Chapter 38 : Getting To Know Him Celine's POV "Waaah!" Lumapit ako ulit sa painting para masigurado kung tama ba iyong nabasa ko. Si Charles? Si Charles iyong nagpaint? Seryoso? Haist, ang talented talaga niya. "Makalabas na nga," sabi ko sa sarili ko. Seryoso na 'to. Baka mamaya matawag pa akong pakialamera eh. Paglabas ko, narinig kong nag-uusap ang mga parents ni Charles sa kabilang kwarto kaya hindi muna ako humakbang pababa. Alam ko maling makinig, pero na-tempt ako. "Hon, what do you think?" tanong ni Tito. "About what?" sagot ni Tita. "Kay Charles. Naniniwala ka ba?" "Syempre ako hindi. At normal naman iyong mga kinikilos niya." "At tsaka, wala namang mga signs 'di ba?" "Yeah... pero kung totoo man, handa ko namang tanggapin." "Syempre naman, anak natin iyon eh. Haaay,

