ENNA "HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY TO YOU." Kanta naming lahat kay Ate Mylene. Kumplito ang lahat na mga mahal sa buhay ni Ate. Naluluha ang kanilang mga anak at si Kuya habang nakayakap kay Ate Mylene. "Make a wish and blow the candle na Mylene." Wika ni Ate Dahlia na siyang mag hawak ng maliit na cake. May 3 layer cake at maraming cake rin, pero ang may kandila ay ang hawak ni Ate Mylene. Pumikit si Ate Mylene habang nasa harapan niya ang cake. Pagkatapos hinipan niya na rin ang cake. Ngunit nang mahipan na ni Ate Mylene ang cake bigla nalang tinampal ni Ate Dahlia ang cake sa mukha ni Ate Mylene. Kaya sobrang ingay ng buong bakuran ng mansyon ni Mamita. Tawang-tawa naman ang ibang mga Ate ni Ate Haide dahil sa kalokuha

