Lasing na lasing ako habang nakahawak kay Justin. Inalalayan niya ako papunta sa kwarto ko. Buti nalang alas 3 na ng umaga kaya kunti nalang ang tao dito sa bahay na mga nakikilamay at yung iba ay busy sa pagsusugal kaya't hindi nila ako napansin na naglakad papuntang kwarto. "Ba't ba kasi ang damo mong iniinom!" sabi ni Justin at nilapag ako sa maliit kong kama. Napahiga naman agad ako, dahil sa subrang pagod ng aking nararamdaman at parang wala na akong lakas para igalaw ang sarili. Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya "Inuman lang naman ang pag uusapan, sino ba ako para magpahuli?" tanong ko rito Pinitik niya naman ang noo ko "Aray!" angal ko. Inayos niya ang unan ko at pinahiga ako doon "Ang bata mo pa para sa inom! Baka mamaya tunaw na yang atay mo!" sabi niya. "Diyan ka lang, w

