SIENNA "Baby relax ka lang nandito lang ako. Saka ang ganda mo para lang mahiya mamaya. Dapat maging proud ka, kasi maganda ka at kasama mo ang gwapong Doktor." Natatawang sabi ni Tom. Nasa loob na kami ng sasakyan papunta sa bahay ni Ate Rina dahil ngayon na ang birthday ni Ate Rina. Kanina pa talaga ako hindi mapakali. Ito ang unang beses na maka attend ako sa birthday ng mga mayayaman. Kahit na sinama naman kami nuon ni Ate Dina at Kuya Niel sa kanilang mga kaibigan na mayaman. Pero iba pala talaga kapag kasama mo ang boyfriend mo na mayaman samantala isa lang akong mahirap. Kaya kinakabahan talaga ako kahit kanina pa sinabi ni Tom na kasama ko siya. Naisip ko kasi ang mga eksina sa pinapanuod ko'ng K-drama. Na may may mga kuntrabida na gagawa sa'yo ng masama at ipamukha sa'yo na isa

