Madison's POV;
Hindi ko alam kung paano sisimulan at kung saan uumpisahan.. Masakit at hindi maipaliwanag kung gaano kasakit.. Ilang buwan, linggo at araw ang nakalipas nang dumating ang araw na na aking kinatatakutan pero andito pa din yung sakit.. Sakit na gusto ko ng mawala, sakit na palagi ko na lang dala dala.. Para akong nasisiraan ng ulo sa tuwing naaalala ko ang litrato.. Litrato na dumurog sa puso ng pira-piraso.. Nasapo ko ang aking noo nang maramdaman ko ang luha kong kusang tumulo..
'Bakit ba ang tanga tanga ko?'
Nandito ako ngayon sa park kung saan nag lakad lakad ako para mag pahangin.. Para sa ganun ay mailibang ko ang sarili ko at makalimutan ng panandalian ang sakit pero nag kamali ako dahil sa pangalawang hakbang ko ay nasilayan ko silang dalawa.. Silang dalawa na mag kasama at papunta sa direksyon ko kaya naman para akong bato na natigilan hanggang sa makita nila ako. Nakita ko ang gulat sa mga mata nya at eto na naman ang puso kong gustong kumawala sa galit..
"Madison.. " usal ni zeke pero hindi ako sumagot.. Nailipat ko ang tingin ko kay ivy na nakatitig na sa'kin ngayon
"Long time no see.." sabi ko at hindi mawari ang reaksyon nya
"Madison pwede ba tayong mag usap.. " sabi ni zeke kaya nailipat ko ang paningin ko sakanya
"Anong kasinungalingan naman ang gusto mo pang sabihin? Hindi kapa ba napapagod sa kakapaliwanag zeke?" tanong ko at nilalakasan ang loob para hindi mamuo ang mga luha sa mga mata ko
"Hindi ko sinasadya yun mads hindi ka ba naniniwala?!" nauubusan ng pag asang sabi nya
"Sinadya mo man yon o hindi pareho lang yun zeke! Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa'kin makita yung taong mahal kong may kasamang babae sa iisang kama.. Ano sa tingin mo ang iisipin ko non ha?! Nag gagaguhan na naman ba tayo?"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko alam ang nangyari non.. Lasing ako non.. " sabi nya kaya napairap ako sa kawalan
"Ke lasing ka o hindi wala akong pakialam! Hindi ka malalasing ng ganon kung hindi ka nag sumama sa babaeng yan!" galit na sabi ko sabay duro kay ivy
"Party yon mads mygod!! Malamang may inuman don so bakit ako na lang lagi ang sinisisi mo?" tanong ni ivy kaya napa singhal ako
"Wag mo akong gawing tanga ivy! Babae din ako! Alam ko at alam mo sa sarili mong hindi aksidente lang ang nangyari nung gabing yon!" sigaw ko at nangilid na ang luha ko sa galit
"Madison please makinig ka naman sa'kin.. Walang nangyari sa'min ni ivy that night!" sabi ni zeke pero agad syang hinawakan sa kamay ni ivy
"Pero bakit wala na akong damit nung pag gising ko?" tanong ni ivy kaya napa pikit ako ng mariin at tumulo na agad ang luha
"The f*ck ivy!" sigaw ni zeke kaya napatingin ako sakanila at mukang galit na sya "Hindi ko alam kung bakit wala ka ng damit non pero sure ako na walang nangyari sa'tin at yon ang totoo!" sigaw ni zeke at napa hagulgol na ako sa puntong yun
"That's impossible zeke! Ikaw ang nag dala sa'kin sa kwarto at ikaw din ang guma--" hindi ko na pinatapos si ivy dahil napa hawak na ako sa dibdib ko sa sobrang pag iyak
"Tama na.. Tama na! Para nyo ng awa.. Tama na, pagod na pagod na ako. Pagod na akong isipin lahat ng yan, pagod na ako umiyak gabi gabi, pagod na akong pilitin yung sarili kong maging masaya, pagod na ako.. Pagod na ako sa sakit" hikbing usal ko at nakita ko pang lumapit si zeke... Pero bago pa nya ako makahawakan ay iniwas ko na ang katawan ko sakanya
"Sabi mo sa'kin noon hindi ko sya dapat pag selosan dahil ako lang ang mahal mo.. Zeke naman.. Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito? Kung ginagantihan mo ako sa mga kasalanan ko then fine! Success ang plano mo!" hagulgol na sigaw ko pero nakita kong pumatak ang luha sa mga mata nya habang umiiling
"No.. Hindi totoo lahat yan.. I love you mads please believe me" sabi nya at akmang hahawakan ulit ako ay umiwas ulit ako
"I don't believe you.. Because if you really love me, you don't even know how much you love me.." sabi ko habang patuloy sa pag buhos ang mga luha ko at ganun din si zeke
"Madison please.. I know i was wrong but please.. Please give me one last chance" pag mamakaawa nya pero sa tuwing nakikita ko si ivy ay binabalot ako ng galit sa puso kaya umiling ako
"I trusted you without looking back. I held on to you in spite of myself.. Is betrayal my reward?" sarkastikong tanong ko at agad na pinunasan ang luha ko at tumitig sa mga mata nyang namumula na dahil sa kakaiyak "This time i will love myself more than anything.." sabi ko at tumalikod pero bago pa ako makahakbang ay niyakap nya ako galing sa likod ko
"No.. Don't go.. Don't leave me, please stay" hikbing sabi nya habanh naka yakap sa likod ko kaya umaagos ang luha ko habang tinatanggal ang kamay nyang naka pulupot sa bewang ko hanggang sa matanggal ko yun.. Tumingin ako sa mga mata nya na lumuluha kaya may kung anong tumusok sa puso ko
"I want to stay.. But i need to rest zeke.. Sobrang sakit na masyado at parang hindi ko kakayanin kung ipag papatuloy ko pa.. So please let me go.. " sabi ko at binitawan ang kamay nya at umalis na ng tuluyan
Rinig ko ang pag hagulgol nya kaya naman mas napaiyak ako habang nag lalakad palayo sakanya.. Hindi ito ang pinamgarap ko para sa'ming dalawa.. Hindi ito yung gusto kong mangyari at malayong malayo sa mga plano ko para sa'ming dalawa.. Pero siguro kailangan kong tanggapin na hindi lahat ng dumadating sa'tun ay permanente na kaya naman gusto ko ng kumawala.. Gusto ko nang mag pahinga sa sakit na pumapatay sakin araw araw..
'I want to rest.. '
Angel's POV;
"Bakit ba ayaw mong pumayag?" tanong ni kellie habang nag liligpit ako ng gamit ko dahil kakatapos lang ng trabaho ko
"Next time na lang.. Wala akong gana" sabi ko pero napatigil ako nang kunin nya sa'kin ang bag ko
"Hayy nako! Nag papaka dusa ka sa ex mo masyado" sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay
"Bakit may gusto ka ba sa'kin?" tanong ko at mas tumaas ang kilay nya
"Ayy nako sis! Hindi tayo talo" maarteng sabi nya kaya napailing ako
"Sayang.. Gwapo ka sana, bumigay lang" sabi ko at inirapan nya ako tyaka nya ipinulupot ang kamay nya sa braso ko
"Tara na kasi sis! Minsan lang ako mag aya libre ko naman" pangungulit nya kaya wala na akong nagawa
Si kellie ay katrabaho ko dito sa kompanya ng pamilya ko.. Sya lang ang kasundo ko dito dahil halos lahat ng nag ta-trabaho dito mga hindi marunong makisama tsk!
Sumakay kami sa sasakyan ni kellie tyaka nya agad pinatakbo yun papunta sa restau. na gusto nya, maya maya lang ay nakarating na din kami agad. Marami raming tao dito kaya si kellie na lang ang pumila at ako ang nag hanap ng mauupuan namin.. Sa di kalayuan ay may nakita akong bakante kaya naman umupo agad ako don.. Maya maya pa ay napatingin ako sa pinto ng cr ng babae dahil may dalawang babaeng lumabas dun at malakas ang usapan
"Ang ganda nya no?"
"Oo nga e nakakainggit yung kutis nya"
"Nakita ko din yung boyfriend nya.. Ang gwapo din"
"Ang swerte naman nila sa isa't isa"
"Oo nga e.. Medyo bet ko yung boyfriend nya napaka gwapo masyado"
Maya maya pa ay nailipat ko ulit ang mata ko sa bagong labas sa cr. Pero halos sakluban na ako ng langit at lupa ng makita ko ang babaeng yun.. Inayos ayos pa nya ang palda nya at agad na tumingin sa kung saan at ngumiti.. Dahan dahan kong tinignan kung saan sya nakatingin kaya naman nang maihinto ko ang paningin ko sakanya ay hindi ko alam ang gagawin ko
'Andrew.. Ang Ex fiance ko'
"Angel!" sigaw ni kellie kaya napatangin ako sakanya na may dala dalang tray "Bakit nakatulala ka?" tanong nya pero hindi ako sumagot at sumulyap kay andrew at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita kong naka titig na sya sa'kin
"K--kellie please get me out of here" nanginginig na usal ko nang makitang papalapit si andrew sa dereksyon namin kaya tumingin ako kay kellie na nag tataka
"Ano bang nangyayari sayo? May masakit ba sayo?" tanong nya at this time ay panlalaki na talaga ang boses nya dahil nag aalala sya
"Tara na please.. " sabi ko at akmang tatayo nang pigilan nya ako
"Uso mag sabi kung anong nangyayari te.. " bulong nya pero umiling ako at hinatak sya patayo pero bago pa kami makalakad ay natigilan na ako
"Angel.. " usal ni andrew kaya napakapit ako ng mahigpit kay kellie
"Sya ba yung ex mo?" bulong sa'kin ni kellie at tumango ako "Ayy te masyado kang pa heart to get ang gwapo.. " bulong nya pero sinagi ko lang sya
"Aalis na kami andrew.. Enjoy kayo" sabi ko at hahatakin ko na sana si kellie nang hawakan ako sa braso ni andrew
"Pwede ba tayong mag usap?" tanong nya pero umiling ako
"Kailangan na namin umalis.. " sabi ko pero mag sasalita na sana si andrew nang sumabat si kellie
"Kung mag uusap kayo.. Pwede sa labas? Pinag titinginan na tayo dito oh!" sabi ni kellie kaya napairap ako sa kawalan
"Humanda ka sakin mamaya.. Puputulin ko na talaga yang pag kalalaki mo.. " bulong ko sakanya at ngumiti naman sya
"Bet ko yun te.. Matagal ko ng gusto yon" sabi nya kaya nginiwian ko sya
"Hindi na kailangan.. Wala na tayong dapat pag usapan.. " sabi ko at hinatak palabas si kellie pero hindi pa kami nakakarating sa parking lot ay hinablot ako ni andrew
"Angel naman.. Makinig ka naman sa'kin please.. " pag mamakaawa nya at pabalang kong hinablot ang braso ko.. Nakita ko pang lumayo si kellie pero si akira ay nananatiling nasa tabi ni andrew
"Ano na naman pakikinggan ko ha? Nag sasawa na yung tenga ko kakapaliwanag mo.. Malinaw na sa'kin lahat andrew ano pa bang kailangan mo?" inis na tanong ko at tinignan naman nya ako ng deretsyo sa mata
"Yung about sa picture---" hindu ko na sya pinatapos dahil agad na nanginig ang laman ko sa galit
"Sa putek na picture na naman ba?! Anong gusto nyong gawin ko? Ipa-dyaryo ko yung lintek na kababuyan nyong ginawa sa'kin?!" sigaw ko at buti na lang ay walang masyadong tao dito kaya wala akong inaalala
"Angel mali yang iniisip mo! Walang nangyari sa'min" sabi ni andrew pero tumingin ako kay akira na tahimik lang sa gilid
"Ikaw babae ka! Hindi kaba marunong mahiya sa sarili mo? Alam mo bang fiance ko yung katabi mo sa kama nung gabing yon!" nanggagalaiting sabi ko pero hindi sya sumagot kaya lalapitan ko na sana sya nang pigilan ako ni andrew
"Please angel.. Ayaw ng g**o ni akira, nandito ako para i-explain lahat" sabi nya kaya napatawa ako ng peke
"Ayaw ng g**o? Huh?! Joke ba to? Kung ganon ay hindi ako natutuwa!" sigaw ko at nakita kong napahilamos ng muka si andrew
"Intindihin mo naman ako love please.." sabi nya kaya sa puntong yun nangilid ang luha ko nang tawagin nya ako "Love"
"Sa break up pa lang natin hindi ko na maintindihan ang dahilan mo.. Tapos nung gabing yun halos maulol ako sa kakaisip kung anong ginagawa mo.. " sabi ko habang nanlalabo na ang mata ko sa mga luhang gusto ng tumulo "Tapos may makakarating na picture sa'kin na nakikipag chukchakan ka sa babaeng yan!" sigaw ko at doon na ako naiyak.. Bumaling naman ako kay akira na ngayoy naka yuko
"Akira naman.. Ang daming lalaki sa mundo bakit si andrew pa? Alam mo bang dapat asawa ko na yan?! Pero dahil sa pang gagago nyo sa'kin hindi yon natuloy!" sigaw ko at napahagulgol
"Angel please.. Maniwala ka naman sa'kin.. I love you and I want to marry you.. Walang kahit anong namamagitan sa'min ni akira" paliwanag nya pero umiling ako at binuksan ang bag ko tyaka ko hinanap ang singsing na ibinigay nya sa'kin.. Nang makita ko yun ay kinuha ko ang kamay nya at inilagay sa palad nya ang singsing
"Don't make a promise if you can't keep it.. And don't tell me that you love me unless you really mean it" sabi ko at pinunasan ang luha na dumaloy sa pisngi ko
"No please.. Angel wag naman ganito please.. " pag mamakaawa nya at hinawakan ang kamay ko at agad na niyakap.. Tumulo ng sunod sunod ang luha ko nang maramdaman ulit ang mga yakap nya at mas lalo pa akong napahagulgol nang halikan nya ang noo ko "I don't wanna lose you.." bulong nya pero agad akong kumawala at lumayo sakanya
"But you already did.." sabi at humarap naman kay akira "Masaya kana? Nakasira ka ng relasyon.." sabi ko at tuluyan ng umalis
Nakita ko sa hindi kalayuan ay seryosong nakatingin si kellie sa'kin.. Umiling iling ako at napatakip ng bibig dahil parang gusto ko nang sumigaw sa sakit na nararamdaman ko ngayon.. Pero nakita kong lumapit si kellie at agad na niyakap ako kaya napahagulgol na ako sa dibdib nya
"Shshsh.. Wag kang mag alala nandito lang ako.... Nandito lang ako" sabi ni kellie at medyo nagulat pa ako nang masyadong lalaking lalaki ang boses nya pero hindi ko na yun pinansin at hinayaan ang sarili kong mapaiyak
'Sometimes you just have to accept the fact that things will not go back to the way they used to be'
Keila's POV;
"Tulungan mo muna ang pinsan mo dito sa coffee shop at aalis lang kami saglit ng tita mo.. " sabi ni mommy kaya ngumiti ako at tumango
"Wag nyong kalimutan yung pasalubong namin ah!" sabi ko at tumingin kay bea na pinsan ko kaya parehas kaming natawa
"Osya sige na aalis na kami.. Kayo na munang bahala dito ah" sabi ni tita kaya tumango kami
Walang masyadong tao dito sa shop kaya hindi masyadong busy.. Umupo ako sa tabi ni bea na kumakain ngayon ng cake kaya nakikain din ako
"Ano ng lagay mo? Hindi kana nag ku-kwento sa'kin ah" sabi ni bea kaya sunod sunod kong isinubo ang cake at nginuya yun ng malungkot "Dahan dahan lang aba.. Mabulunan ka nyan" dagdag pa nya kaya nang malunok ko yun ay tumingin ako sakanya
"Paano ba nag move on bea?" tanong ko kaya napangiwi sya
"Hanggang ngayon hindi ka pa din nakaka move on?" tanong nya kaya bumusangot ako at tumango
"Ang sakit pa din kasi e.. Yung tipong ayaw mo naman maramdaman pero hindi mo maiwasan" malungkot na sabi ko kaya napailing si bea
"Ang pag mo-move on hindi yan minamadali keila.. Hayaan mo lang yung sarili mong namnamin yung sakit tapos magugulat ka na lang isang araw wala na.. Makakaya mo na syang titigan sa mga mata nya na wala ng kahit anong sakit at masasabi mo na lang sakanya na.. "Mahal kita.. Pero tama na" ganun yon te" sabi ni bea pero hindi pa rin ako makukuha sa ganun kaya napayuko na lang ako sa lamesa
"Hindi mo naman kasi alam kung anong nangyari kaya nag kakaganito ako ng sobra.. " sabi ko at tumingin sakanya
"Ano ba kasi talagang nangyari?" tanong nya kaya napabuntong hininga ako "Promise.. Hindi ko sasabihin kila tita at tito" dagdag pa nya kaya umupo ako ng maayos
"After break up namin may natanggap akong picture.. " sabi ko at nakita kong interesado sya masyaso sa kwento ko kaya pinag patuloy ko na "Picture nya yun at kasama ang ex nyang si athena.. " sabi ko
"Kasama lang pala e.. Malay mo hindi naman kinausap" sabi nya kaya napabuga ako ng hangin
"Hindi pa kasi ako tapos.. " sabi ko pa "At malamang hindi yun nag uusap dahil sa picture.. Nakahiga sila at mag katabi sa iisang kama habang balot na balot ng kumot" sabi ko at nanlaki ang mata nya at napatayo
"Nasan yang ex mo ha?! Tatawagin ko si tito ng mapatay na yang lalaking yan! Siraulong yun! Tyaka sino yung babae? Hahanapin ko yun at sisikmuraan ko lang!" galit na sabi nya kaya napasimangot ako at agad na nangilid ang luha kaya napaupo sya at niyakap ako
"Bea.. Wag mong sasabihin kila mommy at daddy.. Magagalit yun ng sobra" sabi ko at humiwalay sya sa pag kakayakap at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko
"Dapat lang talaga magalit sila tita sa ginawa ng ex mo! Tsk! Masyado ka kasing mabait kaya ka inaabuso e" sabi nya kaya tumulo ulit ang luha ko
"Ayoko lang masira yung pangalan ni lucas kila daddy.. " hikbing sabi ko kaya napahawak sa sentido si bea
"Hayy nako ka keila.. Matuto ka naman maawa sa sarili mo.. Wag puro ibang tao ang iniisip mo, tandaan mo mas mahalaga ang sarili mo kesa sakanila" sabi nya kaya tumango ako at agad na nag pahid ng luha nang marinig kong may pumasok sa pinto kaya agad ako tumayo at lumapit sa counter
"Good afternoon po anong ord---" natigilan ako nang mapasulyap ako sa costumer na kakapasok
"Keila ako na jan.. Umupo ka muna don" usal ni bea pero hindi ko sya pinansin dahil nakatitig ako sa lalaking nasa harap ko ngayon
"Keila.. " usal ni lucas pero nabaling ang paningin ko nang makita sa likod nya si athena
"T--teka.. Ikaa yung ex ni keila diba?" tanong ni bea kay lucas kaya napayuko ako
"Yes.. Ako nga" sabi nya kaya napapikit ako
"Keila pumasok ka sa loob.. " utos ni bea kaya tatalikod na sana ako nang mag salita si lucas
"Can i talk to her? Please.. " sabi ni lucas
"Hindi pwe--" hindi ko na pinatapos su bea kaya agad akong humarap kay lucas at ngumiti ng peke
"Sumunod ka sakin.. " sabi ko at nag lakad papunta sa dulo ng shop kung saan walang costumer na naka upo
Pag kaupo ko ay nakita ko pang sumusunod si athena kay lucas kaya parang dinudurog ang puso ko sa tuwing makikita ko silang mag kasama.. Nang makaupo sila sa harap ko ay napasulyap pa ako kay bea na masama ang tingin sa gawi namin pero hindi ko na yun pinansin nang mag salita si lucas
"Keila.. " usal nya at ngumiti ako ng peke
"Sabihin mo na kung anong gusto mo sabihin.. Kailangan ko pang bumalik sa trabaho" sabi ko at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya
"I'm sorry.. Yung nakita mo sa picture wala yun.. Walang ibig sabihin yun" sabi nya kaya nawala ng unti unti ang ngiti ko at napatingin sa lamesa dahil ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko
"Hindi mo na kailangan mag explain lucas.. Alam ko naman e.. Alam ko sa umpisa pa lang talo na ako lalo na't mas mahaba ang pinag samahan nyo ni athena.. Kaya wag ka mag alala" sabi ko at tumulo ang luha pero agad ko din yon pinunasan ang tumingin kay lucas habang may pekeng ngiti "Alam kong boring akong tao.. Alam kong hindi ko kayang pantayan si athena.. Kaya gusto kong tapusin na kung anong dapat tapusin.. " dagdag ko pa at kita ko sa mga mata nya ang gulat pero hindi ko yun pinansin at tumingin kay athena na seryoso lang ang tingin sa'kin.. May kung anong galit ang namuo sa sistema ko
"Sana sa susunod na may mangyayari ulit sainyo.. Wag nyo ng ipaparating sa'kin please.." sabi ko at iniwas ni athena ang tingin nya sa'kin
"I love him keila.. Alam mo naman siguro kung bakit ako bumalik dito" sabi ni athena kaya sunod sunod na pumatak ang luha kong tumatango tango
"Athena stop.. " usal ni lucas pero agad na tumayo ako
"It's okay lucas.. Hindi ko na ulit kayo guguluhin pa.." sabi ko at pinunasan ang luha sa pisngi ko at agad na ngumiti sakanya "You hurt me more than i deserve, It is just because I love you more than you deserve" sabi ko at nag lakad na papunta kay bea
Ngumiti lang ako kay bea at nilagpasan sya, pumasok ako sa loob ng kwarto at kinuha ang unan sa sofa dito tyaka ko ibunuhos ang lahat ng sakit
'I hope one day my weak heart will forget you lucas.. '