Chapter 3

1238 Words
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng may kumatok sa kwarto ko dito sa bahay ni auntie.Balak ko sana pumunta ng hotel para doon magstay. "Kuya are you there!Can i come in? "Yes Ethan,sorry kakagising ko lang. "Mukhang pagod na pagod ka sa hotel ah. "Hindi naman medyo puyat lang,kumusta ang kapatid ko? mukhang madaming inaasikaso ah! "Oo bukas na ang exhibit kaya 'wag kayo mawala ni Yvone doon ha. "Oo naman saka malakihang events 'yan,magaling kasi ang paintor. "Hindi naman siya gaano kagaling,kasi kakasikat lang. "Ikaw talaga,kain na tayo. "Kuya ok lang ba kung itatanong ko sayo ito? "Anong tanong? "About sa kasal ninyo ni Yvone,malapit na kayong ikasal. "Oo nga e parang kailan lang naging kami. "Hindi naman naging kayo kuya,si Auntie lang ang nagpumilit dahil mas maganda na mauna ang kuya mag asawa kesa bunso.Naawa lang ako sayo dahil 30 kana wala ka parin girlfriend kaya nagpaubaya na ako.Hehehe,Joke! "Mahal mo pa ba s'ya Ethan? "Hindi na kuya,niligawan ko lang siya noon para sayo talaga."Palusot ko kau kuya... "Dumaan lang ako dito para ihatid ito,nabigay ko na din kay Auntie ang pasalubong niya.Hindi na ako magtatagal kasi maghahanda pa ako bukas. "Hindi kana maghapunan dito? "Hindi na,dadan pa ako sa kaklase ko at may ibibigay din.Kita-kits nalang bukas. Umalis na nga ang kapatid ko.Alam kong may tampo pa ito sa akin,sa amin ni auntie dahil lagi nalang daw ako ang pinapaburan ng tita namin.Dahil ako lagi ang sumusunod sa gusto ni auntie samatala siya ay suwail.Pero mabait 'yang kapatid ko at hindi kami mapaghiwalay noon.Matanda lang ako ng dalawang taon sa kanya.Bumaba ako at kumain,para makapagpahinga na ulit.Tinawagan ko si Yvone pero nakapatay ang cellphone nito. "Oh,Erros umalis na si Ethan? "Opo auntie,hindi ba nagpaalam sayo? "Hindi basta nalang inabot yong pasalubong niya at pumunta sayo. "Pagpasinsyahan nyo nalang ang kapatid ko auntie,alam mo naman na ang ugali nun. "Mana sa ama mo ang ugali niya,masyadong matampuhin at mapride.Kausapin mo kasi,saka ikaw ang kuya hindi pwede lagi siyang ganyan,parang laging galit sa atin. "Hindi naman natin siya masisi,auntie mahal niya si Yvone pero ako ang pinapaboran mo. "Erros mahal mo ba ang fiancee mo?sabihin mo na may oras ka pang iurong ang kasal. "Kung sabihin ko bang hindi,papayag ba ang side ng babae na iurong ang kasal? "Hindi,dahil ikaw ang mahal ng babae saka ikaw ang gusto ng magulang niya.Dahil wala daw pangarap ang kapatid mo.Ang pagpipinta ay hobby nya lang,paano niya mabubuhay ang magiging pamilya niya? "Auntie Ethan is my brother at may mamanahin din siya sa business na pinapatakbo ko. "Pero ayaw niya diba? "Auntie bata pa siya at syempre eenjoy muna niya ang freedom kung ano ang mayroon siya ngayon. "Hay naku,Erros sige na kausapin mo nalang siya.Magpapahinga na ako. Ganyan si auntie pag alam niyang hindi siya mananalo sa usapan ay tatalikod nalang.Mahal ko ang auntie ko dahil siya na ang tumayong magulang namin ang bunsong kapatid ni daddy.Kaya lahat ng gusto niya ay sinusunod ko dahil si Ethan ay kontra sa lahat ng gusto niya. Samantala,si Jia naman ay busy sa gaganaping events,nauna na ito sa lugar kung saan ang exhibit. Ang dami nang nakasabit na larawan at iba't-ibang nagpinta nito. "Hi,ikaw ba ang organizer ng events? "Hello po,yes po ako. "Ow...Alexandra Gonzalez..!Hi... "Hi,ikaw pala E...Ethan. "What a small world talaga at kakilala lang natin kagabi at ito nagkita nanaman tayo ulit.May ibig sabihin ito Jia. "A..ano ba ang pinagsasabi mo d'yan.Syrmpre magkita talaga tayo dahil dito ako nagtatrabaho at ikaw ay costumer ng lugar namin. "Hindi kaya destiny tayo? "Ha!,kakagulat ka naman.Destiny agad? "Joke lang,anu may nagustuhan kana na i present mamaya? "Halika ipapakita ko sayo ang obra ko. "Ito lahat ng may ETA na tatak ay akin.Maliit lang na letter sa baba kaya kapag pagmalabo mata mo hindi mo makita,'yan ay gawa ni Ethan Alexandrous Sandoval.Ganda ba? "Oo magaganda, talagang magaling ka ha. "Slight lang.Alam mo lalong gagalingan ko pa ngayon dahil i met my destiny na.Pwede ba kitang gagawing model to my next project? "Ha,bakit ako? "Ganda mo kasi. "Hala kakahiya,'wag po kayo magbiro ng ganyan Ethan baka maniwala ako sayo. "Maniwala ka na,kasi talagang pretty ka.May kamukha ka ngang artista e,sino nga ba..ah,si Jane De Leon!tama siya nga ang kamukha mo. "Kaanu ano mo siya? "Huh,Jane De Leon?yong napiling darna ng kapamilya? "Loko ka ang layo naman! "Oo nga malayo kasi kung maganda yon,mas maganda ka at matangkad. "Tama na nga 'yan baka maniwala pa ako sayo.Sabi nga nila may similarity kami pero sabi lang.Sige ha,busy pa ako salamat sa time Ethan. "Thank you din Jia at nakilala kita may kulay na ang buhay ko! "Loko! Ang dami ng tao ang dumating at tumingin sa obra ng mga paintor pero mas marami ang kay Ethan,ito ang naghakot ng tao at naging attraction dahil kuhang kuha nito ang sa turismong gawa.Pagkatapos ng speech ko at i present bawat detalye ng mag obra ay nagpalakpakan ang lahat.Dahilan para naging attraction din ang obra ni Ethan dahil sa sinabi ko na binigyan lahat ng kahulugan ang gawa niya. "Jia thank you at ang gawa ko ang napili mong ipresenta sa mga tao.At dahil dyan treat kita. "Naku 'wag na sinabi ko lang naman ang nasa puso ko at ang napili ko ay ang mga gawa mo." Pe...pero..parang pasalamat nalang! "Naku,huwag na,Mauna na ako ha,may trabaho pa kasi ako... "Wait lang miss diba ikaw yong nagbayad ng cake ko noong isang araw? "Hmmp..ah oo..bakit po? "Ibibigay ko lang yong bayad ko. "Its ok sir,nevermind.. "Pero sinabi ko sayo pagnagkita tayo ulit babayaran ko.Sorry din na muntikan na kita mabangga noong isang linggo. "Wala po 'yon,mauna na po ako." Nagmamadali na akong umalis dahil napansin kong lumalapit yong lalaking muntikan na akong mabunggo pero naabutan nya parin ako.Kaya nagmamadali ako habang kinakausap si Ethan.. "Kuya magkakilala kayo ni Alexandra? "Hmm...Alexandra pala pangalan n'ya? "So hindi mo pa siya kilala? "Hindi ko alam ang pangalan niya.Muntikan ko na kasi siyang mabunggo ng sasakyan last week at noong isang araw nagkita kami sa bakeshop at naiwan ko pitaka ko sa office then siya na nagbayad ng nabili ko.Ayaw naman niya tanggapin ang ibabayad ko. "Grabe ka kuya babae pa nag nanlibre sayo.Siya pa yong muntikan mamatay,siya pa nagbayad? "Hindi ko naman sinasadya 'yon,tumawid siya bigla e,malay ko ba.At yong sa cake nag offer siya kaya nagpasalamat nalang ako. "Kaya pala bigla siyang umalis,nakita ka niyang papalapit.Natakot sayo kuya.. "Aba'y loko ka ha,baka matakot lang sa kagwapuhan ko kaya dahil dyan,inom tayo mamaya ang matalo siya magbabayad! "Sure kuya hindi ko aayawan 'yan.Saan? "Sa condo mo na,matagal na akong hindi nakapunta doon e. "So,tara na paano si Yvone pala? "Hindi naman dumating sabi niya on the way na siya pero wala pa naman. "Paano pagdumating?Late na at tapos na ang events.Hindi na darating 'yon.. "Lagi ba s'ya ganyan kuya? "Medyo,pero iniintindi ko nalang. "Mahal mo na talaga siya kuya ."Bakit mo nasabi? "Dahil halata naman sayo e. "Paano kung sasabihin kong hindi parin,ano ang gagawin mo? "Aagawin ko siya sayo!Joke lang,baka isumpa na ako ng auntie mo.Saka may nakita na din naman ako mas maganda sa kanya at mukhang mabait. "Siya ba 'yong kanina? "Hi...hindi iba kuya. "Deny ka pa d'yan." Natutuwa din ako at may napupusu-an na ulit si Ethan,dahil iyon lang naman talaga ang hinihintay ko para wala na akong pag alinlangan na makasal kay Yvone,Matutunan ko din siyang mahalin.Alam kong tama si auntie sa pagpili ng babae para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD