Chapter I : When I was Four
" Ann, bangon na Jan tanghali na baka ma- late pa kayo sa school!" tawag ni Mama sa kapatid Kong kakabangon pa lamang.
Habang Ako ay naglalakad na papunta sa bukal o Yung yamang tubig na nanggagaling sa bundok, malinaw, malamig at natural na tubig. Duon kami kumukuha ng panluto at inumin namin sa Araw araw, marami ding nakukuhang ulam sa bukal na yun.
Habang Ako ay naliligo nakikita ko Ang MGA isda na lumalangoy sa ilalim Ng bukal kasabay nun Ang pagbaba Ng kapatid ko para maligo na din.
Pagkatapos naming naligo ay umakyat na kami para magbihis, kita ko na inaayos na ni Mama Ang aming MGA damit pang isklewa na bigay pa Ng MGA kamag anak namin sa Gatta,. Habang nagbibihis kami ay kinakausap kami ni Mama.
"oh Galingan nio sa skul MGA anak," Sabi samin ni mama Habang inaabot Ang Aming mga bag.
NASA unang baitang na ko sa elementarya at Ang aking kapatid naman ay kinder, Hindi Ako nagnursery at Hindi din Ako nagkinder kumbaga saling pusa lamang Ako sa unang baitang dahil late Ako nagenroll sa kinder kaya nilagay nalang nila Ako sa unang baitang,.
Habang naglalakad kami papuntang iskwela ay may naririnig akong tumatakbo sa likod namin binalewala ko lamang yun Ng biglang may umakbay sakin at Ng nilingon ko ay si Jhon lang pala kapitbahay namin at kaklase ko din.
Habang NASA likod naman Sina Angel at Mark MGA kaklase ko din.
" Sabay na tayong Lima" Sabi ni Jhon Habang nakaakbay parin sakin.Panay naman Ang tingin sakin ni Angel na Habang naglalakad kami.
Pagkalipas Ng ilang MGA minuto ay nakarating na kami sa iskwela, hinatid ko na Ang aking kapatid sa room nila mejo malayo kase Ang room Ng MGA kinder kaya hinatid ko na may MGA tuso kasing MGA magaaral sa aming skul na pati Bata eh pinagtritripan nila BILANG nakatatanda sa kapatid ko dapat protektahan at ilayo ko Ang kapatid ko sa MGA magaaral na ganun kaya hinahatid ko Siya Araw Araw sa room nila bago Ako pumunta sa room namin.
"Punta nako sa room namin ha, Galingan mo pataasan na naman Tayo Ng Marka paguwi natin sa Bahay, at Sabihin m saken kung may nantritrip na naman Sayo lagot saken un"
Sabi ko sa kapatid ko.
"Oo naman kuya Ako pa galingan mo din kuya" Sagot naman sakin Ng kapatid ko sabay pasok sa room nila.
Habang Ako ay pabalik na sa Room namin dahil maglilinis pa kami Ng aking MGA kaklase bago magflag ceremony.
Kita ko Rin na karamihan sa mga magaaral ay naglilinis na sa mga Kani kanilang mga Room, may mga nagwawalis, may nakahawak Ng basurahan Yung iba naman ay nagdidilig Ng mga halaman sa tapat Ng Kanikanilang room.
Ng malapit na Ako sa aming room kita ko na naglilinis Ang lahat, kaya binilisan ko nalang maglakad para makatulong na din sa paglilinis.
Pagkalipas Ng ilang minuto Ng paglilinis ay narinig na namin Ang bell, hudyat na Oras na para sa flag ceremony kaya Dali Dali kaming nagtakbuhan sa aming room para ibalik sa lagayan Ang aming mga ginamit na panlinis, sabay nagtakbuhan na naman kami para makisali sa linya para sa flag ceremony.
Pagkatapos Ng flag ceremony ay pila pila kaming pumasok sa room namin,
Hindi kase Basta Basta na papasok kami sa room namin NASA pintuan Ang aming teacher para bantayan kami sa pagpasok at para bantayan din kami kung tinatanggal ba namin Ang aming mga tsinelas bago pumasok sa room. Ewan ko ba kung bakit ganun samin, sa ibang skul kase o Lugar ay hndi naman ginagawa yun siguro nakasanayan na namin yun.
Malapit na Ang uwian at LAHAT kami ay excited Ng umuwi, Yung iba dahil sa gutom at Yung iba naman ay yun lang talaga Ang hinihintay,.
Nang marinig na namin Ang bell hudyat na tapos na Ang klase sa Umaga kaya Ang karamihan samin ay patakbo Ng lumabas sa Kani kanilang room,.
Habang Ako ay nagaayos Ng gamit ko lumapit sakin si Jhon para yayain ako na sabay na kami umuwi.
" Renz, sabay na tayong umuwe" Ani sakin ni Jhon Habang inaayos Ang kanyang bag.
" Oo ba pero samahan mo muna Ako sa room Ng Kinder sunduin lang natin si Ann" Sabi ko naman sa kanya.
"uhmmm......" mejo nagdadalawang isip pa Si Jhon
" ano!?" ulit Kong Tanong sa kanya
" ayts! sige na nga Basta mabilis lang ha gutom nako eh" napipilitang Sagot naman Niya saken.
"oo ba malamang sa malamang baka nga naghihintay na dun si Ann eh" Sabi ko naman sa kanya para naman gumaan Ng konti Yung loob Niyang samahan Ako.
"tawagin ko na din Sina Angel at Mark para sabay sabay na din ulit tayong umuwe," Sabi saken ni Jhon Habang palingon lingon siya sa labas.
"Bahala ka Basta samahan mo parin Ako sa Room Ng Kinder" ulit Kong Sabi sa kanya
"MARK!!!ANGELL!!!....... sabay sabay na Tayong umuwe" pasigaw niyang tawag kina mark at angel na mejo na hihiyang tumalikod dahil Hindi lang Sina mark at angel na natawag Niya Ng atensyon kundi halos LAHAT Ng mga Estudyante na naglalakad sa tapat Ng room namin.
" hahahaha" tawa ko Kay Jhon dahil halata paden sa Mukha Niya na napahiya Siya sa pagsigaw Niya kina Mark at Angel
"tinatawanan mo pako nakakahiya na nga eh, bilisan mo na nga Jan" Sabi naman Neto saken
" oo na tapos na nga eh, Tara na!?" sabay Kong Sagot sa kanya
Habang papalabas kami sa room ay sumalubong Sina mark at angel samin sa pintuan Ng room
" Tara na umuwe na Tayo" Sabi ni Mark samin
" Saglit lang sunduin muna natin si Ann" Sabi ko naman Kay Mark na halatang excited Ng umuwi
" Anlayo ng room nila eh" angal naman Niya
"kung ayaw mo kami nalang Nina angel at Jhon Ang susundo Kay Ann" Sabi ko naman Kay Mark
" eto naman Dina mabiro, sige na nga Tara na" at nauna pa Siyang naglakad sa Amin
Pansin ko na Hindi masyadong nagsasalita si Angel tuwing malapit Ako o nagsasama sama kaming apat pero panay lang Ang tingin Niya saken tapos iiwas din agad.. Dahil Bata pa kami Nun diko pa alam kung anong ibig Sabihin nun.
Habang papunta kami sa room Ng mga kinder ay nagtatanong sakin si Jhon.
" uy pakopya naman sa Ako Ng assignment mo bukas para 10 ulit makuha ko, hihi" nagmamakaawa na may halong pangiinis niyang Tanong saken
" makinig ka kase Ng mabuti sa klase" Sabi ko naman sa kanya
" oo pag di Ako tinamad" pabiro niyang Sabi saken na kinainis ko naman dahil Ako na naman pangongopyahan Niya Ng assignment Niya.
Ng malapit na kami sa Room Ng mga kinder, kita ko Ang kapatid ko na nakaupo sa mga bench sa harap Ng room nila, na halatang naiinip na dahil tingin Ng tingin sa paligid Niya.
sinabi ko Kay Mark na tawagin nalang Siya para Dina Tayo lumapit dun tutal eh malapit naman na.
kaya yun Ang ginawa ni Mark, na pinagsisisihan ko naman dahil anlakas Ng sigaw Niya na pati MGA guro na palabas sa mga room ay pinagtitinginan kami.
Sabay sabay naman kaming yumuko dahil sa kagagawan ni Mark.
" ANNnn!" Sigaw ni Mark
Pagkatapos ng Sigaw ni Mark ay lumingon naman sa gawi namin Ang kapatid ko na halatang pati Siya ay nagulat sa pagtawag ni Mark sa Pangalan Niya. at tumayo na din Ang kapatid Ko na pati Siya ay nahihiya na din sa ginawa ni Mark.
Habang pauwe kami ay napagpasyahan namin na kumuha muna Ng mangga sa daan, Wala namang may-ari sa mga yun kaya pumunta na kami, marami kaseng nahuhulog dun at kami lang din kumukuha dun kaya samin lahat Ng nahuhulog na pwede pa na kainin.
bilang mga Bata naguunahan kami sa pamumulot Ng bunga masarap kase na panghimagas o kaya naman ay ulamin Yung hinog na Mangga..
At Ng matapos kaming namulot at umuwi na kami sa kanya kanya naming MGA Bahay at nagplano na sabay sabay ulit kaming papasok Mamayang hapon, at sumang ayon naman kaming Lima.
Habang papasok kami ng aking kapatid sa Bahay namin ay sinabi Niya saken na nakakuha Siya Ng mataas na Marka sa pagsusulit nila kaninang Umaga sabay kuha sa papel na may perfect 10 na Marka sa itaas Neto.
Hindi naman Ako nagpatalo dahil nakakuha din Ako Ng mataas na Marka sa pagsusulit namin sa umaga kaya ginawa ko din Yung ginawa Ng kapatid ko nilabas at pinakita ko din sa kanya Ang aking Marka.
Patakbo kaming pumasok sa Bahay namin Habang hawak hawak Ang Aming mga papel na may mataas na Marka sabay naming pinakita Kay mama Ang MGA papel namin, laking tuwa naman Ng mama namin dahil parehas kaming nakakuha Ng mataas na Marka.
" Ang gagaling naman Ng mga anak ko" Sabi ni mama na may malaking ngiti sa labi Niya.
" Oh Kunin mo na Yung kanin para makakain na Tayo Wala Ang papa niyo dahil nasa bundok Siya para mangahoy" Sabi ni mama samin
Habang kinukuha ko Ang kanin at ulam pinupunasan na din Ng aking kapatid Ang Lamesa tsaka Niya kinuha Ang MGA pinggan at kutsara sa lalagyan, pansin ko din na nakangiting sinusubaybayan kami Ng aming Ina.
" Sana ganyan kayo lagi, magaling na sa iskwela masipag at nagtutulungan pa sa Bahay" masayang Sabi samin Ni Mama
" Oh Sige na kain na Tayo baka malate pa kayo sa iskwela ngayong hapon malayo layo pa man din Ang lalakarin ninyo" dagdag pa Neto sa Amin
Sabay kuha Ng kanin at ulam
Masaya kaming nagkwentuhan Habang kumakain Ng biglang may naalala ako
na Mangga sa bag ko na pinulit namin kanina Habang pauwe galing iskwela kinuha ko yun para may panghimagas kaming tatlo nina mama.
" San ka pupunta Renz?" Tanong sakin ni mama dahil sa bigla kong pagtayo sa inuupuan ko.
" may kukunin lng Ako Ma sa bag ko" Sagot ko naman Kay Mama, Habang Ako ay deretso na sa aking bag para Kunin Ang mga Mangga
"oh ano Yan?" Tanong sakin ni mama
" mga Mangga Ma namulot kami kanina Habang pauwe, mejo marami Rami din tong napulot namin na pwede pang kainin" Sagot ko Kay mama na may ngiti sa labi
" abay masarap Yan, hugasan mo na anak para may panghimagas Tayo" Ani naman ni mama saken
At yun na nga Ang ginawa ko demeretso nako sa Plangana para hugasan Ang mga Manggang pinulot namin
sabay kuha Ng kutsilyo para mahati hati.
" Nak sarap naman Ng mga Manggang napulot niyo Ang tatamis" masayang Sabi ni mama samin.
" ma mas masarap at mas matamis sana yan kung Hindi nahulog sa lupa mga Yan." biro ko naman Kay mama.
Panay Ang tawa at biruan naming tatlo nina mama Hanggang sa matapos kaming Kumain.
" ligpitin mo na Yan Ann, at magsipilyo na kayo Ng kuya mo baka mahuli pa kayo sa pagpasok kaya bilisan niyo na Jan" Sabi samin ni mama Habang sinasabit Ang mga Lalagyan Ng kanin at ulam.
" opo ma" Sagot naman Ng kapatid ko
Habang Ako Ay nilalagyan na Ng toothpaste Ang aking toothbrush.
Hanggang sa matapos na kaming dalawa Ng aking kapatid na magsipilyo ay sakto naman Ang pagtawag samin Nina Mark, Angel at Jhon sa labasan.
rinig na rinig namin Ang Sigaw Ng mga eto.
" Renz!!!! Tara na!!! mahuhuli na tayo" Sigaw ni Jhon saken Habang kami ay nagpaalam na Kay mama at lumabas na sa Bahay.
" Ang ingay mo rinig na rinig gang sa kabilang barangay yang boses mo" biro ko Kay Jhon
at sabay sabay kaming tumawa Habang naglalakad papuntang iskwela.