Chapter 39 : He's My Hero Celine's POV Pagkaalis ni Charles, pumasok na ako sa loob ng bahay. Bumungad si James sa akin na ngayon ay umiiyak. "James? Bakit? Anong nangyare? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya paglapit ko. "Si Mama..." sabi niya habang umiiyak pa rin. "Bakit? Napano siya? Nasaan siya?" "Sa banyo po." Tumakbo ako agad papuntang banyo. Nakita kong nagsusuka si Mama. Nilapitan ko siya. "Ma, anong nangyare? Ayos ka lang ba?Dalhin na kita sa ospital," sabi ko habang hinahaplos ang likod niya. "Ayos lang ako, anak. Huwag na... Ulcer lang ito," sagot niya. "Ulcer? Lang? Ma, ang daming namamatay nang dahil diyan," sabi ko habang tinutuluyan siyang tumayo. Inalalayan ko siyang lumabas ng banyo pagkatapos ay hinatid ko siya sa kwarto niya at inupo sa kama. "Ma, kailan

