"So, nakilala mo na si Doña Esmeralda?" Agad na tanong sa kaniya ng kaibigan. Kasalukyan silang nakaupo noon sa ilalim ng mga puno at hinihintay ang susunod nilang klase. "Oo." Sagot niya. Tumawag kasi ito kagabi sa kaniya ng makita siya nito na dinala siya ni Ram sa bahay nila. "Anong sinabi sayo ng parents niya?" "Parang–." "Hindi ka niya gusto para kay Ram?" Itinuloy nito ang sasabihin niya sana. "Parang ganun na nga, kasi nga mahirap lang kami." Napasimangot siya. "Anong sinabi ni Ram?" "Sinaway niya yung mama niya, nahihiya nga ako kagabi kasi halata ang pagkadisgusto ng mama ni Ram sa nalaman niya sa akin at sa pamilya ko." Malungkot na kwento niya. Okay lang ang sinasabi niya kay Ram but deep inside nasaktan din siya para sa sarili at sa parents niya na hindi nakapagpat

