"Mommy~~~~~"
"Jia gising,gising!Sorry nasigawan kita..binabangungot ka!
Nagulat ako ng bigla nalang niya akong niyakap habang umiiyak.
"Sshh...panaginip lang 'yon,matulog kana ulit!
"Napanaginipan ko ulit si mommy yong..yong aksidente..
"Aksidente?Ito uminom ka muna ng tubig..
"Salamat,no'ng grade 5 kasi ako nabundol si mom ng sasakyan at ako ang sinisisi ni daddy sa nangyari sa kanya.
"Bakit ikaw ang sinisisi?
"Tumawid kasi ako noon upang bumili ng pagkain sa tapat ng School at hindi ko naman alam na sumunod sa 'kin si mom biglang takbo daw ito dahil nag- alala na tumawid akong mag isa,saktong may kotseng nakabundol sa kanya at tinakbuhan lang siya.Hanggang ngayon hindi pa nagbayad ang nakabundol kay mom.Hindi pa s'ya nabigyan ng hustisya.Iyak kong kwrnto sa lalaki.Hindi ko alam bakit nagkwento ako dito.Subrang sikip na kasi sa dibdib ko.
"Sshh...stop crying na,malay mo mahahanap at magbabayad din yong gumawa noon sa mommy mo.
"Hindi ako pinapatulog ng maayos pakiramdam ko kasalanan ko lahat!.
"Bata kapa noon at hindi mo alam kaya huwag mo na isipin 'yon.Kung nandito lang mom mo malulungkot siya dahil nagkakaganyan ka.
"Salamat Erros,salamat at nandito ka.Ngayon lang may nagsabi sa akin nyan,walang taong dumadamay sa akin tuwing maalala ko si mommy.
Niyakap ko ng mahigpit si Erros,alam kong nagulat din s'ya.Bumalik na akong humiga dahil alauna pa lang nang madaling araw.Humiga na din si Erros na parang may iniisip..
Hindi ko maintindihan ang sarili ko,bakit bigla akong naasiwa ng yakapin ako ni Jia,parang kung anong may bultahe ng kuryenteng dumikit sa akin.Hindi ko pa ito naramdaman kahit kay Yvone,hindi..hindi pwede ito,ikakasal kana Erros!..Pinikit ko nalang ang aking mga mata ngunit hindi ako makatulog,tinitigan ko si Jia at mukhang tulog na ito.Ang ganda niya,ang sarap niyang titigan.Pero makikita sa mukha niyang malungkot s'ya.
"Good morning Jia,gising kana din..
"Kanina kapa ba gising?
"Yep,tara jogging tayo..
"Sure,gusto ko 'yan.Pasinsya kana sa akin kanina naistorbo ko tulog mo.
"Ok lang,saka nakatulong ako sa pag gaan ng kung ano mayroon sa loob mo.
Umikot kami sa quadrangle ng hotel,akyat baba sa mataas na hagdan at nakarating ng rooftop,don nagpahinga kami saglit upang langhapin ang simoy ng masarap na hangin.Naging masaya sa akin ang araw na ito dahil masayang kasama si Jia,makwento ito at nakakawala ng problema.Ilang oras pa ng napagkasunduan naming bumaba na at mag almusal pagkatapos ikutin namin ang magagandang tanawin dito sa Bagiuo.Hindi s'ya nakakasawang kasama at mahilig pa kumain,hindi naman mataba.
"Erros halika,tulungan mo naman ako mamitas nitong mga strawberry,nakaupo ka lang d'yan e..
"Mainit na pumasok kana dito sa kotse..
"Minsan lang naman ito,kaya mamitas nalang tayo..Bahala ka,'wag ka huminge sa akin mamaya ha.
Nagulat ako ng may lilim ng payong..Pinapayungan na pala ako ng gentleman na ito...
"Ayaw kitang umitim baka sisihin mo pa ako.
"Hindi ako takot umitim,natural lang kutis ko,kahit ibilad mo ako ng isang linggo sa initan,mamula lang ako at babalik din.
" Di Ikaw na ang mestisa..Tumawa nalang ako sa kanya.
"Tara na madami na akong nakuha,hati tayo dito para may iuwe ka sa nobya mo.
Pero bakit bigla yata akong nasaktan sa sinabi kong 'yon,hay naku Jia ano ba ang iniisip mo...Sumakay na kami ng kotse niya para makabalik na ng hotel.Ang dami naming pinag usapan na masasaya.Pagdating ng hotel ay nagulat kami pareho nang may babaeng yumakap nalang bigla sa kanya...
"Hi honey!oh bakit nagugulat ka yata.?
."Akala ko kasi nasa Palawan ka pa!
"Umuwe na ako at dahil namiss kita,pumunta agad ako dito.
"Si..sino s'ya?
"Ka....i..Pi..pinsan ko.
"Hindi ko yata alam na may pinsan ka almost 3 years nating relasyon ngayon ko lang nalaman na may iba pa kayong kamag anak.Sabi nito na nakataas ang isang kilay.
"Hi, i'm Jia..
"Honey let's go gusto kong magpahinga napagod ako sa byahe..Sabi agad nito at hindi man lang nakuhang nginiti-an ako.
"Si...sige Erros papahinga-in mo muna s'ya.Mag iikot lang muna ako.
"Magmeryenda muna tayong tatlo.
sagot ni Erros sa akin..
"Kayo nalang muna busog pa ako,busog kakain ng strawberry.Maiwan ko muna kayo ha.
Bakit kaya nakaramdam ako ng sakit..Jia tumigil ka nga 2 days lang kayo nagkasama sa hotel piling mo naman may relasyon kayo ng tao..Naisipan kong pumunta sa park mag-isa na naglalakad nadaanan namin iyon kanina malapit lang dito sa hotel.Hindi ko man lang napansin na may sumusunod pala sa aking lalaki at malaki ang katawan nito na akala mo mangangain ng tao ang mukha .Binilisan ko ang paglakad pero mukhang binilisan din nito ang lakad niya.Pagdating ko sa park ay nakihalu- bilo ako sa maraming bata na may kasamang magulang.Tumingin ako sa paligid,para akong sira nang nakita ko ang tao na sumusunod sa akin.Nakisiksik ako sa may drum para hindi niya ako makita."
"Miss are you allright?
"Ha..e o..ok lang po ako ate..
"Bakit ka nagtatago d'yan?
"Wala tinatagu- an ko lang mga tropa ko baka saan nanaman ako dadalhing inuman!
"Ganun ba,akala ko may humahabol sa'yo.Maiwan na kita dito ha.
"Ok po,salamat..Gusto ko sana humingi ng tulong kaso natatakot naman ako baka lalo lang ako mahanap ng lalaki.Nakita kong may kausap ito sa cellphone kaya agad akong lumipat ng mapagtagu-an..
"Yes sir,nakita ko s'ya kanina dito,biglaang nawala e!
"Gong gong hanapin mo,kailangan maunahan ko ang ama niya sa pagkuha sa kanya!.
"Hanapin ko boss at doon ko nalang siya dalhin sa sinabi mong resthouse dito sa Bagiuo.
"Bilisan mo pagkuha sa kanya dahil may duda akong andyan din si Carlo para kunin siya.Walang hiya 'yon mas kampi pala kay Alejandro.Tiwalang tiwala pa naman ako sa kanya!
"Boss hanapin ko na ang babae.
"Sige,'wag kang tumigil hangga't hindi mo s'ya makuha!
"Yvone dapat sinabi mo na pupunta ka dito.
"Gusto nga kitang sorpresahin e.May sorpresa bang ipapaalam?Halika dito tabihan mo ako,namiss talaga kita e.
"May aasikasuhin pa ako sa baba,alam mo namang hindi bakasyon ang pinunta ko dito kundi trabaho diba?
"Trabaho daw,tapos may kasamang babae.
"Pinsan ko nga s'ya nagkita lang kami dito.
"Oo na, akala ko pinagpalit mo na ako agad e.
"Pinagpalit ka dyan,alam mo namang mahal na mahal kita diba?
"Gusto ko lang makasigurado Erros,malapit na ang kasal natin.Patay ka kay auntie mo kung aatras ka pa!
"Maiwan muna kita may aasikasuhin lang ako sa baba.Magpahinga ka lang muna.
"Hindi na uuwe na ako ng Manila,wala rin ang pagpunta ko dito,masyado kang busy.Pinuntahan lang kita to make sure na nandito ka nga sa hotel ninyo,may dinner kasi mamaya sa bahay darating tito ko galing states kaya kailangan nasa bahay ako.
"Ihahatid na kita sa paraking lot.Mag-ingat ka sa byahe mo.
Nagulat ako ng hinalikan ako ni Yvone sa labi,wala akong nagawa kaya gumanti sa halik niya.Maalab at halatang namiss ako ng girlfriend ko.Agad naman itong bumitaw at nagpaalam na..Bigla ko naalala si Jia,hinanap ko siya dito sa hotel ngunit hindi ko s'ya mahanap....Kaya naisipan kong lumabas pagka-alis ni Yvone.Hindi ko maintindihan ang narardaman ko sa babaeng nakasama ko ngayon.