"Good morning Auntie Anelia.
"Erros iho natawagan mo na ba ang kapatid mo sa U.S?
"Opo auntie,hindi sinasagot mukhang nagtatampo parin.
"Hayaan mo na at uuwe din iyon.Sa hotel pala balita ko darating si mr.Kang para sa conferrence.Iho this is your chance para makuha natin siya at maging shareholder natin.
"I'll try my best auntie.
"Gawin mo ang makakaya mo iho dahil siya lang ang makatulong sa atin para makapagpatayo tayo ng hotel sa china.
"Ok auntie,magtiwala lang kayo sa akin..
"Ikaw talaga,may tiwala naman ako sayo iho,Si Yvone ba natawagan mo?alam mo iyang fiancee mo lagi nalang nag a out of town.Kahit yang magulang niya ay hindi siya mapigilan, palibahasa nasa politiko ang ama!
"Auntie matagal pa naman ang kasal namin saka nag eenjoy lang yong tao.Maging busy na din siya pagna ikasal na kami.
"Ah basta pagsabihan mo si Yvone,engaged na kayo baka mamaya ano pa ang mabalitaan natin.
"Ok auntie,aalis na po ako.Ang daming trabaho sa hotel.
Si auntie talaga araw-araw nalang kaya hindi ako tumatagal sa bahay..Sakay ng BMW niya si Erros sa araw-araw na ikot ng buhay niya ay opisina,bahay sa nobya lang ito nakatutok.
"Hello honey nasa office kana ba?
"No Yvone,on the way pa lang.
"Ingat ka hon,malapit na din ako umuwe.
"Pagkatapos mo d'yan sa U.S saan nanaman target mo?
"Sa France pero uuwe muna ako dyan to visit you.
"Ikaw talaga wala ka nang time sa akin,sige ka.
"Huwag kana magtampo promise babawi ako.
"Promise mo 'yan ha.Aasahan ko 'yan!.
"Opo mr.Sandoval.Kaya i'll promise pag-uwe ko d'yan,humanda ka sa akin!
"Ayan ka nanaman sa humanda na iyan eh..Sige na,mag ingat ka d'yan ha.Bye!
Nangangako na naman s'ya as if naman kung matupad niya.Sa mga pangako mong nasa 100 na ata dalawa pa lang ang natupad.
"Shit....hoy magpakamatay ka ba?pabigla bigla ka nalang tumatawid e!
"Sorry po sir,hindi ko po napansin,ang bilis nyo din magpatakbo e!
"At kasalanan ko pa ganun?
"Sir,Sorry ok!ano pa ba gagawin ko luluhod!maiwan na po kita super duper late na po ang magandang binibini!
"Ganun lang 'yon?Basta ka nalang aalis?
"Sorry na nga diba,tssk..ano ba gusto mo,ako na nga ang muntikan mong mabangga eh.!
Sabay tingin ko sa wristwatch ko..pati pala ako late na.Ngayon lang ako na late ha.
"Muntikan pa ako makabangga.Agad kong binilisan ang pagmaneho dahil ma late na talaga ako sa usapan namin ng ka meeting ko.Nakita ko pang lakad takbo nag babae papunta sa mataas na building..Napailing na lang ako sa mukha nito kanina habang kausap ko,maganda ito at napaka amo na akala mo ay hindi marunong magalit..
"Good morning sir Erros."Good morning,where's my schedule today Chan?.."Sir wala naman gaano meeting lang with our new client.Ang may ari ng J.A cosmetics.
"Ow!is that Don Jackson?
"Yes sir..mamayang 9 pa naman po kaya pwede nyo muna gawin ang dapat nyong gawin dito sa office.
"Kaasar!"Naka kotse lang akala mo kung sino na!
"Hoy! Jia Alexandra kakarating mo lang dito sa office nakabusangot na yang mukha mo!
"Alam mo kasi Francine kanina muntikan na ako.
"Muntikan nang?
"Masagasaan!may mayabang na lalake akala mo may ari ng kalsada ang bilis magpatakbo!
"Mabuti hindi ka natuluyan,naku wala na sana akong magandang kaibigan ngayon.
"Gaga,mabuti kamo naipreno niya!
"Gwapo ba girl?
"Panget mukhang matandang halk!
"Hahaha,ikaw talaga.Nagbreakfast kana?
"Hindi pa,tara na nga kain muna tayo."
Sa tatlong taon ko dito sa public servant ng gobyerno ngayon lang ako naka encounter ng supladong tao,nakaka hiblood!
"Ikaw naman Jia hindi ka pa nasanay sa araw-araw makakaharap talaga tayo ng mga taong hindi kaaya aya ang ugali.
"Tayong mga turism alam kong madaming nakakilala sa atin,hindi lang isang tao kundi buong ka Maynilaan..
"Ka maynilaan talaga?Government employee tayo maraming bilib sa atin ano!
"Jia may gagawin tayong exhibit ikaw daw maghanap ng magandang lugar para sa ating mga bisita.
"Ako,bakit ako?"Kasi noong nakaraang taong successful na ikaw din ang lider.
."Si sir Manuel talaga.
"Oo na mamaya sa meeting ko sasabihin ang idea ko!
----
"Ethan talagang naglayas ka sa inyo?
"Yvone tanggap ko naman na na kayo ni kuya ang magkatuluyan.
"Sure ka ba na wala ka ng galit dyan sa dibdib mo?
"Mahal kita Yvone pero may respito ako kay kuya.Saka makahanap din ako ng babaeng para sa akin,salamat sa pagbisita.May art exhibit ako sa Pilipinas sa darating na linggo.Sana makapunta ka.
"Sige yayain ko ang kuya mo para makita namin.
"Sige maraming salamat.
"Kailan uwe mo ng Pilipinas?
"Baka bukas magpe paint pa ako ng mga kulang e.About sa turismo ng ating bansa ang iguguhit ko.
"Wow ha,ang galing mo naman talaga may mga exhibit kana!
"Sino ba ang Magna c*m laude?
"Di ikaw na.Ang yabang mo parin.
"Slight lang.
Nagtawanan naman ang dalawang magkaibigan..Magkaklase sa art ang dalawa,Ethan and Yvone..Hanggang niligawan ni Ethan ang babae ngunit binasted ng isa dahil ang kuya ang gusto ng babae.
"Sir Erros kumusta ang meeting?Nakuha mo ba ang J.A cosmetics?
"Hindi pa dahil hindi pala si Don Jackson ang namamahala pa dito.
"Sino?
"Sa anak niyang matagal nang nawala.Babalik din siya agad sa France para asikasuhin ang unang branch nila doon.
"Bakit hindi pa niya nahanap ang anak niya?
"Hindi bata pa lang daw ito nang iniwan siya.
"Kakalungkot ng story niya sa buhay.Mula daw kasi namatay ang asawa niya sa aksedente doon nagsimula ang hindi nila pagkaintindihan ng anak niya.Sinisisi daw kasi siya sa pagkamatay ng asawa niya kaya ito naglayas.
"May dahilan naman pala kaya lumayas ang anak niya.Ano po ang ibig sabihin ng J.A?
"Sa anak niya yan initial ng pangalan,ayaw naman niya sabihin.
"Naku,pahulaan pa at nawawala ang tunay na prinsesa!.
"Loko ka talaga Chan,umayos ayos ka nga.
"Opo sir.
Hindi ko alam bakit naging interesado ako sa J.A cosmetics.Dahil siguro sikat ang kumpanyang ito at laging dinudumog.Kaya kilanganin ko ito para mapasuccess pa ang business ko at mapabilib si auntie sa akin.
"Sir may tawag ka po si Miss Yvone.
"Hello Yvone!
"Honey dito na ako sa bahay,tumawag lang ako para sa gaganaping exhibit ni Ethan sa susunod na linggo.Punta tayo ha.
"Susubukan ko,daanan kita mamaya dyan sainyo,ok lang ba?
"Oo naman noh!may pasalubong din ako sayo hon.Wait nalang kita dito sa bahay ha.Bye!
"Mukhang may date ka po mamaya sir?
"Si Yvone kakarating galing U.S,maaga ako mag out mamaya paki ayos nalang ng schedule ko for tomorrow.
"Yes sir,bago ako umuwe inaayos ko po.
"Salamat!
Nag out na ako para makadaan kay Yvone,na miss ko din ang girlfriend ko.Sa isang taon yata thrice lang kami kung magkita kaya nakakamiss din ang isang ito.Dumaan muna ako sa bakeshop upang makabili ng cake na paborito niya.Hindi ko man lang namalayan na naiwan ko ang pitaka ko sa office sa pagmamadali.
"Sir 1,450 po lahat."Naku miss naiwan ko ang pitaka ko sa office!Ok lang ba na ibabalik ko nalang agad ang bayad?Suki mo naman na ako dito eh.
Nag-alinlangan naman ang babae sa akin kaya parang nag-iisip pa ito...
"Miss ito sa akin,pakisabay nalang din yang kay sir,ako na magbabayad.
"Naku,salamat miss ha,baka pwede tayo magkita dito bukas ulit babayaran kita or pahinge cp no.mo para matext kita kung saan ko ibigay ang bayad ko.
"Huwag na po,mukhang need nyo naman ang cake talaga pang pasalubong po?
"Oo sa girlfriend ko,salamat ng marami basta pag nag meet tayo babayaran kita.
"No problem po.Mauna na ako...
Pero parang namukhaan ko ang babaeng iyon,hindi ba't siya yong muntikan ko nang masagasaan kanina?hahaha,hindi niya ako natandaan.Nakalibre pa ako.Babayaran din kita miss soon alam kung magkita tayong muli.Mabait din naman pala at mukhang anghel kung nakatawa,pantay pantay ang mapuputing ngipin.Mabuti hindi niya ako naalala.Malalagot sana at wala akong mapasalubong kay Yvone..