KAIBIGAN
BAGO PA ako makalabas ng bahay nakasalubong ko si kuya. Everytime kasi na lalabas ako nagsusumbong ito kay mom. Pinaalam kasi ako kay kuya ni mom na bantayan ako at hindi hayaang lumabas kasama ang mga kaibigan. Hindi ko nga din alam kung bakit kinukulong ako ni mom.
Nagkatitigan kaming dalawa ni kuya ng magkasalubong ang dalawang mata namin. Ang mata ko ay naka-kunot noo. Ng magtalikod ang landas naming dalawa hinawakan nito ang braso ko. Humarap ako at tinapik ang kamay niya. Tinalikuran ko ito at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawag ng pangalan ko at nanghihingi ng tawad habang sinasambit niya iyon.
Ng malapit na ako sa pintuan bahagyang tumakbo ang kuya ko para unahan sa pinto. Hinarangan ako nito at humingi ng tawad. Hindi pa rin ako kumibo, patuloy pa rin ako sa pag-iwas. Bagama't nakaharang ito tumalikod ulit ako mula sa pinto. Naglakad ako patungo sa kwarto ni mom para kunin ang laptop na ginagamit ni mom sa trabaho.
Kung ano na ang ginawa ko para iwasan si kuya. Patuloy pa rin ito sa pagsuyo para pansinin ko. Nakatalikod ako ng biglang hawakan ulit ang maputing braso ko. Nagsalita ito ng pinuwersa niyang humarap ako.
“Yesha huwag mo kong isumbong kay mom.. pag nagkataon na sinumbong mo ko di ko alam ang mangyayari sa'kin... Baka papuntahin ako sa probinsya doon sa lola natin kung sakali” nagmamakaawang sambit nito. Alam naman niya pala ang mangyayari sa kaniya bakit pa niya ginawa iyon. Makikita ko sa mukha ni kuya ang sobrang kaba.
Hindi alam ni kuya na hindi ko naman talaga siya isusumbong. Mag-iisip muna ako na pwedeng ipagawa sa kuya ko.
Sa pagsalita niyang iyon hindi ko ulit ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Bago pa man ako nagpatuloy sa paglalakad, tinapik ko ng malakas ang kamay na nakahawak sa maputing braso ko. Ng makatapak ako sa tapat ng pinto'y biglang hinawakan ng kuya ko ang doorknob para hindi ko ito mabuksan.
Nag kunot noo akong humarap kay kuya. Nakita kong pursigido talaga siyang suyuin at para hindi ko siya isumbong. Bumuntong hininga ito bago magsalita.
“We need to talk yesha.. How many times to say you sorry para mapatawad mo ko?” sambit ni kuya na kanina pa humahaplos sa magkabilaang braso ko.
“Ay wow! Ikaw pa may ganang magalit? You don't expect that i forgive you ng ganun-ganun lang” aniko ng biglang tapikin ang kamay sa pagkakahaplos nito.
“I know na hindi mo ako mapapatawad ng ganung kabilis but i hope huwag mo naman akong isumbong please...Even that you angered to me” sa nanginginig na katawang aniya nito. Kita ko sa mukha nito ang takot at kaba.
“Pwede ba! Leave me alone! Nandidiri ako sayo!”
sabi ko sa pasigaw na sambit. Tinulak ko ito ng malakas para mabitiwan ang pagkakahawak niya sa doorknob ng pinto. Umatras bigla ang kaluluwa nito at parang matutumba sa sahig. Sa lakas ng impact sa pagkakatulak ko di ko aakalaing muntikan ng matumba.
Pumasok agad ako ng pinto at malakas ko iyong sinara na tila ba tinulak ko. Sa lakas ng tulak ko tumunog ito ng malakas. Kinabahan ako akala ko nandito si mom sa kwarto mabuti na lang na wala siya rito.
Sa kwarto ni mom ay nakita kong sobrang kalat nito. Mga damit na madumi na nasa sahig nakakalat. Halos makikita mo sa kwarto ang mga damit na halo-halo ang kulay. Mga lalabahin na kulay puti na may halong de kolor. Sa gamit naman ang palibot nito puro agiw ng gagamba. Kasapi rin ang kisame kung titingnan mo ay parang lungga ng gagamba sa sobrang dami nito.
Bagama't may tampo ako kay mom, hindi ko ito nilinisan. Sa kwarto ang ginawa ko umupo sa upuan habang nag hihintay na umalis si kuya. Ang mga mata ko'y palibot na tumititig sa buong kwarto. Pinagmamasdan ang madudumi't maalikabok na kagamitan sa loob nito.
Mariin kong binukas ang pinto para tingnan kong wala na si kuya. Ng mabuksan nakita kong wala na si kuya sa labas ng pinto. Pinalibot ko pa rin ang mata ko sa labas baka sakaling nagtatago ito. Ng makitang wala talagang tao agad akong tumayo sa kinauupuan ko at humakbang palabas ng pinto.
Agad akong tumungo palabas para pumunta sa kaibigan ko. Hindi naman kalayuan ang bahay namin at bahay nito. Nasa isang kilometro ang layo ng bahay nila mula sa amin. Kaya kailangan ko sumakay ng kotse. Subalit sa parking area kotse ng kuya ang nandoon.
Bukod sa pinababantayan ako ng ina ko kay kuya. Pinaalam rin ng nanay ko na huwag akong pagamitin ng kotse dahil minor pa ako. Delikado daw ang mag maneho sa ganitong edad ko. Hindi na ako bata para gawin nilang bata. Halos pakiramdam ko ginagawa nila akong bata na limang taong gulang. Maalam naman ako sa pag maneho pero hindi pa din nila ako pinapayagan.
Bagama't bawal ako mag maneho nagcommute na lang ako. Mayroon naman akong extra money para sa pamasahe papunta doon.
Pakalabas ng pakalabas ko sa gate agad akong pumara ng taxi. Ang kanang kamay ko ang kinaway ko pababa para makapara. Ng may lumapit na taxi agad akong pumasok rito at nagsambit ng salita sa driver kung saan ako pupunta.
“Manong sa tapat lang po ng GONZALES BUILDING” sabi ko habang nakatitig sa rear view mirror. Ikinuha ko ang cellphone ko para gamitin habang nasa kotse ako.
Ang GONZALES BUILDING ay pagmamay-ari ng ama ng kaibigan kong si Donna Gonzales. Sa ikalawang palapag ng Gonzales Building makikita ang bahay nila na malawak. Sa unang palapag nito ay isang salon at dalawang barber shop. Ang ama ni Donna ay may ari ng isa sa malaking kompanya sa amerika. Kakompetensiya nito ang kompanya ng papa ko sa amerika. Bagama't magkalaban ang ama namin sa kompanya, di maipagkakailang pinakamatalik ko naman na kaibigan ang anak nito. Simula elementary hanggang ngayong high school matalik ko pa itong kaibigan. Kumbaga childhood friends at nakasanayan ko na rin na siya ang kasama ko.
Sa loob ng taxi habang tumatakbo ito nagtitingin ako sa bintana. Nasilayan ko ang dumaan na pulang kotse ng makita ko ang nagmamaneho isang babaeng namukaan ko. Naka-suot ng maong na short na kita ang hita at croptop na damit. Patungo sa Subdivision Road kung saan nandoon ang bahay namin.
Bibisita siguro iyon sa kasintahan nito. Matagal na silang magkarelasyon simula pa noong ikawalong baitang ako. Almost three years
na silang magkarelasyon kaya masasabi kong ang tatag ng relasyon nilang dalawa. Inaamin kong nagseselos ako sa bawat mga sweet moments nila na nakikita ko.
That's one of my question in myself. Why i feel get jealous on him. Maybe this is a sign that im so in-love with him even he is my brother. To be honest, this is my first time that i feel so in-love with the person.
Sa mga ganitong nararamdaman bihira lang ito. At sa kapatid ko pa talaga ako nagkagusto. Hindi ko ito nilubayan ng tingin hanggang sa hindi ko na nakita ang kotse nito dahil malayo na kami mula doon.
Ng makaapak ang dalawang paa ko tapat ng gate nina donna ay agad akong pumasok. Ng makapasok nakita ko na madami silang customer. Ang mga tao ay nakaupo sa loob ng barber shop para maghintay roon. Palipat-lipat ang titig ko sa mga customer. Nag martsa ako papasok sa automatic glass door nila donna. Ang pintuan na ito ay kusang bubukas kung merong papasok na tao. Ng tuluyang makapasok nahuli kong tumingin sa akin ang isang lalaki sa hita ko pero hinayaan ko na lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad.
Naka-suot kasi ako ngayon ng maiksing short at croptop na damit. Naka- short jacket din ako para matakpan ang croptop na suot ko.
Ng makaapak sa tapat ng elevator nila ay agad akong pumasok. Habang nasa elevator may nakasabay akong isang lalaki na panay ang titig sa akin. Naka-suot ito ng itim na sumbrero at naka face mask ang buong mukha. Parang nakikila ko ang lalaking ito. Siya iyong tumitig sa akin kanina sa hita ko. Pinagmamasdan ako nito mula ulo hanggang paa ng mag-hiwalay ang landas namin agad itong kumindat sa akin.
Habang naglalakad nakatitig pa din ako sa lalaki. Nawala lang ang pagtitig ko ng sumara ang elevator. Siguro sa 3rd Floor papunta iyon. Ng humarap ako ng titig nasilayan ko ang mga kaibigan kong umiinom. Mga lima sila halos lahat babae.
Nakatalikod si Donna mula sa pintuan at kausap si Shaina. Naka-harap naman si Shaina sa pintuan at bumubuka ang bibig. Si Anna naman ay naka-focus sa karaoke at kumakanta ng malakas. Naalala ko tuloy ng titigan ko si Shaina. Last galaan namin kasi nagkasamaan kami ng loob. Nagkasagutan din kami kaya hindi ako nito magawang yakapin.
Si Shaina ang unang tumitig sa akin ng palapit ako sa kanila. Agad naman itong nagturo gamit ang nguso para malaman ni donna. Ng makita ako ni donna agad itong yumakap sakin ng mahigpit. Nagsalita muna ito bago yumakap.
“Sis...? Sis ikaw nga..namiss kita” aniya na agad akong yinakap ng mahigpit. Hindi naman ako makahinga dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.
“Sandali lang sis! Hindi ako makahinga papatayin mo ba ako sa yakap mo?” sabi ko na agad nakahinga ng maluwag mula sa pagkakayakap.
“Im sorry, namiss lang kasi kita ng sobra tagal mo din kaya hindi lumabas ng bahay kulungan” saad nito na humawak sa dalawang kamay ko at mariing hinaplos iyon. Hinila nito ang kamay ko palapit sa sofa at nagsalita.“Oh bakit ka pala nakalaya?” tanong nito na humalakhak.
“Di naman ako nakalaya sira! nakatakas lang ako”sabi ko. Umayos ako ng upo. Ang mga hita ko ay naka cross legs kaya mas naging komportable ang upo ko. At nagsalita ako pagkatapos. “Iyon nga iyong problema sis eh ginagawa akong preso sa bahay nakakainis talaga”.
Nakita kong magsasalita na sana si donna habang inilatag sa harap ni shaina ang tagayan na ginagamit sa pagiinom ng alak. Inunahan ko itong magsalita. “Wala ka magagawa ganon talaga sis” aniya na may hawak ng baso na may lamang malamig na tubig at bahagyang ininom ito.
“Nakakainis si mommy bakasyon naman ngayon tapos hindi ako pinapalabas arghh” aniko. Kinuha ko ang kakalagay pa lang na alak sa baso ni donna. Ng bahagyang iinumin ko na ito hinawakan ni donna ang katawan ng baso at hinila niya ito paatras para hindi ko madiretso sa lalamunan ko. Nag-kunot noo ako kay donna bago magsalita.
“Ano ba donna! wag mo nga akong pigilan diyan!” sabi ko at pilit na kinukuha ang baso. Nanlaki ang mga mata nito at nagsalita. “Hay nako sis hindi solusyon ang alak sa problema mo. Atsaka never pa kitang nakikitang uminom ng alak tapos ngayon iinom ka? Nakakagulat naman iyon” aniya na humaplos sa likod ko ng madiin.
Sa tagal naming magkaibigan hindi pa niya ako nakitang uminom ng alak. Donna was started drinking alcohol at the age of 17. Kaya noong nakaraang taon lang siya nagsimula. At that time nando'n ako noong nag start siya uminom. Subalit nakaupo lang ako sa tabi niya at naguusap kami. Hindi ako uminom non tanging si Donna lang. Ang gusto daw kasi niya kapag unang inom niya ng alak ay dapat nandoon daw ako.
Habang naguusap sina Shaina at Anna, naguusap naman kaming dalawa ni Donna sa kabilang upuan. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Donna.
“Wait di ba palagi namang wala ang mommy mo sa bahay niyo? Busy siya palagi sa work niya eh,” aniya. Inilatag ko ang baso sa mesa na may lamang malamig na tubig. Uminom ako nito para kumalma. Nagsalita ako pakatapos.
“Wala nga palagi, pero hindi pa rin ako makalabas!” sabi ko na kanina pa naiinis. “Bakit? Pwede ka namang lumabas habang wala pa ang mommy mo right? tapos kapag nafefeel mo ng uuwi na iyong mommy mo then go uwi kana” saad ni donna.
“Hindi ko iyan magagawa sis eh, you know why? dahil pinababantayan ako ni mommy kay kuya tyron so ayon everytime na tutungtung ako sa tapat ng pintuan at lumabas para magdilig ng garden namin is pinapagalitan ako! nakakairita talaga!” aniko. Naramdaman kong hinawakan ako sa kamay ni donna at isinara niya ang kamay naming dalawa.
Bumuntong hininga ito bago magsalita.“Kaya naman pala hindi ka makalabas. So bakit ka nakalabas ngayon ano ginawa mo?huwag mong sabihing tumakas ka...–” aniya. Napatigil ito sa pagsasalita dahil nagsalita ako bigla.
“Hindi gano'n sis eh. May nangyari kasi but nevermind forget it na lang siguro” sabi ko. Nag-focus na lang ako sa pagtitig sa karaoke.
Nakita kong tapos ng kantahin ni Anna ang kantang kinakanta niya kanina pa. Si Shaina naman ang susunod na kakanta. Siya kasi ang next na kakanta doon sa numero ng kanta na dinial niya.
Nakita kong isang kanta na lang ang natitira na naka dial sa karaoke. Siguro si Donna kakanta nito. Habang kumakanta si Shaina biglang nagsalita si Donna na ikinabigla ko.
“Sis... siguro naman deserve ko din malaman kong ano iyang nangyari right?” si Donna na pinipilit akong sabihin ang nangyari.
Everytime na mag babanggit ako ng nangyari sa'kin tapos hindi ko tinuloy ganon ang ginagawa ni Donna. Nagkukulit at pumipilit na sabihin ko ang nangyari. Kapag pinipilit na niya ako na sabihin ang nangyari is hindi ko mapigilan na sabihin.
Mga ilang oras ang nakalipas hindi na tumanong tanong si Donna. Nagsimula naman akong tumagay pero sinasabihan nila ako na huwag uminom. Nag matigas ako at uminom ng alak na nakalatag sa mesa.
“Sis! Ano ba? Huwag mo nga akong pigilan, Iinom ako kung kailan ko gusto!” pagmamatigas kong sambit. Nakahawak pa din si donna sa braso ko ng madiin. Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat na bigla kong tinotoo ang sinabi kong iinom ako.
“ Ang tigas naman ng ulo mo sis! magagalit ang mommy mo kapag nakita kang lasing pag uwi mo” sabi ni donna na sinisigawan ako. Nakita kong nakatingin sa akin si Shaina kaya tiningnan ko ito mata sa mata. Subalit bigla itong umiwas ng tingin at nagtingin sa pakikipagusap kay Anna.
“Donna, huwag mo sabi akong pigilan! I can control myself okay?” sabi ko. Bumitaw sa pagkakahawak si Donna sa akin ng mahigpit. Bigla itong pumiglas sa pagkakahawak para madiretso ko sa bibig ko ang alak na hawak ko.
Humawak ulit si Donna sa braso ko para pigilan na naman ang pag-inom ko at bigla itong nagsalita.“ Wait lang sis, sure ka ba talaga na iinom ka?nakakagulat ka kasi” wika niya na biglang napabitaw ng hawak sa makinis kong braso. Napabitaw ito dahil tinanggal ko iyon gamit ang kamay ko para pumiglas.
Tutulo na sana ang alak na hawak ko sa dila ko ng biglang nagsalita si Shaina.“ Oo nga nakakagulat at nakakapanibago ka yesha. Di ka naman kasi umiinom” sabat ni Shaina. Walang takot na tumitig ito sa mga mata ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng titigan ko ito pabalik. Hindi ba siya natatakot sa akin. Nakakainis itong babae na ito ha. Sumasabat sa amin ni Donna. Atsaka ang angas nakikipag feeling close ulit sa akin matapos ang ginawa niya.
“Oh tapos? pake mo! atsaka huwag ka ngang feeling close riyan sa'kin hindi ko pa nakakalimutan ginawa mo!” aniko sa matalas na titig. Hindi ko ito nilubayan ng titig hanggang sa biglang nagsalita si Donna.
“Hey Yesha, tama na iyan okay? and also can you forget about that? Iyong ginawa ni Shaina sayo, matagal na iyon diba so kalimutan mo na lang” aniya. Nagsalubong muna ako ng titig kay Shaina bago ako umiwas ng tingin. Magsasalita na sana ako ng biglang inilapit ni Donna ang kaniyang bibig.
Nagulat ang mukha ko. Bumulong si Donna ng mariin at pinakinggan ko iyon ng malawak. Bago pa man ito bumulong ay naunahan ko itong magsalita ng pahina.
“Donna, pwede bang sa banyo na lang natin yan pagusapan, naiihi na ako” sabi ko na nakapilipit ang dalawang hita ko.
Nagmadali kaming pumunta sa comfort room at tumakbo ako. Sa likod ko naman si Donna pabilis ng pabilis ang lakad niya. Nagulat ako ng bigla itong magsalita. Sa oras na ito, sa mata ko makikita mo ang pagkatakot. Kaya ng nakadinig ako mula sa labas ng kaluskos ng paa agad akong nagmadali. Ng madinig ko ang boses ni Donna agad nawala ang takot ko.
“Sis, kanina ang ibubulong ko sana sayo is about Shaina, she apologize to you through letter's on her fault” sabi ni Donna na agad nabuhayan ang diwa ko. Binuksan ko ang pintuan sa loob ng banyo at nagsalita.
“letters?so you mean that she make it for me? i mean she make to apologize?and wow dinaan niya pa sa letter's, pede namang personal niya akong kausapin” sabi ko sa pataas na boses. Humawak sa balikat ko si Donna at mariing hinaplos. Bumuntong hininga ito bago magsalita.
“Hay nako sis, pataposin mo muna kasi ako. Let me explain okay?so ganito hindi siya makalapit sayo kasi syempre galit ka pa, diba? it's obvious naman” aniya sa mahinahong boses. Ng inaayos ko ang zipper ko, panay salita naman si Donna. Bumuntong hininga ako bago magsalita.
“Tara na sis..” aniko ng hawakan ang braso ko ni Donna. Inignore ko ang sinabi ni Donna tungkol kay Shaina. Alam kong hindi ito titigil hangga't hindi nalalaman kong anong side ko. Kahit na iignore ko iyong tanong na iyon babalikan niya pa rin iyon banggitin sa akin.
Hinampas ni Donna ang braso ko at nagsambit. “Sis naman, iyan ka na naman okay lang iyan darating din ang araw na malalaman ng mama mo iyon, and then about naman kay Shaina siguro naman tatanggapin mo na iyong paghihingi niya ng tawad” aniya. Tumango lang ako ng tumitig sa kaniya. Matapos kung sabihin kay Donna ang tungkol sa kung bakit ako nakalabas ng bahay at kung anong nangyari. Nakita ko sa mata at kilos ni Donna na parang galit ito sa kuya ko.
Naramdaman kong humawak si Donna sa braso ko at hinahaplos iyon ng madiin. Dahil sa hindi ako tinantanan ni Donna kakatanong hindi ko napigilang sabihin. Pakalabas namin sa comfort room nakita namin si Shaina at Anna nakahawak ang kamay at gumagalaw ng sabay ang katawan habang hawak ang mikropono.
Ipagpapatuloy.....