Naramdaman kong tumama ang aking noo sa matigas ng bagay. Nadama ko rin ang pag-agos ng dugo sa aking noo. Nang tumingin ako kay Governor ay nakita kong wala itong malay. Peste! Buhay pa ba siya? Agad kong inilapit ang aking daliri sa lalaki upang alamin kung may pulso pa ito. Nakahinga ako ng maluwag dahil buhay pa si Governor, nawalan lang ng malay tao, dahil siguro sa malakas na pagkakahampas ng ulo. Ngunit sino na naman kayang umataki kay Governor? Dalawang beses na itong nangyari habang kasama ako. Sinong kalaban nito sa polika ang gusto itong ipapatay? Mga gago sila, ah! Hanggang sa kuhanin ko ang aking baril sapagkat narinig kong may papalapit. Agad kong ikinasa ang aking baril at naghintay sa aking kalaban. Nang sumilip ang taong nakasuot ng maskara ay gigil kong binaril ito sa u

