Saan kana ba Jia?
"Excuse me,may nakita ka bang babaeng matangkad medyo slim,mestisa at maganda?mga 5'5" ang height.
"Iyong kasama nyo po last day sir na pinsan ninyo?
"Oo,siya nga.
"Parang papunta ng park yata 'yon sir,baka nasa park lang namamasyal.
"Sige ,salamat!
Agad akong tumakbo dito sa park ng nalaman kong nandito si Jia bigla akong kinabahan,inilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit wala akong Jia na nakikita.May napansin akong mama na kakaiba kung kumilos.Hindi ko nalang siya pinansin at inikot ko ang park sabay tingin sa mga nakahelerang upuan sa paligid,sa tabi ng puno.
Gusto ko na bumalik sa hotel,paano ako makalabas dito sa tinatagu-an ko.Kailangan ko ng bumalik ng Maynila pagkakuha ko ng gamit sa hotel.Nakakahiya naman sa girlfriend ni Erros kung makita pa ako doon.Bakit kaya pinapahanap ako ni daddy at nasabi ni mang Carlo na ipapatay ako ni daddy baka nagkamali lang s'ya ng rinig.Ako ipapatay ng sarili kong ama?oo alam kung galit siya sa akin pero yong ipapatay ako hindi niya magagawa iyon.Kailangan ko ng puntahan si dad.Agad kong sinilip ang paligid,kailangan makalabas na ako dito at kahit hindi ko na muna maiuwe ang gamit ko.Tumakbo ako ng mabilis papuntang terminal at sasakay ng bus doon.Baba nalang ako sa pinag iwanan namin ng kotse ko.Ngunit wala ata akong ligtas ngayon dahil hinahabol ako ng lalaking sumusunod sa akin.
"Miss tumigil ka,kung ayaw mong barilin kita!
"Tulong!tulungan n'yo po ako!
"Walang makarinig sa'yo dito.Nagkamali ka ng tinakbuhan!
"Ano ba ang kailangan mo sa akin ha?
"Kung pera wala po ako nun,mahirap lang ako, nagtatrabaho para may makain!
"Hindi ako ang may kailangan sayo,inutusan lang ako ng ama mo.
"Si dad?
"Ano ba kailangan niya sa akin,sa siyam na taon never niya akong hinanap at ngayon nag utos pa talaga na kidnappin ako?
"Uuwe ako sa kanya kahit hindi mo na ako kidnapin!
"Sumama ka nalang sa akin miss.
"No,sabihin mo sa ama ko,uuwe ako bukas sa kanya!
"Bitiwan mo sya!
"Erros,Erros bakit ka nandito?Baka madamay ka,umalis kana!
"Hinahabol kita,bakit ka niya hinahawakan?
"Hoy mr.'wag kang mangi- alam dito,away namin ito ng babaeng ito.May atraso siya sa akin kaya iuwe ko na s'ya!
"Erros sige na,salamat sa lahat.Kailangan ko ng umuwe para makausap ang ama ko.Ikaw naman,bitiwan mo ako!hindi tayo close para hawakan mo ako sa braso!
"Jia are you sure okay ka lang?
"Yeah,bye Erros thank you sa time.
Bakit parang may kakaiba kay Jia,hindi ako bumalik ng hotel sinusundan ko sila ng lalaki.Parang may kakaibang kilos ito.Sino ka ba talaga Jia?Gusto ko tuloy na makilala ka pa ng lubusan.
"Saan ba ang hide-out nyo ng ama ko at bakit ang liblib naman ng lugar na ito!
"Wag kang mag- alala miss mamaya hindi na liblib ang dadaanan mo,umiwas lang tayo sa mataong lugar,mahirap na takbuhan mo nanaman ako.
"O ito hindi na liblib,maglakad ka lang at kakanan na tayo malapit na sa hide out ng daddy mo.
"Manong may alam ka ba sa gusto mangyari ng daddy?Hindi ba niya nabanggit sayo na patayin ako?
"Ikaw!papatayin ng ama mo?May pag uusapan lang daw kayo,matagal ka na niyang hinahanap dahil busy s'ya ako ang inutusan niya.
"Mabuti naman dahil galit na galit ang daddy sa akin ang paglayas ko sa mansyon at ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng mommy.
"Hindi siya galit,basta mag usap lang daw kayo,nandito na tayo.Pasok kana baka nandyan na s'ya sa loob.
Kinakabahan ako,agad kong binuksan ang pinto.Parang opisina ito na may computer table at swivel chair sa gilid.Sa gitna naman mayroong sofa at tv sa dingding.Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Mabuti at nagkita din tayo muli anak ko.
"Dad? Dad i'm sorry.
"Gusto ko lang linawin sayo Jia na nakipagkita ako sa'yo ngayon para papirmahan sa'yo itong mga papeles.
"Dad bakit pa,di ba pinapaubaya ko na lahat ang iniwan ng mommy sa'yo?
"Oo at masaya ako sa ginawa mo,pero sa pangalan mo kasi lahat ito e,gusto ko sa akin nakapangalan 'wag ka mag- alala iha pipirma ka lang naman ng mga documents na ito at malaya kang mamuhay kung saan mo gusto.
"Bakit gusto mo maangkin lahat dad!dahil ba sa babae mo?Akala ko gusto mo akong makita dahil namiss mo ako.
"Miss?paano ko mamimiss ang batang suwail at pasaway na naglalayas?Ang dahilan kung bakit namatay ang mahal kong babae sa mundo!Sign it now at pareho na tayong walang paki -alam sa isa't isa.
"No dad,nagbago na ang isip ko hindi ko pipirmahan iyan!Iniwan 'yan ni mom sa akin dahil may dahilan s'ya.Diba walang binigay si mom sayo dahil alam niyang sa masama lang mapunta iyan?
"Aba'y bastos kang bata ka ha,matapang kana?
"Oo mula nang umalis ako sa mansyon ko!
"Hindi mo ako ma hindi-an Jia.Gaya ka din ng ina mong uto-uto!
"What do you mean?
"Alam mo Jia,pumirma ka nalang kong ayaw mong sumunod sa ina mo!
"Dad?
"Oo ako ang bumundol sa ina mo at ikaw ang sinisi ko para mabaling sayo lahat ng galit!Diba mga tita at tito mo galit sa'yo?Kaya wala ka man lang kamag anak sa oras nang pangangailangan mo!
"Walang hiya ka,anong klase kang ama!Pinatay mo ang asawa mo na ina ko!
"Correction my dear daughter kuno!Hindi kita anak,ang ama mo ay pinatay ko na din at ako ang nagpanggap na siya.Dahil inggit na inggit ako sa ama mo!
"Nasa kanya na ang lahat,pati attention ng magulang niya na nagpalaki sa akin ay puro sa kanya.Ako pamangkin lang ng ama niya na naghahangad din ng atensyon at ituring na parang anak man lang.Pero hindi e,puro Alejandro,Alejandro ang bukambibig nila!pati sa babae ako ang unang nanligaw kay Alexa pero si Alejandro ang pinili at naging sila.Ako, ano ako?Ako ang pinakaawa- awang nilalang sa mundo!
"Tama lang sayo 'yon dahil salbahe ka!mamamatay tao!
"Sabihin mo na ang lahat na sabihin mo,total susunod ka na din sa magulang mo!Hindi naman sana kita papatayin eh kung sumunod ka lang agad sa kagustuhan ko.Kaso alam mo na eh,alam ko na kung sino ako!
"Mapatay mo man ako ngayon,hindi ko iyan pipirmahan!patayin mo nalang ako kesa mapunta sa'yo yang mga company naming pinaghirapan ng lolo ko na siyang pinalago ng mommy ko!Kaya pala ang layo ng loob ko sa'yo.Bata pa lang ako alam kong ang daddy ko talaga ang nag -aalaga sa akin noon at nang 5 years old ako nagtaka akong parang iba na ang pinapakita niya sa akin dahil ikaw na pala iyon?Ang sama mo!ang sama sama mo!
"Sshh,enough iha may sekreto pa akong sasabihin sayo baka ito ang magpabago ng isip mo.Buhay pa naman talaga ang ama mo at hawak ko s'ya ngayon,hindi naman sya natuluyan noong binaril ko s'ya e.Pero, pwede ko na siyang tuluyan ngayon kung ayaw mo pang pirmahan ito!
"Hindi niloloko mo lang ako.Ayaw kong pirmahan 'yan.
"Talagang matigas ka ha..
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisnge ko.Hindi ko iyon ininda umiyak lang ako ng umiyak hanggang bumunot na siya ng baril at itinutok ito sa akin.Hindi ako natakot mas gusto ko nalang mamatay dahil wala na ring silbi ang buhay ko.Nagpakatapang ako mag isa,namuhay mag isa dahil alam kong darating ang araw na maging ok kami ng ama ko.Pero sa nalaman ko na pinatay na niya pala ang mga magulang ko nawalan na ako ng gana.
"Sige iputok nyo na,hindi ako natatakot!
"Talagang matigas ang ulo mo!Jonas,itali mo siya ng mahigpit babalikan ko s'ya bukas.Kailangan ko makabalik ngayon ng Maynila dahil may aasikasuhin pa ako doon bukas ng umaga.Bantayan mo ng maigi iyan at 'wag mo pakakainin!Ang tigas ng ulo,tingnan lang natin kung sino ang mamatay sa gutom,pati tubig wag mong bibigyan!
"Yes boss!
Pagkaalis ng kinilala kong ama ay pumikit nalang ako at nagdasal alam kong katapusan ko na bukas.Pero gusto kong makatakas para makalayo sa lugar na ito Sinubukan kong kausapin si manong alam kong mabit siya at napasubo lang.
"Manong Jordan please pakawalan nyo na ako dito,alam kong may mabuti kang puso.
"Miss ayaw kong ako ang pagbalingan ni Boss Jackson,kilala ko siya at pagsinabi niya gagawin niya.
"Maattempt nyo po ba na patayin niya ako?Manong pinatay niya ang magulang ko,tulungan mo ako para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng daddy at mommy ko.
"Hindi pa patay ang daddy mo,totoo ang sinasabi niya kanina na buhay pa si Sir Alejandro.
"At hawak niya ito?
"Hindi...hindi niya hawak ang ama mong totoo.Nagtatago pa ito sa kanya.
"Paano mo nalaman na totoo ang sinasabi niya?
"Pinsan ako ni Jackson,siya ang nagpapagamot sa anak kong may cancer kaya pumapayag ako sa lahat ng gusto niyang iutos.
"Pero manong hindi ka ba nakonsensya na ang pinapagamot mo sa anak mo ay galing sa masama?
"No choice na ako Jia,ang hirap ng kalagayan ko din...
"Ako ang sasagot ng gastusin ng anak mo manong,makawala lang ako dito.Ako talaga ang may karapatan sa negosyo at ari -arian hindi ang impostor mong pinsan.
"Pakakawalan kita pero paano ang anak ko,pwede ako magtago at paano siya?
"Kukuha ako ng private doctor at nurse na mag alaga sa kanya at ilipat siya sa bahay ko.Kayo munang mag- ama doon sa condo na tinutuluyan ko at pupunta punta nalang ang doctor doon.Saka nurse na magbabantay sa anak mo.Manong kailangan ko nang kumilos para mahanap ang ama ko.
"Sige Jia aasahan ko iyang sinasabi mo.
"Salamat manong,ito ang address ko sa Quezon city,dalhin mo na ang anak mo doon at may kokontakin akong doctor at nurse na kaibigan ko.Salamat manong tatanawin ko na malaking utang na loob ito sayo.
"Salamat din sayo Jia,mag ingat ka at tutulungan din kita mahanap ang ama mo.
Agad akong umalis sa lugar na hide-out ni Jackson at pumunta na sa terminal ng bus.Kailangan ko mahanap si daddy Alejandro.Bahala na kung saan ko siya hanapin,magbabayad ang Jackson na iyon sa pagpatay sa mommy ko.
Hindi ko na nahanap si Jia at ang taong nagdala sa kanya,anu kaya ang nangyayari kay Jia ngayon?Tatawag ba ako ng pulis para i report ito?Hindi ko din alam ang cellphone no.ni Jia,ang tanga mo Erros bakit hindi mo na hininge at ito ka walang magawa.Tama subukan kong maghanap iikotin ko ang buong Bagiuo bago ako umuwe ng Manila.Kailangan ko mahanap si Jia at tanungin kong ano ba ang atraso niya sa taong humuli sa kanya..