Chapter 1

4947 Words
Chapter 1: WATCH OUT, YOU NEED TO LEARN WHAT LIFE IS VERECCA'S POV "Hangga't maaari ay iwasan mo ang paggalaw. Kung nasasaktan ka, indahin mo. Naiintindihan mo ba ako Marpolo?" Marahan kong ikinalat ang d×go ng patay na p×sa sa katawan niya bago ko siya pahigain sa batuhan. Marahan naman siyang tumango kung kaya't nagtago na ako sa likod ng mga sirang gusali habang hawak-hawak ko ang isang matalim na bakal na siyang lagi naming gamit sa pangangaso. Wala sa isip ko ang m×ngaso para makakain kami ng karne subalit kailangan kong tugunan ang kagustuhan ng kapatid ko. Lubhang mapanganib ang pangangaso ng mga Yabiro dahil sa lakas nito at biglang pan×nalakay subalit sa laki nito ay tiyak na may pagkain kami ng ilang linggo, maliban doon ay hindi rin ito ganoon kadaling masira, maibabad lamang namin ito sa tubig-alat ay tiyak na tatagal pa ito ng dalawang linggo. Humigpit ang hawak ko sa patalim nang marinig ko ang yabag ng Yabiro na papalapit sa kinaroroonan ni Marpolo. Napansin ko ang marahang paggalaw ni Marpolo kung kaya't binato ko siya ng maliit na bato para pakalmahin o mas tamang sabihin na b×ntaan na huwag gumalaw. Nakalapit na ang Yabiro sa kanya habang inaamoy ang dugong bumabalot sa katawan niya. Sariwang dugo ang siyang nakakakuha sa atensyon ng mga Yabiro na siyang nagpapadali sa pagdagit sa mga ito. Marahan akong kumilos para tuntungan ang sirang pader at sa bilang ng tatlo ay tinalunan ko ang Yabiro, bata pa ang isang ito kung kaya't hindi na nagawang pumalag ng kaagad ko itong s×naksak sa likuran bago ko ito pikit-mata hinampas sa leeg na siyang nagpaparalisa rito upang hindi na tuluyan pang makalaban. Ilang minuto pa ay tuluyan na itong binawian ng buhay. "Tapos ko na ang aking trabaho." Saad ko bago itago ang patalim na nababalot ng dugo ng yabiro. "Marpolo." "A-ate?" Nalilitong tanong niya bago tumayo at alisin ang ilang bato at lupa na siyang kumapit sa katawan niya. Itinuro ko ang walang buhay na yabiro. "Buhatin mo iyan." "Ate Verecca?" "Mas bata ka man sa akin, higit na mas malaki naman ang katawan mo. Maliban doon ay ikaw itong natatakam sa karne, hindi ba?" Napakamot siya sa batok niya bago pasanin ang yabiro, napailing na lamang ako at naunang maglakad. Binilisan ko ang paglalakad subalit walang silbi ang pagmamadali ko dahil ang kupad lumakad ng aking kapatid. "Alam mong ito ang oras ng pangangaso ng mga Awtoao. Nanaisin mo bang makakain o makain?" "Ate naman! Bakit nananakot ka?" "Ako? Nananakot? Bakit? Natatakot ka na ba?" Ngisi ko bago siya hilahin upang magtago sa sirang gusali ng may narinig akong ingay ng mga tao malapit sa kinaroroonan namin. Nilingon ko si Marpolo sa tabi ko at tinignan siya ng masama. "Sino ang nananakot?" Nginusuan niya lamang ako kung kaya napabuga na lamang ako ng malalim. Tumagal kami ng ilang minuto habang nagtatago sa sirang gusali, mahirap kalabanin ang mga hayop subalit higit na mahirap kalabanin ang kapwa tao namin. Isinandal ko ang katawan ko sa pader at pinakinggan ang bawat kilos ng mga taong iyon. "It seems like we're not the only person here." "We're not the only person here?" "Shhh... silence. I can sense it." Sisilip sana ako sa kinaroroonan nila pero base sa yapak nila mula sa magkakaibang direksyon ay nasa limang katao sila. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid upang makita kung may maaari ba kaming lipatan na pagtataguan ngunit sa pagmamasid kong iyon ay doon ko lamang nakita ang dugo mula sa yabiro na dala-dala ni Marpolo, nagkalat sa daanan ang dugo! Inilabas ko ang patalim na ginamit ko upang kitilin ang yabiro kanina, sa dami ng maaari kong makaligtaan bakit ang bagay pa na iyon...! "Magtago ka roon." Bulong ko sa akinh kapatid at itinuro ang parte ng kasunod na gusali. Nalilito siyang napatingin sa akin kung kaya't itinuro ko ang dugo ng yabiro na nag-iwan ng bakas kung saan kami naroroon. "Ate, hindi mo sila kakayanin! Mukhang marami sila. Iwanan na lamang natin itong yabiro dito at tumakbo na tayo pauwi o kaya naman ay magkubli tayo." "Pinaghirapan natin ang isang iyan at hahayaan mo lang dito?" "Huwag mo ng ituloy ang ibinabalak mo, ate Verecca. Pakiusap! Ako rin naman ang nagpilit ng sariwang karne. Halika na, tumakas na tayo bago pa tayo mapahamak." "Marpolo, oras na mapahamak ako iyong-iyo ang yabiro na iyan, wala kang kahati." "Mas mahalaga ka sa yabiro na ito!" Nilaro ko ang patalim sa daliri ko habang nag-iisip. "May pagkakataong dapat tayong magkubli at may pagkakataon ding dapat nating harapin ang ating kalaban..." "Ate hindi kita nauunawaan...!" "Samakatuwid, kailangan nating unti-unting bitawan ang ating nakagisnan." Saad ko at mabilis na hinila ang lalaking nasa bukana ng gusaling pinagtataguan namin. S×nipa ko siya sa dibdib na kanyang ikinagulat, inaasahan ko na ang lakas niya ngunit hindi ko pa rin nailagan iyon, nang s×pain niya ako pabalik ay tumilapon agad ako. Masakit ang pagkakas×pa niya sa dibdib ko. Doble nito ang iginawad ko sa kanya! Napahawak ako sa lupa, dinakot ang ilang dumi at nang lumapit siya sa akin ay ibinato ko iyon sa kanyang mukha saka ko p×nilipit ang kanyang braso at s×nakal siya upang patahimikin, nang mawalan siya ng malay ay doon ko lamang siya binitawan. Hinihingal kong pinulot ang nabitawan kong patalim, ang hinuha ko ay nasa lima sila ngunit wala pang kasiguraduhan iyon. Lumingon ako kay Marpolo na tulalang nakatingin sa akin dulot ng gulat, ipinaling ko ang ulo ko bago siya ngitian. "Maghintay ka rito, sandali lang ako." "Ate!" "Babalik ako, kung kaya't maghintay ka at magkubli." Iniwanan ko na siya doon at lumabas sa aming pinagtataguan. Inilibot ko ang paningin sa paligid, namataan ko agad ang limang lalaki na nag-uusap-usap, tila ba mayroong hinahanap. Kung gaano ay anim silang lahat. Marahan akong lumakad patungo sa direksyon nila at nakuha ko naman kaagad ang atensyon nila ngunit mabilis din akong napatigil sa paglalakad ng mapansing kakaiba ang kanilang kasuotan at istilo ng mga buhok maging ang kanilang mga gamit na dala-dala ay kakaiba, bigla na lamang akong dinalaw ng kuryosidad subalit hindi ito ang pagkakataon para aliwin ko ang aking kuryosidad. Pero... ang lalaking pinatulog ko ngayon-ngayon lang, kapareho rin ba ng kanilang kasuotan? Ang nasa isip ko lamang kanina ay ang ilayo siya mula sa amin ng aking kapatid kung kaya't hindi ko na masyadong maalala ang kaniyang kasuotan. Itinago ko ang patalim na hawak ko sa aking mahabang bestida at ipinagpatuloy ang paglalakad papalapit sa limang lalaking ilang hakbang lamang ang layo mula sa akin. "Paumanhin... ngunit maaari ko ba kayong maabala?" "Who are you?" Ang lalaking may mahabang buhok na nasa gitna ang siyang unang nagsalita. Nagtanong ba siya? Anong wika ang kanyang itinuran? Wala akong naunawaan, tila ba pamilyar sa akin ang wikang iyon ngunit hindi ko na magawang halukayin pa sa aking isipan. Inisa-isa ko ng tingin ang mga kasama niya may kung anong kulay itim silang hawak, hindi ko matukoy kung ano iyon ngunit sa paraan ng pagtingin nila sa akin at sa pagtutok nila ng mga bagay na iyon sa akin ay nasisiguro kong pinagbabantaan nila ako. "May... may yabiro na humabol sa akin. Mukhang natakasan ko na iyon ngunit hindi ko tiyak kung tuluyan na akong nilubayan niyon." Aking pagsisinungaling habang patuloy ko silang sinusuri. Mukha silang mga dayuhan, gayunpaman, paano sila napadpad sa Vinestle? "Isang yabiro ang tumutugis sa iyo?" Anang lalaking may kulay bughaw na buhok, namilog ang aking labi ng mapagtantong nauunawaan ko ito at nauunawaan din niya ako. Marahan akong tumango sa kanya bilang tugon. "Nasaan na ang yabirong ito?" Ang lalaking may bughaw na buhok ang muling nagtanong sa akin. Hindi ko maipagkakailang namamangha ako sa kanilang postura at anyo subalit kailangan kong mag-ingat dahil maaaring mga Awtoao sila. Itinuro ko ang direksyong pinanggalingan. "Doon sa gusaling iyon, naroroon ang yabirong humabol sa amin." "Amin?" Randam na randam ko ang pagdududa mula sa kanilang tinig, tila ba hindi kapani-paniwala ang aking mga sinasabi. "Sino ang iyong kasama?" Marahang bumaba mula sa tipak ng sirang gusali ang lalaking may kulay bughaw na buhok at nilapitan ako. "Kanina... kanina ay kasama ko ang aking kapatid ngunit nagkahiwalay kami ng s×gpangin siya ng nasabing yabiro hanggang sa may ginoong tumulong sa amin, labis siyang napuruhan kung kaya't nawalan siya ng malay." "Ang ginoo bang tinutukoy mo ay si Gardiro?" Kunot-noong tanong niya at gulat akong napatingin sa kamay niya na biglang humawak sa aking balikat, dala ng pagkabigla ay hindi agad ako nakatugon. "Nasaan si Gardiro?" Natauhan lamang ako sa lakas ng kanyang boses. "G-Gardiro? Siya ba ang lalaking iyon...? Naroroon siya." Anas ko bago ituro ang direksyon kung nasaan ang lalaking aking pinatulog. Nakakagulat ang paghawak niya sa aking balikat subalit higit na nakakagulat ang paghawak niya sa aking braso at hilahin ako patungo sa direksyon kung nasaan ang Gardiro na tinutukoy niya. Hindi ito ang planong nasa aking isipan! Sino ba ang lalaking ito at bakit ganito na lamang siya kapangahas kung kumilos? "Galen! Galen Jasver, it might be a bait. Come back here!" Mukhang tinatawag siya ng mga kasamahan niya subalit hindi niya ito pinakinggan at nagpatuloy lamang sa paghila sa akin patungo sa kinaroroonan ng Gardiro na iyon. Binitawan lamang niya ako ng makita niya ang lalaking aking pinatumba na wala pa ring malay. Inilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Marpolo, nakita ko siyang nagkukubli sa katabing gusali kung kaya't sinenyasan ko siyang manahimik bago ko sundan ang lalaking may kulay bughaw na buhok na kasalukuyang ginigising si Gardiro. Inilabas ko na muli ang patalim na parati kong gamit, patakbo akong sumugod sa lalaking kulay bughaw ang buhok subalit bago ko pa man maisaksak sa kaniya ang patalim ay nahawakan na niya ang braso ko. Paano nangyari iyon? Nabasa ba niya ang aking kilos? Hindi pa man napoproseso ng aking isipan ang nangyari ay nakatayo na siya, umikot at itinulak ako sa pader, doon ko lamang napagtanto na naagaw na niya sa akin ang patalim. Napansin kong pinaplanong lumabas ni Marpolo upang tulungan ako ngunit sinenyasan ko siyang manatili sa pinagtataguan niya. "Ika'y hindi pangkaraniwan." Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kakaibang ngisi at tingin na bumabagtas sa kanyang mukha. "Sino ka?" Makailang ulit akong napalunok, hindi ako basta-basta tinatablan ng takot ngunit hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko ngayon dulot ng kanyang presensya gayunpaman, pinili kong tumindig at lakasan ang aking loob. "Hindi ba at ako ang siyang dapat na nagtatanong niyon? Mga dayo kayo rito sa aming lupain, kayo, sino kayo?" Napasinghap ako ng hawakan niya ang aking pisngi. "How does a lily stands in drought?" "Hindi ko maintindihan ang iyong itinuturan." "Galen. Galen Jasver ang aking pangalan." Makailang ulit akong kumurap bago pabatong alisin ang kamay niyang nasa aking baba. Pinaglalaruan niya ako. Aking nasisiguro na hindi iyon ang kanyang winika. Huminga ako ng malalim bago agawin sa kanya ang aking patalim ngunit mabilis niyang naitaas sa ere ang kanyang kamay. "Madali lang akong kausap binibini, kung iyong ipababatid sa akin ang iyong ngalan ay ibabalik ko—" N×sipa ko na siya sa kanyang dibdib bago pa niya matapos ang kanya inihahayag. Dire-diretsong siyang bumagsak sa lupa kung kaya't ipinatong ko agad ang aking paa sa kanyang dibdib ng sa gayon ay hindi niya ako basta matakasan. "Nais mong malaman ang aking ngalan?" Inagaw ko pabalik ang aking armas mula sa kanya. "Verecca. Verecca Bleedrose ang aking ngalan." Iyon na ang aking huling isinaad bago siya s×pain sa panga. Sandali akong natulala sa d×gong tumilamsik mula sa labi niya, napakarami niyon. Mukhang napasobra ang pags×pa ko. Maliban doon ay nakakaramdam ako ng konsensya dahil ang siyang nasa isipan ko ngayon ay hindi sila mga Awtoao na naghahanap ng taong maaaring maging h×punan. Papaano pa ako hihingi ng paumanhin matapos ang ginawa ko? Nasapo ko na lamang ang aking noo at lumayo sa kanya. "Patawad. Patawarin mo sana ako dahil sa panlilinlang ko sa inyo. Akala ko ay mga awtoao kayo na naririto upang bitagin kami." Lumabas na sa kanyang pinagtataguan si Marpolo, inabot ko ang kanyang kamay para sabay kaming makatakbo ngunit bago pa man kami makalayo ay may nakakabinging tunog ng umalingawngaw sa aming paligid na nasundan ng pananakit ng aking binti dahilan upang madapa ako sa batuhan. "A-ate! Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Marpolo, mabilis akong umiling dahil hindi ko magagawang ipagkaila ang matinding pananakit ng aking binti. Napalunok na lamang ako ng makita ang pagdanak ng dugo mula sa aking kanang binti. "Ate Verecca!" Lumingon ako sa gawi ni Marpolo at hinampas siya sa dibdib. "Tumakbo ka na pabalik sa ating tahanan, bilisan mo ang iyong pagtakbo at huwag na huwag kang lilingon, nauunawaan mo ba ako?" "Hindi kita maaaring iwanan dito!" "Lalong hindi tayo maaaring mahuli pareho, aking napagtanto na mukhang galing sila sa Kapital. Umuwi ka na, Marpolo. Iwanan mo na ako!" "Ate Verecca!" "Marpolo, nakikiusap ako sa iyo, hindi ka na paslit, matanda ka na, kaya mo ng mabuhay mag-isa—!" Salubong ang aking mga kilay ng lapitan ako ng lalaking may bughaw na buhok at iabot sa akin ang kanyang kamay, tinapunan ko siya ng masama bago hampasin ng malakas ang kanyang kamay. "That is painful." Dinoble ko ang sama ng tingin ko sa kanya dahil hindi ko na naman nauunawaan ang kanyang itinuturan. "Verecca, hindi ako masamang tao..." "Sinaktan mo ang ate ko, ngayon ay sasabihin mong hindi ka masamang tao!" Sambit ni Marpolo at dire-diretso siyang sinuntok sa panga na siyang nagpaatras sa kanya. Hinili ko naman ang damit ng kapatid ko para patigilin na siya ngunit gusto niya atang puruhan ang lalaking may bughaw na buhok. "I am fine. Do not shoot them, they are harmless." Naglalaro na ang aking dila sa aking gilagid habang tinitignan ang lalaking ito na kausapin ang kanyang mga kasama na nakasunod na sa kanya subalit ang kanyang paningin ay nakatuon sa akin. Dumepensa naman agad ang isa niyang kasamahan. "Harmless in that state?" "If they are a threat to us," lalo akong nalito ng ituro niya ako. "She should have ended Gardiro's life in the first place." Inabot ko ang braso ni Marpolo para sana tumayo ngunit bigla na lamang muling lumapit sa amin ang lalaking may bughaw na buhok. "Tulad ng aking itinuran, hindi ako kalaban. Verecca, humihingi ako ng tawad sa pagb×ril sa iyo ng aking kaibigan, nabigla lamang sila sa pangyayari." May inilabos siyang isang tela at kung anong likido bago niya hawakan ang aking binti na patuloy sa pagdurugo. "Medyo mas×kit itong aking gagawin subalit kailangan mong tiisin." Aniya na hindi ko pa man nauunawaan ay may kung anong likido na siyang binuhos sa aking binti na labis na nagpahiyaw sa akin dahil sa hapdi hanggang sa bigla na lang niyang dukutin ang maliit na bakal na siyang nasa aking binti. Sa bilis ng kanyang pagkilos ay halos panawan na lang ako ng ulirat, namalayan ko na lang na tinatalian na niya ng telang kinuha niya ang aking binti. "Ako'y humihingi ng paumanhin..." "Paumanhin?!" Sigaw ni Marpolo bago siya sipain sa braso. "Matapos mong s×ktan ang aking kapatid ay hihingi ka ng paumanhin?!" "We thought that the two of you were c×nnibals! You cannot blame—akala namin ay mga awtoao kayo!" Makikipagsagutan pa sana si Marpolo sa kanya ngunit napigilan ko na ang aking kapatid bago niya ako tulungang tumayo. "Ako ay humihingi rin ng paumanhin sa inyo dahil inakala naming mga awtoao kayo." Saad ko bago itapat ang aking kanang palad bago ito itapat sa aking kaliwang dibdib at yumuko tanda ng aking paghingi ng paumanhin at pagrespeto sa kanila. "Humihingi rin ako ng kapatawaran dahil aking s×naktan ang inyong kasama." Sabay na lamang kaming nagkatinginan ni Marpolo ng umalingawngaw sa paligid ang tunog ng sirena mula sa kapital. Ilang milya ang layo ng kapital sa aming kinalulugaran subalit dahil sa mga sirang gusali at walang kapuno-puno sa lugar ay umaabot pa ang tunog ng sirena dito. Iisa lang ang ibig sabihin ng pagtunog ng sirena; iyon ay pagkawala ng kalayaan kung kaya't mabilis kaming nagkukubli sa tuwing naririnig namin ang tunog na iyon ng sirena. Tuluyan na sana naming lilisanin ni Marpolo ang lugar na iyon ngunit huminto ako para lingunin ang lalaking may bughaw na buhok dahil siya lang naman ang may kakayahang unawain ang aming wika. "Lumayo kayo sa Kapital, lalong-lalo na ang mga tauhan sa Kapital... iwasan ninyo. Alam kong hindi ninyo nanaising makulong at manatili doon hanggang sa inyong k×matayan." Iyon ang aking huling sinabi bago ako hilahin ni Marpolo. Paika-ika naman akong sumunod sa kanya dahil masakit pa rin ang aking binti. Tuloy-tuloy ang aming paglalakbay ni Marpolo pauwi sa aming tahanan ng may marinig kaming ingay na nagmumula sa makina. Tatawagin ko pa lang sana si Marpolo upang kami ay magtago ngunit mabilis na niya akong nabuhat patago sa sirang gusali. Nagawa niya akong buhatin?! Nababatid niyang masakit ang aking binti subalit bakit hindi man lang siya nag-abalang ipasan o buhatin ako kanina?! Nais ko sana siyang sigawan at pagsabihan ngunit naitikom ko na lamang ang aking bibig habang nagtatago kaming dalawa at pinadadaan ang mga kawal mula sa Kapital. Isang pagsabog ang naganap kung kaya't napayakap ako kay Marpolo. Kamuntik-muntikan na rin akong humiyaw ng madaganan ng ilang bato ang aking binti na may sakit, nahalata ng aking kapatid ang iniinda kaya tinulungan niya akong alisin ang mga bato. "Tao man o hayop ay inyong bitagin. Madali!" Yumuko ako sa ilalim ng sirang gusali para masigurong walang kawal na makakaaninag sa amin. Masalimuot ang aming buhay dito subalit higit na mas masalimuot ang buhay sa Kapital, iyon ang dahilan kung bakit nagtitiis kami ng aking kapatid dito sa labas sa gitna ng kakulangan sa pagkain. Ni isa sa amin ay hindi gugustuhing tumungo sa Kapital sapagkat sa lugar na iyon ang lahat ay kailangang naaayon sa ibinababang utos ng gobernador, na maging ang hanging magbibigay buhay sa mamamayan ay kinakailangang bayaran at pagtrabahuan. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng lumisan ang mga kawal mula sa Kapital. Doon lamang kami nakalabas ni Marpolo upang bumalik sa aming tahanan, tunay na napakatagal kung maglibot sa labas ng Kapital ang mga kawal kung kaya't hindi kami maaaring basta-basta na lamang lumabas pagkadaan nila sa aming pinagtataguan. "Nagkakaubusan na rin ata ng pagkain sa Kapital, ate." Pahayag ni Marpolo habang naglalakad kami pauwi. "Siguro nga ay ganoon subalit bakit hindi nila palaguin at paramihin ang mga hayop?! Higit na mas may kakayahan naman silang gawin iyon kumpara sa atin!" Natigilan ako ng may bagay akong naisip. "Sinasadya nila ito..." Saad ko na nagpalito sa akin kapatid. "Sinasadya nilang ubusin ang mga hayop na naririto sa labas ng sa ganoon ay madagit nila tayo papasok sa Kapital." "Paano kung tuluyang maubos ang ating makakain dito sa labas, ate Verecca?" Huminto ako sa paglalakad at tinanaw ang daang aming tinatahak. "Iyong grupo ng kalalakihan na nakasalubong natin kanina... hindi ba at mga dayuhan sila? Nagmula sila sa labas ng Vinestle, ibig sabihin lang niyon ay binagtas nila ang hangganan ng kalapit bansa ng Vinestle." "Ate, nararamdaman kong may ideya na naririyan sa iyong isipan." Nilingon ko siya at nginitian ng nakakaloko. "Ibig sabihin lang nito ay makakadaan tayo papalabas sa hangganan ng Vinestle! Marpolo, halina, dalian natin ang pag-uwi. Kailangan natin ng sapat na lakas para sa ating paglalakbay bukas!" "Lalabas tayo sa hangganan? Ngunit saan naman tayo tutungo?" "Hindi ko alam ngunit nararamdaman kong higit na masagana ang buhay sa labas ng Vinestle! Base sa pananamit at mga dalang gamit ng mga ginoong iyon, nasisiguro kong may magandang kinabukasan na nag-aabang sa atin sa pagbubukas ng hangganan! Tayo'y humayo na, Marpolo. Ako'y hindi na makapaghintay pa!" Nagagalak na sambit ko sa aking kapatid ngunit natigil ang aking kasiyahan at pagtatalon sa tuwa ng ako'y mapahiyaw dahil sa pagkirot ng aking binti tinawanan ako ni Marpolo ng dahil doon kung kaya't tinignan ko siya ng masama. Kinagabihan, ilang insekto lang ang aming naging hapunan dahil na rin sa hindi na namin nagawang iuwi pa ang yabiro na aming nahuli kanina dulot ng aming pagmamadali. Bilog ang buwan kung kaya't umaabot sa loob ng aming dampa ang liwanag nito, malalim na ang gabi at kung tutuusin ay humihimbing na ako niyon ng maalimpungatan ako dahil naramdaman kong wala si Marpolo sa kama niya. Pupungas-pungas pa ako ng lumabas ako ng aming dampa, doon ko nakita sa bakuran si Marpolo na walang tigil kakaubo. "Marpolo? Marpolo, anong nangyayari sa iyo?" Nilapitan ko siya para tignan ang kalagayan niya, ganoon na lamang ang aking pagkabigla ng makita ko ang pag-ubo niya ng dugo. "Marpolo!" Bumalik ako papasok para kumuha ng tubig at ipapainom sana iyon sa kanya subalit tinanggihan niya iyon at nagpatuloy lamang sa pag-ubo. "M-makirot ang aking dibdib... n-nahihirapan akong... h-huminga ate..." Nasapo ko na lamang ang aking noo, natataranta ako at natatakot, hindi ko mawari kung ano ang aking dapat na gawin. Wala akong makukuhang halamang gamot sa paligid at lalong walang pagamutan dito sapagkat ang pagamutan ay nasa Kapital! Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?! Hindi ko maaaring pabayaan ang aking kapatid! "Marpolo... mahihintay mo ba ako? Hihingi ako ng tulong." Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at mabilis akong inilingan. "M-mapanganib sa daan... dito ka na lang... A-ate Verecca." "Hindi ko kayang manatili dito at panoorin kang maghirap!" Sambit ko at nakagat ko na lang ang aking labi ng muli siyang umubo ng dugo. "Marpolo... Marpolo, dito ka lamang, babalik din agad ako, hahanap ako ng lunas para sa iyong karamdaman." Ayaw ko man siyang iwanan subalit kailangan kong gawin ito para sa kaginhawaan niya. Nagmamadali akong pumasok sa aming bahay para kuhain ang aking panaklob at armas, kinuha ko din ang pinakamakapal naming kumot bago ko alalayang pumasok si Marpolo sa loob at ibalot sa kanya ang kumot. "Anuman man ang mangyari ay hintayin mo ako." Saad ko bago siya yakapin ng hindi ganoon kahigpit. "Babalik din ako kaagad." Lumabas na ako ng aming dampa. Walang liwanag sa paligid maliban sa bilog na buwan, bitbit ang lampara ay patakbo kong binagtas ang daanan patungo sa pinakamalapit kong hingian ng tulong at iyon ay ang tirahin nina Tiyo Osmar na ilang kilometro ang layo mula sa amin. Hindi pa man ako nakakalayo ay napatigil na ako sa pagtakbo dahil sa pagk×rot ng aking binti, hindi pa tuliyang nagsasara ang sugat na siyang natamo ko kanina. Ganoon pa man ay bumalik ako sa pagtakbo, binilisan ko na lang ang aking pagtakbo upang hindi ko na masyadong indahin pa ang p×nanakit ng aking binti, mas mahalagang makahanap ako ng lunas sa karamdaman ni Marpolo ngayon. Hingal na hingal ako ng marating ko ang dampa nina Tiyo Osmar. Malalim na ang gabi at sa oras na ito ay inaasahan kong tulog na sila subalit ganoon na lamang ang pagkunot ng aking noo ng mapansing maliwanag pa ang kanilang kabahayan at nasa labas ang aking tatlong pinsan na sina Isidra, Aliit at Pepra. "Isidra! Isidra!" Pagtawag ko sa kanyang atensyon, sabay-sabay naman silang tatlo na napatingin sa akin bago ako nagmamadaling salubungin ni Isidra. "Verecca, anong mayroon? Bakit humahangos ka?" Napakabig ako sa mga braso ni Isidra dulot ng matinding pagod. "Tulong... kailangan ko ng tulong." Sambit ko bago umayos ng tayo, naghahalo ang panghihina at p×nanakit ng aking katawan. "Patuloy ang pag-ubo ni Marpolo ng dugo... at... nahihirapan siya sa paghinga, kailangan ko ng lunas para sa kalagayan ng aking kapatid...!" "Kumalma ka muna Verecca, huminga ka ng malalim." "Kumalma? Alam kong hindi maganda ang sitwasyon ng aking kapatid kung kaya't papaano ako kakalma?!" Pabulyaw na saad ko kung kaya't mabilis akong humingi ng paumanhin sa kanya. "Pasensya na, pasensya na. Nadala lamang ako ng pag-aalala sa aking kapatid..." "Verecca? Ano't naparito ka?" Mabilis kong nilapitan si Tiya Hesmer ng lumabas siya mula sa kanilang dampa na karga-karga si Khasir. "May nangyari ba?" "Tiya, baka matulungan ninyo ako. May sakit si Marpolo ngayon, panay ang pag-ubo niya ng dugo at nahihirapan na siyang huminga. Hindi ko na alam ang aking gagawin!" "Sandali, sandali...!" Maging si Tiya Hesmer ay nadala na ng pagkataranta ko kaya nagmamadali siyang pumasok aa loob ng kanilang dampa at paglabas ay may isang botelya siyang inabot sa akin. "Sana ay makatulong ito. Ito ang langis na siyang ipinapahid ko kay Khasir at Pepra sa tuwing nagkakasakit sila." "Salamat, tiya! Salamat!" Sambit ko bago siya yakapin ng mahigpit. "Hindi ko na talaga alam kung saan ako hahanap ng lunas sa karamdaman ni Marpolo." "Walang anuman, Verecca—" "Hindi tuluyang malulunasan ng langis na iyan ang karamdaman ni Marpolo." Magkasabay kaming napatingin si Tiya Hesmer kay Tiyo Osmar ng bigla siyang magsalita habang abala sa pagsasaayos ng kanilang kabayo. Maglalakabay ba sila? Dulot ng pagkataranta ko ay hindi ko na nagawang tanungin pa sila ukol doon. "Tiyo... anong ibig mong sabihin?" "Ikaw na rin ang nagsabi na umuubo ng dugo si Marpolo. Sa madaling salita, hindi lamang normal na pag-ubo iyon, maaaring may mas malala pang nararamdaman si Marpolo." "Osmar, ano ka ba naman?" Panunuway sa kanya ni Tiya Hesmer habang naririto ako, iniisip ang katotohanang sinaad ni Tiyo. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Ngunit anong dahilan at bakit kinaharap iyon ni Marpolo? Posible bang dahil iyon sa mga kinakain naming dalawa? Sa bawat dumadaang araw ay parehas lang naman ang kinakain naming dalawa kaya bakit siya lamang ang nagkasakit. Natahimik na lamang ako ng matauhan ako at may maalala. Kinain nga pala ni Marpolo ang katawan ni Kaia. Subalit mag-iisang buwan na makalipas iyon. Nakagat ko na lamang ang aking labi, hindi ko lubos maisip kung bakit sinapit iyon ng aking kapatid. "Verecca," inangat ko ang tingin kay Tiyo Osmar ng tawagin niya ako. "Tutungo kami sa Kapital ngayon." "K-Kapital?!" Gulat na tanong ko. Kung ganoon ay iyon ang dahilan kung bakit gising pa sila sa oras na ito. Naghahanda silang tumungo sa Kapital. "Subalit Tiyo..." "Nagkakaubusan na ng makakain dito. Mas mabuti ang buhay sa kapital..." "Gagawin kayong alipin ng gobernador doon! Huwag sana ninyo kalilimutan ang nangyari kay Inay ng magtungo siya sa kapital! Siya ay pinah×rapan at pin×slang, nang sundan siya ni Itay ay maging si Itay ay kanilang pin×slang." Iyon ang katotohanang sinapit ng aming mga magulang na hindi ko magawang ipaalam kay Marpolo. Bata pa kaming dalawa noon at kahit na sabihin ko kay Marpolo iyon noon ay hindi rin naman noya mauunawaan subalit, ngayong nasa tamang edad na siya ay hindi pa rin ako nag-abalang sabihin sa kanya ang katotohanan. Ang pagkasawi ni Inay at Itay ang nangungunang dahilan kung bakit hindi ko gugustuhing magtungo sa Kapital. "Tiyo... makakabuting manatili kayo rito." "Hindi mo naman nakita ang katawan ng iyong ama at ina hindi ba? Paano kung buhay pa sila?" "Kung buhay pa sila, paniguradong binalikan na nila kami. Buhay man sila natitiyak kong hinding-hindi nila kami iiwanan dito sa labas, kahit na mahirap ang buhay sa loob ay tiyak na isasama nila kami roon!" "Wala talaga sa plano mo na sumama sa amin sa Kapital? Paano ang kalagayan ni Marpolo, Verecca?" Mabilis akong umiling ng magkakasunod "Maglalakbay kami sa kalapit na bansa ni Marpolo, may nakasalubong kaming mga dayuhan kanina na tumawid sa hangganan ng Vinestle at Damisol. Malaki ang posibilidad na bukas ang hangganan!" "Hindi na kita pipilitin pa Verecca. Mabuti pa ay umuwi ka na sa inyo." Tinalikuran na ako ni Tiyo Osmar. Napabuga na lamang ako ng hangin, hindi na niya ako pinilit na sumama sa kanila kaya hindi ko na rin sila pipilitin na manatili rito, desisyon iyon ni Tiyo Osmar, hindi na ako mangingialam pa, hindi ko nanaising magkaroon ng alitan sa pagitan naming dalawa. "Verecca." Lumingon ako kay Isidra ng hawakan niya ang aking kamay. "Ihahatid na kita sa inyo." Aniya, tanging pagtango na lamang ang aking naitugon. Nagpaalam na ako kay Tiya Hesmer at sa aking mga pinsan bago ako sumunod kay Isidra at sumakay sa likuran ng kabayo niya. Mabilis lamang ang aming naging paglalakbay sakay ng kanilang kabayo hindi tulad kanina na kahit anong bilis ng takbo ko ay hindi pa rin agad ako nakarating sa aking paroroonan. "Paalam, Verecca. Hanggang sa muli nating pagkikita. Ikamusta mo na lang ako kay Marpolo!" Kumaway na lamang ako sa kanya bago magpaalam at nagmamadaling pumasok sa aming dampa. "Marpolo! Marpolo! Dala ko na ang lunas sa iyong karamdaman." Nanghihina siyang napatingin sa akin kung kaya't bahagya ko siyang niyakap bago alisin ang kumot na siyang ibinalot ko sa kanya, itinaas ko ang suot niyang damit at ipinahid ang langis na ibinigay sa akin ni Tiya Hesmer sa kanyang likuran. "Guminhawa na ba ang iyong pakiramdam?" Kaagad siyang umiling. Napahinga ako ng malalim bago magpainit ng tubig sa labas ng aming dampa. Abala pa ako sa paggawa ng apoy ng marinig ko ang paghiyaw ni Marpolo. "A-ate! Tulungan mo ako! Ate!" Daglian akong pumasok sa loob ng aming dampa upang tulungan at alamin ang kalagayan ng aking kapatid ng mamataan ko ang isang estranghero na pumasok sa aming dampa. Inabot ko ang makapal na bakal sa aking tabi at ih×hampas sana iyon sa kanya ngunit mabilis niyang nasalag ang aking pagh×mpas, napigilan niya ang tangkang pan×nakit ko sa kanya na siyang aking ikinagulat. "Verecca? Hindi ko inaasahang pagtatagpuin tayo muli ng tadhana." ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD