Another update kasi maharr ko kayo!
Nagising ako dahil sa katok sa pinto ng kwarto ko, bumangon ako at binuksan yun, nakita ko naman si papa.
" Po? " tanong ko. Inaantok pa ako, parang gusto pa talagang pumikit ng mata ko.
" Pinapapunta ka ni kapitana sa bahay nila, kanina andito yung anak niya naka motor pero dahil sinabe kong tulog ka pa, umalis siya at sabihin nalang daw paggising mo " sabi niya
Nagtaka naman ako, anong ginagawa ni Justin dito? " Bakit daw po? " tanong ko
" Ewan anak, baka may nagawa kang mali? " tanong niya. Napaisip naman ako
" Wala naman po " sagot ko
" Oh siya, maiwan na kita, mag ayos ka na at ng makakain. Para maaga kang makapunta dun " sabi niya tumango lang ako
Tiningnan ko ang orasan sa maliit na lamesa na nasa gilid ng aking kama " Nine na? " grabe napagod siguro ako kagabi dahil matagal akong nagising.
Inayos ko na ang sarili ko, nagsuot lang ako ng simpleng fitting na red tshirt tapos pantalon. Syempre pambahay lang to, pero hindi mahahalatang pambahay. Basta ganto talaga pambahay ko.
Yung mga nakakakilala sakin, sasabihin nilang pambahay to, pero yung bago palang mapagkakamalang pang alis to.
Lumabas na ako ng kwarto tapos kumain, wala na sila sa bahay kaya mag isa akong kumain. Nang matapos akong kumain, lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa bahay nila Justin.
Nang makarating ako sa gate nila, nakita ko naman si Justin na naka-upo sa labas ng gate, at nang makita niya ako lumapit ito.
" Chinat kita, di ka nagreply. Pupuntahan na sana kita eh, nakapaglakad ka pa tuloy " sabi niya at tinaas ang cp niya
" Okay lang HAHAH exercise rin naman " sagot ko
" Ten na, hindi na maaga. Tapos ang init pa " sabi niya " Sa susunod check mo muna phone mo bago ka maglakad okay? "
Tumango lang ako. Hinila niya ako papasok ng bahay, pag tingin ko ang daming bisita at ang ingay " Anong meron? " tanong ko
" Birthday ni Papa, imbitahan daw kita sabi ni mama. " sabi niya at napakamot sa buhok " Ewan ko ba kung ba't pinapunta ka uli dito, nakakaestorbo tuloy kami sayo "
Pumasok kami sa loob ng bahay at nagkakadikitan na talaga yung mga tao sa subrang dami, hawak lang ni Justin yung kamay ko.
Syempre di kami napansin nung mga tao, busy sila eh tapos may mga dala pa silang plato. Tumingin lang ako sa paligid ng magkasalubong ang mata namin ni Tita.
Kumaway naman siya at ngumiti lang ako. Nag sign naman siya na 'halika rito' may mga 40+ na babae siyang kasama at kausap. Tumango ako, napansin naman yun ni Justin kaya hinila niya ako.
Nagtaka naman si tita kaya nag sign si Justin na ' Sa taas muna kami, mamaya na pag di ka na busy' tumango lang si tita at hinila na ako papunta sa hagdan ni Justin
" Anong ginagawa natin dito? " tanong ko at tiningnan siya
" Busy pa si mama sa mga bisita niya, kaya ako namang bahala sa bisita ko " sabi niya at kumindat
" Saan mo naman ako dadalhin? " tanong ko
" Sa kwarto ko " sabi niya
Hindi na ako sumagot at sumunod na sa kaniya habang naglalakad. May nadaanan kaming unang pinto at sa may dingding may mga portrait dun.
May nakita naman akong picture ni Justin nung elementary pa ata siya, nakangiti siya sa lahat ng picture. At may kasama rin siyang babae
" Grabe andito ka pa pala, kanina pa ako nagsasalita dun wala ka na pala sa likod ko " sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya
" Sino siya? Mukhang close na close kayo ah " tanong ko habang tinitignan lahat ng litrato. Mayroong magkaakbay sila, nakangiti lang yung babae habang siya hindi naman.
Halos lahat nung pic nakangiti yung babae tapos siya hindi. May bangs yung babae tapos masasabu mong mahilig siyang magpalda with leggings, maliit na short with leggings tapos maiikli na damit
" Siya si Shayne " sabi niya at ngumiti " Kababata ko "
Tinuro niya yung picture na parang nasa may playground sila " Sa Rizal Park to sa manila, ito naman sa Japan, tapos ito sa MOA, ito naman sa ano to eh, yung sa, gosh di ko na maalala " sabi niya
" Eh ito saan to? " tanong ko at tinuro yung isang litrato. Mukhang galing iyak si Justin sa picture tapos may kakaibang outfit. Tapos yung babae naman nag aalalang nakatingin sa kaniya
" Sa ano yan, yung sa singing competition tapos natalo ako HAHA " sabi niya " Tapos lagi rin ako sinasamahan ni mama at ni Shayne "
" Close na close huh " sabi ko at ngumiti
" Oum, mabait kasi siya HAHA tapos nagkakasundo rin kami " sabi niya
" So asan na siya now? " tanong ko
" Sa manila? di ako sure baka nasa states na sila now. Basta nung lumipat kami dito, yun na huli naming pagkikita tapos di ko alam f*******: niya kaya no connection na " sabi niya
Bigla naman akong nakahinga ng maluwag. Huh? ba't ganto nararamdaman ko? yung parang safe?
Patuloy lang ako pagtingin sa mga picture, nang bigla niya akong hinila kaya sumunod nalang ako papunta sa pangatlong pinto.
" Hindi pa ako tapos tumingin sa picture mo " sabi ko nang nasa loob na kami ng kwarto niya. Sinara niya naman yung pinto
" Huwag na baka makita ka pa ni mama, agawin ka nanaman niya sakin " sabi niya
" Agawin? " tanong ko at natawa
" Oo mang aagaw pa naman yun, kaya mas okay kung nandito ka sa kwarto para di ka niya mahanap. " sabi niya " Upo ka muna, kuha lang ako makakain sa baba "
" Sige " sabi ko
Nilibot ko ang tingin ng buong kwarto niya, medyo may kalakihan ito. Parang kwarto lang ni franz na may mini sala tapos mga pang mga gamit.
Blue, he likes blue. Yung bedshet niya kasi blue pati yung apat na unan sa may kama niya. May blue rin siyang tsinelas malapit sa may pinto. May isang stand na puno ng libro, at mini study table sa tabi nito.
How adorable, kahit pala lalaki malinis. Kung ikukumpara ito sa kwarto ko, hindi man lang nagkalahati, tanging kama lang kasi ang makikita mo sa kwarto ko at kunting space, ganun lang kaliit.
Umupo ako sa may sofa niya at hinintay siyang makabalik. Maya maya bumalik na siya at may dalang pagkain " Marami pang tao sa baba " sabi niya habang nakangiti
Nagulat naman ako ng may pumasok pang isang babae. Si Elena ( yaya nila ) nagulat din ata siya ng makita ako. Nilapag ni Justin yung dala niya sa harap kong maliit na lamesa at umupo sa harap ko
Yang Elena na yan ay taga street 1 rin gaya ko, wala akong ideya kong bakit naging maid yan dito nila Justin pero ang maging maid yan ay isang hindi magandang ideya.
Pagkakaalam ko 17 years old na yan tapos malapit ng mag debu. Hindi na siya nag aaral kasi wala namang magpapaaral. At ang ugali nito ay no comment hindi nakakain ng aso.
Kung masama man ako, sabihin nalang natin na may grabe pa siya sakin hindi nga ata ako nangalahati sa subrang kaplastikan ng babaeng to.
" Dito nalang po ate Elena " sabi niya. Tumango naman si Elena, may pagtataka parin sa tingin nito habang nilalapag yung dala niyang plato at iba pa. " Si Tina nga po pala "
" Ano ka ba Justin kilala ko siya HAHA " naiilang kong sabi at pekeng tumawa
" Ayy oo nga pala, taga street 1 rin siya ate " sabi niya at tumawa
" Jowa mo siya Jj? " tanong niya at masama akong tiningnan. Hindi ba uso sa kaniya yung pagiging peke? Gosh tong babaeng to
" Nililigawan niya ako " pagyayabang ko
" Hindi ikaw si Jj " sagot niya naman
" Eh bakit ka nagtatanong? " sagot ko
" Hindi naman ikaw ang tinatanong ko " sagot niya " Ito ba yung gusto mong babae jj? "
" Ewan ko nga rin sa amo mo kung bakit niligawan ako eh ganto naman yung ugali ko " sabi ko at inirapan siya " Ganto nalang sisihin mo yung ganda ko "
" Tina " sabi naman ni Justin napatingin naman ako sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay " Nililigawan ko pa po siya ate "
" Ah ganun ba " sabi niya at napatango " Siguro isa rin siya sa mga babaeng paglalaruan mo diba? Mabuti nalang talaga at close na close tayo kaya kilalang kilala kita "
Paglalaruan? " Ate " si Justin
" Sanaol close, pero share mo lang? hindi naman ako nagtanong ah? " nakakainis tong babaeng to
" Oo sa subrang close nga namin alam ko na lahat ng kilos at ginagawa ni Jj. Eh ikaw ba? " sabi niya at ngumiti " Bababa na ako Jj "
" Sige po ate " sabi niya, napansin niya siguro na nakatingin lang ako sa pagkain " Kumain ka na "
Ede sila nang close HAHAHAH
Nagsimula na akong kumain at hindi na nagsalita " Ba't di ka nagsasalita? " tanong niya
" Kumakain ako Justin, bakit ako magsasalita? " sagot ko sa kaniya
" Naninibago lang ako, kasi pag kumakain naman tayo minsan madalas kang magsalita kahit may laman pa ang bibig mo " sabi niya
" Gosh, subrang close ba talaga kayo ni Elena? " hindi ko maiwasang magtanong. Ayy ewan ko ba sa Elenang yun nakakainis
" Oo " sabi niya at sinubo yung kutsara na may lamang kanin at ulam.
Hindi ko pa nagagalaw yung cake kasi busog na talaga ako. Kumuha ako ng baso at magsasalin na sana ng Juice pero naunahan niya ako sa pagkuha ng pitsel kaya siya yung nagsalin
" As in alam niya lahat ng stuffs na gusto mo, mga favorite mo pati kilos mo? " tanong ko tumango lang siya " Lagi rin ba siya dito sa kwarto mo? alam mo yun, yung nakikipag kwentuhan, napagsasabihan ng problema? "
" Grabe tina, feel ko sa lahat ng inaakto mo ngayon ay parang nagseselos ka " sabi niya at may ngiti sa labi, dahilan para lumabas yung dimple na nakatago mula sa mga pisngi niya.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________ :)