bc

Watch Out, Mr. Billionaire

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
adventure
billionaire
dark
kickass heroine
bxg
heavy
high-tech world
enimies to lovers
dystopian
wild
like
intro-logo
Blurb

She who's being watched by him and he who should watch out from her.

---

Nine continents, two hundred eight countries, seven hundred forty four cities, one thousand one hundred twenty three districts and nine billion people that make up the whole world; the world that is silently vanishing because of severe drought in most continents. Cities turn into ashes, bodies of water turning into dry land, animals dying and trees ceasing to exist so as people. Nonetheless, in the midst of despair, there is only one person who can manage to bear the vanishing world; Verecca Bleedrose, she who calmly hunting for their food, taking care of her little brother and living a life that doesn't even changing until a catastrophe strike when her brother accidentally found the remaining plant seed that could save them from drought yet upon finding out the plant seed it put her brother's life in danger that led her in a difficult situation wherein she needs to choose between her brother or to save the world, while having a hard time to choose between life and death she suddenly met Him—that billionaire who is behind the severe drought that lasted for ages. Verecca found out that he's been watching them for years, which put her in a rage and planned to kill him. This time the wealth is hers and that Billionaire must watch out from her or is she the one who should watch out?

chap-preview
Free preview
Prologue
MAYROONG SIYAM na kontinente ang mundo noon; Lyiam, Khazamira, Juvrez, Handrelandia, Gvierr, Faisa, Dlamoure, Stubille at Armikras. Halos pare-pareho lamang ang lawak at sakop ng bawat kontinente noon subalit nagkakaiba sa dami ng likas-yaman, na siyang nagdulot ng alitan sa likas-yaman ng dalawang bansa na nagawang apektuhan ang kontinenteng kinabibilangan nito; ang Gvierr, hanggang sa nagsimula na ang away sa pagitan ng Gvierr at Dlamoure, ang dalawang kontinente na tanging pader lamang ang pagitan. Ang away ng dalawang bansa sa Gvierr ay tila ba mga domino na lubos na nakaapekto sa kontinenteng kinabibilangan nito maging sa mga kalapit na kontinente, dulot nito ay nagsimula ang pinakamalaking gy×ra sa buong mundo sapagkat hindi lamang iilang bansa ang kabilang—kung hindi ang walong kontinente. Sa walong iyon, tanging ang Armikras lamang ang piniling manahimik at protektahan ang kanyang mga bansa mula sa gy×ra na kumitil sa milyon-milyong katao, inosente man o bayani ay nasawi, bata man o matanda ay nawalan ng minamahal. Ilang taon na ang nakakaraan mula ng sumiklab ang Great Continental War, nasa tatlong daang taon na rin subalit ang epekto nito sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin tuluyang nabubura. Ang kontinenteng Lyiam ay unti-unti ng nakakaahon, habang ang natitirang pitong kontinente ay naghihirap pa rin dahil sa kakulangan ng pagkain. Sa lahat ng kontinenteng nabanggit ang Gvierr ang siyang hindi makaahon-ahon, ang pinagmulaan ng lahat, ang aking nasyon. Sa kasalukuyan, taong 5321. Labis na tagtuyot pa rin ang nararanasan ng aming kontinente; lalo na ng aming bansa, hindi man dito nagsimula ang g×lo ay malapit lang ang destinasyon nito sa Damisol at Resanas kung saan nagsimula ang alitan ng dalawang bansa kung kaya't labis ding naapektuhan ang aming bansa. Napapalibutan ng sirang mga gusali, bumagsak na poste ng kuryente, sirang mga sasakyan at kung minsan mga taong bigla na lamang binabawian ng buhay sa daan dulot ng matinding gutom; iyan ang pangunahing makikita sa amin bansa, ang Vinestle—walang pinagkaiba sa kasalukuyang lagay ng mga karatig bansa... Malalim ang naging pagbuntong hininga ko bago tuluyang ibaon sa lupa ang katawan ni Kaia, matapos niyon ay pinagpagan ko na ang damit kong halos maligo na sa basang lupa. "Ito ang kapayapaan para kay Kaia." "Ate..." Nakakunot ang aking noo ng ibaba ko ang tingin ko sa aking kapatid. "Anong luto ang gagawin mo kay Kaia?" Inakbayan ko ang aking kapatid at inakay na siya papasok sa aming dampa. "Hindi pagkain si Kaia, Marpolo." Nakakunot pa rin ang kanyang noo, wala akong gana na magpaliwanag sa kanya ngayon ngunit wala akong magagawa kung hindi ang magpaliwanag. "Siguro kung hindi natin nakasama ng ilang taon si Kaia, kung hindi natin siya naging alaga siguro ay maaari natin siyang lutuin at kainin. Isa mang hayop si Kaia ay naging parte na rin siya ng ating pamilya. Hindi ba at inilibing din natin ang labi ni inay at itay noon?" Napakapangkaraniwan na para sa aming nasyon ang kumain ng bawat hayop na aming makita. Kung tutuusin ay maging ang kapwa tao ay nagagawa na ng iba na k×inin dahil unti-unti na ring nauubos ang mga hayop sa aming paligid samantalang parami nang parami ang mga tao. Sa panahong ito, hindi na akma ang paggamit ng salitang pangangaso kung hindi pananao na. Napakamapanganib ang lumabas ng mag-isa dahil may ilang tao na bigla ka na lamang s×sibatin. "Pero ate, masarap naman siguro kung titikman ko si Kaia." Nabitawan ko si Marpolo at binato siya ng masamang tingin. "Igalang mo ang diwa at alaala ni Kaia, Marpolo." "Ate! Walang diwa o kaluluwa ang mga hayop! Iyon ang sinabi sa akin ni Ingkong Dasmar!" "Nasaan si Ingkong Dasmar ngayon? Hindi ba at kinain na ng mga leon?" Napailing na lang ako bago pulutin ang ilang butil ng palay na nasa lupa at balatan iyon. Nilingon ko si Marpolo na ang tingin ay nasa labas, sa lupa kung saan ko ibinaon ang katawan ni Kaia. Alam kong natatakam siyang hukayin ang katawan ni Kaia at lutuin iyon dahil kung magkataon ay iyon ang unang pagkakataon na makakatikim siya ulit ng karne makalipas ang ilang taon. Subalit kung ako ang tatanungin mas pipilin kong huwag kumain ng ilang araw sa halip na kainin ang katawan ni Kaia na itinuring ko ng aking kapatid. Lumabas ako sa may bakuran at inihanda ang lutuan para sa pagluluto ng hapunan. Isinasaayos ko na ang dalawang bato bago iposisyon ang patpat upang makagawa ako ng apoy, ilang minutong pagkikiskis lang ay sumilay na rin ang apoy na aking kinakailangan upang makapagluto. Ipinatong ko na ang palayok na naglalaman ng kakarampot na lutuing bigas bago ako maglibot sa paligid ng kabahayan at nagbakasakali na may malalaking butiki o palaka akong makita. Madilim ang paligid at puro tipak ng mga gumuhong gusali, tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa aking paghahanap. Itinali ko pataas ang suot kong bestida ng may mamataan akong tatlong bubuli na naghahabulan, marahan akong lumakad at nang makuha ang tamang tiempo ay mabilis akong lumundag para hulihin ang tatlo subalit dadalawa lamang ang aking nahuli, hahanapin ko pa sana ang isang subalit sumuot na ito sa ilalim ng malalaking tipak ng bato, sasapat naman na itong dalawa para sa amin ni Marpolo, sana lang ay magawa kong mapawi ang pagkatakam niya sa karne ngayon sa pamamagitan ng mga munting bubuli na ito. Nang makabalik ako sa aking lutuan ay sandali kong ikinulong ang mga bubuli sa sirang kaldero bago maghanda ng panibagong apoy upang ihawin ang mga ito. "Patawad ngunit kailangan naming makatawid ng gutom." Saad ko sa isang bubuli kahit na hindi naman ako magagawang unawain nito bago ko direkta itong tusukin ng matulis na bakal at itapat sa ihawan saka ko isinunod ang kasama nito ngunit bahagya akong napatigil ng may mapansin akong kakaiba. Matapos kong maitusok ang isa pang bubuli at tumayo ako at sinilip ang aming dampa dahil kakaiba ang katahimikang naririnig ko. "Marpolo? Marpolo, nasaan ka?" Marahan akong naglakad upang hanapin ang aking kapatid subalit wala siya sa loob. Tumungo ako sa lugar kung saan ko inilibing ang katawan ni Kaia at hindi ko inaasahang dito ko matatagpuan ang aking kapatid. "Marpolo..." "Ate..." Napakabig na lamang ako sa posteng kahoy ng masaksihan ko ang kasalukuyang lagay niya. Alam kong naghirap na si Kaia sa mundong ito subalit hindi ko inaasahang hindi pa siya magagawang patahimikin ng basta-basta ng aking kapatid. "Ate, hindi ako nagkamali. Masarap si Kaia." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata upang pigilan ang paglandas ng aking luha subalit hindi ako nagtagumpay, sa huli ay bumigay pa rin ako. Walang araw na hindi ko hiniling na makabalik ako sa nakaraan upang iligtas ang hinaharap subalit napakaimposible niyon, hindi mangyayari iyon at iyong pag-asa ko na isang araw ay mababago ang sitwasyon namin ng kapatid ko, nang buong Vinestle, nang Gvierr... tila ba sa panaginip lamang mangyayari lahat ng iyon. Sa buhay na ito kami isinilang at dito rin kami babawian ng buhay, isa iyong katotohanan na hindi ko magawang matanggap. Ngunit sa kabila ng aking paghihinagpis sa kasalukuyan kong kalagayan ay wala akong ideya na may tao na pa lang nanonood sa bawat kilos namin, ang taong magbibigay ng panibagong pag-asa sa amin, ang taong makakasama ko sa paglalatag ng pagbabago at kapayapaan. Verecca. Verecca Bleedrose ang pangalan ko at nasasaad sa kwentong ito kung papaano ko nagawang baguhin ang naitakda para sa hinaharap. ──────⊱◈◈◈⊰────── Disclaimer: - This is a work of fiction. Names, characters, places, events, government and businesses were from the author's imagination. Any resemblance to living or dead is purely coincidental. - There are sensitive things and topic that will be tackled and mention ahead. Reader's discretion is advised. Nevertheless devices and the system used were fictional. Date Started: July 26 2022 Date Finished: Genre: Science Fiction | Romance | Action Language: Filipino ©All Rights Reserved 2022 The Novel's Main Inspirations: - The Lorax - Wall-e - The Hunger Games - Attack On Titan (Season 1, 2 & 3) - Geostorm

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook