Chapter 27 : You're My Everything Celine's POV "Uy Celine! Ano ka ba? Kanina ka pa lingon nang lingon diyan! Nahihilo na ako sayo eh!" reklamo ni Shaira. "Eh sorry na. Si ano kase eh hindi ko pa nakikita. Wala ata," sabi ko habang palingon-lingon pa rin sa paligid. Nasa labas kase kami ng room at tumingin ako sa baba at sa ibang building. Sinapak niya ako bigla. Aray naman huhuhu. "Aray! Ano bang problema mo?" sabi ko habang hawak iyong ulo ko. "Ikaw kase eh! Dapat ka talagang masapak nang matauhan ka. Niloloko ka nga nga! Sinasaktan ka na! Hinahanap mo pa rin!" sigaw niya at umismid. "Hmmm ako rin naman eh. Nasaktan ko rin siya kagabi ah..." malungkot kong sabi. Naglakad na ako papasok sa room at umupo. Sinundan naman ako ni Shaira. "Tsk, tsk. Iyong sa inyong dalawa ni Charles,

