Chapter 1
"Ate! Ate!" Hingal na hingal si Cynthia habang tumatakbo papalapit sa akin.
Nang marinig ko ang sigaw ng aking kapatid na parang natataranta ay agad kumunot ang aking noo, "bakit Thia, anong nangyari?"
"Ate si Lanlan po, dalian mo ate si Lanlan inaapoy ng lagnat."
Kasalukuyan akong nasa batis at naglalaba ng maruruming damit, bigla kong naitapon ang isang puting t-shirt na aking nilalabhan ng marinig ko ang sinabi ng aking kapatid. Si Cynthia ay nakababata kong kapatid at si Lanlan ay bunso kong kapatid, tatlo kaming magkakapatid na dalawang taon ng ulila sa magulang dahil sa nangyaring sunog noon sa aming bahay. Kami ay nakikitira na lamang sa aming malapit na kamag-anak.
Pagkahagis ko sa damit ay agad akong napatakbo nang wala sa sarili, magulo ang aking buhok, basa ang aking mahabang palda at puro bula ang aking braso. Ang aking pang-itaas na t-shirt na may punit sa likod ay nakalay-lay ang manggas.
Wala na akong paki sa aking sarili basta ang iniisip ko sa mga oras na ito ay ang aking kapatid na siyam na taong gulang at kasalukuyang ina-apoy ng lagnat.
"Lanlan! Lan?" Puno ng pag-aalala kong tawag sa aking bunsong kapatid.
Pagpasok ko sa kwarto agad bumungad sa akin ang aking kapatid, nakapikit ang mata ng aking kapatid na lalaki, namumula ang pisngi at nakabalot ng kumot at may bempo sa noo. Agad ko siyang kinapa at tama nga si Cynthia inaapoy nga ng lagnat si Lanlan...
"Ate...?" Anya.
"Bunso, dadalhin kita sa hospital." Para akong naiiyak sa nangyayari. Napansin ko din kasi na may tumubong mga rashes sa balat nito.
Simula nang mamatay si Mama at Papa ay ako na ang naging magulang ng dalawa kong kapatid, nag-aaral ako sa umaga at tumatanggap naman ako ng labada sa hapon... Minsan ay umi-extra ako sa palengke sa pwesto ng aking tita Reynalyn kapag walang labada.
Kailangan kong kumayod para sa aking mga kapatid dahil wala na kaming magulang, pangarap ko din makapag tapos ng pag-aaral nang sa ganun ay mapag-aral ko din sila balang araw at makapagtapos din sa kolehiyo. Ako ang tutupad sa pangarap ng aking magulang para sa aming magkakapatid, 'yun ang aking goal sa aking sarili.
"Ate, wala po tayong pera..."
Sa sinabi ni Cynthia ay bigla akong natigilan... Oo nga at wala kaming pera ni singkong duling pamasahe sa tricycle ay wala ako. Paano na ito?
"Hindi bunso... ako ang bahala, diyan muna kayo. Cynthia huwag mong iiwanan ang kapatid mo ha? kailangan kong dumilihensiya ng pera para madala ko si Lanlan sa hospital."
Agad akong tumakbo palabas ng bahay, mabuti na lang at medyo malapit kami sa palengke kaya tinakbo ko lamang ito at ilang minuto lang ay narating ko ang pwesto ni tita Reynalyn.
"Oh Scarlett bakit hingal na hingal ka?"
"Tita, pasensya na po... kailangan ko po ng pera si Lanlan po dadalhin ko sa ospital."
"ha? bakit?"
"Anong nangyari?"
"Inaapoy po siya ng lagnat."
Agad din tumugon si tita Reynalyn at sinamahan ako, ibinilin na muna niya sa katabing pwesto ang kanyang paninda. Si tita Reynalyn ay mabait, ngunit hindi namin pwede iasa sa kanya ang aming kinabukasan dahil may sakit siya... Kaya lamang siya nagtitiis magtrabaho para maipa-gamot din ang kanyang sarili sa cancer.
Sa wakas at nadala namin si Lanlan sa Ospital, na diagnosed siya ng dengue. Madaming test ang ginawa at may mga gamot na kailangan bilhin. Mabuti na lamang ay binayaran ako ng aking amo sa paglalaba kahit na hindi ko natapos ang aking nilalabhan.. Pinakuha ko na lamang kay Cynthia ang mga labahan sa batis para hindi ito anurin ng tubig kung sakali. Humingi din ako ng pasensya sa aking amo dahil sa isang damit na nai-tapon ko at tinangay ito ng agos sa batis.
"Tita, maraming salamat po talaga... Wag po kayong mag-alala babayaran din po kita agad." Kulang kasi ang pera na sahod ko kaya kailangan kong kapalan ang aking mukha kahit na kailangan din ni tita Renalyn ang pera. Humiram ako para mabili ang gamot ng aking kapatid at mga kailangan pa para sa pagpapagaling ni Lanlan.
"Walang problema iha, may naitatabi pa naman akong pera dito..." Saad ni tita sabay ng kanyang matamis na ngiti.
Niyakap ko si tita Renalyn.
Madaming tumatakbo sa aking isip sa mga oras na iyon, kailangan kong gumawa ng paraan para magkaroon ako ng magandang trabaho habang nag-aaral.
Third year college na ako ngayon at business management ang aking kurso.
"Ate, ate...?"
Nagising ako sa tawag ng aking kapatid, si Cynthia.
"Nandyan ka na pala Thia, ano nga pala sabi ni Ate Lily?" Tanong ko na may kasamang hikab habang hini-hilamos ang aking palad sa aking mukha para mawala ang aking antok.
"Wala naman ate, sabi niya magpagaling daw si Lanlan."
"Ah sige, ikaw muna magbantay kay Lanlan ha? May aasikasuhin lang ako."
"Ate, kumain ka na ba?"
"Busog pa ako.. Wag mo na akong alalahanin, importante kayo."
“Baka kasi ate, ikaw naman ang magkasakit…” nakayuko niyang sabi.
Sa totoo lang ay kanina ko pa naririnig ang kalam ng aking sikmura dahil sa gutom. Wala pa ako kain simula ng dinala ko si Lanlan dito sa ospital. Wala rin mailuto sa bahay dahil lahat ng pera ay ginamit para sa mga kailangan ni Lanlan, at ang rasyon ng ospital ay pinapakain ko kay Lanlan at Thia. Makita ko lang sila na nabusog ay masaya na ako.
Tulala akong naglalakad, medyo may kalayuan na ito mula sa ospital… Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng aking mga paa.
Sa kalagitnaan ng aking naglalakad ay nakasalubong ko si Martha.
“Scarlett, hoy bes.. Saan ang punta mo bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa, wala ka sa sarili mo gurl.” Saad niya.
Umiling ako.
“Ano tulala?”
“Bes, baka may alam kang ekstrang trabaho, kailangan ko kasi ng pera ngayon.”
“‘Anyari ating, bakit malungkot ang besy ko?”
“Si Lanlan kasi naka admit ngayon sa ospital, kailangan ko ng pera ngayon, baka may alam ka na pwedeng pasukan na trabaho bes.”
Wala akong ibang maisip basta kailangan ko ng pera.
“Ay get well soon sa kapatid mong pogi. Pero bes ang alam ko si Rico, kilala mo ba yun yung boyfriend kuno ni bakla, si Jessie? Hiring daw sila ngayon sa pinapasukan niyang kompanya sa manila.”
Napangiti ako sa aking narinig ngunut agad din iyon naglaho dahil sa salitang maynila.
Malayo kasi ang Samar sa manila kaya imposibleng makarating ako duon.
“Uy bes, tulala ka na naman!”
“Wala na bang iba?”
“Bes, kung ako sayo sunggaban mo na yun baka pwede ka dun, malakas ka naman kay bakla eh. Siya bahala sayo pagdating dun.”
“Bes, malayo ang manila… walang mag-aasikaso sa mga kapatid ko. Alam ko naman na may sakit din si tita.”
“Bes, malaki na si Cynthia… pwede naman siya magalaga kay Lanlan, si tita Reyna siya lang ang aalalay.”
Malalim akong nag-isip sa mga sinabi ni Martha, may punto siya.
“Ano bes, mag desisyon ka na para matawagan natin si Rico.”