ENNA "Good morning nurse Enna." Nakangiti na bati sa akin ni Doktora Vauricat. Nagulat at nagtaka ako kung bakit binati niya ako. Nagkasalubong kami sa hallway dahil pumunta ako sa cafeteria. Wala si Tom dahil pumunta siya saglit sa kanyang opisina kasama ni Jerry. Kaya naisipan ko na bumili ng soft drinks. Hindi ako kaagad naka sagot dahil nagulat ako. Iiwas sana ako kanina n'ong makita ko siya sa unahan ko, pero naisip ko na bakit ako iiwas wala naman akong kasalanan sa kanya. Saka pareho kaming pinag-trabahuan. "I'm sorry pala last week sa inasal ko. Hindi lang maganda ang mood ko at may kunting problema sa bahay kaya hindi kita pinansin nang binati mo ako." Sambit niya ulit saka nilahad ang kanyang kamay sa akin. "Gusto ko pormal na magpakilala sa iyo. I'm Doktora Vauricat. Can we

