ENNA "Ate nandito na tayo." Wika ni Vincent nang nasa harapan na kami ng isa sa pinaka sikat at mahal na hotel. Kaya kunot noo ko siyang tiningnan. Pero parang wala lang sa kanya dahil nauna na siyang bumaba at parenting nakatayo sa labas ng sasakyan at busy kaagad sa kanyang cellphone. "Bumaba na tayo Enna." Yaya sa akin ni Jenny. Parang ayaw ko talagang bumaba dahil kinakabahan ako. Sino ba ang hindi magtaka kung ang hotel ay para lang sa mga mayaman. "Hyatt Regency Manila, City of Dreams" isa sa kilala at sikat na hotel na tanging maka afford at makapasok lang ay ang mga kilala at bigating tao. Gaya ng president, senator mga artista at mga mayamang tao. Kaya nagtataka talaga ako na baka nagkamali lang sila. Kahit ilang taon ko siguro na sahod hind kasya dito kapag mag stay kami ng

