SI ETHAN AT DONNA
NASISIYAHAN sina Shaina at Anna ang pag-kanta na dinagdagan ng pag-wagayway ng katawan ng pa-kaliwa't kanan. Mayroon silang tig-iisang mikropono na hawak at nagduduet ng kanta. Sa kabilang banda naman kami ni Donna na nanggaling sa comfort room at naglalakad papalapit kina Shaina at Anna. Umupo agad kaming dalawa ng makalapit sa sofa.
Kinuha ko agad ang tagayan at ininom iyon ng walang alinlangan. Ng tapos na kumanta si Shaina agad akong nagsalita. Ng akmang magsasalita na sana ako ng biglang hindi sinasadyang magsabay kami ng sambit ng salitang "sorry". Sabay-sabay na lang kaming naghalakhak ng malakas. Bumuntong hininga muna kaming lahat bago magsalita.
"Para tayong baliw jusko,kulang na lang dalhin tayo sa mental" saad ni Anna. Tumawa ulit kami at ako naman ang nagsalita.
"Ikaw lang, huwag mo kaming idamay Ann" pabiro kong sambit. Habang naghahalakhakan nakita ko si Shaina na hinahampas ang balikat ni Donna habang tumatawa.
"Shai, required ba talaga manghampas pagtatawa" aniko sa pabirong sabi. Nakita kong ngumiti si Shaina. "Ayos ka lang ba diyan sis?Mukhang nanghihina kana diyan ha! sa mga hampas ni Shai" tawa ko. Ngumiti silang lahat ng nakatitig sa akin. Magsasalita na sana si Donna ng bigla ko itong inunahan. Tinakpan ng hinalalaki ko ang labi ni Donna at nagsalita.
"Ops sandali sis huwag ka magsalita baka bumaho, hindi biro lang sige na go!" aniko. Humampas si Donna ng malakas sa braso ko ngunit hinayaan ko na lamang iyon.
"Grabe ka! Nag toothbrush ako noh! Siya nga pala, ngayon na ayos na kayong dalawa siguro naman hindi na mauulit yung galitan nakakailang kasi" sabi ni Donna na nagpatahimik sa aming tatlo. Para kaming pinagalitan ng ina sa sobrang tahimik. Tumitig ng malambot si Shaina at gumanti ng sambit.
"Okay Don hindi na mauulit, By the way Yesh? Don't worry di ko na uulitin iyon" wika ni Shaina. Nagkatitigan kami at biglang gumalaw ang kamay at paa namin para yumakap sa isa't isa. Habang nakayakap bumulong sa akin si Shaina at paulit-ulit binabanggit ang sorry.
Sunod namang nagsalita si Donna. "Hindi pwedeng kayo lang noh! Syempre kasali kami. Okay! Group hug mga sis" saad ni Donna na ikinatuwa ko. Nakangiti ang mga labi namin habang nagyayakapan.
Ng matapos magyakapan, nagpatuloy kami sa pagiinom ng alak. Bagama't hindi ako naawat ni Donna kanina sa pagpupumilit kong uminom. Kaya tuluyan na akong nakainom ng alak at walang alam ang mommy at kuya ko na uminom na ako. Wala namang nagawa sina Donna kung di hayaan na lang ako.
Uminom ako ng uminom hanggang sa malapit na akong malasing. Nakita ko sina Donna na namumula, tila palasing na din. Biglang inilatag ni Donna ang tagayan sa harap ko kaya napalingon ako. Bumuntong hininga ako bago magsalita.
"Ambilis ha! Ako agad?Okay." reklamo ko sa pabirong sambit. Nabaling ang tingin nila sa'king lahat dahil sa sinabing kong iyon. Humalakhak sila ng sabay bago magsalita si Shaina.
Habang nagkukuwento si Shaina mas nangingibabaw iyon kaba ko just in case na malasing ako. Kapag nakauwi na ako tapos maabutan ko sina Kuya at Mommy sa bahay siguradong makakatanggap na naman ako ng rap mula kay mommy. Natigil sandali ang kabang nararamdaman ko ng biglang ipaalala ni Shaina ang birthday ko.
"Wait Sis! May nakalimutan ka yatang sabihin sa amin?" sabi ni Shaina na ikinaisip ko kung ano bang sinasabi nito.
"Nakalimutan? Ang alin Shai?"sabi ni Donna at Anna na ikinataka rin nila. Ano kayang sinasabi nito na nakalimutan ko.
"Aba, I think ako lang ang nakaalala ha! Well iyon lang namang about sa birthday mo next month remember?" aniya na nagpaalala sa akin. Mabuti na lang naalala ni Shaina at ipinaalala niya din sa amin.
"Ah, Oo nga pala I'm sorry sa sobrang dami ng problema ko pati birthday ko nakalimutan ko" sabi ko. Tumingin silang lahat sa akin habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Inilapit ni Shaina ang kaniyang gilid ng katawan at idinikit iyon sa gilid ng katawan ko. Na para bang tumabi siya sa akin at humaplos sa braso ko.
"It's okay Sis i understand you naman. Buti na lang pinaalala ko sayo and also sainyong lahat" sabi ni Shaina. Magsasalita na sana si Anna ng biglang unahan ni Donna.
"Sorry Yesh, nakalimutan ko kung kailan birthday mo. To be honest, last month ko lang iyon naalala tapos ayon sa sobrang daming nangyari nakalimutan ko. Pero buti na lang pinaalala mo Shai, Alam mo kung hindi mo iyon pinaalala tapos baka next month malalaman na lang natin na tapos na birthday nitong Birthday Girl natin. Sigurado ako todo tampo ito." sabi ni Donna sa mahabang salaysay.
Ng maunahan si Anna kanina ni Donna kaya pakatapos ni Donna sunod naman itong nagsalita.
"Todo banggit kayo ng birthday ni Yesha, Ang tanong imbitado ba tayo?" sabi ni Anna na ikinangiti ko ng patago. Nagisip muna ako ng mga ilang segundo at nagsalita.
"Sorry mga Sis ha. No offend hindi kayo imbitado" sabi ko. Nagpipigil ako ng tawa habang pinagmamasdan ko silang tatlo.
"Ganon?So bakit hindi?" sa malungkot na sambit ni Donna.
"Hayaan mo na Don, siguro galit pa iyan sa akin kaya hindi tayo imbitado or maybe sakin lang so ang tanong pwede naman na ako lang ang hindi imbitado tapos idadamay mo sina Donna!" sabi ni Shaina na nagpipigil ng galit. Siya kasi iyong tipo ng tao na kapag galit sa kaniya ang isang tao ay dapat sa kaniya lang ibuhos ang galit at huwag ng mandamay pa. Lalo na sa mga mahal niya sa buhay.
Nakakatawa silang tatlo lalo na si Shaina. Una sa lahat alam kong ganito magiging reaksyon niya kaya siguro sasabihin ko na joke lang.
"Chill lang Shai, Joke lang iyon" sabi ko na ngumiti ng bigla.
"Joke?" sabi nilang tatlo ng sabay.
"Ano ba kayo? Syempre imbitado kayong tatlo. Sa katunayan kayo iyong importanteng bisita ko doon. Kayo pa ba syempre mga bestie ko kayo!" sabi ko na nagpakalma sa kanilang tatlo.
Bumuntong hininga silang tatlo bago magsalita si Donna. "Iyon naman pala, oh! Ikaw talaga Sis mahilig ka sa ganiyan. Nalungkot kaming tatlo sayo" sabi ni Donna na humawak sa kamay ko ng mariin.
Ng matapos tumagay ni Shaina siya naman ang sunod na nagsalita. "Oo nga huwag ka mag-prank ng ganon Yesh. Ayan tuloy nasigawan kita" si Shaina na humawak din sa kaliwang kamay ko at madiin niya iyong hinaplos.
"It's okay mga Sis. Sa una pa lang alam kong ganito magiging reaksyon niyong tatlo" aniko. Nagulat kami kay Anna ng bigla itong nagsalita na tila ba'y nakaisip ng magandang sasabihin.
"Wait sis, In your debut i have a something gift for you and Im sure matutuwa ka. I can't wait sis" si Anna na tuwang tuwa. Alam niyo iyong parang sabik na sabik makatikim ng Shanghai sa birthday party. Tapos ita-take out lahat ng tirang Shanghai.
Unang pumiglas si Donna sa pagkakahawak sa kamay ko. Sumunod naman si Shaina bago pa makapagsalita si Donna.
"Ay grabe naman yan Anna, Atat yarn makatikim ng mamahaling new wine at Lumpiang Shanghai?" sabi ni Donna na ikinahalakhak naming tatlo. Paborito kasi ni Anna ang mga mamahaling wine na never niya pang natikman. Itong taong ito ang goal niya makatikim ng iba't ibang klase ng wine.
"Biro lang Ann, ako din excited na ako sa birthday mo. And I have a special gift for you in your debut. I think it's surprise" dagdag pa nito.
Natuwa ako bigla at parang lumambot ang puso ko ng marinig ko iyon galing kay Donna. Nagsalita naman si Shaina pakatapos ni Donna.
"What if isang big gift na lang ang iregalo natin. And sa big gift na iyon tayong tatlo ang gagastos nun. What do you think Don at Ann?" sabi ni Shaina na ikinangiti nila Donna. Ngunit hindi sumang-ayon si Donna at Anna.
"Hindi na iyan, isa isa na lang tayong reregalo kay Yesha" sabi ni Donna na napatingin kay Shaina at tinaas ang kilay. Mukhang pinapahiwatig ni Donna na huwag ng kumontra sa sinabi nito.
Sumabat naman ako sa usapan nila. " Huwag na kayong mag-abala pa, Ayos na sakin na magkakasama tayo" pagtanggi ko.
Biglang kumunot ang noo nilang tatlo ng sabihin ko iyon. "Iyan ka na naman sis, tatanggihan mo na naman. Huwag ganon sis atsaka hayaan mo kaming magregalo sayo" sabi ni Anna na kakatapos pa lang tumagay.
"Kaya nga sis hayaan mo kami" dagdag ni Donna. Everytime na tatanggi ako magkukunot ang noo nilang tatlo. Wala naman akong magagawa desisyon nila iyon.
"Sige, kayo bahala. Atsaka kung excited kayo ako mas excited super duper!" sabi ko at tinaas ang kamay ko.
Sa paguusap namin hindi ko namalayan na lasing na pala ako. Ngunit bakit hindi ko naramdaman na lasing na ako. Ngayon ko lang naramdaman na iba na iyong paningin ko. For the first time, ngayon ko lang naranasan ang ganito na malasing. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ni mommy pag nalaman niyang uminom ako.
Sa kaba ko kanina napalitan iyon ng saya dahil sa mga sinabi ng kaibigan ko about sa birthday ko. Sa totoo lang sa tuwing nagkakasama kami nawawala problema ko.
𝑻𝒚𝒓𝒐𝒏 𝒑𝒐𝒊𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒗𝒊𝒆𝒘.
Hindi ko nakumbinsi ang kapatid ko na huwag akong isumbong kay Mom sa ginawa ko. Kahit anong harang ko sa kaniya patuloy niya pa rin akong tinataboy at sinisigawan. Nakita ko sa mata niya na hindi ako nito kayang isumbong. If ever man na makasumbong ito sigurado akong lagot ako.
Ng nangalay ako kakahintay lumabas ni Yesha kanina sa kwarto ni mom, umalis na lang ako at bumalik sa kwarto ko. Ang matinding kaba ko ay itinulog ko na lang sa kwarto ko.
Nasa lababo ako ngayon at pakaliwang brinubrush ang ngipin ko gamit ang toothbrush ko. Napahaba siguro ang tulog ko kaya ganoon na lamang ang paglalaway ko. Nilagay ko ang toothbrush ko sa lagayan ng sabunan sa gilid ng gripo. Ng lumapit ako sa hapag kainan nakarinig ako ng kaluskos ng paa na para bang palabas ito ng pinto. Pakatanaw ko si Mommy ang nakita ko. Nakasuot ito ng fit dress na halos bakat ang buong katawan. Heels na mas lalong bumagay kay Mommy.
Ngunit nagtataka ako sa ganitong oras aalis siya tapos bihis na bihis pa. May hinala akong may pupuntahan siyang date. Huwag naman sana magkatotoo ang hinala ko. Pag nagkataon para na rin niyang kinalimutan si Daddy.
Kahit nasa amerika si Daddy, hindi pa rin nawawala pagmamahal niya sa kaniya. Tapos si Mommy, Nevermind na lang. Siguro nga mali lang ako ng hinala.
Dalawang taon na rin ang nakakalipas simula noong umalis si Daddy at Kuya Dave. Lungkot at paninibago ang iniwan ni Dad kay Yesha. Simula kasi noon nagbago ng ugali ang kapatid ko. Ultimong si Mom parang nakalimutan niya na si Dad.
Hindi ko nga din alam kong bakit sinama ni Dad si Kuya Dave. Basta ang naalala ko noon sabi ni Yesha, importante daw ang kuya sa problemang nangyayari sa kompanya namin sa amerika. Dagdag pa niya uuwi daw sila ng pasurprisa. At dahil doon napaisip tuloy ako. Baka sa birthday ni Yesha sa susunod na buwan dadating sila. Hindi ko alam kung tama ang kutob ko.
Naalala ko ang huling komunikasyon namin kay Dad ay noong nag video call through messenger. Hindi ko inaasahan na iyon na pala ang huling pag-uusap namin ni Dad.
Pagdating naman kay Yesha, sobrang nalungkot siya habang hinahatid nila sina Dad sa airport. Sobrang close talaga nila as in. Iyong perfect mag-ama bondings ganon sila ka-sweet. Kaya ayon umiyak ng todo si Yesha ng umalis si Dad. Si Kuya Dave naman ang sweet niya maging panganay and napaka responsible. Everytime na wala si Dad at Mom, inaasikaso niya kami.
Minsan nagiging malambing din kami sa isa't isa sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball. Kapag naglalaro, nagkakatuwaan kami ng Kuya ko. Everytime na lalaro kami ang saya ko. Iyon iyong time na nagiging sweet lang kami sa isa't isa.
In Yesha naman, maki-ama talaga siya kaya ganon na lang ka-close silang dalawa. Kumbaga mas kampante siya na si Dad kasama niya. Sa pagalis ni Dad, naalis din iyong dating Yesha na nakilala ko.
Ng makaapak ang dalawang paa ni Mom sa pinto at mariing humakbang palabas ng pinto. Agad ko namang tinapos ang kinakain kong sinangag at tatlong tocino. Tinapos ko agad iyo dahil para makalabas ako at para ring makapaglaro ako sa computer shop.
Sa computer shop na iyon mostly nandoon ang mga kaibigan ko. Baka sakali kasing pumunta din doon si Ethan. Kung hindi niyo natatanong si Ethan ay bestfriend ko. Since elementary magkaklase kami hanggang sa mag-high school at college. Palagi kaming magkasama halos araw araw. Ngunit mayroon ding pagkakataon na hindi ko kasama si Ethan. Mayaman si Ethan. Ang tatay niya ay isang mayor dito sa lugar namin. Ang nanay niya naman may ari ng pangalawa sa pinakasikat na company dito sa pilipinas.
Sa paglabas ko hanggang sa makarating sa computer shop natanaw ko mula sa malayo na papasok din si Ethan sa parehas na computer shop. Nilapitan ko agad ito. Niyakap ko at tinapik ng mahina sa likod. Nagsalita ako pakatapos.
"Bro, musta na? Long time no see ha" sabi ko habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa si Ethan. Namasdan ko ang kaliwang kamay niya na may nakasabit na
nilagyan ng semento ang kaniyang kamay palibot.
"Ito bali ang kaliwang braso" sabi ni Ethan habang hawak ng kanang kamay ang kaliwang braso niya. Tinitigan ko muna ang braso niya bago magsalita.
"Kaya pala, but i think worth it naman ang pinaghirapan mo, nanalo ka ata" sabi ko ng tinitigan ko sa mata si Ethan. Nakita ko ang pagkalungkot at panghihinayang niya sa mata.
"Hindi bro, iyan nga ang pinanghihinayang ko. Nasayang iyong isang buwang pag-eensayo ko para lang sa laban na iyon tapos natalo lang ako” sabi ni Ethan. Hinawakan ko ang balikat niya at hinaplos ko para pagaanin ang loob niya.
“Ayos lang iyan bro, ganiyan talaga sa laro. That's part of the game bro. Natatalo at nanalo, at saka swertehan lang yan. It depends to your talent, magtiwala ka sa kakayahan mo kahit na natalo ka. Kaya bro, huwag ka panghinaan ng loob. Maybe next time gawin muna iyong best mo kumbaga bumawi ka at alamin mo iyong weaknesses mo. Once you know your weaknesses, try to make it strong. Parang iyong kahinaan mo gawin mong malakas in the way of practices” payo ko. Natanaw ko na ang ngiti sa labi niya na mas ikinatuwa ko na rin.
Ethan is the man who downing himself. He always thinking negative vibes everytime I feel it, sinusubukan kong pagaanin at payuhan na huwag siyang mag-isip ng negative vibes dahil makakasama iyon. Just thinking positive vibes and forget the problem through hobbies.
“Sige bro, try ko. By the way thank you for your advices. Kung wala iyang mga advices mo, siguro palagi kong iisipin na mahina ako eveytime na matatalo” sabi ni Ethan ng nakangiti.
“That's nice to hear coming from you. Napansin ko kanina ang lungkot mo kaya pinagaan ko loob mo” sabi ko sa malambing na titig. Siya naman ang nagtanong sa'kin tungkol sa kung anong nangyari sa laban namin last month.
“Kaya nga im so thankful to have you bro. By the way, ano pala nangyari sa laban ninyo last month? Sorry pala if sa half time umuwi na ako kasi naman may practice pa ako noon” sabi ni Ethan sa naiinis na mukha.
“ Ayos lang. Naiintindihan naman kita. I know na importante ang practice na iyon para sayo” sabi ko at hinaplos sa balikat si Ethan ng mariin.
“Siya nga pala. Pakaalis ko noon iyong kalaban lamang ng bente puntos. Ano pala sunod na nangyari noon?Nahabol niyo ba ang kalamangan na iyon?” sabi ni Ethan na nag-aabang ng sasabihin ko.
“Dont worry bro nahabol namin iyon at saka worth it iyong pag-alis mo dahil nanalo kami at nag-champion” sa pa-surprisang banggit ko.
“Hala, that's nice bro. Belated congratulations. Pasensya na, super late na iyong greetings ko. So ano ikaw ba iyong most valuable player?” sabi ni Ethan na tuwang tuwa sa sinabi ko. Nalungkot lang ako sa part na tinanong ako kung ako ba ang naging MVP sa'min. Honestly, hindi ako naging MVP.
“Hindi nga bro eh. Ang galing nung point guard namin. Hindi ko talaga kayang lagpasan ang galing at abilidad niya” sabi ko sa hindi mai-pinta na mukha. “But, hindi ako susuko. Malalagpasan ko siya at ako ang magiging MVP next year” dagdag ko sa masayang mukha.
“Ganiyan ang Tyron na kilala ko, hinding hindi susuko hangga't hindi nakakamit ang hangarin. Bro, after niyo ba mag-champion wala na kayong practice?” sabi ni Ethan habang nag-titingin sa palagid.
“Wala muna. Nag-announce kasi si coach na mag-rest muna kami. Malamang kailangan din namin mag-pahinga. Almost five to seven months kaming naglugmok sa kaka-practice at kaka-laban. Kaya ito boring wala magawa” sabi ko sa nakangising labi.
“Tama yan. Same din naman tayo rest ko din ngayon, syempre nagka-injury ako” sa nakangiting labi. “Teka bro, bakit ka pala naparito? Huwag mong sabihing na-miss mo din maglaro dito?” sabi ni Ethan.
“P-parang ganon na nga. Boring kasi sa bahay palaging wala si Mom kaya kami lang ng kapatid ko ang natitira” ani ko sa naka-simangot na mukha.
“Okay. Kaya pala. Hayaan muna, baka madami lang inaasikaso ang Mommy mo” si Ethan. Bigla siyang umakbay sa'kin at lumakad papasok sa computer shop.
“Nambibigla ka naman bro. Sige tara, laro tayo na-miss ko iyong perfect duo natin” saad ko sa nakangising labi. Umakbay din ako kay Ethan kaya ang itsura para kaming bata.
Pumiglas lang kami ng pagaakbay ng makatungtong kami sa tapat ng binabayaran kung ilang oras ang gusto mo. May account na din kami, dahil dati na kaming naglalaro dito. Nagsalita bigla si Ethan at tinanong ang college student na babaeng bantay doon kung may natira pa bang oras noong last na laro namin dito.
Ipagpapatuloy........