Inasar lang namin ng inasar nang dumating na sila Jai,aicel at kasama rin pala si Justin!
Lumapit naman sila sa amin na nakangiti. " Woii sasama ka? " tanong ko. Kumindat naman siya
" Syempre ako na to, di naman pwedeng si Jai at Aicel lang ang mag improved no, dapat tayo rin " sabi niya.
Iniwan namin sila at humanap ng mauupuan malayo sa kanila, gusto rin kasi nilang mapag isa. Si laica at Aicel nga rin umalis kasi iiwan daw nila si Franz at jai para makapag usap. Paano sila makakapag usap kong andun si Loury? HAHAHAHHA
" Ba't ka nga pala sumama? " tanong ko. Hinawakan niya naman kamay ko
" Kahit di kami close nila jai gagawa pa rin ako paraan para makasama ka " sabi niya " Gustong gusto talaga kitang makasama Atenna "
" Binitawan ko naman ang kamay niya " Ang dikit mo na masyado " awkward kong sabi " HAHAHA "
Lumayo naman siya " Sorry " sagot niya
Napansin naman namin si Aicel at Laica na nasa gilid lang namin at nakatingin " Tama na yan, punta pa tayong red mountain " sabi ni Laica
Tumayo naman si Justin at hinawakan ang kamay ko " Tara " sabi niya. Napansin naman nila ang paghawak ni Justin sa kamay ko
" Kayo na? " tanong ni Aicel, weirdo lang tumingin si Laica. Hiniwalay ko agad ang kamay ko
" Hindi pa " sagot ko. Tumawa naman si Aicel
" Pa? " tanong niya " So may pag asa? "
" Tumigil ka nga aicel! kainis " sabi ko at nauna ng maglakad papunta kina franz. Sumunod naman sila
"Hoy... Halina kayo" Tawag ni laica kay Jai at Franz, nagkakatuwaan na eh, baka gabihin pa kami pag nagtagal pa sila "Ang lalandi"
Lumapit naman sila sa amin at sumunod na sa paglalakad, ganun rin naman si Loury na walang jowa. Char, kailan kaya magkakajowa to? Wala rin naman pala kaming jowa eh!
"Saan tayo pupunta? " Tanong ni Franz habang naglalakad, syempre curious siya kasi wala siyang idea. Idea lang kasi namin to para naman magkaruon ng pag asa si Jai.
"Maglalakad tayo, dun tayo sa Cabungbungan"sagot naman ni laica. Mahilig talaga tung mang asar kaya kawawa talaga lagi si franz.
Palihim namang iniaabot ni Justin yung kamay ko! tinatapik ko lang ito habang naglalakad! Napansin ko naman ang paghinto nila kaya napatingin na rin ako.
"Ahm...k-kayo nalang baka hanapin ako ni papa" Paalam ni Franz. Sabi na nga ba at takot talagang maglakad to eh, pupuntahan lang naman natin kung saan naka parking yung motor nila franz nuba! Nginitian niya oa talaga kami at aalis na sana "Bye"
Syempre si laica may kasalanan kaya siya dapat umayos HAHAHA "Anong bye ka dyan? " Sabi niya "Joke lang walang maglalakad"
"Hindi, kayo nalang" Tanggi niya nanaman at ngumiti. Hindi pa ba sila sanay kay franz na di naman talaga sumasama pag naglalakad? Sira plano ni Jai nito HAHAH
"Hoy anong pinagsasabi mo dyan" Tanong ko, nagtatampo na ito eh, HAHAHHA oa nga naman "Tampo agad? "
"Anong tampo ka dyan? " Ito nanaman yung mga rason niya "Baka kase hanapin ako ni papa"
"Kasalanan mo to laica" Pagsisi ko, kasalanan niya naman talaga! Wala namang nagawa si Laica kaya niyakap niya si Franz para hindi makaalis "Manghingi ka ng tawad"
Tinawanan lang kami ni Franz, napansin ko naman si Jai na tahimik lang. Sira na plano mo blee "Alam niyo malalate na kayo sa lakad niyo" sabi niyaaa
"Walang late Late" Masungit na sabi ni loury. Pati si loury tumulong na rin sa pagkunsinti "Ang Arte"
Umirap naman siya samin. Wow uso na yan sayo franz? "Sige na, basta libre" yan nanaman yung libre niya
"Libre na yan ni jaile" Sigaw ni laica at tumingin naman si jai kay franz "Diba? "
Ayown successful na HAHAHA andito na kami sa pinarkan ng mga kotse este motor. Andito nanaman yung plan 3 na makakapagsolo sila. Jai grabe talagang effort eh
Sumakay si Loury at Laica sa motor ni Aicel, sumakay naman ako sa motor ni Justin. Kaya ayown naiwan si Franz at Jai dun, bago kami makaalis, nag approved sign pa talaga si Jai buti di nakita HAHAHAHA
Natatawa lang akong nakamasid sa kanila. " Engot " bulong ko
" Malamit ng maging okay si Jai at Franz what if tayo naman? " sabi ni Justin. Binatukan ko naman siya " Aray "
Napag isip isip naman ako, palagi nalang si Franz at Jai ang inaano namin at hindi ko naman iniisip ang sarili ko,what if kami naman? char
" Pag iisipan ko " sabi ko " Ilang araw ka nang nanliligaw? "
" 14 " sabi niya
" Sige gawin kong 1 month " sagot ko napa takip naman ako sa bibig ng marealize ko yung sinabi ko
" Ano? " tanong niya
" Wala2 " sagot ko
" I love you " sabi niya
" I hated you " sagot ko
" Bagalan mo " utos ko, nasa olan din kasi na dapat may picture daw si franz at jai na nakasakay sa motor, kaya heto kami.
Ng maabutan na nila kami, kinuhanan ko ito ng picture na naghaharutan! Another points
Binilisan ulit ni Justin ang pagmotor at naiwan na sila franz. Kala ni franz huh! ipapadelete niya pa talaga eh ang saya nila rito.
" Sweet nila nu? sana tayo rin " sabi niya
" Dapat kasi sweet ka " sabi ko
" Sweet kaya ako, kiss kita diyan eh " sabi niya
Bigla namang naging awkward " Jokes lang HAHAHA "
Nang makarating kami sa pinaka tuktok syempre masaya akong nagsisigaw, kasama ko si Justin at masaya ring pinagmamasdan ang tanawin
" Ganda no " sabi niya. Tumango naman ako
" First time kong makapunta rito " sabi niya " At kasama pa talaga kita "
" Second time ko na to " sabi ko naman tumango naman siya. Uupo na sana ako ng nawalan ako ng balanse! " Halaaaa " sigaw ko sa kaba
Wala pa namang hawakan rito, tapos nasa baba sila, baka mamatay na ako rito " Justinn " sigaw ko
Walang hirap niya naman akong hinila palapit sa kaniya. Napapikit naman ako sa subrang takot. Grabeng lakas ng t***k ng puso ko sa pag aakalang malalaglag na ako.
Grabe ayaw pa rin kumalma ng puso ko sa takot. Napansin niya at yun " Okay na Atenna " sabi niya " Huminga ka lang ng malalim "
Kita sa mukha niya ang pag aalala " Huwag ka ng matatakot " dagdag niya, ayaw pa rin kumalma. Akalain mo nasa pinakadulo kami ng hagdanan at mayroon itong 3,000 step tapos muntik oa akong mahulog.
Mabubuhay pa kaya ako kung hindi niya ako nahila?
Marami pa akong pangarap nuu, magiging fashion designer pa ako!!
Huminga ako ng malalim, at sinubukang pakalmahin ang sarili. Nag aalala naman siyang tumingin sa akin.
Sa mga oras na natatakot ako, wala ni isa ang nasa tabi ko, wala ni isa ang nasa paligid ko. Sila Loury hindi ko naman sila sinasabihan kasi ayaw kong bumaba ang tingin nila sa akin. Kasi alam ko na ang pagkakakilala niya sa akin ay matapang at walang kinakatakutan, pero nagkakamali sila.
" Okay na ako " sabi ko at pilit na kumalma. Hinimas niya naman ang ulo ko.
Lahat ng kaba nawala, ang nararamdaman ko ngayon ay napalitan ng feeling na parang safe ka, wala ng kalaban kaya ayos na. Kakaibang feeling na na isang beses ko pa lang naramdaman.
" Wag kang mag alala, simula ngayon hindi ko hahayaan na mapahamak ka " sabi niya nginitian niya ako.
" Tara, picture tayo! " yaya niya pumayag naman ako.
Kinuha niya ang celphone niya " Picturan kita " sabi niya. Iniabot ko naman ang selpon ko " Ito ang gagamitin "
Makaluhugan naman siyang ngumisi. Nagsimula na akong mag pose at Nagpipicture naman siya. Patuloy lang ako sa pagpos at ganun rin ang ginagawa niya.
Nakailang pos na ako ng biglang tumigil siya sa pagpicture pero nakatitig parin sa akin. Nangangalay na ako sa pos na to pero parang wala pa rin siyang reaksiyon.
Normal lang naman ang expression ng mukha niya pero parang kakaiba sa titig niya.
" Woii nangangalay na ako " reklamo ko " Justin! "
Sinigawan ko siya pero wala pa rin siyang reaction " Justin! " sigaw ko napakurap naman ito. " Anong nangyari sayo? "
" Ganda mo kasi lika ka nga " sabi niya sabay hila sa akin.
Nagulat naman ako dahil sa subrang lapit ng mukha niya. Natanggal ang ngiti naming dalawa at napalitan ito ng seryosong mukha.
Iba ang t***k ng puso ko, na para bang ito lang ang naririnig ko. Patuloy pa rin kami sa pagtingin sa isa't isa. Bat ba ang weird nito?
Ganun lang kami, hanggang sa narealize namin ang posisyon naming dalawa! Napahiwalay naman kami sa isa't isa sa subrang gulat " Ahm " sabi ko, naubusan na ata ako ng salita dahil sa nangyari " Baba na tayo "
Sabi ko at nauna ng bumaba papunta kina loury! Gosh ano yun?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________ :)