PAGHATID KAY YESHA
๐ซ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
NAGMANEHO ako hanggang sa makarating sa bahay nila Yesha. Maraming nagbago sa bahay nila, biglang nawala ang mga disenyo sa bawat gilid ng bahay. Unang salta ko dito dati, hindi pa ganito na parang walang kabuhay buhay ang kanilang bahay. Ano kaya posibleng nangyari sa bahay nila.
Mula sa sasakyan, bumaba ako para buksan ang nakasaradong gate. Agad akong bumalik sa sasakyan para mapark ito sa parking area nila sa may tabi. Bagama't hindi ko kayang buhatin magisa si yesha, pumasok ako sa bahay nila para magpatulong alalayan.
Pakapasok ko, agad akong tumingin tingin sa kisame at kusina. Wala akong naaninag na tao sa baba, kaya hinanap ko agad ang kwarto. Humakbang ako pataas para tingnan kong nandoon pa ang bed room nila. Sa oras na ito, sana mayroon ng tao.
Nasilayan ko agad ang tatlong kwartong naka-hilera.
Binuksan ko ang dalawang kwarto. Sa huling bubuksan ko, nakaramdam ako ng kaba na baka mayroong tao sa loob. Hindi ko alam kung bakit ko bigla naramdaman ang ganong emosyon. Lakas loob kong binuksan ng dahan dahan ang pinto. Nanlaki ang dalawang mata ko sa nakita ko.
Nag-bungad ang kuya ni Yesha na si Tyron at ang kasintahan nito. Magkayapos ang dalawa habang nakakumot na nakahiga sa kama. Wala silang saplot sa katawan dahil sa nakita ko ang balikat na walang saklay na damit. Sa nakita kong iyon, ang daming maruruming pumasok sa utak ko. Gaya ng, kung anong posibleng ginawa nila na kung bakit tila ganoon sila matulog.
Dahan-dahan kong sinara ang pinto, para hindi ako mahalatang pumasok. Ganon din ang aking kaluskos ng paa. Dali-dali akong bumaba dahil sa takot na baka magising ang dalawa. Nang malapit na akong makababa ng tuluyan, nakarinig ako ng tunog na parang bumubukas ng pinto. Naisip ko, wala din naman mangyayari kung magtatago ako. Hindi ako natutuwa, dahil alam ko na kung sino ang nasa labas. Mahahanap din lamang ako kasi babalik pa ako doon. Kaya lakas loob kong binuksan ang pinto.
Lumabas ako ng tuluyan na walang pag aalinlangan. Nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko sa mga oras naโto. Iniisip isip ko, ano kaya magiging reaksyon ni tita kapag nalaman na uminom ang anak. Posibleng ako ang mapagalitan, gaya ng baka sabihin inalok ko mag-inom. Tama ako, si tita ang nasa gate. Agad ko itong nilapitan at pinagbuksan ng gate. Habang papalapit ako, gulat na mukha na nakatitig sa akin si tita. Nagmano ako rito at bigla naman itong nagsalita.
โHello tita, goodevening po.โ sabi ko habang kinukuha ang kamay ni tita.
โ Akala ko kung kaninong kotse na iyon, sayo pala iyon hija. Ba't ka nandito? Anong ginagawa mo dito?!โ sabi ni tita sa gulat na titig na may halong inis.
โKasi ano po tita...โ hindi mapatuloy na sabi ko.
At this time, kinakabahan at parang nag-iisip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi. Malalaman lamang din naman ito tita kaya siguro sasabihin ko na.
โKung si yesha ang sadiya mo, nandu'n sa kwarto nakahiga. Maiwan muna kita, magpapahinga muna ako.โ paalis na sabi ni tita.
โSandali lang tita. Actually po hindi si yesha ang sadiya ko dito. Nandito po ako para ihatid si yesha.โ direktang sabi ko na ikinataka ni tita.
โIhatid? What do you mean? Diretsuhin mo nga ako hija!โ gulantang na tanong ni tita.
โKasi po tita si yeshaโโ naputol na sabi ko.
โAno?puro ka ano! ano! sabihin muna! kailangan ko pa magpahinga!โ pasigaw na sabi ni tita.
Nagulat ako sa pag sigaw ng malakas sa akin na nanibago ng aking damdamin. Damdamin na nanibago kay tita. Siguro pagod lamang siya kaya naiintindihan ko.
Wala din naman ako magagawa, kaya sasabihin ko na. Pasensya kana yesha my sister kung sasabihin ko, sigurado ako pagising mo sesermonan ka ng mommy mo.
โNasa kotse ko po si yesha, tita.โ lakas loob kong sabi.
โSa kotse? Bakit? Tawagin mo!โ utos ni tita.
โHindi ko po kaya iyon mag-isa. Eh lasing na lasing po sobra.โ sabi ko.
โIbig mo bang sabihin uminom siya ganon?! or baka nasa kotse muna at iinom kayo ngayon, nakita ko na palabas ka ng pinto. Pabalikin mo dito si yesha ngayon na!โ galit na sabi ni tita.
โParang ganon na nga po tita. Uminom po siya kanina sa'min taposโโ napahintong sabi ko dahil nagsalita bigla si tita.
โNiyaya mo!?โ bintang nito.
โHindi. Siya po ang kusang pumunta sa'min kanina. Sabi niya po sa'kin, nagkaroon sila ng pagtatalo ng kuya niya. Malungkot siya ng pumunta po sa bahay, kaya siguro napapunta siya.โ mahinahong pagpapaliwanag ko.
โPagtatalo? Nag-away na naman siguro ang dalawa. Tapos ikaw naman, nang makita mo agad, niyaya mo? Alam mo naman na hindi ko iyan pinapayagan uminom di ba?โ mga maling bintang ni Tita.
โMali po kayo tita. Nagulat nga po ako nang may kumatok sa pinto. Akala ko nga si daddy, tapos iyon pala si yesha. Eh sakto po, umiinom po kami ng mga kaibigan ko. Tsaka hindi ko po siya niyaya tita, siya po ang kusang nagsabi.โ malinaw na pagpapaliwanag ko.
โKusa?Kahit kailan hindi iyon naging ganon.Tapos ngayon ganyan sasabihin mo?โ hindi naniniwalang sabi ni Tita.
โManiwala po kayo sa hindi, totoo po sinasabi ko. Pati nga po ako nagulat eh. Ever since di ko siya nakitang uminom.โ sabi ko.
โSinabihan ko po siya na huwag masyadong magpaka-lasing kaso hindi siya nakinig sa'kin. Kaya ayon nasa kotse po, nalasing ng sobra. Kaya din po ako pumasok sa bahay niyo kasi magpapatulong ako magbuhat. Hindi ko po kaya mag-isa iyon, ambigat.โ ngiting dagdag ko.
โDalhin mo nga ako kung nasaan si yesha! Imposibleng uminom iyon.โ utos ni tita.
โSige po, para maniwala ka po kayo.โ mahinahong sabi ko.
Naglakad kami palabas ng gate, at nagtungo sa kotse kung saan naroon ang natutulog na yesha. Mula sa paglalakad, natatanaw agad ni tita ang kotse ko kaya agad ko itong binuksan. Laking gulat na mukha ang naging reaksyon ng makita ang anak nitong mahimbing na natutulog at nakasuot ng croptop at maiksing pang-ibaba.
โAyan po tita, lasing na lasing. That's why naghahanap ako ng katulong para magbuhat nito. Ambigat po talaga di ko kaya.โ sabi ko habang itinuturo si yesha mula sa kotse.
โNasa loob ng bahay si Tyron, nandiyan sa kwarto niya, so bakit di ka nagpatulong?โ tanong nito sa mataas na boses.
โKasi po ayaw ko naman makaistorbo sa pagtulog nila. Baka masigawan pa ako or what.โ sabi ko sa malumanay na boses.
โNila? Anong ibig mong sabihin? Pinag-ooverthink mo ba ako hija!?โ nakakunot noong sabi ni tita.
โSorry po tita. Ganito po iyon, pumasok ako sa bahay po ninyo para magpatulong. Wala po ako nahanap sa baba kaya nag-akyat ako sa taas, ta's naabutan ko si kuya tyron at iyong girlfriend niya magkayakap po habang natutulog. Kaya nasabi ko po na, ayaw ko makaistorbo sa kanila kaya ayon, nagbaba na lang po ako.โ sabi ko na parang nagkukuwento.
โIyong girlfriend niya? Nandito? Pambihira naman, bakit di man lang ako na-inform ni tyron. Sige, pagsabihan ko mamaya iyang dalawa na iyan. Nakaka-stress na mga batang โto, pagod ako galing trabaho tapos ito maabutan ko.โ nakasimangot na sabi ni tita.
โ Ramdam ko po ang nararamdaman niyo tita.โ malambing na sabi ko at hinahaplos ang likod gamit ang kaliwang kamay.
Ang emosyong sobrang pagkagalit at pagkairita ang tanging nakikita ko kay tita.
Nararamdaman ko na tila nagpipigil ito ng galit dahil sa patong patong na problema na dinagdagan pa ng dalawa. Naiintindihan ko ang pag-sigaw at tila pagalit sa akin, na parang ako ang sinisisi. Lahat ng iyon ay pinapasa walang kibo ko na lamang. Naninisik na mata ang titig sakin ni tita.
โTapos ito pa? Lumabas ng ganitong suot, halos kita na ang kaluluwa. Madami pa namang mga manyak sa panahon ngayon.โ nakakunot-noo na sambit nito.
โSanay na din naman po kami sa mga ganyang suot. Ibang iba na po kasi ang panahon ngayon kay sa noon. Hinahayaan na la'ng po namin ang mga tumitingin sa'min.โ pagdepensang tugon ko.
โHuwag kana magsalita! Maling mali ang mga ginagawa niyo sa panahon na โto!โ malakas na boses na sambit sa'kin.
โHuwag niyo naman po ako sigawan tita na parang ako ang may kasalanan.โ tamang pagsagot ko kay tita.
โPasensya na. Nadala lang ako ng sobrang pagka-irita at pagod. Nadamay pa tuloy kita.โ paghingi ng tawad na sambit ni tita.
โTsaka kilala ko โtong anak ko, hindi ito basta basta iinom ng walang dahilan. At ikaw, alam kong alam mo ang dahilan niya. Sayo siya palagi nagsasabi ng problema sayo.โ sabi ni tita sa malambing na titig.
Kahit ganoon ang titig sa akin ni tita, ramdam ko na naiirita pa din ito sa pinagagawa ng dalawa. Tama ang sinabi ni tita, alam ko ang dahilan ni yesha kaya siya uminom ngayon. Hindi dapat malaman ni tita ang bagay na iyon, malilintikan si kuya tyron.
โWala po siyang binanggit about diyan tita. Basta ang sabi niya lang sa'kin, ito daw ang unang beses na uminom siya.โ sabi ko sa hindi totoong dahilan.
โAkala ko sinabi sayo, oh siya, buhatin na natin โto ng makabalik ka na do'n. Alam kong hinihintay ka na nila.โ utos ni tita.
โSige tita. Pano ang pag-buhat natin dito tita?โ tanong ko na naghihintay ng sagot.
โDiyan ka sa kaliwang kamay, ako dito sa kanan.โ utos ni nito na agad ko namang sinunod.
โSige tita, After this, ano na po sunod?โ tanong ko.
โPapalakarin natin, hanggang sa magising. Hawakan mo diyan sa kaliwang braso.โ utos na agad kong sinunod.
Nagpipigil ako ng tawa at hindi iyon napansin ni tita. Sumang-ayon na lamang ako sa kaniyang kagustuhan. Sinarado muna ni tita ang kotse, bago kami humakbang patungo sa loob. Habang naglalakad, nagpatuloy ulit ang pag-uusap namin.
โTita, buhatin na lang kaya natin na parang baboy. Nakakangalay po kasi, hindi naman nagigising.โ pag-reklamo ko.
โSige na, i expect na magiging effective but hindi pala. Walang nangyari. Sobrang nalasing ba talaga โto?โ nagtatakang tanong ni Tita.
โSobra tita, sinabihan ko โyan na tama na kasi uuwi pa siya. Ayon, hindi po nakinig. Kaya ayan ang naging resulta.Tita, hahawakan ko po dito sa kamay taโs kayo po sa paa.โ binitawan ko muna ang kaliwang braso at inilipat iyon sa dalawang kamay.
โSige, dito ako sa paa.โ sumunod naman si tita sa sinabi ko.
Sa sitwasyon namin, alam niyo iyong binuhat na bangkay na nakaliblib at pinapalibutan ng itim na sako. Ganoon ang sitwasyon namin. Bagama't natatawa kami sa pinagagawa ni tita, naaawa ako sa kalagayan ni yesha. Ang braso ay sobrang nauunat dahil doon ako nakahawak. Kaya, inilipat ko ang hawak ko sa bandang kilikili. Komportable ako, dahil mabango ang kilikili ng bestfriend ko. Hindi ito mabuhok at pinong pino ang pagkaka-ahit dito.
Habang inaalsa naman ang bestfriend ko napatawa ako bigla kaya agad akong sinita ni tita.
โBakit ka tumatawa hija? May nakakatawa ba sa ginagawa natin?โ tanong na agad ko namang sinagot.
โOo tita, nagpipigil lang po ako ng tawa kanina pa.โ lumalakad na sambit ko.
โBakit? Ayos naman โto ha! Kay sa naman kanina na pinapalakad natin ang anak ko. Nakakangalay talaga iyon sa braso.โ nakasimangot na tugon nito.
At pagkatapos, humalakhak ako ng katamtaman. Inilatag na rin namin si yesha sa sofa para makapag-tulog ito ng mahimbing. Mahimbing na naka-sandal ang ulo at nakahiga. Nangalay ang braso ko pagkatapos maihiga ang kaibigan ko.
โSobrang bigat po tita, nangalay masyado iyong braso ko.โ reklamo ko at iniunat ko ang braso ko paitaas.
โTama iyan hija, unat mo braso mo at galaw galaw mo rin katawan mo para mawala ang ngalay. Nga pala, ito iyong unang beses na natulog dito ang bestfriend ko sa sofa.โ nakaturo ang hintuturo nito kay yesha habang kinakausap ako.
โ Ganon ba tita. Ever since ba, hindi siya humiga man lang diyan?โ patanong kong sabi.
โI mean unang beses niyang matulog sa sofa na iyan. Tsaka humiga naman siya ou but kapag nagpapahinga lang.โ naglalakad papuntang kusina si tita habang nagsasalita.
โ Okay tita, i got you po. Bakit ayaw niya po matulog diyan sa sofa?โ tanong ko at inabutan ako ng tubig.
โInom ka muna eja, i know that you exhaust dahil sa pagbuhat natin.โ binibigyan ako ng tubig habang binabanggit ito.
โ Salamat po tita.โ pagpapasalamat kong sabi at ininom ang tubig na binigay sa akin.
โ Walang anuman. Bakit ayaw matulog? Hindi ko alam. But ang possible na sagot ay, baka ayaw niya matulog diyan kasi mahuhulog siya.โ napatawa na lamang si tita sa sinabi nito.
โSiguro nga po tita. Kailangan ko na pong umalis, naghihintay din po kasi iyong mga kaibigan ko. Baka lasing na iyong mga iyon.โ nilagay ko sa lamesa ang hawak kong baso habang nagpapaalam.
โ Oh siya hija, salamat sa paghatid mo sa anak ko. Magiingat ka sa paguwi.โ humawak sa braso ko si tita at hinaplos iyon.
โ Wala po iyon tita. Maliit na bagay. Tsaka bestfriend ko naman po anak niyo. Goodbye na po tita.โ kumaway ako at lumakad palabas.
Nagpaalam akong mabuti kay tita at hindi sumama ang loob ko, dahil sa nagpasalamat siya sa huli. Lumakad ako hanggang sa tuluyan na akong nakalabas sa gate. Hindi ko alam kung kumusta na ang mga kaibigan ko. Siguro kumakanta muna ang mga iyon habang naghihintay sa akin.
Sumakay na ako sa sasakyan para makarating sa condominium. Gumagabi na kasi at malapit ng dumilim sa daan. Sa loob ng sasakyan, binuksan ko ang speaker sa harapan ko. Pinatugtog ko ang paboritong kanta na palagi kong pinakikinggan.
Ipagpapatuloy......