Kabanata 10

2333 Words
SOBRANG PAGKA-MISS SA ISA'T ISA 𝑻𝒚𝒓𝒐𝒏 𝒑𝒐𝒊𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒗𝒊𝒆𝒘. SA KAGAT na sobrang sakit biglang napamuklat ang mata ko galing sa mahimbing na pagtulog. Akala ko sa panaginip ko, pinapalo ako ng mommy ko dahil sa lumabas ako ng hindi nagpapaalam. Gumising agad ang diwa ko at iyong sakit sa panaginip ay totoo pala. Subalit magkaiba kay sa panaginip. Kagat ng kasintahan ko ang masakit. Pakamuklat ng mata, nakita ko ang kasintahan ko sa ibabaw ko na nakatapatong at panay ang kagat sa pisngi ko. Nakita ko rin na may kagat ako sa braso. Madiin ang pagkakatusok ng matalim na ngipin nito, kaya bumakat ng masyado sa braso. Gayon din sa pisngi, kahit hindi ko nakikita nararamdaman ko ang sakit. Natanaw ko ang suot nito sa ibabaw ng dibdib ko. Gaya din ng suot niya kanina na naka sobrang maiksing cycling at sando na hanggang puson. Dumidikit ang nakabakat na pagkababae nito malapit sa pagkalalaki ko. Pumikit ulit ako dahil sobrang antok pa. “Love! Aba, pumikit ka ba talaga? Ayaw mo magising ha!” nararamdaman ko na sobrang naiinis na ang kasintahan ko dahil sa hindi pa ako bumabangon. “Aray ko naman! Parang pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko dahil sa mga kagat mo.” kinagat ako sa pisngi at sinabi ko ito. “Hindi ka kasi nagigising. Bumangon kana riyan.” utos ng kasintahan ko. “Pasensya na. Gising kana pala? Kanina ka pa ba gising love? Aray, masyado talagang masakit love, grabi ka makakagat parang bampira.” nananakit na braso at pisngi ko. “Oo! Kanina pa nga ako nakapatong sayo!” biglang kumot ang noo nito at naiinis ng sobra sa akin. “Naku, sorry na love. Huwag kana mainis sa'kin, tingnan mo pumapangit ka!” asar ko na lalong kina-inis nito. “ Aasar ka pa, gusto mo dagdagan ko pa ‘yang kagat ko?” pinisil ko ang pisngi nito habang nakakunot noo. “ Biro lang naman. Aray ko talaga ansakit love.” hinawakan ko ang kagat ng kasintahan ko sa pisngi ko. “ Sorry din love, ikaw naman kasi! Yakapin na lang kita aking poging boyfriend.” palambing nito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap naman ako pabalik bago magsalita. “Oo na. Love, halikan mo ‘tong sa bandang may kagat mo sa pisngi ko.” sa malambing na sambit. “ Nako, sige na. Halik ko ba ang gamot diyan?” tanong nito sa akin bago humalik. “Oo love. Nakakagaling ang halik mo for sure.” malambing na titig na sabi ko. Hinalikan ng maraming beses ang pisngi ko ko para hindi sakit ang madama ko. Pagkatapos, magsasalita na sana siya ng bigla ko itong halikan sa noo at binanggit ang malambing na salita. “I love you so much.” malambing na sabi ko. “I love you too. Naunahan mo ko love. Hahalikan din sana kita sa noo mo.” kumunot noo itong nakatitig sa akin. “Ganun ba? Sige halikan muna ako.” utos ko sa malambing na sabi. Humalik ito sa noo at pagkatapos sa labi. “Lambing naman halatang nagsosorry” asar na sabi ko at tumawa. Hinampas ako sa balikat. “ Oo na! Bumangon kana diyan. Mag-short ka nga love! Tingnan mo iyang ahas mo parang lalaban sa sobrang tayong tayo.” humalakhak ito ng malakas. “Napansin mo pa iyon love, ikaw talaga. Sige bihis muna ako.” bumangon ako mula sa pagkakahimlay ng nakangiti. Nag-diretso agad ako sa kabinet at kumuha ng short. Nang susuotin ko na ito, naalala ko ang sinabi ko na gagala kami kaya binalik ko ang short at kinuha ang pants at t-shirt. Nagsalita bigla ang kasintahan ko na nasa likod ko. “Love, hindi ba sabi mo kanina gagala tayo?” tanong nito habang nagbibihis. Nang suot ko na ang pants at t-shirt nagsalita ulit ito. “Akala ko nakalimutan mo. Love, harap ka nga sa akin.” utos nito at agad akong humarap. “Ayos na ba ‘tong suot ko? Ano love? Pogi ba?” pabiro kong sambit at ngumiti. “Oh my god love ang pogi mo! Naiinlove tuloy ako lalo. Tsaka huwag kana magtanong na pogi ka. Kasi para sa'kin palagi kang pogi.” palambing na sabi nito na nagpakilig sa diwa ko. “Nambola pa. Sweet naman talaga. Mainlove ka lang diyan love.” at sinuot ko ang salamin na walang grado. Naglagay ako ng pabango na pinalibutan ko ang buong makisig kong katawan. “Ambango naman ng boyfriend ko, pahingi ako niyan mamaya. Nga pala, masakit pa rin ba iyong kagat ko?” tinuloy niya ang pagbibihis na naudlot kanina. “Sobrang sakit pa love, ikaw talaga nangangagat ka na parang pusa. Bakit mo pala ako ginising?” tanong ko habang nagsu-sumbrero. “Ikaw naman kasi. Tsaka ginising kita kasi para makaalis na tayo, kaso hindi ka nagigising himbing ng tulog mo. Kaya kinagat kagat na lang kita.” sabi nito na patapos na magbihis. Nakatalikod ito habang nagbibihis ito ng short na maiksi. Nakita ko na ang katawan nito na sobrang ganda ang figure. Katamtaman laki ang puwetan nito na nakikita ng dalawang mata ko. At this time, lalo akong na-iinlove sa girlfriend ko. “Wait, anong oras na pala love? Hindi pa naman siguro masyado gabi.” tanong ko na nakatingin mula ulo hanggang paa ng girlfriend ko. Nabighani ako lalo ng humarap ito. Subalit ang suot ang hindi ko papayagan na lumabas ng ganoon. Oo, maganda at nabighani ako, subalit baka mabastos siya sa daan. “Around six thirty pm na kaya bilisan muna habang hindi pa masyadong madilim.” pagmadaling sabi na agad akong kumilos. “What? seryoso love? Kaya pala kinakagat kagat mo ako kasi magdidilim na.” dahan dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap sa likod. “Masakit ba love? Patingin nga?” agad humarap sa akin at hinampas ang kagat sa braso ko. “Parang sira ka naman love. Nanggigigil ako sayo.” pinisil ko ang dalawang pisngi nito palapit sa bibig at mariing hinalikan iyon. “Naku, tara na nga pogi pogi ng boyfriend ko.” hinawakan nito ang kamay at sumandal sa balikat ko. “Alam mo ba love kanina habang ginigising kita, at naka-patong ako sayo tinitingnan ko ang mata mo at ang mukha mo. Sobrang cute mo kanina habang natutulog ka. Then, habang tinitingnan kita sabi ko ang pogi naman ng mapapangasawa ko.” bola nito na nagpakilig na naman sa akin. “Napaka-bolera mo talaga love, tinalo mo pa ako. Sandali, ang suot mo love sobrang iksi ayaw kita mabastos sa daan.” napahinto ako at nakita ko ang mukha ng girlfriend ko. “Love! Mas comfortable ako dito sa suot ko. Kay sa naman mag dress at pants ako, ang init kaya no'n duh.” kumunot noong titig nito sa akin. “Love, huwag na matigas ang ulo okay?Tsaka look at yourself, naka sando at maiksing short ka. Mag-panty kana lang kaya tuloy.” natatawang sabi ko at kumunot noo ito lalo. “Oo na! Oo na kasi naman. Tsaka love kasama naman kita so alam kong ligtas ako.” pagpupumilit nito na hinayaan ko. “Tama ka. Pero alam kong kahit kasama mo ako maraming nagtitinginan sayo sa hita, which is ayaw kong mangyari sayo.” paglilinaw na sabi ko. “Oo na naiintindihan kita. Katulad ka pa rin ng dati.” agad nitong hinubad ang short at pinalitan ng pants na palaki. “Sana huwag ka magtampo sa akin. Cause i doing this for your safety and also to protect you sa mga nagtitinginan sayo sa hita. Para hindi ka rin mabastos love. Look, my girlfriend was so pretty right now. Naiinlove tuloy ako lalo.” pagkumbinsing sabi ko na may halong pambobola. “Bolero ka talaga but mas magaling ako sayo. So let's go?” sabi niya at humawak ako sa malambot niyang palad at sumandal naman ito sa balikat ko. Nag-martsa na kami pababa ng ganoong estilo na nakasandal siya sa balikat ko. Nakaakbay ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na kaming nakababa sa hagdan. Bigla akong napahinto ng naalala ko ang pitaka ko kaya tinanong ko ang kasintahan ko. “Sandali love, naiwan ko yata iyong pitaka ko sa kwarto. Saglit lang babalik ako.” pagmamadali ko subalit pinigilan ako ng kasintahan ko. “Huwag kana bumalik. Iyong wallet mo ba? Nandito sa'kin, kinuha ko muna kanina kasi baka mawala.” nagpatuloy kami sa paglalakad unti unti na naming natatanaw ang living room. “Ay, Salamat love! Babalik pa sana ako, kaso nasa sayo na pala. Tsaka don't worry hindi naman mawawala ang pitaka ko, nasa loob tayo ng bahay at naka-lock ang pinto.” sabi ko at umakbay ako sa kaniya. “Love, kahit na. Mabuti na rin iyong doble ingat tayo. Hindi ba nga dati sabi mo may mga magnanakaw na pumasok dito sainyo ng gabi. Kahit naka-lock ang pinto at gate ninyo, nakaya pa ring buksan. It means we need to doble take care. Maraming magnanakaw na ganoon katindi.” malambing na sabi niya na pinaalala sa akin ang nangyari dati. “Oh! Nakalimutan ko na iyan, tapos pinaalala mo. Naiintindihan ko love, mabuti naman at pinaalala mo. Noong time na iyan, matindi ang nanakaw sa amin. Worth of isang milyon kasama ang mga appliances at gadgets. Mabuti na lang at nadakip agad at naibalik ang appliances, pera, at gadgets na nanakaw.” kwento ko na alam kong nasabi ko na dati sa kaniya. “Alam ko na iyan. So, tara na?” nakasandal pa rin ito hanggang sa tuluyan kaming makarating sa sofa. “Sige. By the way, i just want to say you are so pretty right now. That's why im falling inlove with you sobra.” malambing na salita ko na nakita ko sa labi niya na ngumiti. Nagharutan kami hanggang sa makarating sa sofa malapit sa pinto. Naalala ko hindi pala ako naligo ngayong tanghali. Dalawang beses akong naliligo sa isang araw. Hindi na ako naligo kasi gabi na ako gumising. Ang plano ko, kapag una akong nagising sa kasintahan ko liligo ako. Subalit mas nauna siyang nagising at gabi na rin ako nagising. Natanaw ko ang kapatid ko na mahimbing na natutulog sa sofa. Ever since hindi ko siya nakitang natulog sa sofa dahil ang likot niya matulog. Sobrang nagulat talaga ako kung bakit siya natulog sa sofa. Noon, unang beses niyang matulog sa sofa bigla siyang nahulog dahil sa likot. Humihiga lamang iyon para manood at kumain ni minsan hindi siya umidlip dito. “Sandali, ginagawa nito dito?Himala yata na natulog siya dito sa sofa.” napahinto na sabi ko habang pinagmamasdan ang kapatid ko. “Kaya nga love. Kanina noong pagkagising na pagkagising ko, nakita ko na iyan diyan. Noong papunta ako sa banyo para maligo.” nagsasalita habang nakatitig ito sa kapatid ko. “Saan na naman kaya nanggaling ‘to? Tinakasan ba naman ako.” pagsisinungaling ko na nahalata ng girlfriend ko dahil sa reaksyon ko. “Nanggaling saan? Bakit nakalabas ba? Hay nako love hayaan muna halos hindi niyo na palabasin kapatid mo.” nagtatakang sabi ng girlfriend ko. “Oo. Tumakas siya, hindi man lang nagpaalam.” pagsisinungaling ko ulit. “Huwag ako love, kilala kita kapag nagsisinungaling. What is the real reason?” tanong na naghihintay ng sagot ko. “Okay ganito. Nagkasagutan kasi kami kanina kaya siya nakalabas. Maybe, sinamantala niya iyong pag-aaway namin para makalabas siya. Pano ba naman hindi ako sinusunod.” kunwaring naiinis ko. “Kalma kana love. Tsaka hayaan muna kapatid mong lumabas, malapit na siya sa tamang edad. Kaya huwag niyo ng paghigpitan. Kailangan niya rin ng kausap, nakakaboring kaya magisa. Tapos sa ganitong bahay pa na malaki. Alam mo mas mabuti pang umalis na tayo malapit na mag seven.” excited na sabi nito. Nagpatuloy ang paglalakad namin hanggang sa makalagpas na kami sa pinto. Nagtuloy ang pag-uusap namin. “Matanong ko lang love. Naligo ka ba?” nakangiti nitong sabi na parang tatawa. “Naligo ako kaninang umaga, pero ngayong hapon hindi. Late na kasi ako nagising.” maayos kong sambit at tumawa na ito. “Ganon ba. Parang hindi halata na naligo ka.” pabiro nito na tumatawa. “Grabi ka sa'kin love, nang-aasar ka na naman. Ngayon lang ako hindi naligo ng hapon.” nakasimangot kong sabi habang binubuksan ang gate. “ Sorry na ‘to naman hindi mabiro. Ang bango mo nga love kahit hindi ka naligo, syempre alagang pabango.” walang tigil na pang-aasar nito na tumatawa. “Naligo nga ako kaninang umaga! cute cute mo talaga.” kunwaring naiinis ko. “Cute ka diyan. Naiinis ka lang.” pagtawa nito.“ Sige, oo na lang kahit hindi ka naligo.” pang-aasar na naman nito na lalong humalakhak. “Love. Ito susi ng sasakyan ko, buksan mo na lang po. Ilo-lock ko lang ‘tong gate.” binigay ko ang susi at nagpaalam ito bago lumakad. “Sige, hintayin kita sa loob ng kotse.” pamamaalam nito at naghakbang na palayo sa sasakyan. Inasar na naman ulit ako ng kasintahan ko. Inaasahan ko ito dahil sobrang namiss niya akong asar asarin. For me, ayos lang iyon dahil i miss her so much din naman. Kahit asar asarin niya pa ako. Nang matapos ko ang pagsasara ng gate agad akong tumungo sa sasakyan. Nadatnan ko ang napakagandang kasintahan ko mula sa labas ng sasakyan. Sa bintana ng sasakyan ay doon ko siya nakitang nagseselpon. Sumakay na din ako sa unahan ng sasakyan dahil ako ang magmamaneho. Nang makapasok sa loob, ipinasok ko ang susi sa bilog para mabuksan ito. Magpapaandar na sana ako ng lumapit sa upuan sa aking tabi mula sa likod ko ang kasintahan ko. Nagharutan ulit kami hanggang sa sumandal siya sa balikat ko. Paaalisin ko sana siya mula sa pagkakasandal, subalit ng maramdaman ko na hindi naman gaanong nakakailang hinayaan ko na lamang. Cause I know that we miss each other. Bukod sa pag sandal, niyakap din ako nito sa katamtamang lakas. Ipagpapatuloy......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD