CHOCOLATE
Malapad akong napapangiti habang pinagmamasdan ko ang aking hitsura sa harap ng salamin. At pagkatapos matamis ulit akong ngumingiti dahil satisfied ako sa aking nakikita sa harap ng salamin.
“Hmmp . . . perfect!” bulalas ko sa aking sarili. Isang matamis na ngiti na naman ang aking pinapakawalan. Pagkatapos ay nagpaikot-ikot pa ako sa harap ng salamin. Natutuwa akong pinagmamasdan ang aking suot na mini skirt. Kahit hindi ito gusto ni inang dahil halos kita na nga raw ang kaluluwa ko sa aking suot. Hindi naman ito masyadong maiksi lampas tuhod nga lamang masyado lang oa ang inang ko. Pero wala siyang nagagawa dahil dito ako comfortable, sa ganitong suot ako nasasanay. At hello, ang kinis at mahaba kaya ang mga binti at biyas ko kahit na morena ang aking balat.
“Ang ganda mo talaga, Suzi Brettes,“ muli kong saad sa aking sarili na nasa salamin pagkatapos nag-flying kiss ako. I love my own ika nga. Pero hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko maganda naman talaga ako sa kabila ng pagiging morena mas hamak na maganda ako sa ibang mapuputi riyan.
At infairnes, hindi lang naman ako ang nagagandahan sa aking sarili maging ang mga guro at kaklase gandang-ganda sa akin. Puwera na lang sa ibang kaklase kong mga bitter at inggetera. Pero suki ako sa mga iba’t ibang beauty pageants sa aming school.
Miss Intramurals, Miss Queen of hearts, Campus queen at palaging stand queen of the night ako during JS prom ng aming school. At kung ano-anu pang beauty pageants sa aming barangay na aking sinasalihan at palaging maiuuwi ko ang korona. Kaya nga halos mapuno na itong dingding namin sa aking mga sash at mga trophy ang aming divider.
Ngunit hindi lang dahil gusto ko ang sumali sa mga beauty pageant. May iba pa akong gusto. Ginagawa ko ang lahat ng mga ito dahil sa iisang tao. Isang tao na noon pa man gustong-gusto kong mapansin niya ako. Alam kong masyado pa akong bata para maramdaman ito ngunit ano’ng magagawa ko? 15 years old pa lang ako noon ay pangarap ko na siya. . . Siya ang laman lagi ng aking panaginip. Siya lagi ang nagpapatibok ng aking puso at nagbibigay kulay sa aking mundo. Oa man sa iba ngunit para sa akin ’yan ang totoo.
“Haist. . . kailan ba talaga mangyayari ’yon?” tanong ko sa aking sarili. Sa totoo lang gusto ko na ring sumuko at sundin si inang natigilan ko na ang kabaliwan kong ito. Pero hindi, hindi ko gagawin ’yon, I’m sure malapit na, lalo na ngayon na at isang taon na lang maging legal age na ako. Malapit na ang ikalabing walo kong kaarawan.
Malakas akong napabuntong hininga at nakatulalang tumingin sa kisame nagsimula na naman akong nangangarap ng gising. Pero bago pa man lumalim ang aking pagde-day dreaming pinutol ko na ito kaagad. Ngunit bago pa ako humarap sa salamin nagpahid ako ng kaunting baby powder sa aking pisngi. Hindi na ako naglagay ng lip gloss dahil natural na pink at ngingintab na ang aking mga labi.
Pagkatapos nagmamadali akong lumabas ng bahay habang bitbit ko ang aking maliit na shoulder bag at masayang naglalakad. Excited na akong makita siya ulit. Sabado ngayon walang klase kaya heto papunta ako sa mansiyon ng mga Vizconde kung saan nagtatrabaho ang aking inang Celia. Kaya buong maghapon kong masisilayan ang gwapong mukha ni Sir Jaxon Vizconde. Ang lalaking aking kinakabalewan.
Ngunit napatigil ako sa aking paglalakad at nagmamadali akong bumalik sa bahay. May nakalimutan ako, tinakbo ko na dahil ayaw kong masayang ang kahit isang segundo na hindi ko masisilayan ang mukha ni sir Jaxon.
“Nasaan ka na ba?” nababalisa kong saad nang hindi ko makita ang aking hinahanap. Nagsimula ng uminit ang magkabilang sulok ng aking mga mata, halos inumaga na nga ako sa pagawa no'n. Hinalungkat ko ang mga gamit na nakapatong sa aking study table para lang makita ito. Hindi puwedeng mawala ’yon.
Pumasok ako sa loob ng aking silid at binuksan ang lumang aparador na aking gamit. Pinahid ko ang butil na luha sa aking pisngi nang makita ko ito. Ka agad kong dinampot at dinala sa aking labi at pinaghahalikan ko.
“Here you are! Pinapakaba mo pa ako, ha! Mapapatay ko talaga si Bilie kung pinakialam niya ito.” Si Bilie ay ang pusa namin na pakialamero kahit ano’ng makikita ngangatngatin nito. Kaagad kong ipinasok sa aking dalang shoulder bag ang ginawa kong card para kay Jaxon at sinisugurado ko rin na naisilid ko na ang chocolates na binili ko pa sa seven evelen store. Medyo may kamahalan ito ngunit wala akong pakialam basta maibigay ko ito sa kanya. Halos hindi na nga lumabas tuwing recess para mapag-ipunan ko at maibili ang chocolate na ’to. Mabuti na lang maraming nanlilibre sa akin kaya kahit hindi ako naglalabas ng pera nabubusog ako.
Napahigikgik ako ng maalala ko ang aking kalokohan. Marami kasing naawa sa akin kapag sinasabi kong wala akong baon na pera.
“Okay, everything alright! Let’s Suzi puntahan na natin ang iyong prince charming!” wika ko sa aking sarili at nagmamadali ng lumabas ng bahay sumakay na ako ng pedicab para makarating kaagad sa mansion ng mga Vizconde.
Hay, ewan ko sa ’yong babae ka! Pagdating talaga kay sir Jaxon hindi ka nanghihinayang sa pera!’ kastigo sa ibang bahagi ng aking isipan. Pero ano ang magagawa ko? Sadyang nagmamahal lang talaga ako. Gagawin ko lahat para mapansin lang kay Sir Jaxon. Siya lang ang gusto ko wala ng iba pa.
‘Ilang chocolates, cards at bulaklak na ba ang pinadala ko
sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi man lang nito inaalam kung sino ang nagbibigay sa kanya. Kaagad kong ipinilig ang aking ulo nang bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Ayaw kong mahaluan ng nega vibes ang magandang mood na ito kaya kailangan ipagpag ang mga negative energy na pumapasok sa aking katawan.
“Manong bayad po.” Inabot ko kaagad ang bayad kay manong driver nang makarating sa harapan ng gate ng mga Vizconde. Nagsimula nang kumabog ang aking dibdib af the same time excited kong masilayan ang gwapong mukha ni Jaxon.
“Hello, sir Jaxon! Here's I come!” sigaw ko sa aking utak. Kahit gusto kong ipagsigawan ay hindi puwede dahil secret lang ang pagsintang pururot na aking nararamdaman tanging pamilya ko lang ang nakakaalam.
Abot tainga ang aking ngiti sa isiping makikita ko na naman ulit ang lalaking nagpapabuhay ng aking dugo at kalamnan.
Pagpakapasok ko sa loob dumiritso na ako sa kusina. Naabotan ko si Inang Celia na naghahalo ng kanyang niluluto.
“O, Suzi mabuti nandito ka na at nang matulungan mo ako. Wala si Maria ngayon umuwi sa probinsiya. Ikaw muna ang makatuwang ko rito sa kusina,” salubong sa akin ni Inang. Napangiwi ako sa aking narinig. Sa porma kong ito! Baka mag-amoy ulam na ako kapag nandiyan si sir Jaxon. Ma-turn off pa sa akin.
“Inang naman, puwede bang huwag na lang ako rito sa kusina? Puwde akong maglilinis sa silid ni Jax ay este Sir Jaxon,” reklamo ko kay Inang.
“Ano ka ba! Alam mo naman may ibang nakatuka roon. Hanggang kusina lang tayo.” wika ni Inang habang patuloy sa paghahalo. Napanguso ako sa narinig. Nag-iisip ako ng paraan kung paano makakapuslit sa silid ni Jaxon at nang mailagay ko ang aking ginawang card at chocolates. Wala na akong nagagawa nang iabot ni Inang sa akin ang kutsilyo, karots at patatas.
“Yan balatan mo. Magluluto pa ako ng afritada. Baka mamaya babalik na sila Madam Enese at sir Jaxon.” Kaagad tumingkad ang aking tainga sa narinig.
“Bakit Inang wala po ba si sir Jaxon?” usisa ko.
“Wala! Mukhang may susunduin sa airport. Pero nagbilin na iyon sa akin na dito sila Kumain ng agahan. Kaya ikaw bilisan mo na riyan at nang matapos tayo.”
Napaisip ako sino ang susunduin nito sa airport? Pero natutuwa pa rin ako ibig sabihin malaya akong makapasok sa silid ni sir Jaxon.
“Inang sandali lang, ha. Hahanapin ko lang si Ate Kris. Namimiss ko na kasi siya. Limang araw rin hindi kami nagkikita. May ibibigay lang ako saglit,” palusot ko kay Inang. Si Ate Kris kasamahan ni Inang na sobrang napapalapit sa akin. May alam din pala ito sa paghanga ko kay Sir. Jaxon.
Minsan siya rin ang tumutulong sa akin para lihim kong mailagay ang mga binibigay ko kay Sir Jaxon.