"Ate! Ate!" Hingal na hingal si Cynthia habang tumatakbo papalapit sa akin.
Nang marinig ko ang sigaw ng aking kapatid na parang natataranta ay agad kumunot ang aking noo, "bakit Thia, anong nangyari?"
"Ate si Lanlan po, dalian mo ate si Lanlan inaapoy ng lagnat."
Kasalukuyan akong nasa batus at naglalaba ng marurumi naming damit, bugla kong naitapon ang isang puting t-shirt na aking kinukusot ng marinig ko ang sinabi ng aking kapatid. Si Cynthia ay nakababata kong kapatid at si Lanlan ay bunso kong kapatid, tatlo kaming magkakapatid na dalawang taon nang ulila sa magulang dahil sa nangyaring sunog noon sa aming bahay. Kami ay nakikitira na lamang sa aming malapit na kamag-anak.
Pagkahagis ko sa damit ay agad akong napatakbo nang wala sa sarili, magulo ang aking buhok, basa ang aking mahabang palda at puro bula ang aking braso. Ang aking pangtaas na t-shirt na may punit sa likod ay nakalaylay ang manggas.
Wala na akong paki sa aking sarli basta ang iniisip ko sa mga oras na ito ay ang aking kapatid na siyam na taong gulang at inaapoy ng lagnat.
"Lanlan! Lan?" Tawag ko sa aking kapatid habang nagaalala.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong nakapikit ang aking kapatid na lalaki, namumula ang pisngi at nakabalot ng kumot at may bembo sa noo. Agad ko siyang kinapa at tama nga ang aking kapatid inaapoy nga ng lagnat si Lanlan...
"Ate...?" Anya.
"Bunso, dadalhin kita sa hospital." Para akong naiiyak sa nangyayari.
Simula nang mamatay si Mama at Papa ay ako na ang naging magulang ng dalawa kong kapatid, nag-aaral ako sa umaga at tumatanggap naman ako ng labada sa hapon... Minsan ay umi-extra ako sa palengke sa pwesto ng aking tita Reynalyn kapag walang labada.
Kailangan kong kumayod para sa aking mga kapatid dahil wala na kaming magulang, pangarap ko din makapag tapos ng pag-aaral nang sa ganun ay pama-aral ko din sila. Ako ang tutupad sa pangarap ng aming magulang para sa aming magkakapatid, 'yun ang aking goal sa aking sarili.
"Ate, wala po tayong pera..."
Sa sinabi ng aking kapatid na si Cynthia ay bigla akong natigilan... Oo nga at wala kaming pera ni pamasahe sa trycicle ay wala ako. Paano na ito?
"Hindi bunso... ako ang bahala, diyan muna kayo. Cynthia huwag kong iiwanan ang kapatid mo ha? kailangan kong dumilihensiya ng pera para madala ko si Lanlan sa hospital."
Agad akong tumakbo palabas ng bahay, mabuti na lang at medyo malapit kami sa palengke kaya tinakbo ko lamang ito at ilang minuto lang ay narating ko ang pwesto ni tita Reynalyn.
"Oh Scarlett bakit hinagl na hingal ka?"
"Tita, pasensiya na po... kailangan ko po ng pera si Lanlan po dadalhin ko sa ospital."
"ha? bakit?"
"Anong nangyari?"
"Inaapoy po siya ng lagnat."
Agad din tumugon si tita Reynalyn at sinamahan ako, ibinilin na muna niya sa katabing pwesto ang kanyang paninda. Si tita Reynalyn ay mabait, ngunit hindi namin pwede iasa sa kanya ang aming kinabukasan dahil may sakit siya... Kaya lamang siya nagtitiis magtrabaho para maipagamot din niya ang kanyang sarili sa cancer.
Sa wakas at nadala namin si Lanlan sa Ospital, na diagnosed siya ng dengue. Madaming test ang ginawa at may mga gamot na kailangang bilhin. Mabuti na lamang ay binayaran ako ng aking amo sa paglalaba kahit na hindi ko natapos ang aking nilalabhan.. Pinakuha ko na lamang kay Cynthia ang mga labahan sa batis para hindi ito anurin kung sakali. Humingi din ako ng pasensiya sa aking amo dahil sa isang damit na naitapon ko at tinangay ito ng agos sa batis.
"Tita, maraming salamat po talaga... Huwag po kayong mag-alala babayaran din po kita agad." Kulang kasi ang pera na sinahod ko kaya kailangan kong kapalan ang aking mukha kahit na kailangan din ni tita Renalyn ang pera. Humiram ako para mabilhan ng gamot ang aking kapatid at mga kailangan pa para sa pagpapagaling ji Lanlan.
"Walang problema iha, may naitatabi pa naman akong pera dito..." Saad ni tita sabay ng kanyang matamis na ngiti.
Niyakap ko si tita Renalyn.
Madaming tumatakbo sa aking isip sa mga oras na iyon, kailangan kong gumawa ng paraan para magkaroon ako ng magandang trabaho habang nag-aaral.
Third year college na ako ngayon at business management ang aking kurso.
"Ate, ate...?"
Nagising ako sa tawag ng aking kapatid si Cynthia.
"Nandiyan ka na pala Thia, anong nga pala sabi ni Ate Lily?" Sabi ko habang hinihilamos ang aking palad sa aking mukha para mawala ang aking antok.
"Wala naman ate, sabi niya magpagaling daw si Lanlan."
"Ah sige, ikaw muna magbantay kay Lanlan ha? May aasikasuhin lang ako."
"Ate, kumain ka na ba?"
"Busog pa ako," sa totoo lang ay kanina ko pa naririnig ang kalam ng aking tiyan. Wala pa ako kain simula ng dinala ko si Lanlan dito sa ospital. Wala rin mailuto sa bahay dahil lahat ng pera ay nagamit para sa mga kailangan ni Lanlan, at ang rasyon ng ospital ay ipipakain ko kay Lanlan at Thia. Makita ko lang sila na nabusog ay masaya na ako.
****************
Hello guys, I'm back hehehe...
Una sa lahat magtatanong po muna ako, hehe.
May nagbabasa pa po ba kay Scarlett? hahaha alam ko wala na kasi sobrang tagal nang hindi ako nakapag update dito hahaha, diba ako din sumagot hahaha...
This is just a reminder because this story is being revised by me, so I would like to ask for a little understanding from those of you who will read or are still reading this that there will be a little confusion hahaha because someone might read it and get confused, why is there confusion hahaha.
So ayun na nga, for revusion po iyong story para po ma update ko na po ng tuloy-tuloy at nang matapos na din po hahaha sana nga ay sipagin na ako para maisulat ko na din po ang mga pending story ko na inamag na sa tagal na panahon kong nawala hahahaha
Ayun lamang po at good luck sakin I hope the Lord gives me strength and diligence so I can finish this story well and thoroughly.
Ayun lamang po at maraming salamat din po sa mga nagbabasa pa nito or sa mga magbabasa pa po sa kwento ni Scarlett...