Bumaba na kami sa hagdan, nakita naman namin si Loury na tahimik lang na nakaupo at mabibigat ang mga pinapakawalang hininga.
"Okay ka lang?" tanong ko at umupo sa tabi niya. Hinimas ko ang balikat niya. Napapagod naman niya naman akong tiningnan
"Ewan? HAHA" sabi niya at huminga ng malalim "Ba't pa kasi nag exist ang problema?"
"Para e challenge tayo?" nag aalinlangan kong tanong
"Challenge o para tanggalan tayo ng hope? pinapahirapan ata tayo nito eh" sabi niya
"Alam niyo" napatingin kami sa kaniya sa likod "Pasingit na ah, iba kasi difinition niyo ng problem"
Huminga siya ng malalim "Para sakin yung problema kasi is 'battle of life' natin at kung wala kang problema, wala kang matututunan" sabi niya "Sinusukat nito kung anong kaya nating gawin, parang exam,kada quarters yan talaga malaking problema ko"
"Well, may point ka" sabi ko
Hindi naman kasi pwedeng mawala yung problema sa life, he's right. Wala naman kasing forever na kasayahan kasi marami dapat tayong emotion na maramdaman para balance
"Nagtataka kayo kung bakit walang problema si Franz at Laica at laging kayo lang?" sabi niya tumango naman kami "Siguro dahil hindi pa sila ready. Swerte niyo nga kasi in young age may problema na kayo, kaya paglaki niyo kakaratihin niyo lang okay na agad kasi sanay na kayo"
"Matalino ka pala jj?" sabi ni Loury mahina naman ako, para siyang nang aasar eh
"Hindi naman ako matalino HAHAHHA bobo ko nga eh" sabi niya hindi na namin siya pinansin. Ang saya nang naging gala naming yun, nagiging masaya lang talaga ako pagkasama ko ang mga kaibigan ko
At si Justin, hindi lang pala siya friendly, marunong rin siyang mag advice siguro mas okay kung e kekeep ko siya. Charoot
Nang umuwi na ako sa bahay, napatanong naman si papa "Napapadalas na yang paggala mo ng mga kaibigan mo ah?" sabi niya at tiningnan ako
"Bakasyon na po kasi at sinusulat namin to papa, wala rin naman akong masyadong gastos kasi sila ang sumasagot" sabi ko
"Hindi ka nila hinihingan ng ambag?" sabi niya Umiling ako
"Hindi po, medyo may kaya po kasi sila at hindi uso ambagan. Kung sinong nangyaya siya manlilibre" sabi ko "Tsa nga pala papa may sinaing na?"
"Nagluto na ako, inaantay ko nalang kayo para makakain na tayo" sabi niya
"Ahhh, okay po, bihis lang ako" paalam ko at pumasok na sa kwarto. Nilock ko ng maayos yung pinto, mahirap na baka may biglang magbukas.
Natapos ang araw at dumating nanaman ang bagong araw, at dahil wala akong magawa at kakapadala pa lang ni kuya, inutusan na ako ni papa na nag-grocery.
Simula nung bakasyon hindi na ako ginagalaw ni papa, nabuksan na ba ang puso niya at nagsisi na ba siya sa ginawa niya? Ahmm I think it's imposible.
Matapos akong mamili naglakad lang ako pauwi. Bali nasa street 4 yung Market. Nang madaanan ko ang street nila justin, nagulat naman ako ng bigla niya akong hilain
"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko
"Sa bahay" sabi niya. Inagaw niya naman yung dala kong eco bag. Nakapasok na kami sa gate nila at nagsalita ulit ito "Buti dumaan ka, sakto at gusto kang makita ni mama"
"Huh?" napalunok naman ako sa sinabi nito. Bat niya ako ipapakilala sa mama niya?
Pumasok na kami sa bahay nila, medyo malaki ito, tiles yung sahig at malinis yung bahay. "Ma andito na siya" sigaw niya mula sa sala. Nilapag niya ang eco bag ng pinamili ko sa may kusina nila gosh!
Tiningnan ko lang ito at nakangiti nang bumalik sa kinatatayuan ko at hinila papuntang sala nila. Andun nakaupo ang mama ni Justin, kilala siya bilang asawa ng kapitan dito.
Tumayo naman ito nang makita ako at sinalubong "Ang ganda mo naman hija, ang swerte at ikaw ang napiling ligawan ni Jj" sabi niya. Inalalayan niya akong umupo sa may sofa nila. Umupo naman si kapitana sa left ko at sa right naman si Justin
"Kamukha ko daw po kasi ang mama ko kapitana kaya maganda ako" pilyong sagot ko tumawa naman ito
"HAHAHAHHAHA" Tawa niya
"You know me, I don't pursue ugly" sabi ni Justin
"Btw drop the kapitana, pwede mo nga akong tawaging mama or tita basta depende na sayo" sabi niya "I heard your mom is gone why?"
"Nahirapan siyang ipanganak ako, ako daw dapat yung mamamatay kasi ako naman ang may problema, pero si mama parin namatay tapos ako ang nabuhay" sabi ko
"Nakakalungkot isipin na hindi mo man lang nakilala ang mama mo" sabi niya "Buti di mo siya hinanap, ito kasing si jj nung bata pa ay ang lakas umiyak pag iniiwan dito sa bahay"
"Ma drop that, that's a young me" sabi naman ni Jj
Napansin niya na straight english magsalita si jj pagnasa bahay siya. Pagsalabas naman ay nagtatagalog lang ito.
"Nung una naghahanap po ako, pero nasanay na rin po ako. Paano ba naman pag hinahanap ko si mama picture frame lang binibigay sakin ng mga kuya ko" sabi ko at natawa
"It's okay, ang mahalaga lumaki ka ng maayos" sabi niya at nginitian niya ako.
Hinihimas himas niya ang balikat ko at parang kumakalma ako. Kakaiba talaga ang feeling na nararamdaman ko, it's my first time to feel that someone is care for me. Her touch, it's a touch of mother, ganto pala ang feeling nito
"I guess so?" tanong ko sa sarili ko at tumawa nanaman ito
"She's not, he rejected me the first time I told that I want to court her" sabi ni justin "So mama be her mother so that she can't reject me anymore"
"You deserve it Jj" sabi naman ng mama niya "Dapat paghirapan mo ang isang bagay"
Mahina lang akong natawa. Humahanap pa siya ng kakampi ah!
"Btw atenna, sinabi ba sayo na jj na ikaw ang unang babaeng dinala niya rito?" tanong ng ina nagulat naman ako
Ako ang unang babae? HAHAHHA sa mukhang yan? eh diba campus cheater yan?
"Hindi po, wala naman po siyang sinasabi" sabi ko "Nagulat na nga lang ako ng hilain niya ako papunta rito"
"Silly him" sabi niya
"Mama!" reklamo ni jj
"Stop it jj" sabi naman ni tita
Tita, mas better na ata yun kaysa sa mama. Wala pa naman kasing closure na magiging kami nga talaga ni justin, baka nga magsawa lang yun sa panliligaw sakin
"Ma, don't discredit mo on her" isip bata namang sabi ni justin "Instead help me to get her"
"Oo nga at tutulungan kita, nagpapababy ka pa eh. Paano ba naman ang bagal" sagot naman ng ina
Tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila. Amazing, may tulungan pala sila? HAHAHHA
"You heard it atenna, may son is really like you. So if your feeling is mutual, pwede mo na siyang sagutin sa harap ko" sabi ng mama niya
Napalunok naman ako sa sinabi ni tita? sureness? HAHHAHAHA ano bang mangyayari sa mundo? hindi ko na alam ang mararamdaman ko kung matatawa ba ako o hindi
Napagdesisyunan ko ng umuwi dahil nga maggagabi na at baka hanapin ako ni papa. At nagrecomenda rin si justin na magmotor lang kami pero dahil ayaw ko, sinamahan niya nalang ako maglakad.
Andito lang kami ngayon naglalakad sa may tulay, siya yung may dala ng pinamili ko, kasi nakakahiya daw na may bitbit ako tapos siya wala at plus pogi points na rin daw yun.
Tanga!
Ayown awkward kaming naglalakad kasi walang mabuksan na topic, inubos ba naman ni tita kanina "Siya nga pala" sabi niya napatingin naman ako sa kaniya habang sabay lang kaming naglalakad "Pasensiya na sa mga sinabi ni mama kanina at dinilim ka pa HAHA"
Tumingin siya sakin, inantay niya ang magiging reaction ko "Okay lang, nakakaeenjoy nga rin kausap si kapitana" sabi ko at natawa "First time kung nadala sa bahay ng lalaki HAHA"
"So pag naging tayo, ako first boyfriend mo?" tanong niya. Tumawa naman ako ng malakas
Siya first? HAHAHHAHA ano bang tingin niya sakin? porke ba nag aaral ako mabuti pero di honor ay di na nagkajowa?
"Hindi" sagot ko
"Sabi mo first time mong madala sa bahay ng lalaki" sabi niya with disappointed face
"Oo nga, pero di ko first time magka boyfriend" sabi ko nagulat naman siya
"Bakit yung mga nanligaw ba sayo dati, di ka dinala sa bahay nila?" tanong niya
"Hindi HAHAHHA yung una ko kasing boyfriend grade 6 pa ako" sabi ko "Tapos sa classroom lang kami naghaharutan, di ko nga napansin na magjowa na kami"
"Grabe ka! dapat sinabi mo na ipakilala ka muna sa magulang bago ka pumayag or sumagot ng oo" sabi niya
"Tapos yung next jowa ko sa ml ata yun, na meet ko parents niya sa video call lang HAHAH" sabi ko at ngumiti
"Kakaibang ngiti yan ah, ilang months or year kayo nun?" tanong niya
"4 months last year lang, di kami nag year" sabi ko "Tapos nung naghiwalay kami wala na, tig one week nalang ata tinatagal nung mga naging ex ko, or worse one day."
"Sinong nakikipaghiwalay?" tanong niya. Dami namang tanong nito
"Ako" sagot ko tumango lang siya "Once kasi may nanotice ako na di gusto, block agad ng walang paalam or break agad tapos di na pansinin. Yung mga lalaki kasi once naging sila na ng babae nagbabago na ugali"
"Huwag mong lahatin" mahina niyang sabi "Nandito pa naman ako, and I promise na pag naging tayo hindi ako magbabago, at kung makikipag break ka, hindi ako papayag. Because that's the real love called"
______________________________________________________________________________________________________________________________________________ :)