Chapter 36 : Treat You Better Celine's POV Nasa school ako ngayon malapit sa covered court. Nagpaalam ako kay mama na kailangan kanina na kailangan kong bumalik ng school dahil may importante akong gagawin. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero sinikap ko talagang bumalik dito. May kailangan akong makita. Kahit ngayon lang, o ngayon na lang bago matapos iyong araw. Huling pagkakataon na makita siya. Sumilip ako sa court at may mga naglalaro na. Nakita ko si Charles na kasalukuyang naglalaro. Tiningnan ko iyong mga nakaupo pero wala siya. Waaah! Muntik na ako akong matumba dahil sa dami ng mga nagtatakbuhan. Anong mayroon? Hinarang ko si Maine. "Maine? Anong nangyare? Bakit kayo nagtatakbuhan?" tanong ko sa kanya. Siya ang Supreme Student Vice President. "Ehhh si Marc! Nakikipag-away s

