Nilibing na si Papa at bukas aalis na rin si Kuya Arthian para bumalik sa trabaho, ako naman dito parin magpapatuloy sa pag aaral. Hindi naman ako maka angal, wala naman akong magagawa. Siguro iiwas nalang ako kay kuya Athan nang sa ganoon ay hindi na maulit yun. Ayaw ko rin namang iwan ang mga kaibigan ko dito, pati na si Justin. Andito lang ako at tulala sa nangyayari, wala na si Papa kaya free na si Kuya Athan sa lahat ng gagawin niya. Napatingin naman ako sa kung sinong humawak sa balikat ko—Justin. "Okay ka na?" tanong niya. Tiningnan ko naman siya at umiling "Nandito na naman tayo sa Cagdianao, what if igala kita?" tanong niya "Baka hanapin tayo" sabi ko naman "Hindi yan, may dala akong motor, ayaw ko kasi na naglalakad ka" sabi niya at kumindat hinampas ko naman siya "Baliw

