Chapter 35 : The Promise Celine's POV Umupo ako sa may damuhan. "Dito kami unang nagdate ni Marc. Naalala ko nga noon na para lang mayakap niya ako, talagang sinunod niya ako. Alam mo bang naggulong-gulong siya mula roon hanggang dito? Iyon kase ang dare ko sa kanya bago niya ako mayakap," nakangiti kong kwento sa kanya at tinuro pa iyong lugar. Umupo si Charles sa tabi ko at nakinig. "Pero dito ko rin sila nakita ni Martha." Humina ang pagkakasabi ko sa parteng iyon. Narinig kong nagbuntong-hininga si Charles. "Uwi na tayo?" biglang sabi niya. "Ito naman! Nagmo+moment pa ako oh. Panira!" pabiro kong sabi. "Hindi ako panira. Ayaw ko lang makita na umiiyak ka na naman," sabi ni Charles habang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kanya. At nang magtama ang mga mata namin... Napay

