SIENNA "Good afternoon Dok." Bati ko kay Doctor Vauricat. Pero tinaasan niya lang ako ng kilay at umalis. Napatingin nalang ako sa kanyang likuran hanggang sa hindi ko na siya makita. Bigla nalang ako'ng napa-isip sa sinabi ni Mara sa akin kagabi. Baka nga masama talaga ang ugali ni Doktora Vauricat. Pero bahala siya sa buhay niya. Pagkatapos kanina ng operation ni Tom. Nagpaalam siya na pupunta muna siya sa kanyang kompanya dahil may emergency meeting tungkol sa bagong mga investor. Gusto niya nga, sana ako'ng isama ngunit sinabi ko na pagod at inaantok ako. Kaya hindi niya ako napilit sumama sa kanya. Ang totoo kasi nahihiya pa talaga ako malaman ng ibang tao ang tungkol sa amin ni Tom. Hindi sa kinahihiya ko siya. Kundi nahihiya ako na baka kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa akin.

