ENNA "Tommy boy congratulations, hindi ka talaga bakla. Binata ka na talaga Tommy boy." Nakangiti na salubong ni Ate Dahlia, Ate Jessa at Ate Lily pagpasok namin ni Tom, sa mansyon ni Mamita. Nagtaka ako sa kanilang sinabi. Araw ng sabado ngayon kaya pumunta kami dito dahil birthday ni Ate Mylene at may kunting handaan daw sa buong pamilya. Nalaman ko na sa tuwing mag mahalagang okasyon sa kanilang buhay dito dinaraos sa mansyon ni Mamita. Matanda na si Mamita kaya sinusulit nila ang araw na makasama si Mamita. Ayon sa kwento sa akin ni Tom..Handa na rin silang lahat na magpaalam si Mamita pagdating ng tamang panahon. 110 years old na rin si Mamita kaya tanggap niya na daw na lumisan sa mundo dahil nakasama at na-alagaan niya na ang kanyang lahat na mga apo. Tatanawin niya nalang daw sa

