STREET FOOD
SA LOOB ng magarang sasakyan ko, walang tigil sa paghaharot ang kasintahan ko habang nagmamaneho ako. Kahit noon pa ang harot na talaga nito subalit sa akin lamang. Madaldal rin talaga ito lalo na pagkausap ko siya at magkasama. Nakasandal at nakayakap ito sa akin habang nagsasalita.
“Saan pala tayo pupunta, Love? Gusto ko iyong mga dating pinupuntahan natin before.” mahinang boses nito dahil sa malapit lamang din ang tainga ko sa bibig niya.
“Sige. For me, kahit saan naman pwede tayo pumunta this night. Basta around manila lang. Ikaw love, saan mo gusto pumunta?” malambing na sambit ko na nakatingin sa salamin sa harapan ko.
“Gusto ko do'n sa pinuntahan natin dati, sa may parke tapos maraming street food?Do you remember that place? Then every night marami doon kumakain na mag-jowa at magkakaibigan.” nakangiti na sambit nito na tila may halong excitement.
“I think i know that. Doon ba iyon sa Plaza Quezon? Sa tingin ko tama ako? Iyong maraming isaw na paborito mo?” bumaling bigla ang tingin ko sa side mirror para tingnan kung may mangungunang sasakyan.
“Hindi! Hindi doon, i mean doon sa may Plaza Rizal. Di ba dalawa iyon? Magkalapit lang sila. Ang sinasabi ko is doon sa may stage sa tapat no'n. Tsaka iyang Plaza Quezon na sinasabi mo ever since walang street food doon.” kumunot na naman ang noo nito na nakatingala sa akin.
Tumango na lamang ako dahil abalang abala ako sa pagmamaneho. Nainis ito lalo dahil hindi ako nagsasalita. Humampas bigla sa balikat ko ang kasintahan ko na tila naiinis.
“Parang sira ka naman. Nagkukunwaring hindi alam, para mainis ako. Tsaka, taga dito ka tapos hindi mo alam iyong plaza rizal!” lalong diniinan nito ang pagsandal sa balikat ko. Naramdaman kong kakagatin ang braso ko, subalit hinayaan ko laman.
“Aray ko naman love! Ansakit! Nagmamaneho ako oh! Baka mabangga tayo dito.” tinitiis ko ang sakit na marka ng kagat sa braso ko.
“Eh di sorry. Hindi ka kasi nagsasalita. Kinakausap kita tapos tango ka ng tango. Pwede naman magsalita while driving di ba? Tapos ikaw napaka-seryoso mo diyan.” unti unting kuma-kalmang sabi nito.
“Hay naku! Pasensya na love kung nainis kita. Sige, puntahan natin iyang sinasabi mo. Matagal na din akong di nakakapunta do‘n.” diretsong tingin ko sa salaming nasa harapan.
“Oo na. Nang-iinis ka na naman kasi. So thats why pupuntahan natin iyong dating pinupuntahan natin. I know na hindi ka pumupunta do'n ng hindi ako kasama. So that's why im here na.” malambing na boses na nagpabago ng mood nito.
“Sorry love, namiss ko lang inisin ka. Malapit na tayo kaya kalma kana. Tsaka, kung saan mo gustong unang pumunta do‘n din ako. I'll support you where ever you want, basta if what makes you happy do'n din ako.” pinaikot ko ang manibela dahil sa lumiko kami pakanan.
“ Napaka-lambing ng boyfriend ko, halatang bumabawi. Don't worry, i know na hindi la‘ng dahil ininis mo ako ay bumabawi ka. I know that you always here to support me where ever i want things that makes me happy. You're so supportive so hindi na ako magtataka.” pumiglas ito mula sa pagkakasandal sa balikat ko at hinalikan ako sa pisngi habang nagmamaneho.
“Of course love! I'll doing this because i love you. I will never change this kind of habit for you.” sabi ko habang tinuon ang pansin sa pagmaneho.
“Oh, thank you for that kind of love.” sumandal ulit ito sa balikat ko.
“I love you so much love. I will never tired to loving you.” sabi ko sa malambing sa salita at tinig ng boses.
“Akala mo ikaw lang, ako din syempre. Wala akong masabi sa pagmamahal na binibigay mo. You're perfect boyfriend for me. I'm so lucky to have you.” mahinang tinig ng boses nito na may halong paglalambing.
“You‘re so pretty and kind, my love. I know na, the word i love you is not enough para maramdaman mo na sobra kitang mahal.” bumaling ang tingin ko sa kaniya at hinalikan sa buhok ng tatlong beses.
“That's nice love. Gusto mo ba unlimited na parang forever na?” malambing na boses nito.
“Parang gano'n na nga. Walang hanggang pagmamahal ang gustong kong mabigay sayo. Mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga at pagtanda.” natatanaw ko na ang parke mula sa malayo.
Nakita ko na maraming nagbago dito. May mga disenyo sa bawat puno. At ang dating malaking mga letra na gawa sa bakal at mas lalong pinaganda. Ang sculpture ni rizal na nakatayo sa gitna ng parke, ay matingkad na ang kulay. Wala ng mga bakas na dumi sa palibot ng sculpture. Maraming mga taong nakaupo sa batong upuan. Karamihan sa kanila ay magkasintahan na ang lambing sa isa't isa.
“Basta always remember my promise na hindi kita iiwan kailanman. Lalong lalo na hindi kita sasaktan. Kailan ba kita sinaktan at niloko? ‘di ba wala. Sa tagal nating magkarelasyon hindi mo naramdaman iyon at hinding hindi ko ipaparamdam sayo. So that's why i'm so loyal to you and i‘m contented to you. Pano ba naman swerte ko na sayo, sobrang ‘bait at mapagmahal pa.” mahabang mensahe ko na malambing na nakatingin sa salamin na nasa harapan ko.
“Dapat lang! Once na nakita kitang may kasamang babae o kalandian puputulin ko iyang ahas mo na parang manu-nuklaw. I don't care if makasuhan ako ng adultery basta maputulan lang kita. It's a joke, i know na hindi mo gagawin iyon.” humahalakhak na sambit nito habang nakatanaw sa hindi ka-layuang parke.
“Grabe naman iyon love, huwag naman masakit iyon. Alam mo iyong parang ka-kaponin na aso or baboy iyong like ta-tanggalan ng testosterone? And then iyong sigaw ng baboy na alam kong umiiyak parang gano'n kasakit.” patawang banggit ko na paghalakhak sa kaniya ng malakas.
“Oo, you're right. Parang ganon mangyayari sayo kapag nambabae ka! Kampante naman ako na hindi ka mambabae.” yumakap pa siya ng mahigpit sa akin at dinikit lalo ang ulo sa balikat ko.
“Yes naman love. Tutuparin ko ang pangako ko sayo. Tsaka sa ganda mo iyan, maghahanap pa ba ako? Kahit kailan hindi ko naisip na mambabae. Hindi ko gawain iyon.” nakarating na kami at naghahanap ako kung saan ko ipa-park ito, dahil marami ng naka-park na sasakyan.
“Nandito na tayo love. Sandali, park lang natin ‘tong kotse. Madaming tao love grabe, ganito talaga pag-gabi.” bumabaling kung saan saan ang tingin ko dahil sa naghahanap ng mapa-parkingan ng kotse.
Pumiglas ito mula sa pagkakayakap at pagsandal. “Sige maghahanap na din ako. Love! Ayon oh! Nakikita mo iyon? Doon na lang natin i-park.” pagturo nito na agad kong sinunod.
“Oo nga love. Ang talas naman ng mata mo. Matalas din ba iyan pagdating sa‘kin?” banat ko na agad niyang nakuha.
“ Syempre naman ikaw pa.” pagsang-ayon na sabi nito.
Sa itinuro kong parking area ng girlfriend ko agad kong pinatakbo ang sasakyan ko papunta roon. Nang maipark sa isang tabi, nagsalita ako bago bumaba.
“Love, stay here. Ako na magbubukas for you.” utos ko na sinunod naman niya kaagad.
“Okay love.” sambit nito.
Agad akong bumaba at pina-pirme ang girlfriend ko sa sasakyan. Ginawa ko iyon para pagbuksan siya ng kotse. Kahit noon pa man, ganiyan na ang gawain ko. Everytime bababa kami mula sa sasakyan ay pinagbuksan ko talaga siya na parang prinsesa. Hindi pala parang, kasi prinsesa ko na siya. Madali lamang buksan iyon. Ngunit kahit kaya, hindi ko pa din pinayagan. Gusto ko kasi na ituring siya na prinsesa ng buhay ko.
“Can you be my date this night, my princess?” sabi ko na may halong tawa.
“Yes of course my prince. Tara na nga! Dami mong alam.” magandang ngiti nito.
Nang makababa, binuksan ko agad at hinawakan ang malambot niyang palad. Napaka-simple ang suot nito ngunit napaka-ganda. Isinara ko muna ang kotse bago kami nagmartsa patungong parke kung nasaan ang street food. Nagtuloy ang pag-uusap namin habang naglalakad.
“Wait, saan pala diyan ang tinutukoy mong street food love? Hindi ko kasi alam kung nasaan.” nagkukunwaring hindi ko alam.
“Nang-iinis ka na naman ba love. Hampasin kita diyan! Alam mo naman eh! Nakakainis ka talaga!” inis na naman nito.
“Ah oo do'n pala. Pasensya na nakalimutan ko. Huwag kana mainis.” pangiti-ngiti kong sabi habang nakatitig sa kaniya.
“Nakalimutan daw. Nang-iinis ka talaga. Madami palang nagbago dito love. The sculpture was so colorful. Sobrang gumanda parang ako.” bumabaling baling na tingin nito sa kahit saan.
“Sorry naman. Namiss ko lang inisin ka. Pansin ko nga din kanina noong nakikita ko malayo pa lang. Yeah, this place is just like you, napakaganda.” pagsang-ayon ko.
Hindi ako umangal dahil totoo naman sinasabi niya. Hiningi ko ang kamay nito para hawakan.
“Let's go love! I'm so excited to eat isaw and barbecue. It's was so delicious.” nagmamadaling sabi nito na ikinatuwa ko.
“Sige. Love, can i hold your hands? Syempre i need your permission muna.” tanong ko na naghihintay ng sagot.
“Gaya ka pa din talaga ng dati. Hinihingi mo muna permission ko bago mo hawakan kamay ko. Di ba nga i already told you that huwag mo ng hingiin ang permission ko, kasi anytime pwede mong hawakan kamay ko, because you are my boyfriend.” palambing na sabi nito.
“Bagal mo maglakad, dalian na natin.” hinila bigla nito ang kamay ko patungo sa madaming street food.
“Okay fine, my love. From now on, i will hold your hand without your permission. Naku! Sobrang namiss mo nga talaga kumain ang isaw. Sige tayo na!” nagmamadaling paglalakad namin na hinihila ako palapit sa street food.
“Ganiyan nga. Sinabi mo na iyan ha! Wala ng bawian. Halika love doon tayo!” natuwa ako dahil sa napakasaya ng kasintahan ko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya hanggang sa nakarating kami sa isaw. Marahan akong huminga dahil sa pag-hila sa akin ng kasintahan ko. Pinapili ko siya kung anong gusto niya ng walang pag-aalinlangan.
“Ayon love oh! Mga sampu no'n, tapos iyang isaw.” pagturo nito na may halong pagkasabik na ikinatuwa ko.
Agad kong sinabihan ang lalaking nagtitinda ng street food na lutuing mabuti ang napili nito. Naramdaman ko namang yumakap mula sa tabi ko ang kasintahan ko at hinawakan ang malaki kong kamay. Nakatayo muna kami sa tabi habang naghihintay maluto. Nagpatuloy ang pag-uusap namin.
“Love!” pagtawag ko sa mahinang boses. Tumitig ito sa akin at nagsalita.
“Po? Ano iyon?” tugon nito na naghihintay ng sagot.
“You‘re so pretty right now and napaka simple ng suot mo.” bahagyang ngumiti akong nakatitig sa dalawang mata nito.
“Narinig ko na iyang pambobola mo kanina. Oo na! Kalma kana love. Ako lang ‘to ano ka ba.” hampas nito sa balikat ko. Tinitigan ko siya ng malalim at sa titig na iyon na may halong lambing.
“Huwag ka ngang tumitig ng ganiyan sa'kin, kinikilig ako. ” ngumiti ito at mas lalo ko pa itong tinitigan at nagsalita.
“Hindi mapapagod ang dalawang mata ko na tingnan ka ng ganito love. Kahit magdamag pa kitang titigan gagawin ko kasi napaka ganda mo sobra.” walang sawang pagtitig ko na nagpangiti sa kaniya.
“Pinuri mo na naman ako. Maganda na kung maganda. By the way, thank you love for always treat me like a princess and sa paulit ulit mong pagsabi na maganda ako. Honestly, everytime you telling me like that ay tumataas confidence ko sa sarili.” bumaling ito ng tingin malapit sa sculpture ni rizal na nagtaka ako.
Bumaling din ako ng titig doon at natanaw ko ang mga street children na tinititigan ng kasintahan ko. Nakita ko na nag-limos sila sa mga dumadaan sa parke. Mga damit na punit na puno ng mantsa ang nakikita ko. Gayundin sa mukha na puno na tila uling at sa buhok na magulo. Labis ang galak ng mga bata ng bigyan sila ng isang lalaki. Nakasuot ito ng white coat na pang-itaas. Naka-sumbrero na kulay asul at salamin na kayumanggi naman sa mukha. Pantalon naman ang suot nito sa bandang pang-ibaba.
Maya maya pa may binigay ang lalaki sa mga street children. Isa-isa silang binigyan ng pula na parang ampaw. Sa murang edad ng lalaki, nagagawa na nitong tumulong sa kapwa. Sa tingin ko, mayaman at may kaya ang lalaki kaya nagagawa niyang tumulong. Ngiti at sobrang pasasalamat ng mga bata sa lalaki ang naramdaman ko. Nagsalita bigla ang kasintahan ko, kaya napalingon ako.
“Love, puntahan natin sila. I know na nakita mo kung gaano natuwa ang mga bata ng bigyan sila ng lalaki. Bigla kasi akong naawa sa mga bata kaya napatahimik ako at tiningnan sila.” tumango na lamang ako at nakapag-bitaw ng malakas na buntong hininga.
“Napansin mo palang nakatingin din ako. Sige mamaya puntahan natin. As of now, lapit na tayo kay kuya baka luto na.” sabay kaming nag-hakbang palapit sa tindero.
Kinuha agad ng girlfriend ko ang isaw at barbecue mula sa tindero. Nagpasalamat ito at nilamon agad ang isang isaw. Inabot ko ang bayad at nagtungo sa kasintahan ko sa tabi. Nakita kong ngumonguya ito at bigla akong binigyan ng isa.
“Tikman mo ‘to love, alam kong namiss mo ring kumain nito.” nagngongoyang wika nito na kina-tuwa ko. Kinuha ko ang inabot niyang isaw at marahang kinain.
“Masarap nga sobra, wala pa ring pinagbago. Sandali, ilan na lang ang isaw?” tanong ko na nagpangiti dito.
“Dalawa na lang. Huwag kana malungkot may barbecue pa naman diyan.” ngumiti ito at labis na nalungkot ako ng kunwari. Hindi na ako magtataka doon, dahil labis niyang namiss ang isaw.
“Grabe, pito agad nabawas. Ayos lang i know na sabik kang makatikim ng isaw kanina pa.” pangiti-ngiti na sabi ko habang nagngongoya.
“ Sa'kin na ‘tong dalawa love ha! Nabitin kasi ako eh!” kinuha niya ang dalawang isaw mula sa lalagyan nito.
“Naku, last na iyan ha! Naalala ko tuloy na parehas nating paborito iyan. Tapos halos nakarami din tayo that time. Binabalik balikan pa nga natin dati. Siguro pagkalipas ng isang araw punta na naman tayo dito.” ngoya ko na nakatitig sa kasintahan ko.
“Kaya ngayong nandito na ako, babalik balikan na naman natin ang place na ito. Medyo nabusog yata ako love ng kunti.” wika nito at tinapos ko ang kinakain ko.
“Busog ka na?Kakain pa tayo sa restaurant after this.” sumandal ito sa balikat ko.
“Hindi pa naman masyado love, kaya ko pa naman. Bakit kasi ngayon mo lang sinabi, di sana kunti lang kinain ko.” wika nito at hinaplos ko ang madulas na buhok bago ako magsalita.
“Pasensya na. Sobrang natuwa kasi ako habang kumakain ka ng isaw. Kaya siguro nakalimutan kong sabihin sayo.” nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga.
“It‘s okay love. Tsaka we enjoy naman so don't say sorry na, okay?” hinalikan ako nito sa pisngi na nagpakalma sa akin.
“Love, sandali lang, bili lang ako ng maiinom natin. Stay here ha! And just wait me.” tumayo ako at humawak sa kamay ng girlfriend ko.
“Sige, I'll wait you. Punta muna ako do‘n sa mga bata. Kakausapin ko lang sila at may ibibigay ako.” napangiti ako na nakatitig sa kaniya.
Tumungo ako sa south star drug para bumili ng softdrinks sa hindi kalayuan mula sa tindahan ng street food. Pagkalabas ko mula sa south star drug, agad akong tumungo kung saan naroon ang kasintahan ko. Naabutan ko ito mula sa malayo na binigyan ang mga street children ng isang libo bilang pambili ng pagkain nila.
Katulad ng nakita ko kanina sa lalaki, ganoon din ang reaksyon ng mga bata. Sobrang galak ang mga bata habang tinitingnan nila ang kasintahan ko. Napaka-swerte ko talaga sa kasintahan ko, sobrang mabait at matulungin. Kahit dati pa, everytime nakakakita siya ng mga street children ay natutuwa ito at binibigyan. Ang huling bata ay kinausap nito kaya dahan dahan niyang binaba ang binti para makausap ang bata.
“Hello! ang cute mo namang bata, ano name mo?” masayang tanong nito sa bata bago haplosin ang buhok.
“Patricia po.” malamig na boses ng bata na tila nagustuhan ng girlfriend ko.
Labis ang ngiti sa labi ang natanaw ko sa girlfriend ko mula sa malayo. Mas sobra pa ang ngiti niya kanina, habang naguusap at naghaharutan kaming dalawa. Unang beses niyang makarinig ng ganoong klaseng boses. Hindi makawala sa aking mata ang nakangiti at malambing na mga mata na ginagawa niya sa bata.
“Oh! Patricia. Ang cute naman ng pangalan pang baby girl. Ilang taon na si Patricia?” sa malamig na tinig nito at natanaw kong pinisil ng girlfriend ko ang pisngi ng bata.
“Five years old po.” sagot ng bata sa malamig na boses.
“Napakabata naman ni Patricia. Baby girl naman talaga. Ano gusto ni Patricia paglaki?” mahinang sambit ng kasintahan ko para maunawaan ng bata.
“Maging police po.” sagot naman ng bata sa kinakabahan na mga mata.
Habang malapit na ako, naramdaman kong kinakabahan ang bata dahil sa mga titig nito sa girlfriend ko. Samantalang nagmamartsa ako palapit sa kasintahan ko. Dala dala ang dalawang softdrinks na nabili ko sa hindi kalayoang bilihan. Binilisan ko ang pag-martsa ko kung saan nakikipag-usap sa bata ang kasintahan ko.
Ipagpapatuloy......