TOM "Bro mag su-surprise ka lang kay Enna. Kaya kalmahin mo muna. Para ka'ng timang. Baka mamaya bigla ka nalang mahimatay at hindi matuloy ang proposal mo. Kalma, ilang minuto nalang darating na siya." Wika ni Mat. "Tom, ganyan talaga ang pakiramdam. Lalo na kapag ikasal na kayo ni Enna. Iyung parang maiihi ka na matatae sa paghihintay sa kanya sa simbahan. Kaya kumalma ka muna. Parating na sila " wika naman ni Kuya Diego. Malakas ako'ng bumuntong hininga saka uminum ng tubig. Kinakabahan talaga ako na parang hindi mapakali. Kanina pa ako pabalik balik sa paglakad dito sa loob ng hotel. Nasa kabila naman ang pamilya ni Enna. At mga pamilya ko saka ang mga mahalagang tao sa buhay naming dalawa. Ang kanyang mga kaibigan sa ospital maliban kay Doktora Vauricat dahil out of the country it

