“Bunso, magtatrabaho muna si ate ha? Wag ka mag-alala nandito naman si ate Thia mo,” maluha-luha kong niyakap si Lanlan. Isang araw pa lamang mula ng makalabas ng ospital si Lanlan, sa awa ng diyos at sa tulong na din ni tita Reyna ay mabilis itong gumaling.
“Ate, palagi ka pong mag-ingat doon ha?” Malungkot na saad ni Thia.
“Lagi akong mag-iingat para sa inyong dalawa, mahal na mahal ko kayo… ikaw na muna ang bahala kay bunso ha? Mag-aral kayo ng mabuti si ate na ang bahala, para sa inyo ang gagawin ko.”
Nagyakapan kaming tatlong magkakapatid bago ako hinatid ni tita Reyna sa bus station.
“Sige na iha, mag-ingat ka palagi ha?”
Ngumiti ako ng may lungkot, pilit kong pinipigilan ang pagbagsak ng aking luha, kailangan kong maging matatag para sa aking mga kapatid… si Cynthia ay nasa first year college na din at law ang kinuha niyang kurso, dahil pangarap niya iyon. Gusto kong matupad ang kanyang pangarap at ganun din kay Lanlan.
Nagsimula ng umandar ang punong-puno na ng pasaherong bus paluwas ng manila, first time ako luluwas kaya medyo kinakabahan ako dahil hindi ko pa kabisado mag biyahe sa malayo.. Ang bilin ng aking tita ay sumunid lang daw ako sa aking mga kasama sa bus at laging tandaan ang plate number ng bus kung saan ako nakasakay para hindi ako maligaw pagkababa ng barko.
“Cubao na cubao, dahan-dahan lang sa pagbaba ang mga gamit i check mabuti para walang maiwan!”
Medyo naalimpungatan ako sa malakas na boses ng kundoktor ng bus, hindi ko alam ang lugar pero sa aking narinig dito sa cubao ibinababa ang mga pasahero. Medyo magulo ang paligid, ako ay nakaupo pa rin sa aking pwesto at inaayos ang aking sarili, nang makita ko na ako na lang ang nahuhuli ay tumayo na rin ako saka humakbang para makababa na rin ng bus.
“Scarlett! Scarlett ikaw nga ba yan? Inday… namiss kita, grabe ang ganda mo pa rin ha… at ang sexy mo naman partida galing kapa ng probensiya niyan samantalang ako ilang years na dito sa luzon ganito pa rin ako,” sabay tingin sa kanyang sarili at nakataas pa ang isang kilay.
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Jessie, kahit na hirap kami sa buhay ay hindi ko pinapabayaan ang aking sarili dahil ayokong maging losyang sa paningin ng ibang tao kaya kahit na walang magandang damit o mga palamuti sa katawan kaya kong pagandahin ang aking sarili kahit na simpleng bestida at pulbos lang sa mukha.
“Baks, ang ganda naman ng bahay mo.”
Umupo ako sa isang malambot na sofa at inilapag ang aking maliit na bag sa sahig.
“Gaga, nag-uupa lang ako dito… hindi ko pa aford magkaroon ng ganitong bahay, saka marami kami dito. Sandali tatawagin ko lang si Ate Rita.” Umalis si Jessie kaya naiwan ako mag-isa sa sala.
Malawak ang boarding house na parang bahay talaga may second floor din may mga palamuti na alam kong medyo may kamahalan din.
Ipinakilala ako ni Jessie sa may-ari ng boarding house at sinabi din niya na ako ang makaksama nito sa kwarto, tama naman daw dahil kaka-alis lamang ng kasama ni Jessie sa kwarto.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, sa totoo lang ay hindi ako nakatulog ng maayos, diko alam kong naninibago lang ako o dahil magdamag kong iniisip ang aking mga kapatid. Wala akong cellphone kaya hindi ko sila matawagan, nahihiya pa akong makihiram kay Jessie. Si tita Reyna ay may cellphone kaya hiningi ko ang kanyang numero.
“Oh Scarlett bakit ang aga mo naman gumising, mamaya pa tayo aalis…” garalgal na boses ni Jessie habang kinikusot ang kanyang mata na may kasamang hikab.
Nginitian ko lang siya saka tumikhim. Nag-iipon ako ng lakas ng loob para manghiram ng cellphone.
“Hmm Baks, pwede ba akong makihiram ng cellphone? May tatawagan lang ako…” nahihiya kong sabi.
“Of course inday,” sabi niya sabay abot ng kanya cellphone.
Kinuha ko naman ito ngunit tinitigan ko lamang ito habang hawak ko.
“Oh anong problema?”
Napatingin ako sa kanya, “paano ito gamitin?” Nag-aalangan kong tanong.
“Aysus, akala ko naman kong ano…” itinuro niya sa akin kung paano gamitin ang malapad na at touch screen na cellphone at may tatak na Vivo. Halos lahat ng aking kaklase sa kolehiyo ay merong mga cellphone ako lamang ang wala, kaya hindi ko alam paano gamitin ito. Nakakahiya man pero ignorante ako pagdating sa cellphone maliban lang sa komputer.
Nakausap ko ang aking mga kapatid at ayon sa kanila maayos naman daw sila at kasalukuyan silang naghahanda sa pagpasok sa school kaya nakampante na rin ako.
10 na ng umaga at naka-gayak na kami ni Jessie, kikitain daw namin si Jade at Jeanne. Si Jade ang kakambal ni Jessie na isa rin bakla si Jeanne ay pinsan nilang babae, magkasama naman sa bahay si Jade at Jeanne dahil sa isang kompanya lang sila nagtatrabaho si Jessie ay call center agent naman si Jade at Jeanne ay sa usang advertising company naman nagtatrabaho.
“Bakla…!” Tili ni Jessie ng magkita na sila ng kanyang kakambal. Once in a month lang daw sila magkita dahil abal din sila sa kani-kanilang mga trabaho kaya miss na miss din nila ang isa’t-isa. Kung hindi mo sila kilala ay malilito ka sa kanila kung sino si Jade at Jessie sa kanilang dalawa dahil magkamukha talaga sila 100% medyo matangkad lang ng konti si Jade kumpara kay Jessie.
Bago ako umalis sa probinsya ay pinakomplito ni Jessie ang mga papeles na kailangan ko para sa aaplayan ko ng trabaho.
“Ready ka na ba inday? Perfect ka talaga sa trabahong ito, mabuti na lang at nagka-usap kayo ni Martha.”
“Kumusta na pala ang baklang yun?”
“Okay naman, maayos ang kanyang buhay may asawa.” Si Martha ay kasing edad ko lang pero maaga nakapag asawa pero maswerte naman siya sa napangasawa niya kaya medyo nakaka angat ito sa buhay.
“Eh ikaw… kumusta ka naman?”
“Hindi mo ba napapansin, malamang maganda pa rin siya!” saad ni Jeanne sabay erap.
“Selos ka na namang bakla ka!” Natatawa naman na sabi ni Jade.
“Paano ba naman eh sinalo na niya lahat ng kagandahan. Maganda, maputi at higit sa lahat sexy, iwan ko na lang kung tatangihan pa siya ni bruhang Sarah na yun!” Mataray naman na sabi ni Jeanne.
Nagtatawanan silang tatlo habang ako ay isang matipid na ngiti lang ang aking nai-tugon. Nasa isang fast food restaurant kami habang kumakain, nang bigla akong kinabahan nang hindi ko maintindihan nilibot ko ang aking paningin dahil pakiwari ko ay may nakatitig sa akin. Nang wala akong napansin ay kinalma ko ang aking sarili at tinuloy ang aking pagkain.