realize na mga nakatingin na pala sila sa'min "Wala na.. Napaka tagal na nung nag break ang love teams na yun! " singit ni ivy kaya napatingin ako sakanya "Itong dimunyitang linta na'to pag hindi talaga tumigil papangahan ko yan.. " bulong ni mads kaya sinuway ko na lang sya "Ayy! Anong nangyari? Parang nung highschool tayo parang hindi kayo mapag layong walo ah!" sabi nung baklang batch mates namin kaya naman parang pa awkward ng pa awkward ang paligid ko "Iniwan kasi ni chloe si damon ng walang paalam kaya nag break silang dalawa.. " nabigla ako nang sabihin yun ni sunshine ng dere-deretsyo kaya napatingin ako sakanya na nakangisi na na ngayon "Tama naman ako chloe diba?" tanong nya sa'kin pero tinitigan ko lang sya at pinipigilang magalit "Ehem! E yung sainyo madison,Angel at keila anyare?" walang prenong tanong nung bakla at nakita ko pang sinagi sya ng katabi nya pero rinig ko ang pag singhal ni madison "Diba kadalasan naman sa relasyon may mga surot at haliparot na pumapaligid? Ayun nag kaganun.. Dinapuan ng mga peste" usal ni madison kaya napatingin ako kay ivy na ang taray na ng tingin kay madison pero nakita ko naman na umupo si angel at pinag krus ang kamay nya "Diba yung mga ganung peste dapat pinapatay? Salot lang kasi sa lipunan yung ganon.. " pag paparinig ni angel Ramdam ang tensyon sa pagitan namin at sa katapat naming sila damon na ngayon ay katabi nila ang mga ex nila dati "Alam nyo kung kayo naman talaga ang mahal ng mga ex nyo ay hindi kayo iiwan tsk!" sabi ni ivy kaya kahit ako ay napataas ng kilay Napasulyap ako sa paligid na ngayo'y nakatingin na kila madison at sa kila ivy kaya naman napasulyap ako kay damon na seryoso pa rin ang tingin sa kung saan "Alam mo girl kilala naman natin ang mga lalake wag na tayong mag lokohan.. Hindi maakit ang lalaki kung walang nang aakit diba?" singhal naman ni madison at nakita kong napangisi pa si ivy "Alam mo mads walang mangaakit kung walang mag papaakit.. Ganun lang yun" maarteng sabi ni ivy at rinig ko naman ang pag tawa ng peke ni angel "Grabe.. Hindi ako maka paniwala sa mga lumalabas sa bibig mo.. Anong klaseng mind set meron ka? Sa bagay gawain nyo naman kasi.. " sarkastikong sabi ni angel at nakita kong napa tayo na yung akira na ex ni andrew "Kung may problema kayo sa'min sana kami na lang yung kinausap nyo.. Hindi yung dinadaan nyo sa ganito parang ginagawa nyo kaming kaladkaring babae" sabi nya kaya napairap na lang ako sa kawalan 'Hands up ako sayo boi! Grabeng mind set meron kayo' Nakita kong tumayo na din si angel at nakita ko pang hinawakan sya sa kamay ni keila para pigilan pero wala na syang nagawa "Bakit hindi nyo ba masasabing ganun kayo? May iba pa bang tawag don?" inis na tanong na ni angel at nakita ko ang pangingilid ng luha ni akira kaya nakita kong tumayo na din si ivy "Ano ba angel! Grabe ka mag react e break na kayo ni andrew nung nangyari yon so wala ka na kayong karapatan para umasta ng ganyan" sabi ni ivy kaya napangisi ako at parang napalakas yun dahil napatingin silang lahat sa'kin kaya naman pinaupo ko na si angel at ako na ang tumayo "Satingin mo ba ka respe-respeto yang sinasabi mo? Kung gusto nyo ng respeto sana nirespeto nyo muna ang sarili nyo.. " sabi ko pero nginisihan ako ni ivy at pinasadahan ako ng tingin "Tsk! Makapag salita ka akala mo kang kung sinong mabait.. Bakit alam mo ba lahat ng nangyari? At alam mo din ba ang pinag daanan ni damon nung bigla bigla mo na lang syang iwan?" natigilan ako nang isingit nya sa usapan yun kaya ramdam ko ang pag galaw ng panga ko "Wag mong iniiba ang usapan.. " sabi ko habang nag pipigil ng galit "Bakit? Ayaw mong pag usapan? Ayaw mong malaman nilang lahat kung paano ka nag loko?" tanong nya kaya sa puntong yun hindi ko napigilan mapakunot ang noo "Nag loko? Bakit may alam kaba sa nangyari? Mag iingat ka sa sinasabi mo.." sabi ko at medyo lumapit sya papunta sa'kin kaya nakita kong tumayo si zeke para pigilan ni ivy "Bakit sasaktan mo ako? Go! Kaya kitang ipakulong sa gagawin mo" sabi nya pero narinig ko ang pag tawa ni madison "Pakulong? Baka ikaw pa ikulong nyan e.. " sabi ni madison kaya tinaasan sya ng kilay ni ivy "Bakit pulis ba yan? Eh kung ganun ay kaya ko syang ipatanggal don" sabi pa nya kaya hindi ko napigilang mapangisi "Hindi lang sya pulis.. Sun---" hindi na natapos ni madison ang sasabihin nya nang may marinig kaming putok ng b***l kaya naman napatingin ako sa kung saan yun nanggaling kaya halos man laki ang mata ko nang makita sya kaya nag madali akong lumapit sa dereksyon nya "Chloe!!" rinig kong sigaw nila pero hindi ko na yun pinansin "Sir! Ibaba nyo po ang b***l nyo at wag na kayong manggulo dito!" sigaw nung guard habang nakatutok ang b***l sakanya "Ayoko! Papatayin ko yang babaeng yan!" sigaw nya kaya tinignan ko sya ng seryoso "Sergeant Michael Hamada.. Wag ka dito manggulo" sabi ko pero nginisihan nya ako at agad tinutukan ng baril "Chloe! Umalis ka jan!" rinig kong sigaw nang pamilyar na boses pero hindi ko pa rin pinakinggan "Kinikilala ka pa naman na isang Commander Sergeant Major of the Army pero hinayaan mong mamatay ang isa napaka importanteng tao para sa'kin!" sigaw nya kaya napatitig ako ng seryoso sakanya "Ilang beses ko bang ipapaintindi sayo na hindi ko hinayaang mamatay si sergeant kang!" sigaw ko pero ngumisi muna sya bago lumapit ng malapit sa'kin at agad na kinasa ang b***l at tinutok sa sa'kin "Hindi mo hinayaan?! Pinapatawa mo ba ako?! Hindi sya mamamatay kung hindu dahil sayo!" sigaw nya kaya napapikit ako nang mariin bago tumingin ulit sakanya na tumutulo na ang luha "Dapat ikaw ang mamamatay nung gabing yon! Pero sinalag nya ang bala para sayo!" sigaw nya "Iniisip ko na sana ako na nga lang! Sana ako na nga lang yung namatay at hindi sya! Akala mo ba madali sa'kin yon?! Naging mabuti din syang kaibigan sa'kin!" sigaw ko pabalik sakanya pero napasinghap ako nang itutok nya ang b***l sa bandang puso ko "Jusko chloe!!" rinig kong sigaw ni madison "Edi tutuluyan na kita kung ganon!" sigaw nya pero agad kong hinawakan ang b***l na nakatutok sa'kin kaya nabigla sya "Bitawan mo ang b***l! Ipuputok ko talaga to!" sigaw nya kaya ngumisi ako "Wag ka dito mag sakandalo! Saka mo ako patayin kapag wala ibang makakakita!" sabi ko at mabilis na inilaglag ang lalagyan ng bala at agad na kinalas ang b***l kaya naman parang skeleton na ang hawak ng baril Nakita kong pumasok ang mga kasamahan ko sa military at agad na tumayo ng maayos sa harap ko at nag saludo kaya ganun din ang ginawa ko "Commander!" sabi nila at sumaludo kaya ganun din ako "I'm sorry that he made such a mess.. We will take him out of here!" pormal na sabi nya kaya seryoso akong tumingin sakanila "It's okay.. Take care of him.. " maotoridad na sabi ko at sumalo kami sa isa't isa.. Bago pa sila makaalis ay tumingin ako kay sergeant michael "Never do that again.." sabi ko at tuluyan na silang umalis.. Sinundan ko pa yun ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko Pag harap ko sakanila ay lahat sila ay gulat na gulat na nakatingin sa'kin kaya naman dahan dahan akong lumapit sakanila at sobrang awkward ng mga tingin nila "S--sundalo ka?" gulat na tanong ni ivy "Commander Sergeant of the Army" pag tatama ko "Sa US ako nag military.. " sabi ko pa pero naagaw ng pansin ko ang pag tayo ni damon "Muntik ka ng mapatay kanina.. Masyado kang nag papaka bayani" sabi nya at nag lakad palayo at pumasok sa loob ng rest house "Ngayon titigil kana?" sarkastikong tanong ni madison kaya inirapan lang kami ni ivy Lumipas ang oras at nag karoon ng kwentuhan at kung ano ano pa amg ginawa namin.. At mamayang gabi ay mag kakaroon ng fireworks kaya naman balak kong doon kausapin si damon.. 'Sana ay maging maayos na.. '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD