CHAPTER 3: I'll do everything

2635 Words
Damon's POV; "Kailangan ko ng umalis.. " sabi ko habang inaayos ang necktie ko "I miss you.. Take care" sabi nya kaya tumingin ako sa screen at ngumiti "Take care.. I'll call you later" sabi ko at in-off ko na ang laptop tyaka ko kinuha ang coat ko sa sofa tyaka lumabas Pag baba ko ay naabutan ko si manang sa kusina kaya lumapit ako para kumuha ng isang tinapay at inubos ang kape na pinatimpla ko kanina "Hindi ka muna ba kakain hijo?" tanong ni manang "I need to go na manang.. Male-late na ako" sabi ko at bago pa ako makaalis ay nag salita ulit si manang "Pinapasabi nga pala ng mommy mo na hindi muna sila makakauwi" sabi ni manang tyaka ako nag tuloy lumabas 'Tsk! Kelan ba sila nag tagal dito?' Habang nasa daan ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko yun ng mabilisan tyaka sinagot "Hello.." sagot ko "Hello dre.. Papunta kami ngayon sa office mo" sabi ni andrew kaya nag taka ako "Bakit? Anong meron?" tanong ko "Nag day off kami.. Eh alam naman namin na hindi ka nag de-day off masyado kang workaholic" sabi ni andrew kaya napa iling na lang ako "Nag day off kayo tapos guguluhin nyo ako sa trabaho ko.." sabi ko at narinig ko pang may umagaw "Ang arte mo dre! Kami na nga pupunta sayo" sigaw ni zeke kaya nailayo ko ang phone "Tsk! Sinabi ko bang pumunta kayo?" inis na sabi ko pero narinig ko ulit na may umagaw "We're here.. I want to tell something" sabi ni lucas kaya kumunot ang noo ko.. Binaba na nya ang tawag kaya agad ko ng binilisan Ilang minuto lang ay nakarating na agad ako sa office.. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad silang tatlo sa'kin "Finally.." rinig kong sabi ni andrew habang nakaupo sa sofa. Sinabit ko muna ang coat ko tyaka ako umupo sa tabi nila "Madami akong gagawin bakit ba nandito kayo?" tanong ko at nakita kong nilabas ni zeke ang wine galing sa paper bag "Wala ka bang natatanggap na message?" tanong ni andrew sa'kin kaya umiling ako "Anong message?" tanong ko "Mag kakaroon daw tayo ng reunion.. Pupunta ka?" tanong ni zeke at kinuha ang apat na wine glass tyaka sya nag salin "Kelan? Wala akong natatanggap" sabi ko sabay kuha ng wine at uminom "Next week daw.. Over night nga e" sabi pa ni zeke "Pupunta ba kayo?" tanong ko at natigilan sila kaya napa singhal ako "Tsk! Wala kayong mukang maiharap.. " sabi ko at inubos ang wine "I saw keila last day.. " sabi ni lucas habang nag sasalin ako ng wine at uminom "And she's with chloe.. " pag papatuloy nya kaya halos maibuga ko ang wine kay andrew kaya napalayo sya "F*ck dre! Kadiri ka" singhal ni andrew pero hindi ko sya pinansin at tumingin kay lucas "Anong sabi mo?" gulat kong tanong "Nakita ko sila na kasama si chloe.. Nung una hindi ko nakilala kasi malaki ang pinag bago nya.. " sabi ni lucas kaya unti unting kumunot ang noo ko "Pupunta ka sa reunion?" tanong ni andrew kaya napatingin ako sa bintana "I don't know.. I don't want to see her" usal ko at napansin kong mga nakatingin sila "May galit ka pa rin dre? " tanong ni zeke kaya napa seryoso ang muka ko "Halos limang taon syang nawala.. Tapos babalik sya dito na parang walang nangyari?" sarkastikong tanong ko pero narinig ko ang pag buntong hininga ni lucas "Hindi mo man lang ba papakinggan yung side nya?" tanong ni lucas kaya napa singhal ako "Para saan pa? Tsk! Alam nyo at nakita nyo kung paano ako nag hirap nung nawala sya.." sabi ko at tumayo "Kaya hindi nyo ako masisisi kung bakit ang laki ng galit ko sakanya.. " sabi ko at lumapit sa table ko tyaka umupo sa swivel chair "Do you still love her?" natigil ako sa pag buklat ng papel nang tanungin yon ni lucas.. Kaya naiyukom ko ang kamao ko "Satingin ko hindi na.. Binalot na ako ng galit at sakit" sabi ko at napa hinga ng malalim "Bakit ba nangyayari sa'tin lahat ng to?" usal ni andrew kaya napa sulyap ako sakanya na mag kasalubong ang kilay "Pati yung taong mahal ko nadadamay pa sa ganito.. Nawala lahat ng plano ko, nasira lahat ng pinangako ko" sabi pa nya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nilang tatlo "Wala akong mukang maiharap kay madison.. T*ngina sino ba kasi yung kumuha ng picture na yon!" sigaw ni zeke at nakita kong naiyukom nya ang kamao nya "It's not too late.." usal ni lucas "Pero dre yun na lang ang tanging paraan para mailayo sila sa kapahamakan.. " sabi ni zeke pero parang nag iisip naman si lucas kaya napahilamos ako ng muka at pabalang na tumayo kaya napatingin sila "Payag na ako.. Pupunta ako sa reunion para sainyo.. It's been a months simula nung coronation day kaya wala na kayong dapat ipag alala.. Gawin nyo na kung anong kailangan nyong gawin" sabi ko pero napahilamos si andrew "Okay na sana kung ganon.. Pero satingin mo mapapatawad kami nila angel kung sasabihin naming nakipag break kami dahil posible silang madamay at mamatay kapag hindi namin ginawa yon?" tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin "Walang nangyari sa'min ni athena pero sa nakitang picture ni keila mag katabi kami sa iisang higaan ni athena.. Alam kong iba na ang nasa isip nya nung nakita nya yon" sabi naman ni lucas "Nung araw na nakita ni mads yon hindi ko mapatawad yung sarili ko dahil nung araw lang na yun doon ko lang sya nakitang umiyak ng ganon ka grabe.. " malungkot na sabi ni zeke "Edi gumawa kayo ng paraan para bumalik sila sainyo.. Tsk! Parang hindi naman kayo lalaki" sabi ko kaya sabay sabay silang napatingin "May nasabi ba akong male?" "Palibhasa hindi ikaw yung nasa sitwasyon namin tsk!" singhal ni zeke sa'kin "Tsk! Wala yang pinag dadaanan mo sa pinag daanan ko" sabi ko kaya sininghalan lang nya ako Nag stay sila dito sa office ko hanggang sa mag luch.. Nag half day ako para maka gala kami kaya naman na pag desisyunan naming pumunta sa mall para mag cine.. Habang nag lalakad kami dito sa mall ay halos lahat ng tao ay pinag titinginan kami pero hindi na lang namin yon pinansin pa.. Pero sa kalagitnaan ng pag lalakad namin ay tumigil sila sa pag lalakad kaya napatigil din ako at napatingin sakanila "Anong problema nyo?" tanong ko pero hindi sila sumagot at nakatingin lang sa harap ko kaya dahan dahan akong tumingin kung saan sila nakatingin.. Sa pag harap ko ay agad na nag tama ang paningin namin, halo halong emosyon ang naramdaman ko sa pag kakataong yun.. Malaki nga ang pinag bago nya, umikli ang buhok nya, lalo syang pumuti at medyo lumaki ang katawan nya pero mas napukaw ng atensyon ko ang tingin nya.. Yung mga tingin na ang tagal kong inantay.. Yung tingin na limang taong nawala.. Yung tingin na sobrang na miss ko.. 'Chloe.. You're back..' Chloe's POV; "Gusto kong mag cine! May bagong palabas ngayon ih! Sige na" pag mamaktol ni angel kaya umoo na ako "Oo na sige na.." sabi ko at nag apir naman sila "Kailangan mong bumawi sa'min.. Ang tagal mo kayang nawala" sabi ni keila habang nag lalakad kami Pero sa pag lalakad namin ay napahinto ako nang mapakapit ng mahigpit si mads sa braso ko kaya napatingin ako kung saan sya na patingin "Anong problema nyo?" usal nya at dahan dahang lumingon sa gawi namin hanggang sa nag tama ang paningin namin kaya naman biglang bumilis ang pag t***k ng puso ko.. 'Damon..' "Damon.. " usal ko pero unti unting naging seryoso ang muka nya "Tara na dre.. Ayoko na manood" sabi ni damon at akmang aalis nang pigilan ko "Damon sandali!" sigaw ko kaya lumingon sya sa'kin "Ano bang kailangan mo?" seryosong tanong nya "Pwede ba tayo mag usap.. Kahit saglit lang" sabi ko kaya umiwas sya ng tingin at agad din namang humarap sa'kin "Mag kita tayo sa secret place.." sabi nya tyaka sya tuluyan na umalis kaya napasulyap ako kila mads na nakatingin kila zeke "Sige na chloe.. Puntahan mo na si damon, kaya na namin to" sabi ni angel sa'kin kaya tumango ako Sumulyap pa ako kila lucas tyaka ako tuluyang umalis at dumeretsyo sa parking lot.. Nakita ko pang umalia ang sasakyan ni damon kaya nag madali akong sumakay sa kotse ko at sinundan ko sya.. Habang nasa daan ay ang daming pumapasok sa isip ko, kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari.. Ilang minuto pa ay nakarating na din kami agad at nauna na syang mag lakad kaya bumaba ako sa kotse, nakita ko pa syang umupo sa duyan kaya lumapit ako.. "Dam--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko "Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin.. " sabi nya habang nakatalikod sa'kin, nakatayo lang ako sa likod nya at huminga ng malalim "I'm sorry.. Kung umalis ako ng walang paalam.. Hindi ko din gusto yun pero yun ang kailangan, kaya sana maintindihan mo ako.. " sabi ko at rinig ko ang sarkastikong ngisi nya "Maintindihan ka? Satingin mo maiintindihan kita? Bakit may magandang rason ka bang maibibigay sa'kin?" tanong nya kaya napayuko ako at hindi nakapag salita 'Damon hindi mo pwedeng malaman..' "See! Bullsh*t! Halos limang taon kang nawala chloe.. Tapos babalik ka dito na parang walang nangyari? Nag papatawa ka ba! " sigaw nya kaua napapikit ako ng mariin dahil pinipigilan kong mapaiyak "I'm sorry.. " tanging usal ko "Grabe yung sakit at hirap na idinulot mo! Halos araw araw pinag dadasal ko na sana bumalik kana.. Pinuntahan kita sa California, na halos malibot ko na yung buong mundo makita lang.." sabi nya at rinig ko ang pag tayo nya kaya napatingin ako sakanya "Chloe hindi ako aso.. Na kapag iniwan mo may babalikan kapa" dagdag pa nya kaya sa puntong yun mabilis na nanlabo ang mata ko dahil sa luha "I'm sorry.. I'm really really sorry.. Alam kong hindi sapat yan pero sana mapatawad mo ako.. " sabi ko at agad na tumulo ang mga luha habang nakatingin sa mga mata nya "I love you.. And I always love you" sabi ko at nakita kong napahilamos pa ng muka si damon "I'm sorry.. Pero napagod na ako, pagod na ako sa lahat kaya sana pag pahingahin mo na ako.." sabi nya kaya naman hindi ko na napigilan mapa hagulgol "So nakikipag break kana?" habang sinasabi ko yun ay sunod sunod na ang pag buhos ng luha ko "Matagal ko ng tinapos kung anong meron sa'tin.. " sabi nya kaya napailing ako "Ayoko.. Ayoko damon please.. Just give me one last chance" sabi ko at mabilis na yumakap sakanya.. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang pag hawak nya sa mag kabilang braso ko at agad na inilayo ako sakanya "Hindi madali yang sinasabi mo.. " sabi nya kaya pinunasan ko ang luha ko at tumingin ng deretsyo sa mata nya "Bakit? May iba na ba? May iba na bang pumalit sa'kin?" hikbing tanong ko "Wala akong iba.. Pero hindi na ikaw" usal nya kaya may naramdaman akong kung anong tumusok sa puso ko nang sabihin nya yun "Kung wala ka ng sasabihin.. Aalis na ako" sabi nya at tumalikod, nakakailang hakbang pa lang sya ay nag salita ulit ako "Ayoko.. Hindi ako basta basta susuko.. I'll do everything, bumalik ka lang sa'kin" sabi ko "Mag sasayang ka lang ng oras.. " sabi nya at tuluyan ng umalis.. Sinundan ko pa ng tingin ang kotse nya at kasabay non ang sunod sunod na pag tulo ng luha ko 'Kaya ko'to.. Kakayanin ko' Eun Woo's POV; "Eomma! Kailangan kong iuwi yan sa condo ni chloe" sabi ko habang karga karga nya ang bata *Translate/Korean* 'Mama!' "Nan aniya.. Hayaan mo muna sa'kin itong napaka cute na baby na to.." sabi ng nanay ko kaya napasapul na lang ako sa noo *Translate/Korean* 'Ayoko.. ' "Tatawagan ko muna si chloe.." sabi ko at umiling si mama "Samahan mo na lang sya dun sa condo nya.. Balikan nyo na lang si baby liza sa'kin bukas" sabi ni mama kaya wala na akong nagawa Lumapit muna ako kay baby liza at hinalikan sya sa pisngi nya tyaka ako umalis.. Habang nasa daan ako ay tinawagan ko si chloe pero hindi nya sinasagot ang tawag ko kaya naman minadali ko ang pag mamaneho ko hanggang sa makarating ako sa condo nya.. May susi ako ng condo nya kaya naman nabuksan ko din agad yun pero wala sya kaya umupo muna ako sa sofa at tinawagan si clyde at ilang ring lang ay sumagot na sya "yeoboseyo.." sabi ko *Translate/Korean* 'Hello' "Napatawag ka?" "Kasama mo ba si chloe?" tanong ko "ani.. Wae?" tanong nya kaya nag taka ako *Translate/Korean* 'No.. Why?' "She's not here.. " sabi ko pero natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si chloe na parang lasing na lasing "Nandito na sya.. Sige na" sabi ko tyaka ko pinatay ang tawag at agad na lumapit kay chloe "gwaenchanh-a?" tanong ko at inalalayan sya *Translate/Korean* 'Are you okay?' "Nakita ko sya.. " pikit pikit na sabi nya.. Muntik na syang matumba kaya inalalayan ko syang makaupo sa sofa "Nakausap ko sya.. Alam mo sabi sakin?" tanong nya at kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya "Anong sinabi nya sayo?" tanong ko at ngumiti sya "Wala daw syang iba.. Pero hindi na ako" sabi nya at sa puntong yun pinag masdan ko ang sunod sunod na pag tulo ng luha nya "Ang sama sama ko ba?" tanong nya at humihikbi na "Shshsh.. Hindi mo kasalanan yun" sabi ko at pinunasan ang luha nya pero umiling sya "Nasaktan ko sya eunwoo.." sabi nya at patuloy pa rin sa pag agos ang luha nya kaya niyakap ko sya at binaon naman nya ang muka nya sa dibdib ko "Oo nasaktan mo sya.. Pero hindi ibig sabihin masama ka na, kinailangan mo lang gawin yun para protektahan sya.." sabi ko at mas lalong lumakas ang pag iyak nya Hinagod hagod ko ang likod nya habang patuloy pa rin sya sa pag iyak, nahihirapan ako kapag nakikita ko syang umiiyak kaya isa yun sa mga dahilan kung bakit ayokong umalis sa tabi nya "I want to give up.. But i can't" sabi nya at ramdam ko ang pag bagsak nya sa braso ko kaya nakita kong nakatulog na pala sya Binuhat ko sya at pinasok sa loob ng kwarto nya tyaka ko sya inihiga at kinumutan.. Pinag masdan ko ang muka nya, namumula ang gilid ng mata nya at lalo na ang ilong nya.. Halatang pagod na syang umiyak pero hindi nya pa rin kayang pigilan kaya sobrang naaawa na ako sakanya, Naalala ko 5years ago nag kita kami sa calif.. Umiiyak sya non at pinakiusapan akong mag aral sa MU para mabantayan si damon, at dahil mahal ko sya ginawa ko yun para sa ika papanatag ng loob nya.. Sa Montefalco University ako nag college at binabalitaan ko si chloe about kay damon.. Pero after 2years bumalik ako sa calif para bantayan sya.. Sobra sobra ang naging hirap ni chloe simula nung iniwan nya si damon, sinakripisyo na ang kaligayahan at kaligtasan nya para kay damon pero ang nasa isip ni damon ay iniwan sya ni chloe ng walang dahilan kaya naman naiinis ako dahil tintrato nya ng ganito si chloe.. Pero hindi ko rin sya masisi dahil wala syang alam sa nangyayari.. Hinawi ko ang buhok ni chloe na tunatakip sa muka nya at lumapit ako para halikan ang noo nya.. Bago pa ako lumabas ng kwarto ay hinawakan ko pa ang kamay nya "Just learn to rest not to give up chloe... " 'neol jeongmal salanghe' *Translate/Korean* 'I love you so much'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD