Chapter 26 : I'll Take Care Of Her Celine's POV "Marc, ako na lang ang maghahatid sa kanya," sabi ni Charles at nilayo ako kay Charles. "Hindi ikaw ang kausap ko!" sigaw ni Marc at tinulak si Charles. Nataranta ako na natakot. Nakita ko kaseng ngumisi si Charles samantalang si Marc, handang handa na manakit. Alam ko iyong body language niya kapag ganyan. Nag-ayos lang sarili si Charles at muling hinarap si Marc. "Lasing ka. Baka may mangyari pang masama sa inyo kapag nag-drive ka nang ganyan. At isa pa, may kasama ka na." Bakas ang inis sa boses ni Charles nang sinabi niya iyon. Bagkus na sumagot kay Charles, hinarap ako ni Marc. "Celine, sasama ka sa kanya?" Tinanong niya iyon sa akin habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Kunot-noo, nanginginig. Ramdam na ramdam ko iyong

