"Wow,yong lalaking iyon!
"Maam may problema po?
"Ah wala kasi yong lalake na kakalabas lang hindi man lang ako natandaan.Nilibre ko na nga e!
"Magkakilala po pala kayo maam?
"Ah hindi,last time kasi muntikan nya na akong mabundol.Pero never mind,thank you miss.
"Thank you din maam,balik po kayo!
Agad akong sumakay sa kotse ko at naalala ko ang mukha ng lalaki.Gwapo ito at mukhang mayaman.Papasok na ako sa office ng hinarang ako ni mr.Sanchez ang manager namin.
"Jia yong about sa exhibit next week ha ikaw yong mag-aayos.
"No problem sir,inaayos ko na po para ready na.
"Hindi talaga ako nagkamali sayo.Sige maiwan na kita.
"Sus,lagi nalang siya akala mo naman sobrang galing.
"Ikaw naman Elaine,magaling naman talaga siya ah.Yearly naman siya ang nag aasikaso pag may gaganapin na exhibit.
"Try kaya nila ako noh,aba malaki din magagawa ko bigyan lang nila ako ng chance.
"E sa kanya may tiwala si sir e,saka subok na magaling siya.
"Tingnan lang natin kung siya parin ang kukunin sa susunod!
"Hoy,ano nanaman binabalak mo?
"Just watch and learn Xia."
"Saan po tayo Sir?
"Sa Dela Rosa Condominium po sa Makati.
"Ok po. ..Kagagaling ko lang ng France halos 2 years din akong nawala.Naayos ko na ang dapat ayusin at ok naman kami ni kuya.Tanggap ko naman na sila talaga ni Yvone kahit una akong nanligaw sa kanya,dahil kaklase ko si Yvone mula noong high School hanggang college..Wala e,mas gusto ni Yvone si kuya kaya mag paraya nalang ako sa kanilang dalawa.Umalis ako ng bansa para makalimot at ibinuhos sa pagpe painting.
Pagdating ng condo ay inakyat ko agad ang isang maleta kong dala para makapagpahinga.Naisipan kong pumunta sa bar mamaya para magliwaliw namiss ko ang tropa.Bukas na ako magpapakita kay kuya at auntie.
"Francine nakita mo ba ang listahan ko na kailanganin sa exhibit?
"Hindi,saan mo ba inilagay?
"Iniwan ko lang dito sa table kanina bago magbreak!.
"Naku Jia, next day na yon!hindi mo pa ba naayos lahat?
"Naayos ko naman na kaso may iba pa akong hindi nagagawa doon.
"Hanapin natin mahirap na,patay ka kay sir Manuel!
"Bakit narinig ko ang pangalan ko?
"Ah,am wala sir may hinahanap lang po kami.
"Jia ha please hindi basta bastang exhibit ito,mayaman lahat ang pupunta dito.
"Sir nagawa ko na man na lahat yong listahan ko lang po may kumuha sa table ko.
"Sino naman ang kumuha?Baka na replace mo lang.
"Hahanapin ko po,doon kasi nakalista lahat no'ng meeting.
"May time pa naman, may bukas pa tayo para pwede maghanda!
"Next time Jia ayaw ko na maulit ang ganito baka nganga tayo sa exhibit.Ayaw na ayaw ko sa lahat tatanga tanga!
"Sir grabe ka naman po!Tatanga-tanga agad?
"Nasa utak ko naman mga nakalista doon,kaya ko lang hinahanap kasi gamit ko 'yon!
"Gusto ko lang hindi tayo ngarag sa gagawin natin,dahil lagi tayong representative inaasahan nila tayo.At hindi ko sinabing tanga ka!
"I know naman po,maiwan ko na po muna kayo.
Ang sama ng loob ko ng dahil sa isang notebook ko.Sabihan ka ba naman ng tanga tanga...
"Oy Jia,bakit?
"Kayo pala Elaine at Xia.
"Kumusta?Ikaw nanaman ang center of attraction ngayon ah.Sikat ka nanaman,pero kanina parang pinagsabihan ka?
"Wala ka na doon,oras na malaman ko kung sino kumuha ng gamit ko sa table,ipapakulam ko kaagad.Excuse me!
"Hala Elaine return it na,bakit mo kasi kinuha?
"Natatakot ka naman,wala naman magawa iyon mahirap lang yon umaasa lang sa sahod niya.
"Pero mali iyang ginagawa mo,kailangan nila yan,department din natin mapapahiya.
"You shut up!
"Jia uwe na tayo.
"Mauna kana France may gagawin pa ako.
"Ang sipag mo naman magpahinga kana.Bukas maaga tayo kasi dami pang ihahanda.
"Mauna kana,tatapusin ko lang ito.
"Sige,ingat ka sa pag-uwi.
"Ingat din.
Alas singko na pala ako natapos,Mabuti nalang at nakagawa ako ng paraan.Palabas na ako ng building at agad na sumakay sa aking kotse.Naisipan ko muna na dumaan sa bar para uminom kahit konti.Umorder ako ng isang basong beer.Pagkaubos isa pa ulit at isa pa.Naisip ko yong mga malulungkot na alaala ko sa buhay.Hindi ko parin makalimutan ang ginawa sa akin ni daddy.Hindi ko naman sinasadya ang nangyari noon e,bakit ako ang sinisisi ng daddy.
Flash back~~~
Naglalakad ako palabas ng paaralan ngunit wala pa ang sundo ko,naisipan kong bumili ng makain muna.Sa edad na sampung taon ay hinahayaan na nila akong mag isa.Hindi gaya noong kinder to grade 4 ay may yaya pa akong kasama dito sa school.Agad akong tumawid para makabili ng burger sa Jolibee dahil kaharap lamang ito ng school na pinapasukan ko.Nang nasa harap na ako ng Jolibee ay siya namang sigaw ng mga tao na may nasagasaan.Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pero papalapit ako sa taong nasagasaan.Nag umpukan na ang mga tao pati ang ibang estudyante.Nagulat ako ng si mommy ang nakahandusay sa kalsada at wala man lang nagtangkang tumulong,umiiyak ako habang sumisigaw"Mommy!!!mommy no!please help me,help me please! dalhin natin si mommy sa hospital!!
End of Flashbach~~~~
Tinakbuhan si mommy ng nakabunggo sa kanya, kaya hanggang ngayon ay wala paring hustisya ang pagkamatay niya.Hindi ko matiis ang ama ko kaya umalis ako ng bahay pagkatapos ko ng high school.Ginamit ko ang savings na iniwan ni mommy sa akin para makapag aral ng kolihiyo at nakatira sa condo unit na mag-isa.Hinayaan ako ng daddy at hindi man lang hinanap.Hanggang ngayon,dahil galit siya sa akin.16 years old ako ng umalis sa mansyon at namuhay mag-isa.
"Alone?"Huh!"Sorry nagulat kita sa pagmumuni muni mo,by the way i'm Ethan Alexandrous Sandoval and you are?
"Alexandra Gonzalez.
"Nice name Alexandra Gonzalez.May problema ba?
"Ah wala just enjoying.
"Pwede ba sumabay sa pag eenjoy? "Sure,bakit naman hindi pero mauuna na ako sayo Ethan dahil bukas ay may pasok pa ako.
"Ah,workaholic,anong trabaho?
"Sa government civil ako,sa tourism.
"Ah,ok kakatakot ka pala baka mahuli akong nagmamaneho na walang license!
"Hahaha iyan lang ba ang mali mo,warningan lang kita at bukas na bukas kumuha kana ng lisensya!Sige Ethan mauna na ako,nice to meet you!
"Wait,bakit ka nagmamadali?
"Gabi na po,may pasok pa bukas.
Talagang iniwan ako ng babaeng iyon ah,takot ata sa lalake.Kakatuwa siya,makikita pa kaya kita?Malapit na nga ang exhibit kailangan ko din umuwe ng maaga dahil may aasikasuhin pa ako.Pupunta din ako kay auntie at kuya bukas.
"Erros bakit hindi pa tumatawag si Ethan?
"Auntie uuwe lang iyon,baka nasa condo na niya yon,alam mo naman ang lalaking iyon puro pa surprise.
"Hindi parin nagbabago iyong kapatid mo.Sana talagang hindi na siya galit sayo para maayos na ulit ang pagsasama ninyo!.
"Opo auntie nag usap na kami kaya wala ka ng dapat pang alalahanin.
Ang hindi ko lang sure kung may naramdaman pa ba siya o wala kay Yvone..Pumasok ako sa kwarto para makapagpahinga na.